Sunday , April 14 2024
Birth Certificate PSA

Pinadali at pinabilis na sistema para maiayos ang mga mali sa Birth Certificate nilinaw ng PSA

DETALYADONG ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority o PSA ang mas pinadaling paraan at pinabilis na sistema sa pag-aayos o pagtatama sa mga may maling detalye ng birth certificates.

Sa pagdiriwang ng 34th National Civil Registration Month, sinabi ni Noeville G. Nacion, registration officer II ng PSA-Bulacan, na mainam na maasikaso nang mas maaga kung anuman ang depekto sa isang partikular na birth certificate.

Huwag na aniyang hintayin na dumating ang pagkakataon na kung kailan mahigpit ang pangangailangan gaya ng pagkuha ng passport, aplikasyon sa trabaho, pagpasok sa eskwela, pagpapakasal at anuman na may rekisito na pagsumite ng birth certificate ay doon lamang aasikasuhin.

Para sa pagpapalit ng letra sa pangalan o pagpapalit sa mismong pangalan, isinasaad ng Republic Act 9048 na hindi na kailangang dumaan pa sa hukuman o sa korte. Kailangan lamang magpakita ng dalawang identification card o I.D. sa local civil registrar sa munisipyo o city hall upang maitama ito.

Maaari ring maiayos ang mga clerical at typographical errors sa birth certificate kung ang isang Pilipinong indibidwal ay nasa ibang bansa.

Binibigyan na ng kapangyarihan ang mga consul generals sa mga emhabahada ng Pilipinas na magtuwid nito na hindi na kailangang dumaan pa sa hukuman.

Hindi na rin kailangan na dinigin sa hukuman ang mga may problema sa birth certificate sa aspeto ng pagkakamali ng detalye sa gender o kasarian sang-ayon sa Republic Act 10172. Gayundin ang pag-aayos ng mga maling birth date at birth month.

Ipinaalala ni Nacion na ang pagsasaayos sa detalye ng petsa ng kapanganakan partikular na ang tungkol sa buwan at araw ay sa mga local civil registrars at mga consul generals dapat maunang asikasuhin.

Pupunta lamang sa PSA kung natapos nang ayusin ng nasabing mga tanggapan na nasa mga pamahalaang lokal. Kung ang problema naman sa petsa ng kapanganakan ay ang detalye sa taon, dito mangangailangan ng pagharap sa hukuman upang maresolba.

Ang kailangan lamang ay magdala at magsumite ng mga anumang mga dokumento o I.D. na magpapatunay ng mga pagkakamali na dapat maituwid sa birth certificate.

Ang dating inaabot ng mga taon ang proseso sa pag-aayos ng nasabing mga detalye sa birth certificate ay napaigsi sa tatlo hanggang anim na buwan na lamang.

Tungkol naman sa usapin ng birth certificate ng mga anak na nasa iba’t ibang hindi karaniwang sitwasyon, sinabi ni Nacion na patuloy na umiiral ang Republic Act 9255 upang maproteksiyunan ang birth certificate ng mga ito.

Sa hindi pa kasal ang mga magulang ng isang bata, ang apelido ng ina ang dapat na mailagay sa birth certificate nito. Pagsapit ng 18 taong gulang ng nasabing bata, may karapatan na itong pumili kung apelido ng ina o ama niya ang gagamitin.

Kapag ang isang ama naman ay ayaw kilalanin ang anak, otomatikong apelido ng ina ang gagamitin. Kung dumating naman ang pagkakataon na pumapayag na ang ama na ipagamit ang kanyang apelido, dadaan sa affidavit upang magamit ang apelido.

Sa puntong nais ng ama ng bata na ipagamit ang kanyang apelido sa pangalan ng anak ngunit ayaw ng ina, maghihintay ang bata na tumungtong sa edad na 18 upang siya na ang madesisyon.

Sinumang may ganitong uri ng problema sa birth certificate ay kailangang tumungo muna sa local civil registry na nasa kani-kanilang mga munisipyo at city hall.

Kapag naaprubahan ang mga pagbabago o pagtutuwid sa nasabing dokumento, dito maglalabas ng verified copy ang PSA upang maging pangmatagalang kopya ng isang partikular na indibidwal. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

COPA Swim Series Leg 3 RMSC Eric Buhain

COPA Swim Series Leg 3 sa RMSC

TULOY ang pagtuklas sa mga bagong talento sa isasagawang National Capital Region (NCR) One For …

Marilag Festival Sta Maria Laguna

Mula 11-14 Abril 2024
IKA-11 MARILAG FESTIVAL SA STA. MARIA, LAGUNA   INAASAHANG DARAYUHIN

TAMPOK ang iba’t ibang produktong agrikultural at iba pang by-products, sa pagdiriwang ng mga taga-Sta. …

Bulacan Police PNP

P240k ilegal na droga kompiskado; 11 pasaway arestado

INILUNSAD ng pulisya sa Bulacan ang pinaigting na operasyon na nagresulta sa pagkakompiska ng ilegal …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …