Friday , December 5 2025

Micka Bautista

Misis inumbag, tinutukan ng baril, mister timbog sa Angat, Bulacan

Arrest Posas Handcuff

NAGWAKAS ang kalbaryong dinaranas ng isang ginang  mula sa kaniyang asawa nang arestuhin ng mga awtoridad matapos niyang ireklamo ng pang-aabuso sa bayan ng Angat, lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula kay P/Cap. Jayson Viola, hepe ng Angat MPS, ang inarestong suspek ay isang 35-anyos na lalaking residente ng Brgy. Sulucan, sa nabanggit na bayan. Ayon sa ulat, nagsumbong ang …

Read More »

Astig na senior citizen nanindak sa barangay, tiklo sa boga at bala

San Miguel Bulacan Police PNP

INARESTO ng mga awtoridad ang isang senior citizen matapos ireklamo ng pananakot at pagpapaputok ng baril sa kanilang barangay sa San Miguel, Bulacan kamakalawa. Sa ulat na ipinadala ni Police Colonel Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan PPO, kay Police Regional Office 3 Director PBGeneral Ponce Rogelio I. Peñones Jr., ang arestadong suspek ay kinilalang si Herminigildo Valdez y Vergel, 74-anyos, …

Read More »

Bulacan, pinaigting disaster response sa mga binahang munisipalidad

Bulacan PDRRMO NDRRMC

HABANG patuloy na nararanasan ang epekto ng habagat na pinalakas ng mga bagyong Crising, Dante, at Emong, agad na nagpatupad ng malawakang disaster response ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan upang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga apektadong Bulakenyo. Sa ulat kahapon ng umaga, nasa kabuuang 188 evacuation centers na ang na-activate sa buong lalawigan, na kasalukuyang nagpapatuloy sa 6,041 …

Read More »

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng non-governmental organization (NGO) na Aredumstrico na pinamumunuan ni Suprema Bae Kalikasan Lorilyn I. Tobias. Dahil dito nagkaroon ng pakikipagpulong ang mga Tribal chieftain mula sa Zambales, Bulacan, at Bangsamoro sa tanggapan nito sa Brgy. Ulingao, San Rafael, Bulacan. Hinimok ni Bae Kalikasan, ang mga Chieftain …

Read More »

3 “tsongki” boys huli sa pot session; Damo, boga nakumpiska

Marilao Bulacan Police PNP

ARESTADO ang tatlong indibidwal sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Loma De Gato, sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyekoles ng madaling araw, 23 Hulyo. Ayon kay P/Lt. Col. Jordan Santiago, hepe ng Marilao MPS, naaktuhan ang mga arestadong suspek habang nasa kainitan ang paghitit ng marijuana. Nasamsam mula sa kanila ang 134.2 gramo ng …

Read More »

Bossing ng mga tulak timbog sa Nueva Ecija

Arrest Shabu

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng isang notoryus na tulak sa lalawigan ng Nueva Ecija nang madakip sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad nitong Martes ng hapon, 21 Hulyo, sa bayan ng San Leonardo. Ikinasa ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)—Nueva Ecija Provincial Office ng operasyon sa Brgy. Tabuating, sa nabanggit na bayan dakong :30 ng hapon kamakalawa …

Read More »

13 bayan, lungsod sa Bulacan lubog sa tubig baha, Tulay sa San Miguel-DRT bumigay

Bulacan PDRRMO NDRRMC

MARAMING lugar sa Bulacan ang nananatiling lubog sa tubig-baha hanggang nitong Martes, 22 Hulyo, habang patuloy na hinahagupit ang lalawigan ng malakas na pag-ulan na dala ng habagat, na sinasabayan pa ng high tide. Isa sa pinakamatinding sinalanta ng pagbaha ay ang bayan ng Marilao kung saan umabot ang tubig hanggang sa ikalawang palapag ng bahay ng mga residente. Bunsod …

Read More »

Mag-dyowang tulak tiklo sa ‘obats’

Couple Arrest Hand Cuffed Posas

ARESTADO ang dalawang indibidwal na pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Camias, sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 21 Hulyo. Sa ulat ni P/Lt. Col. Jowilouie Bilaro, hepe ng San Miguel MPS, dakong 4:37 ng hapon nang madakip ang mga suspek na kinilalang sina alyas Torpa, 33 …

Read More »

Hudyat ng panibagong simula para sa sangay ng lehislatura
IKA-12 SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN, PORMAL NA NAGSAGAWA NG PASINAYANG PAGPUPULONG

Bulacan

ISANG bagong kabanata ang pormal na nagsimula para sa sangay ng lehislatura ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan matapos idaos ang kanilang pasinayang pagpupulong. Sa pangunguna ni Bise Gobernador Alexis Castro, dinaluhan ang “Pasinayang Pagpupulong ng Ika-12 Sangguniang Panlalawigan at Paglalahad ng Kalagayan ng Lalawigan” ng lahat ng bagong halal at muling nahalal na mga Bokal na nagtipon sa Bulwagang Senador …

Read More »

P3.2-M shabu nasabat sa Bulacan, high value target arestado

Arrest Shabu

ARESTADO ang isang indibidwal na nakatala bilang high value target habang nasamsam ang halos kalahating kilo ng hinihinalang shabu sa isingawang buybust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Baliwag, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng umaga, 20 Hulyo. Sa ulat mula kay P/Col. Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang arestadong suspek na si alyas Rex, 45 …

Read More »

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo, lalaki sa Bulacan tiklo

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo lalaki sa Bulacan tiklo

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles ng gabi, 16 Hulyo. Kinilala ang suspek na si alyas JB, 30 anyos, residente ng SJDM Heights, Brgy. Muzon, sa nabanggit na lungsod, na naaktuhang kinakatay ang isang ninakaw na motorsiklo sa loob ng kaniyang …

Read More »

Dating rebelde sa Bulacan sumuko

cal 38 revolver gun

Isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Bulacan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang sumukong rebelde na si alyas “Ka Rosa,” 66 anyos, at residente ng Brgy. Pitpitan, Bulakan, Bulacan, na dating kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na kumikilos sa mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Zambales, at Bataan. Si Ka Rosa ay …

Read More »

Pag-aari ng ex-Congressman
HIGIT P21-M BUTANE CANISTER NADISKUBRE SA BULACAN

P21-M BUTANE CANISTER Sta Maria BULACAN

NADISKUBRE ang hindi bababa sa 400,000 piraso ng butane canister na nakasilid sa halos 4,000 na tinatayang nagkakahalaga ng higit P21 milyon sa isang warehouse sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng hapon, 15 Hulyo. Sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) ng Malolos, Bulacan, sinalakay ng Philippine National Police – …

Read More »

Rider ng kolong-kolong timbog sa ‘di lisensiyadong baril

No Firearms No Gun

ARESTADO ang isang lalaki matapos maaktuhang may sukbit na hindi lisensiyadong baril sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng madaling araw, 15 Hulyo. Ayon kay P/Lt. Col. Librado Manarang, Jr., hepe ng San Ildefonso MPS, kinilala ang suspek na si alyas Andrew, 32 anyos, at residente ng Brgy. Maasim, sa naturang bayan. Nabatid na dakong :30 …

Read More »

Sa Tarlac
Japinoy timbog sa illegal dog fighting

dogs

ARESTADO ng mga awtoridad ang isang lalaki dahil sa pagsasagawa ng ilegal na dog fighting sa kaniyang bahay sa Brgy. Motrico, bayan ng La Paz, sa lalawigan ng Tarlac. Ang dog fighting ay ilegal sa bansa at itinuturing na paglabag sa Animal Welfare Act of 1998. Ayon sa ulat mula sa Criminal Investigation and Detection Group- Anti Organized Crime Unit …

Read More »

Sa Pulilan, Bulacan
4 menor-de-edad nasagip sa online child abuse

Online Sexual Exploitation of Children OSEC

NAILIGTAS ng mga awtoridad ang apat na menor-de-edad sa bayan ng Pulilan, lalawigan ng Bulacan mula sa pang-aabuso upang kumita ng pera. Kaugnay nito, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Women and Children Cybercrime Protection Unit, sa koordinasyon ng Pulilan Municipal Social Welfare and Development Office, na nagresulta sa pagkakasagip sa apat na menor de edad. Napag-alamang ang mga …

Read More »

Hindi rehistradong vape products nasabat sa Bulacan

Hindi rehistradong vape products Baliwag Bulacan

HINDI bababa sa P45 milyon ang halaga ng hindi rehistradong vape products na nasabat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa No. 1257 San Lucas St. at Topaz St., Carpa Road, Brgy. Sabang, sa lungsod ng Baliwag, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 12 Hulyo. Nagsilbi ng search warrant ang CIDG Northern District Field Unit, kasama ang Department of Trade …

Read More »

Sinuntok ng kainuman, kelot namaril, 3 sugatan

Gun poinnt

SA KANILANG mabilis na pagresponde, agad naaresto ng pulisya ang isang lalaki matapos mamaril ng mga kainuman sa Brgy. Tibag, lungsod ng Baliwag, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng gabi, 12 Hulyo. Ayon sa ulat na isinumite kay P/Lt. Col. Jayson San Pedro, hepe ng Baliwag CPS, lumabas sa inisyal na imbestigasyon at pahayag ng mga saksi na habang …

Read More »

Miyembro ng ‘Papa Group’ timbog sa baril at shabu

Arrest Shabu

INARESTO ng mga awtoridad ang isang miyembro ng notoryus na criminal gang matapos isilbi ang search warrant ng mga awtoridad sa lungsod ng San Jose, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Linggo, 6 Hulyo. Ayon sa ulat mula kay P/Col. Heryl Bruno, provincial director ng Nueva Ecija PPO, inihain ang search warrant ng pinagsanib na elemento ng San Jose CPS bilang …

Read More »

Sa manhunt ops sa Bulacan 2 MWP, 1 pa nasakote

Bulacan Police PNP

NADAKIP ang tatlong indibiduwal, kabilang ang dalawang nakatalang most wanted persons, sa magkakahiwalay na manhunt operations na ikinasa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan. Unang naaresto ng Hagonoy MPS sa pangunguna ni P/Lt. Col. Aldrin Thompson, sa Brgy. Iba, Hagonoy ang suspek na kinilalang si alyas Aldin, No. 1 Most Wanted sa municipal level sa bisa ng warrant of arrest …

Read More »

Trahedya sa Bustos, Bulacan…
5 SUGATAN 2 PATAY SA GUMUHONG ISTRAKTURA NG WAREHOUSE

warehouse gumuho Bustos, Bulacan

NAUWI sa eksena ng trahedya ang naganap sa isang construction site sa Barangay Buisan, Bustos, Bulacan matapos gumuho ang isang itinatayong warehouse dito kamakalawa ng hapon, Hulyo 4. Sa ulat na ipinadala kay Police Colonel Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan PPO, ang bumagsak na istraktura ay nasa loob ng JL Toys, na matatagpuan sa Interglobal Industrial Park na pag-aari …

Read More »

Mga lider ng Bulacan, nanumpa nang sama-sama, hudyat ng panibagong serbisyo-publiko

Bulacan

ISANG bagong kabanata para sa Bulacan ang nagsimula ngayon araw ng Linggo sa sabay-sabay na panunumpa sa tungkulin ng mga bago at muling nahalal na opisyal, sa pangunguna nina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro, sa ginanap na “Pasinaya at Pagtatalaga sa Tungkulin ng Lahat ng Bagong Halal na Opisyal sa Lalawigan ng Bulacan”, dakong alas-9:00 …

Read More »

Floating shabu natagpuan sa dalampasigan ng Batanes

Floating shabu natagpuan sa dalampasigan ng Batanes

MAS MARAMI pang hinihinalang shabu ang natatagpuan at ang pinakahuli ay sa isang beach sa Basco, Batanes, ang pinakahilagang lalawigan ng Filipinas. Ayon sa Philippine Drug Enforcement Administration (PDEA) Region 2, natagpuan ng isang mangingisda ang isang sako na may laman na 24 vacuum-sealed na pakete ng hinihinalang shabu sa dalampasigan ng Barangay Chanaryan noong 19 Hunyo.          May markang …

Read More »