Tuesday , October 8 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Stay positive

KAMAKAILAN, napansin ko may mga kasapi sa Gabinete ni Rodrigo Duterte ang nagkasakit. Isa si DILG Secretary Eduardo Año, na halos dalawang buwan nang nawawala sa paningin at pandinig dahil nakaratay sa banig ng karamdaman. Sensitibo pa naman ang katungkulan niya dahil siya ang nagtitimon sa Philippine National Police, na sa kasalukuyan ay nababalot ng iba’t ibang kontrobersiya.

Nag-umpisa ito nang nagpositibo raw sa CoVid-19 si PNP chief Gen. Debold Sinas at PDEA Director General Wilkins Villanueva. Dahil dito ipinagpaliban ang Senate hearing ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs tungkol sa shootout na naganap sa Commonwealth Avenue. Ang komiteng ito ay pinamumunuan ni Bato dela Rosa, na matatandaang nahawa ng CoVid-19.

Ang resulta nabinbin ang isang mahalagang senate hearing dahil si Sinas at Villanueva na parehong nasa timon ng DILG at mahalagang resource persons ay hindi puwedeng dumalo.

Napapansin na may bagong modus na lumalabas. Dati kapag gustong umiwas sa hearing may kalakip na wheelchair at neckbrace. Ngayon ibalita lang na CoVid-positive ka lusot ka na. ‘Di ba napakainam nito? Ngayon ginagamit ang pagiging CoVid-positive para umiwas sa kontrobersiya.

Isang magandang halimbawa, noong Lunes nagpahayag ang tagapagsalita ng Malacañan si Spooksman Harry Roque na siya ay CoVid-positive. Marami ang naniniwala, kasama po ang abang manunulat na ito. Ito ay ‘smokescreen’ para malihis sa totoong issue. Ang kapalpakan ng administrasyon ni Duterte.

Dahil nagbabadya ngayon ang malaking pagtaas nga mga kaso ng CoVid-19, napapanahon na alisin ang mga unggoy na namumuno sa IATF at iluklok ang mga dalubhasa sa epidemyolohiya, mga doktor, mga medical frontliners. Walang bisa ang mga armadong naka-combat attire na pulis dito.

Matapos ang 626,893 positibo, 12,837 nasawi, 53,479 active cases, mahigit sa apat na milyong nawalan ng hanapbuhay, at dagdag na P10.33 trilyong utang, magpapatuloy pa rin ba tayo sa kahangalang ito?

Sasabihin ko ito sa salitang maiintindihan ng nakaluklok sa Malacañan. Sasabihin ko ito sa salitang Bisaya:

“Saba… Saba diha…”

Pandagdag: Ayaw ipakita ni Spooksman Harry Roque ang resulta ng kanyang CoVid-19 test.

Aniya, “Hindi ko maiintindihan kung bakit kailangang ipakita. I don’t think it’s important.”

Heto lang po ang sagot ko riyan: “Ulol!”

*****

Sa naganap na plebisito tungkol sa paghihiwalay ng Palawan sa tatlong probinsiya, nanaig ang kagustuhan ng Palawanon at panalo ang PalaOne. Tuluyang nabigo si Palawan governor Jose Alvarez sa kanilang balak at umuwi na lamang silang luhaan.

Nang matapos ang bilangan, maliwanag na ayaw magkawatak-watak ang probinsiya ng mga Palawanon. Noong unang nabatid na marami ang Ayaw, nagparinig si governor Alvarez na maaaring dinadaya ang mga Sang-ayon.

Nang matapos ang bilangan at maliwanag na ang pagkapanalo ng Ayaw. Sa bandang huli, nag-concede siya. Ito ang pahiwatig ng tila naagawan ng kending si Governor Alvarez:

“Hindi naman ang pamahalaang panlalawigan ang natalo rito. Ang natalo rito ay ang sambayanang Palawenyo.”

Hindi matanggap ni Governor Alvarez na ayaw ng Palawanon na mahati ang kanilang probinsiya, at matatandaan ng mga Palawanon ang ginawa ni Governor Alvarez.

Mabuhay ang mga Palawanon.

*****

Mga piling salita

Mula kay Tina Cuyugan:

Hakuna matata – Lion King

Bakuna wala pa – Liar King

Mula kay Wilfredo:

Inspiring quotes from world leaders

Emperor Constantine: “On this sign, conquer!”

Franklin Roosevelt: “The only thing you have to fear is fear itself.”

JFK: “Ask not what the country can do for you, ask what you can do for your country.”

Winston Churchill: “We will fight on the beaches, we will fight on the hills.”

Rodrigo Duterte: “Maliit lang na bagay ito.”

Ang huling salita ay mula kay Senadora Leila de Lima. Ito ay tungkol sa pagpaslang sa mga manananggol: “The DOJ Secretary should be the first advocate for the protection of lawyers. By simply accepting that our profession is “fraught with danger,” he is in effect condoning Duterte’s failure even just to establish a policy to protect the legal profession.”

Napapanahong isipin natin ang nararapat na hakbang upang itama ang maling pamamalakad ng gobyerno ni Mr. Duterte.

Napapanahon ang magnilay-nilay nang hindi maulit ang pagkakamaling ito.

Tama na sobra na palitan na.

[email protected]

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Sipat Mat Vicencio

Laban ni FPJ:  Inumpisahan ni Grace, tatapusin ni Brian

SIPATni Mat Vicencio NAGSIMULA ang ‘laban’ ni Senator Grace Poe nang bawian ng buhay ang …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors muling nag-hari sa Blumentritt

YANIGni Bong Ramos MULI na namang namayagpag ang mga vendor sa kahabaan ng kalyeng Blumentritt …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Delusional, kung ‘di man desperada

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DELUSIONAL na marahil ang ating Bise Presidente, si Inday …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *