HIGIT na pinaigting ang anti-crime operations na ikinasa ng mga awtoridad at sunod-sunod na nadakip ang 13 katao, pawang may mga paglabag sa batas, sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo ng umaga, 19 Febrero. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, kinilala ang mga suspek na sina Miguelito Reyes, Christian Marquez, at …
Read More »Sa anti-crime drug ng pulisya
74-anyos timbog sa loose firearms
ARESTADO ang isang senior citizen matapos mahulihan ng sandamakmak na baril at bala sa kanyang bahay sa bayan ng San Ildefonso, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 18 Pebrero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Romeo Carlos, 74 anyos, residente sa Brgy. Nabaong Garlang, sa nabanggit na bayan. …
Read More »
Sa Nueva Vizcaya
BISE ALKALDE NG APARRI, 5 PA, PATAY SA AMBUSH
NIRAPIDO ang sasakyang kinalulunanan ni Aparri vice mayor Rommel Alamida kasama ang kanyang limang staff sa national highway sa bahagi Kinacao, Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya kahapon ng umaga, araw ng Linggo, 19 Pebrero. Bukod kay Alameda, hindi nakaligtas sat ama ng bala ang kanyang mga staff na kinilalang sina Alexander Delos Angeles, 47 anyos; Alvin Abel, 48 anyos; Abraham Ramos, …
Read More »3 tulak, 4 sugarol, 2 wanted kalaboso
SUNOD-SUNOD na pinagdadampit ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang drug traffickers, apat na illegal gambler, at dalawang wanted persons sa iba’t ibang lugar sa Bulacan, hanggang nitong Linggo ng umaga, 12 Febrero. Unang naaresto ang tatlong personalidad sa droga sa magkahiwalay na buybust operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Guiguinto at Bocaue MPS. Kinilala ang mga …
Read More »Karpintero, tanod tiklo sa boga at bato
NASAKOTE ang dalawang indibidwal sa paghahain ng search warrant sa serye ng mga operasyong isinagawa ng pulisya sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 11 Febrero. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, unang naaresto ang suspek na kinilalang si Arthur Paraiso, 47 anyos, karpintero, mula sa Brgy. Mambog, Malolos, nang …
Read More »
Sa Nueva Ecija
MAGBAYAW TIMBOG SA NEGOSYONG KARNE NG ASO
INARESTO ng mga awtoridad ang dalawang lalaking naaktohang nagkakatay ng mga aso sa lungsod ng Gapan, sa lalawigan ng Nueva Ecija. Kinilala ang mga suspek na pinaniniwalaang mga dog meat trader na sina Ramon Garces at Antonio Pacunla, kapwa residente sa Brgy. Mangino, sa nabanggit na lungsod. Sa ulat, sinabing naaktohan mismo ng mga tauhan ng Animal Kingdom Foundation at …
Read More »
Bakuna pinaigting sa Bulacan
95% FULLY-IMMUNIZED CHILD TARGET NI GOB. FERNANDO
BINIGYANG DIIN ni Gob. Daniel Fernando ang kaniyang pagnanais na paigtingin ang National Immunization Program (NIP) sa Bulacan at ginagarantiyahan ang pagbibigay ng libreng medical mission sa isinagawang Local Chief Executives (LCEs) Symposium on 2023 Measles, Rubella – Oral Polio Vaccine Immunization Activity (MR OPV SIA) and Reaching Every Purok Strategy program na pinangunahan ng Department of Health – Center …
Read More »
Sa kanyang ika-96 kaarawan
GAT BLAS F. OPLE MULING GINUNITA SA MGA MENSAHENG TAGOS MULA SA PUSO
“HUWAG mahalin ang posisyon kundi ang tao, at laging mahalin ang bansa bago ang sarili.” Isa ito sa mga mensaheng tagos mula sa puso ni Gat Bals F. Ople na ibinahagi ng kanyang anak na si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Maria Susana “Toots” Ople, sa paggunita sa ika-96 anibersaryo ng kapanganakan ng kanyang yumaong ama, ang Ama ng …
Read More »
Alay sa mga Bulakenyo
JOB FAIR, MEDICAL MISSION IDINAOS BILANG PARANGAL SA ARAW NI GAT BLAS OPLE
BILANG bahagi ng pagpupugay sa ika-96 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Blas F. Ople, nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan katuwang ang Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng Job Fair (Local and Overseas Employment) at Department of Migrant Workers – PGB Medical Mission sa pakikipagtulungan ng Damayan sa Barangay na isinagawa sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan …
Read More »Sta. Maria Magnificent Eagles Club on the go
NAGSAGAWA ng feeding program ang Sta. Maria Magnificent Eagles Club na pinamumunuan ni Eagle Solomon “Sol” Jover na siyang charter president, para sa mga kabataan ng Sta Maria, Bulacan. Kasama ni President Sol Jover ang kanyang maybahay na si Lorie Jover, vice-president na si Mike Miranda, board of director na si Francis Soriano, at magigiting na miyembro na walang sawang umagapay …
Read More »
Sa ika-96 na anibersaryo ng kapanganakan ni Ka Blas
Department of Migrant Workers dadalo
Kaisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan si Sec. Maria Susana V. Ople ng Department of Migrant Workers sa paggunita sa ika-96 taong anibersaryo ng kapanganakan ng kanyang yumaong ama na si Gat Blas F. Ople sa Biyernes, 3 Pebrero 3, 2023, na idineklarang isang special non-working day sa lalawigan. May temang, “Gat Blas F. Ople: Dakilang Bulakenyo, Bayani ng Manggagawang …
Read More »
Sa Bulacan
5 DRUG TRADER, 5 WANTED SWAK SA KALABOSO
NASAKOTE sa pinaigting pang operasyon ng pulisya nitong Martes, 31 Enero ang limang pinaniniwalaang mangangalakal ng droga at limang wanted na indibidwal sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Bulacan. Kinilala ang mga nadakip na personalidad sa droga na sina Francis Maceda, mula sa Sta. Maria; Erickson Del Rosario alyas Soysoy, mula sa Baliuag; Mark Anthony Pablo alyas Tune; Jostro …
Read More »Wanted manyakis nasakote sa Bocaue
Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking matagal nang pinaghahanap ng batas dahil sa kasong panggagahasa sa kanyang pinagtataguan sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 31 Enero. Ikinasa ang operasyon ng mga tauhan ng Bulacan PPO Provincial Inteligence Unit sa pamumuno ni P/Lt. Col. Jesus Manalo, Jr. sa Brgy. Duhat, sa nabanggit na bayan kung saan natunton …
Read More »Luisa Silvestre bagong konsehal ng Marilao, Bulacan
PINANGUNAHAN ni Gob. Daniel Fernando ang panunumpa sa tungkulin ng bagong konsehal ng pamahalaang bayan ng Marilao, Bulacan na si Luisa Silvestre, ang biyuda ni Ex-Mayor Ricky Silvestre na namatay sa aksidente sa Pampanga noong nakaraang taon. Matapos pumanaw ni Ex-Mayor Silvestre ay pumalit sa kanya si dating Vice Mayor Henry Lutao kaya umakyat din bilang vice mayor ang number …
Read More »8 tulak, 5 wanted inihoyo ng pulisya
MAGKAKASUNOD na naaresto ang walong hinihinalang mga notoryus na tulak ng ilegal na droga at limang pinaghahanap ng batas sa patuloy na police operations sa lalawigan ng Bulacan nitong Lunes, 30 Enero. Unang nadakip sa operasyong ikinasa ng mga tauhan ng San Jose del Monte CPS ang apat na pinaniniwalaang mga tulak na kinilalang sina Jennifer Mabesa, Robert Mabesa, Mark …
Read More »Pilgrim relics ni St. Therese of the Child Jesus, sinalubong ng mga Bulakenyo
NAKIISA si Gob. Daniel Fernando sa Diyosesis ng Malolos sa pagtanggap sa Pilgrim Relics ni St. Therese of the Child Jesus at nanguna sa pagbigkas ng panalangin para sa ikalimang pagbisita nito sa Filipinas sa pagdiriwang ng kanyang ika-150 anibersaryo ng kapanganakan at ika-100 anibersaryo ng beatipikasyon sa harap ng gusalil ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa lungsod ng Malolos, …
Read More »
Sa pitong araw na SACLEO ng Bulacan police
P14.5-M DROGA NASABAT, 208 PASAWAY NALAMBAT
ARESTADO ang 208 kataong pawang lumabag sa batas habang nasamsam ang hindi bababa sa P14 milyong halaga ng ilegal na droga sa isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Unit (SACLEO) na isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan simula hatinggabi ng Lunes, 23 Enero hanggang Sabado, 29 Enero. Ayon sa ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng …
Read More »SACLEO ikinasa sa Bulacan 20 law violators nasukol
SA MAIGTING na pagpapatupad ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Unit (SACLEO) ng Bulacan PPO, nasakote ang may kabuuang 20 indibidwal na pawang may mga paglabag sa batas nitong Sabado, 28 Enero. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, nadakip ang 11 personalidad sa droga sa mga serye ng anti-illegal drug operations na ikinasa …
Read More »Kaso ng batang namatay sa baril ng amang pulis patuloy na iniimbestigahan
HINDI pa tapos ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa mga pangyayari na nagresulta sa pagkamatay ng 12-anyos batang lalaki sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan na nabaril ang sarili gamit ang baril ng ama na isang pulis. Ayon kay PNP PIO Chief P/Col. Red Maranan, iniimbestigahan nila kung ano ang pangyayari at kung …
Read More »Rider timbog sa ‘boga’ at ‘bato’
INARESTO ng mga awtoridad ang isang rider nang mahulihan ng hindi lisensiyadong baril at hinihinalang ilegal na droga sa nakalatag na checkpoint sa bayan ng Samal, lalawigan ng Bataan, nitong Biyernes, 27 Enero. Ayon kay P/BGen. Cesar Pasiwen, Regional Director ng PRO3, pinara ng checkpoint team ng Samal MPS ang suspek na kinilalang si Audie Maradial, 40 anyos, residente sa …
Read More »P1.7-M droga nasabat, 2 Nigerian national nalambat
NASAKOTE ng mga awtoridad ang dalawang Nigerian nationals matapos tangkaing magbenta ng ilegal na droga sa isang police poseur buyer sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 28 Enero. Kinilala ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ang mga suspek na sina Chekwbe Nnamani Sunday, alyas David, 28 anyos, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Dau, Mabalacat, Pampanga; at Ifeanyi …
Read More »Bulacan cops ginunita ang Fallen SAF 44 sa National Day of Remembrance
PARA sa National Day of Remembrance ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF), ang Bulacan Police Provincial Office ay nagdaos ng Remembrance Ceremony kahapon, Enero 25, 2023, sa Camp General Alejo S Santos sa Lungsod ng Malolos, Bulacan, na may temang “Legacy of Heroes: Inspiration for Future Generations.” Ang wreath-laying ceremony ay pinangunahan ni Bulacan provincial director Police …
Read More »Puganteng rapist at kilabot na kawatan, timbog
Dalawang lalaki na kabilang sa most wanted person sa Bulacan ang magkasunod na naaresto sa patuloy na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Unit (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan kamakalawa. Batay sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga tauhan ng SJDM CPS ay arestado ang Most Wanted Person (MWP) sa city level ng …
Read More »Ika-5 suspek sa pagpatay sa 2 pulis sa Mabalacat, Pampanga, patay sa shootout
ANG ikalimang suspek at lider ng Flores group na pumatay sa dalawang anti-drug cops ng Mabalacat City Police Station noong nakaraang Disyembre 3, 2022 ay napatay sa pakikipagbarilan sa mga awtoridad nitong Miyerkules, Enero 25 sa Sitio Dungan, Brgy. Tabun, Mabalacat, Pampanga dakong alas- 3:40 ng madaling araw. Ayon kay PRO3 Regional Director PBGeneral Cesar R. Pasiwen, ang napatay na …
Read More »‘Kristo’ tiklo sa buybust
HINDI nakapalag ang isang lalaki sa pag-aresto ng mga awtoridad nang masukol sa ikinasang drug buybust operation sa bahagi ng Mighty Rd., Brgy. Tikay, lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng gabi, 23 Enero. Ayon sa ulat mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), isinagawa ang operasyon ng magkasanib na mga elemento ng Special Operations Unit (SOU) …
Read More »