INIHAYAG ni Manila Water Head of Corporate Communications Dittie Galang, binabantayan nila ang lagay ng Angat Dam sa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan, dahil hindi nito naabot ang projected ideal level ng tubig. Hindi umano sapat ang naging pag-ulan noong 2021. Aniya, ang nakuhang supply ng tubig sa Angat Dam ay kukulangin dahil sa patuloy na tumataas na …
Read More »Pagbasura sa kaso ng online sabong operator sa Cabanatuan, kinondena ng NBI
NAGHAIN ng Motion for Reconsideration ang National Bureau of Investigation (NBI) matapos ibasura ni Nueva Ecija Provincial Prosecutor Efren Clint Mallare, Jr., ang kaso laban sa isang online sabong operator. Ito, ayon kay NBI Agent Waldy Palattao, ay upang kuwestiyonin ang desisyon ng piskal sa kanilang rekomendasyon na usigin ang mga operator ng ilegal na online sabungan. Ibinato ni Mallare …
Read More »13 lumabag sa batas naihawla ng Bulacan PNP
DERETSO sa kulungan ang 13 kataong pawang lumabag sa batas sa pagpapatul0y ng operasyon ng pulisya laban sa kriminalidad sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Martes ng umaga, 5 Enero. Sa ipinadalang ulat kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, nagresulta ang ikinasang buy bust operations ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng San Miguel MPS …
Read More »Bilang ng CoVid-19 cases muling tumaas, Bulacan isinailalim sa Alert Level 3
INIULAT ng Provincial Health Office, mula sa bilang na 51 kaso noong nakaraang 27 Disyembre at 80 kaso noong 29 Disyembre, muling tumaas ang bilang ng mga aktibong kaso ng CoVid-19 sa 392 nitong Linggo, 2 Enero. Ayon sa Provincial Health Office, ang kabuuang bilang ng kompirmadong kaso ng CoVid-19 sa lalawigan ay umabot sa 92,323, may 90,450 nakarekober. Samantala, …
Read More »Mayoralty candidate tinamaan ng CoVid-19
HUMIHINGI ng pang-unawa sa mga nasasakupang kababayan ang isang kandidato sa pagka-alkalde sa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan matap0s siyang magpositibo sa CoVid-19. Sa kanyang mensahe sa Facebook, sinabi ni Merlyn Germar, asawa ni Norzagaray Mayor Fred Germar, na tumatakbo ngayong congressman para sa ika-anim na distrito ng lalawigan, siya ay positib0 sa CoVid-19. Aniya sa post, nagsimula …
Read More »
Mula Pasko hanggang Bagong Taon,
58 SUGATAN SA PAPUTOK – DOH REGION 3
SA KABILA ng umiiral na pandemya, mas pinili ng ilang mga residente sa Gitnang Luzon na magdiwang ng bisperas ng Bagong Taon sa labas ng kanilang mga tahanan, para mag-ingay sa paniniwalang maitataboy nito ang malas sa pagpasok ng taong 2022. Gayonpaman, iniulat ng Department of Health (DOH) sa Regi0n 3, may ilang naging biktima ng paputok ang nasugatan samantala …
Read More »
Kampanya kontra krimen pinaigting,
10 LAW VIOLAT0RS NALAMBAT SA BULACAN
ARESTADO ang 10 katao sa pagpapatuloy ng pinaigting na kampanya laban sa krimen ng pulisya sa Bulacan nitong Linggo, 2 Enero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, nagresulta ang ikinasang buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Hagonoy MPS sa Brgy. San Isidro, Hagonoy sa pagkakadakip sa suspek na …
Read More »Zero fatal casualty sa pagdaraos ng Bagong Taon; 8 arestado sa paglabag sa paputok at baril (Sa Central Luzon)
KASUNOD ng pinaigting na operasyong isinagawa ng mga awtoridad sa Region 3 upang mapigil ang pagkalat ng ilegal na mga paputok at pailaw mula 15 Disyembre hanggang 1 Enero 2022, naaresto ang walo katao sa paglabag sa RA 7183 (An Act Regulating The Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices), samantala, apat ang dinakip para sa …
Read More »10 pasaway kinalawit ng Bulacan PNP
