Friday , December 5 2025

Micka Bautista

Sa Angeles, Pampanga
PUGANTENG ‘KANO NASAKOTE

Arrest Posas Handcuff

MATAGUMPAY na naaresto ng mga operatiba ng PRO3 PNP ang isang dayuhang kabilang sa most wanted fugitives sa Central Luzon, nitong Huwebes ng hapon, 27 Pebrero. Dinakip ng intelligence operatives mula sa Police Station 4, sa pakikipag-ugnayan sa City Intelligence Unit (CIU) at Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Angeles CPO ang suspek na kinilalang si Delbert Leroy Fern …

Read More »

Sa Arayat, Pampanga  
2 miyembro ng gun-for-hire tiklo sa baril at granada

No Firearms No Gun

ALINSUNOD sa ipinatutupad na nationwide election gun ban, pinaigting ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kanilang operasyon laban sa illegal possession of firearms, mga criminal gangs, at mga grupong sangkot sa gun-for-hire at gun running activities sa Pampanga kamakalawa. Nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng CIDG Detective and Special Operations Unit (CIDG- DSOU) kasama ang CIDG Regional …

Read More »

‘Boy Boga’ timbog sa tangkang pamamaril sa mga menor de edad

Arrest Posas Handcuff

ARESTADO ang isang lalaki matapos ireklamo ng pagbabanta at tangkang pamamaril sa grupo ng mga kabataan sa Brgy. Bayugo, lungsod ng Meycauayan, Bulacan, nitong Miyerkoles ng gabi, 26 Pebrero. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Manuel Bayona, Jr., hepe ng Meycauayan CPS, kinilala ang suspek na si alyas Boy Boga, 38 anyos, isang construction worker, residente sa nabanggit na barangay.- …

Read More »

Sa City of San Jose del Monte  
INUMAN NAUWI SA PAGTATALO 2 PATAY, 1 SUGATAN

San Jose del Monte CSJDM Police

PATAY ang dalawang indibiduwal habang isa ang sugatan nang mauwi  sa mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa lungsod ng San Jose Del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles ng madaling araw, 26 Pebrero. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, nakatanggap ng tawag sa telepono ang San Jose Del Monte CPS hinggil sa …

Read More »

Sa Pampanga
P1.7-M shabu nasabat, HVI tiklo

Sa Pampanga P1.7-M shabu nasabat HVI tiklo

NASABAT ng mga awtoridad ang hindi bababa sa P1.7-milyong halaga ng hinihinalang shabu habang naaresto ang suspek na nakatalang isang high value individual (HVI) sa ikinasang malaking anti-drug operation sa Brgy. San Vicente, sa bayan ng Sto. Tomas, lalawigan ng Pampanga, nitong Miyerkoles ng madaling araw, 26 Pebrero. Gayondin, nadakip ang suspek na kinilalang si alyas Nato, 41 anyos, residente …

Read More »

3 kawatan ng motorsiklo timbog sa Bulacan

3 kawatan ng motorsiklo timbog sa Bulacan

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang mga magnanakaw ng motorsiklo sa isinagawang follow-up operation sa bayan ng Balagtas, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 25 Pebrero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, nirespondehan ng mga tauhan ng Balagtas MPS ang itinawag na insidente ng carnapping sa Brgy. Pulong Gubat, sa nabanggit na bayan. …

Read More »

Sa Capas, Tarlac  
Kompiskadong P270-M puslit na ‘yosi’ iniaalok sa online ng 2 empleyado ng disposal company, timbog

Yosi Sigarilyo

INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang indibiduwal dahil sa pagkakasangkot sa muling pagbebenta ng P270-milyong halaga ng mga nasabat na kontrabandong sigarilyo sa bayan ng Capas, lalawigan ng Tarlac. Matapos ang ikinasang operasyon, tiniyak ng Bureau of Customs (BoC) na “heads will roll” kung mapatunayang may mga ulat na sangkot ang ilang tauhan nito sa katiwalian. Natukoy …

Read More »

Sa Angeles, Pampanga
Puganteng Koreano tiklo sa carnapping

Arrest Posas Handcuff

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang dayuhang wanted sa kasong carnapping habang nasa loob ng isang bar sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Linggo, 23 Pebrero. Kinilala ang suspek na si Jaehoon Yoo, 43 anyos, Korean national, na nadakip sa pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Angeles CPO PS4 at City Intelligence Unit (CIU). Nabatid na si …

Read More »

Kawatan ng motorsiklo inginuso ng mobile app

Find my Phone App Motorcycle Hand

SA MABILIS na pagtugon sa insidente ng robbery at carnapping, matagumpay na naaresto ng pulisya ang isang magnanakaw ng motorsiklo habang ang mga kasabwat niya ay nakatakas at kasalukuyang pinaghahanap, nitong Linggo, 23 Pebrero, sa lungsod ng Baliwag, lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula sa Baliwag CPS, naganap ang insidente dakong 2:30 am kamakalawa sa kahabaan ng Predrino St., Brgy. …

Read More »

Pasaway sa gunban tiklo sa buybust

cal 38 revolver gun

INARESTO ng mga awtoridad ang isang indibidual sa isinagawang gun buybust operation sa Brgy. Lambakin, sa bayan ng Marilao, lalalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 22 Pebrero. Ayon sa ulat mula kay kay P/Lt. Col. Eulogio Lamqui III, hepe ng Marilao MPS, ang naarestong suspek ay isang 42-anyos na pinaniniwalaang miyembro ng isang gun-running syndicate. Nakompiska mula sa suspek ang isang …

Read More »

2 HVI , 4 pa timbog sa Bulacan at Nueva Ecija droga, armas nakumpiska

Arrest Shabu

MATAGUMPAY na nasamsam ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang malaking halaga ng hinihinalang ilegal na droga at mga baril, na humantong sa pagkakaaresto ng ilang indibiduwal kabilang ang dalawang high-value individual (HVIs), sa magkahiwalay na operasyon sa mga lalawigan ng Bulacan at Nueva Ecija. Sa ulat na ipinadala kay PRO3 Regional Director P/BGen. Jean Fajardo, nagsagawa ng buybust operation …

Read More »

Mga lungsod at bayan sa Bulacan, pasado sa 2023 Child-Friendly Local Governance Audit

Bulacan

KINILALA ang ilang mga lungsod at munisipalidad sa lalawigan ng Bulacan na tatanggap ng Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG), na nakalista sa opisyal na roster ng SCFLG Conferees for the 2023 Child-Friendly Local Governance Audit – Region III (Central Luzon) ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Sa mga lokal na pamahalaan sa Central Luzon na matagumpay …

Read More »

Riding-in-tandem nakipagbarilan sa mga pulis 1 patay, 1 sugatan

dead gun

PATAY ang isang rider habang sugatan ang kaniyang angkas matapos makipagbarilan sa mga awtoridad na nagresponde sa sumbong na may kahina-hinala silang ikinikilos sa Brgy. Anunas, lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Miyerkoles, 19 Pebrero. Nauna rito, inalerto ng Angeles City Command Center ang mga tauhan ng Angeles ACPO tungkol sa dalawang kahina-hinalang indibiduwal na gumagala sa Korean Town, …

Read More »

Sa DRT, Bulacan
3 illegal logger timbog

DRT Doña Remedios Trinidad Bulacan

NAARESTO ang tatlong pinaghihinalaang illegal loggers sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 19 Pebrero, batay sa patuloy na pagmamatyag ng mga awtoridad kaugnay sa ilegal na pamumutol ng mga kahoy sa kabundukan. Sa ulat mula kay P/Maj. Jheneil Acuña, hepe ng Doña Remedios Trinidad MPS, naaktohan ng kanilang mga tauhan at ng National Power …

Read More »

Lola binigti, sinaksak ng 5-pulgadang karayom, suspek tiklo

Karayom

NASAKOTE ng mga awtoridad ang suspek sa likod ng pagkamatay ng isang 68-anyos babae na sinaksak ng limang pulgadang karayom ​​sa bayan ng Candaba, lalawigan ng Pampanga, noong nakaraang taon. Pinangunahan ng Pampanga SWAT Team ang operasyon na humantong sa pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Jerome Santiago o alyas Randy, sa loob ng isang gusali sa lungsod ng San …

Read More »

Tomahawk plane nag-emergency landing sa Bulacan

Tomahawk plane nag-emergency landing sa Bulacan

ni Micka Bautista INIULAT ng pulisya ang emergency landing incident ng isang PA 38 Tomahawk plane matapos magkaroon ng engine failure habang lumilipad sa bahagi ng Plaridel, Bulacan kahapon ng umaga. Nakaligtas sa insidente ang mga sakay ng eroplano na kinilalang sina Velentine Bartolome y Torre III, pilot instructor, 50 anyos, residente sa BF Homes Almanza Dos, Las Piñas City; …

Read More »

Nagdulot ng panic sa Bulakeños  
NAGPASKIL NG FAKE NEWS SA SOCMED IPINATAWAG NG BISE GOBERNADOR

Alexis Castro Bulacan PNP

NANAWAGAN si Bulacan Vice Governor Alexis C. Castro sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang pagsubaybay at pagberipika ng impormasyon bilang tugon sa nakaaalarmang mga paskil na kumakalat sa social media na nagdulot ng panic sa mga residente ng Bulacan. Ipinatawag ni Castro ang Committee on Peace and Order at ang Committee on Communications, Information Technology, and Mass Media …

Read More »

‘Modus’ sa Bocaue bistado ng NBI  
IMBAK NA LUMANG BIGAS PLUS HALONG VARIETY AT PABANGONG PANDAN EQUALS PREMIUM RICE

Bigas NBI Bocaue Bulacan

ni MICKA BAUTISTA NADISKUBRE ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang bodega sa Bocaue, Bulacan na nag-iimbak at nagbebenta ng mga luma at imported na bigas na itinago bilang premium-grade grain. Tumambad sa mga ahente ng NBI ang tambak ng mga imported na bigas na nakaimbak nang hindi bababa sa dalawang taon, kasama ang mga kagamitan na ginagamit sa …

Read More »

Sa Bulacan  
Makeshift drug den binuwag ng PDEA

Sa Bulacan Makeshift drug den binuwag ng PDEA

WINASAK ng mga operatiba ng PDEA Bulacan Provincial Office ang isang makeshift drug den na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang operator nito at kasamang dalawang galamay kasunod ng buybust operation sa Brgy. Minuyan Proper, lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng gabi, 11 Pebrero. Kinilala ng PDEA team leader ang naarestong drug den maintanainer …

Read More »

Checkpoint sinalpok ng motorsiklo Pulis sugatan, rider timbog

Checkpoint sinalpok ng motorsiklo Pulis sugatan, rider timbog

SUGATAN ang isang pulis nang sadyang sagasaan ng driver ng motorsiklo sa pagtatangkang umiwas sa joint COMELEC checkpoint operation sa Brgy. Nagbunga, sa bayan ng San Marcelino, lalawigan ng Zambales, nitong Lunes, 10 Pebrero. Kinilala ang sugatang alagad ng batas na si P/Cpl. John Nelson Flores, 36 anyos, residente sa Brgy. Pamatawan, Subic, Zambales, na tinamaan sa kaniyang kanang paa …

Read More »

Para sa ligtas at maayos na halalan sa Mayo
Crackdown sa loose firearms sa Central Luzon pinaigting

No Firearms No Gun

SA PAPALAPIT na pambansa at lokal na halalan sa Mayo 2025, pinaigting ng PRO3 PNP sa pamumuno ni Regional Director P/BGen. Jean Fajardo, ang kampanya laban sa loose firearms, na tinitiyak ang ligtas at maayos na prosesong elektoral sa Central Luzon. Mula 10 Enero hanggang 8 Pebrero, matagumpay na naisakatuparan ng PRO3 ang pagsisilbi ng 39 search warrant, na humantong …

Read More »

3 tiklo sa back-to-back operations ng PRO3

PNP PRO3

SA WALANG TIGIL na pagsusumikap at paglaban sa ilegal na droga sa Central Luzon, matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng PRO3 ang tatlong drug suspects sa magkakahiwalay na buybust operation sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga, na humantong sa pagkakakompiska ng 105 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P700,000. Isinagawa ang unang operasyon noong nakaraang Miyerkoles, …

Read More »

P2.7-M shabu mula sa Rizal idinayo sa Pampanga, tulak tiklo

Arrest Shabu

HINDI natuloy ang tangkang pagpupuslit at pagbebenta ng ilegal na droga ng isang hinihinalang tulak mula sa Rizal nang madakip ng mga awtoridad sa bayan ng Magalang, lalawigan ng Pampanga, nitong Miyerkoles, 5 Pebrero. Nasakote ng mga operatiba ng Magalang MPS sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 3 (PDEA 3), ang suspek na kinilalang si alyas Ben, 30 …

Read More »

Puganteng rapist tiklo

Bulacan Police PNP

NASAKOTE ng mga operatiba ng PRO3 ang isang lalaking nakatalang high-profile na pugante sa manhunt operation na inilatag sa bayan ng Balagtas, lalawigan ng Bulacan. Dinakip ng pinagsanib na puwersa ng 3rd Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Bulacan PPO, sa koordinasyon ng Bulacan West PIT-RIU3, Balagtas MPS, Bocaue MPS, at 305th at 301st Maneuver Companies ng RMFB3 …

Read More »

Mga mangingisda sa Bulacan tumanggap ng suportang pangkabuhayan mula sa BFAR

Mga mangingisda sa Bulacan tumanggap ng suportang pangkabuhayan mula sa BFAR

SA PAGTUTULUNGAN ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 3 at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa pangunguna ni Gov. Daniel Fernando, muling nabigyan ng livelihood support ang 46 mangingisda mula sa Bulacan sa naganap na distribusyon sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, nitong Martes, 4 Pebrero. Nakatanggap ang 15 benepisaryong mangingisda mula sa …

Read More »