Sunday , December 22 2024

Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Revolutionary gov’t ng pangulo labag sa batas (Unang Bahagi)

ANG banta ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na magtatayo siya ng isang “revolutionary government” para mapangalagaan ang kanyang administrasyon laban sa mga tinawag niyang “destabilizers” ay malinaw na labag sa 1987 Constitution dahil wala itong probisyon para sa pagtatatag nito. Nilagyan ng maraming proseso ang Saligang Batas para mapangalagaan ang pamahalaan o legal na mabago ang estruktura nito kung nanaisin …

Read More »

Prinsipyo’t hindi karahasan ang dapat magbuklod sa mga kapatiran

NAKALULUNGKOT na ang isang kapatiran o fraternity/sorority na dapat sanang tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga ibig maging kaanib nito ang kung minsan ay nagiging daan sa kanilang kapahamakan kundi man maagang kamatayan. Ang malungkot na katotohanang ito ay nabigyang buhay na naman nang masawi ang UST law student na si Horacio Castillo III sa isang initiation rites umano ng kapatirang …

Read More »

Nagpapalusot na

TILA nagpapalusot na ang administrasyong Duterte sa harap ng United Nations at grupong Human Rights Watch sa pagsasabing ayon sa depinisyon ng Extrajudicial Killing na ipinalabas ng nagdaang administrasyong Aquino ay walang EJK na nagaganap sa Filipinas. Dangan kasi ayon sa limitadong depinisyon ng Administrative Order 35 na pinirmahan ni dating justice department secretary at ngayo’y senadora na si Leila …

Read More »

Ingrato?

ISANG bintana sa niloloob ang ginawang panunumbat ni Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa na ingrato raw ang mga kritiko ng war on illegal drugs dahil nakikinabang din naman daw sila sa ibinubungang “peace and order” ng kanilang kampanya laban sa droga. Una, lumalabas na ibig pala ng hepe ng pambansang pulisya na tumanaw ng utang na loob …

Read More »

Pag-aaring publiko ang mga pinunong bayan

MAINIT ang pagtatalo ng mga miron kung tama ba o mali na hindi pansinin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginagawang imbestigasyon ng Tanggapan ng Ombudsman kaugnay sa umano ay kahina-hinalang ugat ng yaman ng kanyang pamilya. May nagsasabi na dahil “bias” ang imbestigasyon ng Ombudsman ay marapat lamang na hindi ito pansinin ni Duterte. Tama lang daw anila na huwag …

Read More »

Libelo

KAMAKAILAN ay sinampahan ng kasong libelo ni Senador Antonio Trillanes ang isang dating artista na ngayo’y nasa poder na matapos daw magkalat ng balita na may mga itinatago umano siyang lihim na bank account sa ibang bansa na naglalaman nang milyon-milyong piso. Hindi na pagtutuunan ng Usaping Bayan ang detalye ng kaso pero susubukin ng pitak na ito na ipaliwanag …

Read More »

Commission on Human Rights

LAHAT ng tao ay may karapatang mabuhay nang payapa at magkaroon ng katahimikan sa loob ng tahanan at pag-aari ng mga pribadong ari-arian. May karapatan siyang mabuhay na walang takot at makapagpasya nang malaya, makapagpahayag at lalong may karapatan siya laban sa pang-aabuso ng estado. Ngunit hindi lahat ng paglabag sa karapatan ng tao ay saklaw ng Commission on Human …

Read More »

Nasa sa atin kung tayo ay maniniwala at susunod pa (Ikatlo’t katapusang bahagi)

GANITO rin ang ginawa ni Marcos sa panahon ng kanyang diktadura upang masupil ang protesta laban sa kanyang rehimen. Ang tanging naiba lamang ay hindi madugo, pero epektibo rin ang kanyang pamamaraan dahil siya ay isang tunay na intelektuwal. Halimbawa, ginamit nang husto ni Marcos ang radyo, telebisyon at mga pahayagan upang maipalabas ang mga mapantakas na palatuntunan at propaganda …

Read More »

Nasa sa atin kung tayo ay maniniwala at susunod pa (Ikalawa sa tatlong bahagi)

