Tuesday , November 19 2024

Mackoy Villaroman

Tsinong Mandaragit

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

TAYANGTANGni Mackoy Villaroman HABANG ang lahat ay nakatuon ang pansin sa mga kaganapan ng Kilusang Kalimbahin,  ang Commission on Elections (Comelec) ay nakipagkasundo sa F2 Logistics, isang kompanya na pag-aari ni Dennis Uy.  Ang kontrata ay nagkakahalaga ng tumataginting na P536 milyon, na nagtatalaga sa kompanyang F2 sa pagdadala ng mga election related materials para sa halalan sa 2022.  Pero …

Read More »

Kamalayang kalimbahin

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

TAYANGTANGni Mackoy Villaroman NAGSIMULA ang lahat sa isang panawagan mula sa mga makabayan na maka-Leni na nag-uudyok sa lahat na sumali sa isang malawakang motorcade na gaganapin sa Sabado, ika-22 ng Oktubre, na nagsimula sa iba’t ibang panig mg bansa. Samakatuwid, isang malaki at malawak na motorcade. Sa maikli ikinagulat ito ng mga nasa poder, pati kasapakat niya, dahil inanod …

Read More »

The political circus is in town

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

TAYANGTANGni Mackoy Villaroman MAGSISIMULA na ang pormal na kampanya para sa Halalan 2022. Dito makikita natin ang mga magtataas ng sariling bangko. Dito makikita ang mga bigatin at yayamanin na mangangako at solusyonan ang lahat ng suliranin na bumabagabag sa ating bansa. Mula sa abogado, at batikan sa larangan ng national development, hanggang sa abang manlulupa, tangan ang taon na …

Read More »

Politikang boka-boka

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

TAYANGTANGni Mackoy Villaroman NALALAPIT na ang 2022 at ang halalang pampangulohan. Nangyayari ito tuwing anim na taon at kasabay nito inihalal ng taong bayan ang mga mambabatas ng dalawang kapulungan ng Kongreso. Nag-usap kami ng kaklase at matalik kong kaibigan Clarence Aytona noong Martes. Napag-usapan namin ang nagaganap na malawakang voters registration ng COMELEC. Ito ang pagkakataon para sa mga …

Read More »

Politikang labo-labo

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

TAYANGTANGni Mackoy Villaroman NAKAKAINTERES at umiinit na ang nagbabadyang kampanya. Sa 8 Oktubre 2021 ang huling araw ng pagsusumite ng “certificates of candidacy” para sa darating na “national elections” sa 2022. Ito ay pinakaaabangan ng marami nating kababayan dahil bukod sa pagkakataong ito para mamili ng susunod nating pangulo, ito ay pagkakataon ng marami na kumita ng pera mula sa …

Read More »

Panlilibak

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

TAYANGTANGni Mackoy Villaroman KUNG ano ang amo, iyon din ang alagad. Ito ang nakikita natin sa mga tauhan ni Rodrigo Duterte. Iisa lang ang estilo nila. Bastos at walang pakundangan sa batas. Ito ang nakikita natin sa ginagawang Senate investigation sa Pharmally na dawit mismo si Duterte. Ginagawa ang lahat para sagipin ang mga paratang laban sa mga Tsinong si …

Read More »

Sindikato

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

TAYANGTANGni Mackoy Villaroman NAKAGIGIMBAL ang nangyayari ngayon sa ilalim ng administrasyon ni Rodrigo Duterte. Halos araw-araw may pangit na balita na mas madalas sa hindi ang mamamayang Filipino ang dehado. Ang bagong pasabog mula sa kuyukot ng administrasyon ay ang isyu ng Pharmally Pharmaceutical Corp., at ang mga kasapakat sa gobyernong Duterte. Nagkaroon ang nasabing kompanya ng transaksiyon na nagkakahalaga …

Read More »

Kwentas klaras

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

TAYANGTANGni Mackoy Villaroman “WHEN a Supreme Audit Institution is attacked, it is a sign of desperate times. The audit process is a mechanism of accountability without which, no nation can flourish. To put public officials to task is not playing politics, it is simply an exercise of every citizen’s right. After all it is their money that is at stake. …

Read More »

Pasasalamat

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

TAYANGTANGni Mackoy Villaroman NAMEMELIGRO si Rodrigo Duterte dahil iimbestigahan ng International Criminal Court (ICC) ang mga patayan mula 2010 hanggang 2019, ang taon na tinanggal ni Duterte ang bansa sa hurisdiksyon ng ICC. Lalong naging masikip para kay Duterte ang sitwasyon nang katigan ng Korte Suprema ang ICC. Dito nangatog ang tuhod ng matanda dahil nagbabadya ang paghimas niya sa …

Read More »

‘Ahasan Blues’

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

TAYANGTANGni Mackoy Villaroman NOONG Sabado, tinanggal si Manny Paquiao sa PDP-Laban. Pakana ito ni Alfonso Cusi na nagtayo ng isang ‘breakaway’ na grupo ng mga kasapi ng partido politikal. Ang matindi, dawit sa pagpapatalsik kay Paquiao si Koko Pimentel, anak ni Nene Pimentel, isa sa mga nagtatag ng partido noong 1982. Itinatag ang PDP-Laban upang labanan ang diktadura ni Ferdinand …

Read More »

Paputak sa paputok

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman NOONG Lunes, naglabas ng isang malakas na pasabog si Sonny Trillanes. Isiniwalat ni Trillanes ang pagtanggap ng mga kompanya ng ama at kapatid ni Bong Go ng proyektong road-widening at concreting sa Davao na nagkakahalaga ng kabuuang P6.6 bilyon.   Nakakuha ang kompanyang CLTG na pag-aari at pinamamahalaan ni Desiderio Lim, ama ni Bong Go ng …

Read More »

‘Sampalan Blues’

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman HUWEBES na, pero torete pa rin ang tenga ko sa narinig ko mismo mula sa bunganga ni Rodrigo Duterte noong Lunes sa kanyang weekly late night address sa taongbayan. Sabi ko sa sarili ko masyado na akong masokista dahil pinakikinggan ko pa ang tila sirang plakang retorika na galing sa isang taong, alam ko halal ng bayan …

Read More »

Respeto

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman NITONG 14 Hunyo 2021 nang ilabas ni Fatou Bensouda ang kanyang final report at rekomendasyon para siyasatin ng International Criminal Courts (ICC) sa Hague, Netherlands ang mga naganap na EJK o extrajudicial killings mula 1 Hulyo 2016 hanggang 19 Marso 2019, ang petsa kung kailan tumiwalag ang Filipinas sa Rome Statute.   Dagdag ni Bensouda sa …

Read More »

Patay nang patay

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman NOONG Lunes, inaprobahan ng Kamara ang pag-amyenda sa Public Services Act na magpapahintulot ng 100% foreign ownership o pag-aari ng mga banyaga sa mga public utilities tulad ng elektrisidad, tubig, at komunikasyon. Sumingkit ang mata ko at napamura ako ng Mandarin dahil alam ko na ang kahihinatnan ng legalistikong birada na sa kalaunan ay dehado ang …

Read More »

Huntahan ng mga hukluban

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

MAAGA pa ang gabi nang maganap ang lingguhang paglitaw ni Rodrigo Duterte. Sa “weekly media briefing” panauhin si dating senador Juan Ponce-Enrile. Pinaunlakan umano ni Enrile ang paanyaya para magpaliwanag tungkol sa isyu ng West Philippine Sea na kinakamkam ng Tsina ngayon. Nagbigay ng sariling sapantaha si Enrile sa programa tungkol sa WPS. Hindi gaanong kumibo si Duterte na kabaligtaran …

Read More »

Hari ng estafa

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

HINDI ako nagulat nang tawagin ni Rodrigo Duterte na ‘estupido’ ang naniwala sa sinabi niyang mag-jetski siya sa Scarborough Shoal at magtirik ng bandila ng Filipinas doon upang igiit na atin iyon at ipakita ang ating kasarinlan. Sinabi niya na “biro lang iyon.” Dahil ako’y patas mag-isip, at walang masamang tinapay sa kaninuman, bigla akong nalungkot dahil marami ang naniwala …

Read More »

Wala sa hulog

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

SA EDAD 96 anyos, maituturing si F. Sioníl Jose na ang pinakamatandang manunulat na Filipino na nabubuhay ngayon. Tanyag si Jose sa mga isinulat niyang nobela at maikling kwento sa Ingles. Isang paligo lang, kapantay niya ang mga lodi kong Nick Joaquin, Alejandro Roces, at Manuel Arguilla. Aaminin ko isa ako sa tagahanga niya.   Nang sinabi niya na ang …

