Sunday , December 22 2024

Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Impeachment at Quo Warranto, isang paliwanag (Ikaapat bahagi)

MATAPOS natin maipakilala si Sereno ay aalamin ang isang pangyayari na sa palagay ng Usaping Bayan ay dapat malaman ng lahat. Hindi nag-inhibit sa deliberasyon ng Quo Warranto petition Bago nagkaroon ng deliberasyon at desisyon sa isyu ng Quo Warranto ay hiningi ni Sereno ang pag-inhibit o hindi pagsali sa usapin nina As­sociate Justices Diosdado Peralta, Teresita De Castro, Lucas …

Read More »

Impeachment at Quo Warranto, isang paliwanag

TINANGKA ng Usaping Bayan na bigyang linaw ang Impeachment nitong nagdaang Miyer­koles. Ngayon naman ay tatalakayin natin ang Quo Warranto para lalo nating maintindihan kung ano talaga ang nangyari at kung bakit marami ang naguluhan dito. Ang Quo Warranto ay isang proseso sa batas na nagbibigay kapangyarihan sa Solicitor General o kung sino mang prosecutor na magsasampa ng petisyon laban …

Read More »

Dura Lex, Sed Lex

“MALUPIT o hindi man kaaya-aya ang batas, ito ang batas.” Ito ang palagiang sinasabi sa amin noon ng aming mga propesor sa Kolehiyo ng Batas. Anila, ang matandang prinsipyong ito ang nagbibigay katatagan sa mga batas ng lipunan, nagbibigay patunay na pantay-pantay ang tingin ng batas sa lahat at nagbibigay katarungan sa pagpapatupad nito. Dagdag nila, ang prinsipyong ito ang …

Read More »

Wala nang sagabal

NGAYON na mukhang kontrolado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng sangay ng pamahalaan – ehekutibo, lehislatura at hudikatura – ay walang dahilan para manatiling bansot ang bansa sa ilalim ng kanyang pamamahala. ‘Ika nga, lahat ay nasa kanya na, kaya wala nang dahilan para magsabi pa siya na kulang pa ang kanyang kapangyarihan. Hindi na niya kailangan pa …

Read More »

Isang pagninilay sa kilos ng Korte Suprema laban kay CJ Sereno

UNA sa lahat ay ibig kong linawin na hindi ko kilala si dating Chief Justice Maria Lourdes PA Sereno at hindi ako natuwa nang siya ay i-appoint ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino Jr., bilang punong mahistrado ng Korte Suprema dahil napaka-junior pa niya para sa nasabing posisyon. Hindi tulad ng ilan kong kapatid mula sa Confraternitas Justitiae na nakatrabaho …

Read More »

Hindi na dapat maulit

ANG kahihiyan na inabot natin sa Kuwait ay hindi na dapat maulit. Dapat na nating itigil ang pagluluwas ng lakas paggawa sa mundo. Humanap na tayo ng ibang paraan kung paano mapatatakbo ang ekonomiya ng bansa na hindi umaasa sa remittances ng overseas Filipino workers (OFWs).  Dapat nang seryosohin ng pamahalaan ang pagtatayo ng mabibigat at magagaan na industriya at …

Read More »

Dalawang taon na ang Beyond Deadlines (Huling Bahagi)

UNA  sa  lahat ay hayaan ninyong ibahagi ng U­saping Bayan ang sulatin tungkol sa pandaigdigang web based news site na Beyond Deadlines. At dahil nga pandaigdigan ang website, sana’y mapagpasensiyahan na ninyo na ito ay naisulat sa wikang Inggles. Salamat sa pag-unawa.   Growth After clarifying Beyond Deadlines’ history, kindly allow me to report that according to Google AdSense, as …

Read More »

Dalawang taon na ang Beyond Deadlines (Unang Bahagi)

UNA sa lahat ay hayaan ninyong ibahagi ng Usa­ping Bayan ang sulatin tungkol sa pandaigdigang web based news site na Beyond Deadlines. At dahil nga pandaigdigan ang website ay sana’y mapagpasensiyahan na ninyo na ito ay naisulat sa wikang Inggles. Salamat sa pang-unawa.   The Beginning THE month of January marks the second anniversary of Beyond Deadlines for the idea …

Read More »

No sa Federalismo (Huling Bahagi)

UNA sa lahat, hayaan ninyong ibahagi ng Usa­ping Bayan ang isa sa mga unang sulatin ng inyong lingkod kaugnay sa panukalang pagkakaroon ng isang pederal na porma ng pamahalaan. Gayonman ay pagpaumanhinan ninyo na ito ay nakasulat sa wikang Ingles.   Not a simple matter Another thing to consider is that changing the system will mess up everything and could …

Read More »

No sa Federalismo (Ika-apat na Bahagi)

UNA sa lahat ay hayaan ninyong ibahagi ng Usa-ping Bayan ang isa sa mga unang sulatin ng inyong lingkod kaugnay sa panukalang pagkakaroon ng isang pederal na porma ng pamahalaan. Gayonman ay pagpaumanhinan ninyo na ito ay nakasulat sa wikang Ingles.   (Karugtong) BEWARE Based on the foregoing, it is evident that the local government units have all the means …

Read More »

No sa Federalismo (Ikatlong Bahagi)

UNA sa lahat ay hayaan ninyong ibahagi ng Usa­ping Bayan ang isa sa mga unang sulatin ng inyong lingkod kaugnay sa panukalang pagkakaroon ng isang pederal na porma ng pamahalaan. Gayonman ay pagpaumanhinan ninyo na ito ay nakasulat sa wikang Ingles.   (Karugtong) Consequently, according to former Senator Jose Lina and fellow Beyond Deadlines writer in his latest Sagot Kita …

