DAPAT pagpaliwanagin ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa pakay ng kanyang pagbisita sa isang pagtitipon ng Members of the Church of God International, kamakailan. Ang MCGI ay pinamumunuan ni Eliseo F. Soriano (a.k.a. Bro. Eli) na convicted at fugitive leader ng grupong tinatawag na Ang Dating Daan (ADD). Sakaling hindi alam ni …
Read More »Lim, kabahagi sa tagumpay ng 2019 PNPA valedictorian na si Lt. Jervis Allen Ramos
NASISIGURO nating ikinagagalak din ni dating Manila Mayor Alfredo Lim ang tagumpay ni Police Lieutenant Jervis Allen Ramos, ang valedictorian ng Sansiklab Class 2019 ng Philippine National Police Academy (PNPA). Tiyak na feeling proud si Lim sa tulad niyang isinilang at lumaki sa Tondo dahil si Ramos ay produkto pa ng Universidad de Manila (UDM) na naipatayo ng muling tumatakbong alkalde …
Read More »Lim sa Maynila; Calixto sa Pasay
NGAYONG araw ang simula ng opisyal at naaayon sa batas na pangangampanya para sa mga lokal na kandidato sa buong bansa. Umpisa na ng kampanya pero bigo ang mga katunggaling kadidato nina dating Mayor Alfredo Lim sa Maynila at Rep. Emi Calixto-Rubiano sa Pasay na maiangat ang kanilang sarili sa mga totohanang survey. Sina Lim at Calixto-Rubiano ay kapwa biktima ng …
Read More »Lugi ng PCSO sa STL kanino napunta?
ISANG nagngangalang Lino Espinosa Lim Jr., ang lumiham sa Ombudsman at humihiling na imbestigahan ang mga ari-arian na pinaniniwalaang nakamal ni ‘jueteng whistleblower’ Sandra Cam habang nakaupong board director ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). May mga ari-arian daw na itinatago si Madam S. Cam na nasa pangalan ng kanyang mga kapatid na sina Purisima Martinez at Martin Cam, at anak …
Read More »‘Sense of propriety’ ng Senado sa P8-B kontrata ng Hilmarc’s sa kapinsalaan ng mamamayan
LAKING-GULAT natin na ang Hilmarc’s Construction Corp., na naman pala ang nakadale ng malaking kontrata sa itatayong gusali na paglilipatan ng Senado sa lungsod ng Taguig. Ang Hilmarc’s ay matatandaang inimbestigahan ng Senado mula 2014 hanggang 2016 sa mga maanomalyang proyekto na ibinulgar ni dating vice mayor Ernesto Mercado laban sa pamilya ni dating Vice President Jejomar ‘Jojo’ Binay sa …
Read More »“Unholy alliance” ng PCSO at STL cum ‘jueteng lords’
KATIWALIAN ang sinasabing rason kaya raw sinibak ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte sa puwesto si retired Marine general Alexander Balutan bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Malaki umano ang ibinagsak ng kita ng PCSO sanhi ng hindi naaabot at inaasahang target income – partikular sa koleksiyon ng Small Town Lottery (STL), ayon sa Palasyo. Isa raw sa tinukoy …
Read More »Mayor Fred Lim: Tuloy ang laban!