MAGKAKASUNOD na inaresto sa serye ng mga operasyong ikinasa ng mga awtoridad ang 10 kataong pawang may paglabag sa batas, sa lalawigan ng Bulacan hanggang Linggo ng umaga, 2 Enero. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, dinakip ang apat sa mga suspek sa ikinasang anti-illegal drug operations ng Station Drug …
Read More »Notoryus na tulak nasakote sa Nueva Ecija
Sa patuloy na operasyon ng mga awtoridad kontra kriminalidad, nadakip ang isang pinaniniwalaang talamak na drug peddler nitong Linggo, 19 Disyembre, sa lungsod ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija. Ayon kay P/Col. Rhoderick Campo, provincial director ng Nueva Ecija PPO, ikinasa ang buybust operation ng mga operatiba ng Gapan CPS na nagresulta sa pagkakadakip ng hinihinalang notoryus na tulak ng …
Read More »Tambalang Willy-Jonjon inilunsad sa Bulacan
SA PAKIKIPAGPULONG sa mga miyembro ng media ni Bulacan Vice-Governor Willy Alvarado, na ngayon ay tumatakbong muli bilang gobernador, ipinakilala si 3rd District Rep. Jonjon Mendoza bilang kanyang running mate na bise-gobernador. Ikinompara ni Alvarado ang Bulacan sa Israel na lubos na pinagpala at iniligtas ng Panginoon, na kahit saan magtungo ang mga Bulakenyo ay iba ang pakiramdam sa pangtanggap …
Read More »9 pasaway tiklo sa police ops (Sa Bulacan)
ISA-ISANG nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang siyam kataong pawang lumabag sa batas sa isinagawang operasyon ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 11 Disyembre. Naaresto ang tatlong pugante sa inilatag na manhunt operations ng Bulacan 1st PMFC, Pulilan, Paombong, Guiguinto MPS; CIDG PFU Bulacan, 301st MC, RMFB3 at PNP AKG Luzon Field Unit …
Read More »Anti-crime drive pinaigting 7 tulak deretso sa ‘hoyo’
NADAKIP ang pito kataong sangkot sa ilegal na droga sa pagpapatuloy ng pinaigting na kampanya laban sa krimen ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo ng umaga, 12 Disyembre. Kinilala ni P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, ang pitong suspek na sina Ariel Abragan ng Pasong Tamo, lungsod Quezon at Marlon Esteban ng Brgy. …
Read More »P2.38-M shabu nasamsam tiangge vendor timbog
ARESTADO ang isang tindero sa tiangge na nahulihan ng P2.38-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong Biyernes, 10 Disyembre. Sa ulat ni P/Lt. Col. Heryl Bruno kay P/Col. Robin King Sarmiento, provincial police director ng Pampanga PPO, kinilala ang suspek na si Rasul Sadic, alyas Elyas, kasalukuyang naninirahan sa Jao Ville, Brgy. Panda, lungsod …
Read More »Units ng PRO3 PNP ipinaalerto sa firecracker ban
BILANG pagsunod sa direktiba ni PNP chief, P/Gen. Dionard Carlos, naglabas ng Operational Guidelines si PRO3 PNP Regional Director P/BGen. Matthew Baccay upang matiyak na magiging ligtas at payapa ang pagdaraos ng Kapaskuhan sa taong ito. Ayon kay P/BGen. Baccay, titiyakin ng PNP na ang probisyon sa pagsasaayos, pagmamanupaktura at pamamahagi ng mga paputok ay mahigpit na ipatutupad base sa …
Read More »Notoryus na tulak nadakma sa Mabalacat, Pampanga P.7-M shabu nasamsam
ARESTADO ang isang pinaniniwalaang notoryus na tulak ng ilegal na droga, nakompiskahan ng higit sa P.7-milyong hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 4 Disyembre. Ayon kay PRO3 Regional Director P/BGen. Matthew Baccay, nagkasa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Regional at Provincial Drug Enforcement Units …
Read More »Kilabot na holdaper tiklo sa ‘Oplan Sita’
NAGWAKAS ang maliligayang araw ng isang kilabot na holdaper nang masabat at maaresto ng mga awtoridad sa Oplan Sita sa Brgy. Bigte, bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng gabi, 4 Disyembre. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Cresenciano Cordero, acting chief of police ng Norzagaray Municipal Police Station (MPS), kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., provincial director …