Read More »

No sa Federalismo (Ikalawang Bahagi)

UNA sa lahat ay hayaan ninyong ibahagi ng Usa­ping Bayan ang isa sa mga unang sulatin ng inyong lingkod kaugnay sa panukalang pagkakaroon ng isang federal na porma ng pamahalaan. Gayonman ay pagpaumanhinan ninyo na ito ay nakasulat sa wikang Ingles.   (Karugtong) Let us take a look and try to understand… ….With the passage into law of the 1991 …

Read More »

Ang Kalayaan sa Pamamahayag

MARIING kinokondena ng Usaping Bayan ang lumalabas na pagtatangka ng mga nasa poder na patayin ang kalayaan sa pamamahayag sa pa­mamagitan ng kung tawagin noon ni dating Senador Rodolfo Biazon ay legal gobbledegook. Wala sa loob ng vacuum ang pamamahayag kaya dapat nating maunawaan ang konteksto ng desisyon ng Security and Exchange Commission (SEC) na tanggalan ng rehistro ang Rappler, …

Read More »

Pista ng Itim na Nazareno

BILANG isang Kristiyanong bansa ay taon-taon nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Itim na Nazareno ng Quiapo. Isa itong malakihang pagdiriwang na dinadalohan ng milyon-milyong deboto. Katulad ng ating mala-paganong paggunita ng Mahal na Araw, ang magulong prosesyon ng Itim na Nazareno sa paligid ng Basilica ng Quiapo ay malinaw na impluwensiyado ng ating paganong nakaraan kaya ang pagdiriwang nating ito …

Read More »

Isang mapagpalayang Pasko sa ating lahat

ANG araw ng Kapaskuhan ay ipinagdiriwang natin na mga mananampalataya bilang paggunita sa pagsilang ng dakilang manunubos na si Hesukristo. Dangan nga lamang ay may palagay ako na para sa karamihan, ang pagbubunying ito ay nakatuon lamang sa kanyang masayang kapanganakan at hindi natutuhan ang mas malalim na ibig sabihin ng pangyayaring ito. Kung susuriin natin ang dasal na itinuro …

Read More »

Pasikat kasi

ANG kontrobersiya kaugnay sa padalos-dalos na pagbibigay ng Department of Health ng bakuna laban sa Dengue sa ating mga kabataan ay bu-nga ng walang kalingang pagtupad sa tungkulin at pagpapalapad ng papel o pagpapasikat ng mga nasa poder sa kanilang mga padrong politikal. Dahil sa kapabayaang ito ay nalalagay nga-yon sa panganib ang buhay nang laksa-laksa na-ting mga kabataan na …

Read More »

Instant Culture

ANG ating kultura ay may katangiang nagmamadali. Ito ay kulturang walang pasensiya sa proseso, pagsisinop o mahabang gawain kaya isa sa pinakatatak nito sa ating buhay ang salitang “instant.” Simula nang mauso ang mga bagay na “instant” sa ating mga iniinom at kinakain tulad ng instant coffee, instant noodles, instant chocolate o instant milk ay tila lahat na ay ibig …

Read More »

Filipino Time

TAYONG mga Filipino ay napupuna dahil sa ating palagiang pagiging huli sa mga appointment o schedule. Ito ang dahilan kaya nabansagan ang pagi­ging huli natin sa mga lakaran na “Filipino Time.” Subalit hindi naipaliliwanag ng bansag na ito ang dahilan ng ating kakaibang pagbibigay halaga sa oras o panahon na ikinasusuya ng hindi lamang iilan, lalo na ‘yung mga tagalungsod. …

Read More »

Goyo

NGAYONG 2 Disyembre 2017 ay ika-118 anibersaryo ng kamatayan ni Gregorio Del Pilar sa Tirad Pass para mabigyan ng panahon ang kanyang padron na si Emilio Aguinaldo na makalayo mula sa mga humahabol na sundalong Amerikano kahit malinaw pa sa sikat ng araw na winaldas niya ang pagkakataon para magtagumpay ang rebolusyon na inumpisahan ng kanyang ipinapatay na si Andres …

Read More »

Commission on Human Rights

LAHAT ng tao ay may karapatang mabuhay nang payapa at magkaroon ng katahimikan sa loob ng tahanan at pag-aari ng mga pribadong ari-arian. May karapatan siyang mabuhay na walang takot at makapagpasya nang malaya, makapagpahayag at lalong may karapatan siya laban sa pang-aabuso ng estado. Ngunit hindi lahat ng paglabag sa karapatan ng tao ay saklaw ng Commission on Human …

Read More »

‘Revolutionary government’ na planong itayo ni Duterte ilegal (Katapusang bahagi)

SA isang panayam kamakailan ay sinabi ni Duterte na mas pabor siya na itatag ang isang revolutionary government kaysa magdeklara ng martial law ayon sa batas. Aniya, ayaw niyang nagre-report sa kongreso kaugnay ng pagdedeklara niya ng martial law kahit ito ang hinihingi ng batas. Idedeklara na lamang daw niya na bakante ang lahat ng posisyon sa gobyerno, kabilang ang …

Read More »

Plano ng pangulo na “revolutionary government” labag sa batas (Ikalawang Bahagi)

MALI at malisyosong ikompara ni Duterte ang kanyang plano na magtayo ng revolutionary government, na halatang bigla lamang niyang naisip, sa itinatag na revolutionary government noong 1986 ni dati at yumaong Pangulong Corazon Aquino dahil iyon ay resulta ng pagpapatalsik ng taong-bayan sa isang diktadura. Bukod dito, ang revolutionary government ni Ginang Aquino ay isang transition o pansamantalang paraan mula …

Read More »