Friday , December 27 2024

Maricris Valdez Nicasio

Sen. Jinggoy, Nanibago sa pag-arte; Direk Adolf, binigyan ng gradong 9

PITONG taon bago muling gumawa ng pelikula si dating Senador Jinggoy Estrada kaya aminado siyang nanibago sa muling pagharap sa kamera. Anang Senador nang bisitahin namin siya sa last shooting day ng Coming Home sa Cities Events Place, ”Nanibago talaga kasi ako dahil pitong taon akong hindi gumawa ng pelikula.” Sinabi ng senador na mas ma-drama ang Coming Home kompara sa Katas ng Saudi na pinagsamahan nila ni Lorna Tolentino at nanalo …

Read More »

Coney, may bagong role bilang health advocate ng isang Vitamin B brand

PINANGALANANG health ambassador ng Vitamin B brand na Fortiplex ng Pharex Health Corporation si Coney Reyes. Sa edad 65, tila hindi pa naiisip ng aktres na magretiro. Bahagi siya ngayon ng family drama series na Love of My Life sa GMA 7. Gaganap si Coney bilang ina ng character ni Tom Rodriguez na may sakit na pancreatic cancer. Dala ng sakit na maaari niyang ikamatay, susubukan nitong buuin ang …

Read More »

Cristine, walk out no more na — ‘Di na ako padalos-dalos at mas appreciative na

PASAWAY no more na nga ba si Cristine Reyes? Yes naman dahil iginiit niyang appreciative na siya ngayon sa kanyang trabaho kompara noong bata-bata pa siya o baguhan. Ito ang pag-amin ni Cristine sa mediacon ng Untrue na pinagbibidahan nila ni Xian Lim mula Viva Films na mapapanood na sa February 9. Ani Cristine, “mag 31 na ako at nakilala n’yo ako na feisty, I was 14, …

Read More »

Direk Sigrid, puring-puri ang professionalism nina Cristine at Xian

Sinabi naman ni Direk Bernardo na isang acting piece ang Untrue kaya punuri niya ang dedikasyon at mahusay na pagganap nina Cristine at Xian. “We had 10 days of workshop…kumuha ako ng acting coach…They were really professional. They studied their lines. Xian gained 20 pounds for this. I told him to gain 20 pounds, and he did…tapos nagpabalbas siya. Si Cristine naman …

Read More »

Maria Laroco’s first love

TATLONG taong gulang pa lamang si Maria Laroco nang magpakita ng interes sa pagkanta. Kasunod nito ang pagsali-sali niya sa isa’t ibang singing contest na lalong nagpahasa sa kanyang talento. “Lahat na yata ng barangay singing contest nasalihan ko na,” pagbabalik-tanaw niya. Isa si Lea Saloga sa mga naka-influence sa kanya sa musika gayundin sina Aretha Franklin at Liza Minelli. Hilig naman niya ang pop, jazz, at soul …

Read More »

Sharon at Regine, bibida sa isa sa 34 pelikulang gagawin ng Viva; Bela, 5; Dingdong, 2

IGINIIT ng Viva boss na si Vic del Rosario na hindi siya naniniwalang unti-unti nang namamatay ang Philippine movie industry. “Hangga’t may mga Filipino na tumatangkilik sa mga pelikulang Pinoy, patuloy kaming magpo-produce,” sambit ng magaling na direktor sa Viva 2020 Vision presscon. Kasabay nito ang hahayag na 34 pelikula ang gagawin nila ngayong 2020. Labinglima rito ay natapos na at sunod-sunod na mapapanood na sa …

Read More »

Marcelito, na-depress, na-feel ang pagkalaos

AMINADO si Marcelito Pomoy na dumating siya sa puntong parang gumuho na ang mundo niya. Ito ang mga panahong feeling niya’y wala na siyang career. Laos na siya. Pero dahil sa America’s Got Talent: The Champions nabago ang pananaw niya sa buhay. Sa pakikipag-usap namin sa kanya sa thanksgiving party ng Macbeth, gumagawa ng footwear, apparel, at accessories na ginanap …

Read More »

Princess of Love Songs, sikat sa spotify at iTunes

NAKABIBILIB naman itong tinaguriang Princess of Love Songs at indie singer-songwriter na Registered Nurse by profession, si Diane De Mesa na bagamat walang koneksiyon sa mga record label, sumikat ang kanyang mga kanta. Siya ang nagpasikat ng mga awiting Miss Na Miss Kita, ‘Di Bale Na Lang, If Only We Could Be Together, May mahal Ka na Bang Iba?, at …

Read More »