Read More »

Utak-sili

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

NATAWA ako sa binitawang salita ng isang nilalang na nangangalang Robin Padilla noong 22 Abril. Sabi niya: “Tutal napakaraming matapang. Narinig mo. Eto, may mga politiko. Senador Kiko Pangilinan, Ex Justice Antonio Carpio, Jim Paredes, Senadora Risa Hontiveros, si Idol, si 10,000 hours, senador Ping Lacson, may mga ibang artista pa at singer. E, kung talaga pong matapang kayo, e, …

Read More »

Hapag pampamayanan

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

NAG-USBUNGAN sa nakaraang linggo ang mga “community pantry” o paminggalan ng barangay. Nagsimula sa harap ng isang bahay at, ngayon, kumalat na ang mga “community pantry” sa iba’t ibang lugar. Nagsimula ito nang napagod ang 26-anyos na si Ana Patricia B. Non, o Patreng, sa kawalang-aksiyon ng pamahalaan sa kawalan ng makukunan ng pagkain ng ating mga mamamayan. Noong 14 …

Read More »

Kabaliwan at kababawan

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

KUNG IHAHAMBING sa larong ‘agawan-base,’ basta may isang nakahawak o nakadikit sa “base,” tantos niya ito at kanya na iyan. Isang tapik mula sa alinman sa kalaban talo na siya. Ganyan ang nagigisnan natin ngayon sa pagitan ng Filipinas at ng Tsina sa isyu ng West Philipppine Sea. Itong Marso, nagulantang ang marami nang may nakitang mahigit 200 barkong Tsino …

Read More »

Purgahin si ‘beerus’

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

NABALITA ang pagtataguyod ni Anakalusugan Party List Rep. Mike Defensor sa gamot na Ivermectin. Ang Ivermectin ay isang broad spectrum anti-parasitic agent, na ginagamit sa paggamot ng onchocerciasis o river blindness na sanhi ng bulate na kadalasan ay nakukuha sa lupa. Mabisa rin ito sa scabies o kudal sa balat. Ayon sa Merck, ang gumagawa ng Ivermectin: “There is no …

Read More »

Kakapa-kapa ka pa

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

LUNES nang magisnan si Rodrigo Duterte sa isang pre-recorded televised message. Gusto kong tawagin ito na “The Weekly Presidential Tik-Tok Show” kung saan pagkakataon nating mga ‘hampaslupa’ na magisnan ang diyos na naghahari sa baybay ng Ilog Pasig. Pero bago naging ‘viral’ ang mga retrato na lumabas kamakailan. Partikular, ang mga retrato ng isang abang Rodrigo Roa Duterte na nagdiwang …

Read More »

Mga bagong hari-harian

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

NAKATATABA ng puso dahil ito ang ika-60 kolum ko sa pahayagan na ito. Lubos akong nagpapasalamat sa mga nagtiwala, lalo sa mga mambabasa ko. Sisikapin kong ihatid ang katotohanan nang patas at walang bahid na kasinungalingan dahil ito ay obligasyon ko. Muli, daghang salamat sa imong tanan. *** INILUNSAD kamakailan ang 1Sambayan. Kilusan ito ng puwersa-demokratiko ng bansa na ang …

Read More »

Stay positive

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

KAMAKAILAN, napansin ko may mga kasapi sa Gabinete ni Rodrigo Duterte ang nagkasakit. Isa si DILG Secretary Eduardo Año, na halos dalawang buwan nang nawawala sa paningin at pandinig dahil nakaratay sa banig ng karamdaman. Sensitibo pa naman ang katungkulan niya dahil siya ang nagtitimon sa Philippine National Police, na sa kasalukuyan ay nababalot ng iba’t ibang kontrobersiya. Nag-umpisa ito …

Read More »

Nakapipikon na

TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

NOONG Lunes, nasaksihan natin ang lingguhang pakita ng tumatao sa Malacañan. Hindi nag-aksaya ng pagkakataon na pumukol ng maanghang na patutsada. Una sa Estados Unidos na pinaparatangan niyang may nakaimbak na sandata-nuklear sa Subic at kapag napatunayan niya, babawiin niya ang VFA, at palalayasin niya ang puwersa-Amerikano palabas ng bansa. Noong panahon na pinag-uusapan ang pagpigil ng upa sa mga …

Read More »