Read More »Bebot timbog sa ‘nakaw’ na SUV
NASAKOTE ang isang babae ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos mahulihan ng pinaniniwalaang nakaw na sports utility vehicle (SUV) sa isang talyer sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan. Kinilala ang suspek na si Mary Jean Aranas, dinakip ng mga awtordiad nang bigong magpakita ng dokumentong magpapatunay na kanyang pag-aari ang sasakyang dala-dala sa isang talyer. Ayon sa NBI, …
Read More »3 rapists, 18 pasaway nasakote sa Bulacan
NASUKOL ang kabuuang 21 katao kabilang ang tatlong hinihinalang rapist sa iba’t ibang operasyong ikinasa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang Miyerkoles ng umaga, 1 Disyembre 2021. Sa ulat kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, dinampot ang siyam na drug suspects sa mga serye ng anti-illegal drug operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement …
Read More »
Huli sa aktong nagka-Cuajo
4 SUGAROL TIMBOG SA TARLAC
ARESTADO ang apat katao nang mahuli sa akto ng mga awtoridad habang nasa kainitan ng pagsusugal sa bayan ng Bamban, lalawigan ng Tarlac, nitong Martes ng tanghali, 30 Nobyembre. Batay sa ulat ni P/Maj. Edward Castulo, OIC ng Bamban Municipal Police Station (MPS), nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang impormante na may grupo ng mga indibiduwal ang kasalukuyang nasa …
Read More »
Sa Bulacan
MOTORNAPPER, 4 PUGANTE TIMBOG SA POLICE OPS
INARESTO ng mga awtoridad ang isang kawatan ng motorsiklo at apat na pugante sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya laban sa krimen sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Martes ng umaga, 30 Nobyembre. Kinilala ni P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, ang suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo na si Reynaldo Lozada, ng Brgy. Pulong Buhangin, bayan …
Read More »
100K Bulakenyo target bakunahan
3-ARAW NATIONAL COVID-19 VACCINATION DAY SINIMULAN
SINIMULAN ng lalawigan ng Bulacan ang pagbabakuna sa mga Bulakenyo sa lahat ng sektor sa pagsisimula ng tatlong araw na National CoVid-19 Vaccination Day na isinagawa sa iba’t ibang lugar na naglalayong mabakunahan ang 182,982 indibidwal mula 29 Nobyembre hanggang 1 Disyembre 2021. Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, direktor ng Bulacan Medical Center, mula sa 98 lugar ng bakunahan …
Read More »
Sa kampanya kontra krimen
TULAK, PUGANTE, 14 PA, TIMBOG SA BULACAN
INARESTO ang isang drug suspect, isang pugante, 9 sugarol at limang suspek sa iba’t ibang krimen sa serye ng anti-criminality drive na isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan mula Linggo, 28 Nobyembre, hanggang Lunes ng umaga, 29 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang drug suspect na si …
Read More »
5 tulak nakalawit
DRUG DEN NABUWAG SA SUBIC
ARESTADO ang limang drug suspects habang nabuwag ang isang hinihinalang drug den ng mga awtoridad sa ikinasang anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa Subic, lalawigan ng Zambales, nitong Biyernes ng tanghali, 26 Nobyembre. Isinagawa ang drug sting ng mga tauhan ng PDEA Zambales Provincial Office kasama ang Zambales PPO PDEU at ang local police na nagresulta sa pagkakadakip ng …
Read More »
Driver sugatan sa ambush
KANDIDATONG KONSEHAL, 1 PA TODAS
PATAY sa pamamaril ng mga hindi kilalang suspek ang isang kumakandidatong konsehal at ang kanyang kasama sa bayan ng San Simon, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 27 Nobyembre. Kinilala ang mga biktimang sina Rogelio “Jon” Salvador, 42 anyos, kumakandidatong konsehal sa nabanggit na bayan, at kasama niyang si Joel Salvador. Ayon sa ilang testigo, bumibiyahe ang mga biktima sakay ng sports …
Read More »