Kim, naka-relate sa Love Thy Woman; Now I understand the feeling ng mga kapatid ko sa labas

HINDI napigilang maluha ni Kim Chiu nang mapag-usapan ang ukol sa kanyang ama sa presscon ng Love Thy Woman, ang teleseryeng pagbibidahan niya kasama si Xian Lim na mapapanood na simula Pebrero 10. Bago ang pag-iyak, inamin muna ni Kim na mayroong ibang pamilya ang kanyang ama na tulad sa kuwento ng Love Thy Woman na  mayroong 2nd family si Christopher de Leon. Mayroon din siyang mga kapatid sa labas. Sila …

Read More »

Sunshine, mas pinahalagahan ang respeto over love

GRATEFUL si Sunshine Cruz na makasama sa bagong teleseryeng handog ng Dreamscape Entertainment, ang Love Thy Woman na mapapanood simula Pebrero 10 sa ABS-CBN 2. Gagampanan ni Sunshine ang ina ni Kim Chiu, ang 2nd family ni Christopher de Leon. Ito’y ukol sa isang modernong Filipino-Chinese family na pinamumunuan ng amang si Adam (Christopher) na ang hangad ay mahalin nang pantay ang dalawa niyang pamilya– ang unang asawang si …

Read More »

Kris, Aminado — I may not be healthier, but i’m not worse

NAPAKA-TAPANG ni Kris Aquino para amining hindi pa siya ganoon kagaling. Pero ang kagandahan dito, hindi naman lumala ang kanyang kalagayan. Talagang positibong hinaharap ni Kris ang mga nangyayari sa kanyang buhay ngayon na magandang senyales para lalong lumakas ang kanyang katawan. Sa Instagram post ng aktres-TV host, sinabi niyang hindi na lumala ang health condition niya base sa resulta ng kanyang huling medical …

Read More »

Ariella, walang keber makipag-halikan kay Jinggoy

UNANG pelikula ni Ariella ‘Ara’ Arida ang Coming Home na pagbibidahan nina Sylvia Sanchez at Sen. Jinggoy Estrada pero hindi niya alintanang isang other woman ang gagampanan niya. Anang dating beauty queen, ”It’s such an honor for me na makasama ang ating mga batikang aktor at aktres. Kaya I’m so excited na masimulan na po itong movie kasi mayroon siyang magandang story na maaantig ang ating mga puso.” Hindi …

Read More »

Jake Ejercito, excited at kabado sa unang pagsabak sa acting (Ellie, okey lang mag-artista)

HINDI itinago ni Jake Ejercito ang excitement at kaba sa unang pagsabak niya sa acting sa pamamagitan ng Coming Home, comeback movie ni dating senador Jinggoy Estrada katambal si Sylvia Sanchez, mula sa Maverick Films. Sa pakikipag-usap namin kay Jake, aminado itong medyo reluctant pa siya na sumabak sa pag-arte. Katunayan, isa siya sa pinakahuling napapayag nina Arnold Vegafria, line producer at ng kapatid niyang si …

Read More »

Kakaibang tema ng pananakot at panggulat, ihahatid ng Ascension

ALAM ng Filipino-American producer na si Arsy Grindulo Jr., na mahilig sa horror at sci-movies ang mga Filipino kaya naman naengganyo siyang dalhin sa Pilipinas ang kauna-unahan niyang ipinrodyus na pelikula abroad, ang Ascension. Aminado si Grindulo na hindi niya gamay ang pagma-market ng pelikula niya sa ‘Pinas dahil first time producer nga siya pero dahil aware siyang kumikita ang mga horror movie …

Read More »

Yam, tagumpay ang pananakot sa Night Shift

SINABI ni Yam Concepcion na mapapaisip ang sinumang manonood ng kanilang pelikulang kasalukuyang palabas na sa mga sinehan, ang Night Shift. At totoo nga dahil habang pinanonood namin ito nang magkaroon ng premiere night noong Lunes sa SM Megamall, mapapaisip ka sa kung ano ang mga susunod na mangyayari dahil sobra ang pagka-supense ng pelikula na sinamahan pa ng magandang musical scoring. Kaya …

Read More »

Kitkat, may offer para magbida sa isang series sa China (Bukod pa sa musical play sa Guam at HK)

TATAHI-TAHIMIK itong si Kitkat pero kabi-kabila ang offers. Hindi lang dito sa ‘Pinas pero sa ibang bansa. Kaya naman namroroblema siya kung paano niya tatanggapin. Sa pakikipagkuwentuhan namin kay Kitkat, nasabi nitong may offer siyang series sa Shanghai, China at play naman sa Guam. “By April or May ‘yung series pero pag-uusapan pa namin ng Star Magic at handler ko …

Read More »

Mr. Pogi Oscar San Juan, mag-aala Jericho at Coco

MALAKI ang potensiyal na magkaroon ng career sa showbiz ang bagong itinaghal na Mr. Pogi ng Eat Bulaga, si Oscar San Juan ng San Pedro Laguna. Bukod kasi sa hitsura magaling ding kumanta at sumayaw ang 20 taong gulang kaya naging advantage niya ito sa naturang patimpalak. Nakaaarte naman si Oscar pero aminadong kailangan pang pagbutihin. At para umangat ang …

Read More »

Ai Ai, kuwela ang mga hirit sa D’Ninang; Angel Guardian, mahusay

TAWANG-TAWA kami sa bagong comedy movie na handog ni Ai Ai delas Alas mula Regal Films, ang D’Ninang. In fairness, madalas ang hagalpakan sa sa isinagawang Red Carpet Premiere Night noong Lunes ng D’Ninang dahil sa mga nakatatawang eksena at hirit ng Comedy Queen. Pwede na ngang masabing Ai Ai is back at ibang-iba talaga ito. Kuwelang-kuwela. Kung komedya ang hanap nyo, tiyak na hindi kayo …

Read More »

Blackpink, sobrang humanga sa galing nina Ella at SB New Gen

MALAKI ang pasasalamat ng grupo ni SB (Sexbomb) New Gen Jara Cancio (mgr) kay Ella Cruz dahil isinama sila sa BlackPink show, ang Awesome Live na ginanap sa Jakarta, Indonesia, kamakailan. Si Jara ay anak ni Joy Cancio na siya nang nag-aaaikaso sa mga baguhang Sexbomb, ang SB New Gen. Nakakuwentuhan namin si Joy at naikuwento nga nito ang pagsali nina Ella at nina Eunice at Daphny ng SB New Gen. Nasabi nitong sobrang idolo nina …

Read More »

Vin, tiyak na kamumuhian at hahangaan

INIS na inis kami kay Vin Abrenica pagkatapos mapanood ang one week episode ng bagong handog ng ABS-CBN, ang A Soldier’s Heart sa advance screening nito noong Huwebes ng gabi sa Gateway Cinema. Ginagampanan ni Vin ang kapatid ni Gerald Anderson, si Elmer na may mataas na posisyon bilang sundalo at siyang magpapahirap at kakontrapelo ni Gerald. Napaka-intense ng kanyang …

Read More »

JC at Bela, may bagong pakilig sa viewers

SUWERTE at nagki-klik lagi sa takilya ang tandem nina JC Santos at Bela Padilla kaya naman marami ang nagre-request na sundan ang mga pelikula nilang 100 Tula Para Kay Stella at The Day After Valentine’s. Kaya naman ang On Vodka, Beers and Regrets ang bago nilang handog mula Viva Films. Ang On Vodka, Beers and Regrets ay ukol kay Jane …

Read More »

SB19 sa kasikatang tinatamasa — Sobrang overwhelm, ‘di namin ine-expect

TAONG 2018 inilunsad ang grupong SB19, kauna-unahang Pinoy K-Pop group na tinitilian ngayon ng millennials, sa pamamagitan ng kanilang single na Tilaluha at July 2019 naman sila pormal na inilunsad kasabay ang second single na Go Up. Pero napakabilis ng kanilang pagsikat at pag-arangkada hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng universe. Sila ang kauna-unahang Filipino …

Read More »

GGV, iginiit — Villar, ‘di kailanman nag-guest para ipromote ang cryptocurrency trading program

ITINANGGI ni dating Senate President Manny Villar na ineendoso niya ang cryptocurrency trading program. Kasunod ito ng pagkalat sa social media na sinusuportahan niya ang programang ito na tinalakay niya nang mag-guest sa Gandang Gabi Vice. Agad pinasinungalingan ni Villar ang balita at sinabing isang scam ang kumalat sa social media. Ani Villar sa isang post sa Facebook, “I wish …

Read More »

Yam, tapos na at ayaw nang magpa-sexy

NAGPAPASALAMAT si Yam Concepcion sa sunod-sunod na blessings na dumarating sa kanya ngayon. Bukod kasi sa teleseryeng Love Thy Woman, unang mapapanood ang aktres sa Nightshift ng Viva Films at Alliud Entertainment. Sinabi ni Yam na mahirap maging choosy bukod pa sa wala pa siya roon sa level na na namimili ng roles. “Sa akin lang, basta maganda at kung interesado ako at tingin ko maibibigay …

Read More »