Ipinagpalagay ni Duterte na kung rehabilitate at maipalilibing niya si Marcos sa LnB (isang kilos na walang nagtangkang gumawa sa mga dating pangulo ng bansa) nang walang kuskos-balungos, ay magagawa niya ang lahat ng kanyang gusto kung paano niya patatakbuhin ang pamahalaan na walang oposisyon. Pansinin na lahat ng hakbang ni Duterte mula nang maupo sa poder, kabilang ang paglulunsad …

Read More »

Nasa sa atin kung tayo ay maniniwala at susunod pa (Una sa tatlong bahagi)

SA ginawang pagbasura ng maka-Duterteng Commission on Appointments sa nominasyon ni Rafael “Ka Paeng” Mariano bilang kalihim ng Tanggapan ng Repormang Agraryo ay luminaw na walang agenda para sa reporma ang kasalukuyang administrasyon at hindi bukas sa pakikipag-alyansa sa ibang grupo mula sa tinatawag na political spectrum. Mukhang naisahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaliwa at natsubibo niya ang mga …

Read More »

Si Harvey at ang Pinoy

NAKARAAN na ang daluyong na si Harvey sa Texas, USA at nagsimula na ang pagbangon ng Houston, isa sa mga lungsod sa sobrang nasalanta ng bagyo at dito ay nasaksihan ng Usaping Bayan ang maganda at masamang kaugalian ng mga Filipino. Sa kabutihang palad ay walang naiulat na Filipino o di kaya’y Filipino-American na nasawi dahil kay Harvey bagamat marami …

Read More »

Ang daluyong na si Harvey

SALAMAT sa Diyos dahil sa kabila ng pananalasa ng Hurricane Harvey sa Houston, Texas ay walang kababayan natin ang naiulat na namatay bagamat marami sa kanila ang nadala sa mga evacuation centers matapos lumubog ang halos 80 porsiyento ng nasabing lungsod at mga katabing lugar. Ayon sa ulat ng mga awtoridad ay umabot sa 18 ang nasawi at tinatayang aabutin …

Read More »

Paunawa

Paunawa HINDI po matutunghayan ngayon ang kolum na USAPING BAYAN ng beteranong mamamahayag at ngayon ay alagad ng simbahan na si Rev. Nelson Flores, Ll.b., MSCK, dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha sa Houston, Texas. Nakikiisa po tayo sa panalangin na nawa’y pumayapa na ang panahon sa nasabing Estado ng Amerika para sa kaligtasan ng mga mamamayan na kinabibilangan …

Read More »

Korea

MARAMI ang sumisisi sa North Korea at sa lider nito na si Kim Jong-un bilang ugat ng krisis sa Korean peninsula ngayon. Subalit ang hindi napapansin ng karamihan ang katotohanan na ang tunay na ugat ng krisis ay sapilitang paghahati sa bansang ito ng United States at dating Unyong Sobyet (ngayon ay Russia) matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang pasya …

Read More »

Bloggers

KAMAKAILAN ay binigyan ng Social Media Practitioner Accreditation ng Malacañang ang mga social media bloggers para opisyal na makapag-cover ng mga malalaking kaganapan sa palasyo, lalo na ‘yung may kaugnayan kay Pangulong Rodrigo Duterte. Walang problema ang Usaping Bayan sa ginagawang pagpapahayag ng mga bloggers sa kanilang mga saloobin o paniniwala kahit ito ay hindi katanggap-tanggap basta inililinaw sa mga …

Read More »

Masakit na biro

ANG edukasyon ay napakahalaga sa ating mga Filipino kaya hindi kataka-taka na isinasanla ng mahihirap na magulang ang lahat, kasama na si Kalakian, upang matustusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak, lalo na ang mga papakolehiyo. Pero ang katotohanang ito ay halatang hindi binibigyang pansin ng mayayamang mambabatas at ultimo pangulo natin dahil kung gayon ay hindi sana naging batas …

Read More »

Hiroshima at Nagasaki

GINUNITA ngayong linggong ito sa bansang Hapon at ilang panig ng mundo ang ika-72 anibersaryo nang pagpapasabog ng bomba atomika sa Hiroshima at Nagasaki, Japan na libo-libong sibilyan at sundalong Hapones ang namatay. Sa kabila ng pagiging kontrobersiyal ng mga pangyayaring ito ay hindi maitatatwa na binago nito ang daloy ng kasaysayan. Iniluwal ng mga pangyayaring ito ang panahon ng …

Read More »

Trapik (Ikalawang Bahagi)

BUKOD sa kaugnayan ng ating mga “personal complex” sa “carmageddon” na ating dinaranas araw-araw, ang kasalukuyang sobrang bagal at nakabubugnot na trapiko ay bunga rin ng ilang dekadang kapabayaan at kawalan ng “foresight” ng mga nasa poder at kaakibat na pagbalewala ng taong bayan sa mga batas trapiko. Ang “carmageddon” ay parang isang sakit na matagal na nakatago at ngayon …

Read More »

Trapik (Unang Bahagi)

BAWAT araw na dumaraan ay lalong lumalala ang kalalagayan ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila. Madalas, lalo na kung katatapos lamang ng ulan, ay nagmimistulang malalaking “parking lot” ang mga kalye. Ang ilan sa resulta ng masamang daloy ng trapiko ay: malaking gastusin ng pamahalaan; pagkawala ng “quality o productive time” ng mga pamilya, manggagawa’t empleyado; mga …

Read More »

Altar ng Karahasan

MARAMING responsableng mamamayan ng ating Republika ang ngayon ay puno ng pangamba para sa mga kabataan sa kasalukuyan sapagkat ang tumatanim sa kanilang murang kaisipan ay isang kultura na naghahatid ng kamatayan, galit at kawalang galang sa mga institusyon bilang mga tugon sa mga usaping panlipunan. Araw-araw na ginawa ng Diyos ay ulat sa mga telebisyon, pahayagan, radyo at internet …

Read More »

SOMA

KAMAKAILAN ay inihatid sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA ngunit imbes iulat sa taongbayan ang kanyang mga nagawa sa loob ng isang taong pamamalagi sa poder ay mas pi-niling ilabas ng Pangulo ang kanyang saloobin kaya may palagay ang Usaping Bayan na mas dapat na tinawag na State of the …

Read More »

Ang nakaraan ang dahilan nang ngayon

MARAMING kritiko ang nagtataka kung bakit sa kabila nang laganap na patayan, kawalan nang konkretong accomplishment ng kasalukuyang administrasyon at pagiging nasa bingit natin sa diktadura ay nananatiling mataas ang rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga survey. May palagay ako na ang labis na pagkasuya ng mamamayan sa nagdaang administrasyon ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang dahilan …

Read More »

Huwag mag ilusyon

HINDI dapat mag-ilusyon ang taong bayan na mananatiling kritikal ang Philippine Daily Inquirer sa pamamahayag nito kaugnay sa mga kasalukuyang kaganapan ngayong mukhang mabibili na ni Ramon Ang, pangulo ng San Miguel Corporation at ika-16 sa pinakamayamang negosyante sa bansa, ang pamosong pahayagan mula sa pamilya Prieto. Tiyak na magkakaroon ng mga pagbabago sa pahayagan, lalo na at kilala si …

Read More »

Paalam na Philippine Daily Inquirer?

IBINENTA sa halagang umabot umano sa US$ 95 milyon ng pamilya Prieto ang Philippine Daily Inquirer kay Ramon Ang, pangulo ng San Miguel Corporation at ika-16 sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Ang bentahan ay ipinahayag sa publiko matapos maiulat kamakailan na pinag-iinitan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang negosyo ng pamilya Prieto, kabilang ang PDI, dahil sa pagiging malapit daw …

Read More »

Tama sa puntong ito si Pangulong Rodrigo Duterte

  MARAMING ginagawa si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi sinasang-ayunan ng Usaping Ba-yan subalit may palagay ang payak nating pitak na tama siya pagdating sa punto ng ating pa-kikipag-ugnayan sa Tsina. Kabi-kabila ngayon ang labas sa pahayagan, telebisyon at radyo ng mga komento kaugnay sa umano ay pagsuko natin sa Tsina tungkol sa usa-pin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine …

Read More »