PINASINUNGALINGAN ni dating Mayor Alfredo S. Lim at pambatong kandidato ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Maynila na siya ay umatras na bilang kandidato sa pagtakbong alkalde ngayong darating na eleksyon. Hindi po totoo at malaking FAKE NEWS ang pag-atras daw ni Lim na sigurado at walang duda na nagmula sa kampo ng kanyang mga kalaban. Sa kanyang …
Read More »Team Calixto pa rin ang patok sa Pasay
TIYAK na mamamaga na naman ang butse ng mga nagkakalat ng paninira laban sa ‘Team Calixto’ mula sa kampo ng nag-aala-tsambang kandidato sa Pasay kasunod nang napalathalang resulta ng survey sa pahayagang The Manila Times, kamakalawa. Sa survey na isinagawa ng RP Mission and Development Foundation Inc. (RPMDInc.) sa 2,500 respondents ay kasama ang mga kandidato sa tiket ng Team …
Read More »‘Pinuno’ sa Senado dapat pag-isipan
KUNG dito pala sa bansa isinilang ang isa sa pinaka-mahusay na direktor ng mga pelikula sa Holywood na si Steven Spielberg ay walang kapagapag-asa si Lito Lapid na maging senador. Pangahas na ipinagmalaki ni alyas Pinuno, siya raw ay magaling na direktor sa pelikula bilang kalipikasyon na ipinangangalandakan sa muli niyang pagtakbo. Sa harap ng media, ang nakadidiring sabi niya: “Nagdidirek …
Read More »Mga bilanggo, inirehistro ng Comelec; pabobotohin sa 2019 midterm elections
MALAWAKANG dayaan ang posibleng maganap sa eleksiyon na nakatakdang iraos ngayong Mayo sa sandaling makaboto ang mga bilanggo na nagawang irehistro ng Commission on Elections (Comelec). Ating napag-alaman, ang Comelec ay nagsadya sa City Jail ng mga lungsod sa Metro Manila para sapilitang itala ang mga preso noong nakaraang taon. Ibig sabihin, pasok ang pangalan ng mga bilanggo sa listahan ng …
Read More »Kailangan ng ahensiya na hiwalay sa Comelec
KAHAPON pa lang ang simula ng opisyal at 90-araw na campaign period para sa mga bago at reeleksiyonistang kandidato sa Senado kahit ang iba, sa totoo lang, ay mahigit isang-taon nang kumakampanya. Muli tayong makaririnig ng mga nakakikilabot at makatindig-balahibong talumpati mula sa mga kandidato na magpapaligsahan sa pagsasalita para makahakot ng mapabibilib na botante. Uso na naman ang panunuyo, …
Read More »Kenneth Dong na akusado sa P6.4-B shabu shipment sa DOJ compound nadakip
NADAKIP na ng National Bureau of Investigation Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang ‘negosyanteng’ si Kenneth Dong, isa sa mga principal accused sa importasyon ng P6.4-billion shabu shipment na nailusot sa Bureau of Customs (BoC) at nasabat sa isang bodega sa Valenzuela City noong 2017. Ang pag-aresto kay Dong at kanyang mga co-accused ay ipinag-utos ng hukuman sa bisa ng …
Read More »Nilangaw na pelikula ‘bad omen’ kay “Bato” sa pagtakbong senador
MALAMANG kaysa hindi, sa kangkungan pulutin si dating Philippine National Police (PNP) chief retired Gen. Ronald dela Rosa kapag hindi nakaisip ng panibagong gimik matapos langawin sa takilya ang kanyang biopic na “BATO” The Movie. May malaking epekto siyempre sa pagtakbong senador ni Bato ang miserableng pagkalugi ng pelikula na pinagbidahan pa man din ng nagmamagaling, ‘este, magaling na aktor na …
Read More »Hinuhulugang bahay at lupa bayad na, ipinangakong titulo ‘di makuha ng OFW sa Filinvest
GANAP nang nabayaran ni Mhay Costales, isang OFW, sa Filinvest ang kanyang hinuhulugang bahay at lupa pero hanggang ngayon ay hindi pa niya nakukuha ang titulo na ipinangakong ibibigay sa kanya ng developer – Filinvest. Taong 2017 ay naitampok din natin sa pitak na ito ang katulad na reklamo ng isa rin OFW laban sa Filinvest pero wala tayong balita …
Read More »Deployment ng DH sa ME itigil na lang
INULAN na naman ng batikos si Pang. Rodrigo “Digong” Duterte kamakailan sa kanyang pahayag tungkol sa kaso ng rape o panghahalay sa mga kababaihang overseas Filipino workers (OFWs). Sa kanyang talumpati, ang sabi raw ni Digong: “For those working as slaves overseas, rape comes with the territory. Kasali sa kultura.” Palibhasa, sa mga nakagawiang estilo ng pagkukuwento at paraan ng pananalita …
Read More »DFA records sinabotahe; imbestigahan si Coloma sa kontrata ng passport
LUMABAS din sa wakas ang tunay na rason kung bakit kinailangan ipatupad ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa renewal ng pasaporte ang muling pagsusumite ng panibagong birth certificate (BC) sa mga aplikante. Napilitan ang DFA na ibulgar ang malalim na katotohanan sa pagkawala ng mga lumang records pagkatapos wakasan ang maanomalyang kontrata sa pag-iimprenta ng pasaporte na iginawad ng rehimeng …
Read More »Vindicated si Mangaong, ibinalik na BoC-XIP chief
TIYAK na napakamot sa ulo at napapailing pa ang mga damuhong nasa likod ng inilargang ‘demolition job’ sa media matapos muling maitalaga sa kanyang dating puwesto si Atty. Ma. Lourdes Mangaoang bilang hepe ng Bureau of Customs X-ray Inspection Project (BoC-XIP). Kaya’t wala na si Mangaoang sa passenger services ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na pinagtapunan sa kanya ni ngayo’y …
Read More »Paggunita sa ika-94 kaarawan ni Ka Erdy
KAMAKALAWA ay kaarawan ng pumanaw na dating executive minister ng Iglesia ni Cristo (INC). Bilang pag-alaala sa kanyang ika-94 kaarawan ay muli nating balikan ang ating pitak na napalathala, January 6, 2017, sa pahayagang ito, ‘Ang Ka Erdy’: ”Nitong Lunes (2 Enero) ay ika-92 taon ng kapanganakan ni Bro. Eraño “Ka Erdy” G. Manalo, dating executive minister ng Iglesia Ni Cristo …
Read More »Ms. Universe Catriona Gray: Bagong boses ng mahihirap at karaniwang mamamayan
NGAYON lang ako tunay na napahanga sa natamong tagumpay ng mga Filipino na nagdala ng karangalan sa bansa sa iba’t ibang larangan. Talagang saan man sa mundo ay maipagmamalaki ng mga Pinoy si 2018 Miss Universe Catriona Gray dahil sa kanyang taglay na panlabas at panloob na kagandahan. Malaking inspirasyon na pagtutularan si Ms. Gray upang mamulat ang marami sa katotohanan …
Read More »Absuwelto si Bong Revilla dahil sa ‘technicality’ lang; Vendetta pinaghahandaan
KOMPIYANSANG-KOMPIYANSA si dating Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., na muling mananalo sa susunod na eleksiyon kaya naman nagbantang bubuweltahan ang mga umano’y kalaban sa politika sa sandaling makabalik sa Senado. Sa isang panayam sa kanya, tiniyak ni Bong na gagamitin ang anting-antot, este, anting-anting para paghigantihan ang mga may ginampanang papel sa pagkakasampa ng kasong plunder laban sa kanya kaugnay ng …
Read More »Pondo ng pamahalaan sinisindikato ni Diokno
NAGAWA pang pagtawanan ni Department of Budget (DBM) sikwatari, ‘este, Secretray Benjamin Diokno ang ipinasang resolusyon laban sa kanya ng mga mambabatas na kaalyado ng administrasyon. Sa ipinasang House Resolution 2365 na suportado ng overwhelming majority sa Kamara, hinihiling ng mga mambabatas na kaalyado ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte ang pagsibak kay Diokno kasunod ng nabulgar na “insertion” o ‘pagsingit’ …
Read More »Kahit inabsuwelto ay convicted si Bong sa ‘bar of public opinion’
LILINISIN daw ni dating senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., ang nayurakang dangal ng kanilang angkan kasunod ng pagkakaabsuwelto sa kanya ng Sandiganbayan First Division sa kasong plunder. Nananaginip nang gising si Bong kung inaakala niya na magagamit niyang deodorizer na pampabango ang pagpapawalang-sala sa kanya ng Sandiganbayan. Paano papuputiin ni Bong ang mantsado niyang reputasyon kung maliban sa Sandiganbayan ay walang …
Read More »Lim tuloy ang laban
PINAGTAWANAN lang ni dating Mayor Alfredo ang balitang siya ay umatras na sa pagtakbong alkalde ng Maynila. Sa panayam natin sa kanya kahapon, sinabi ni Lim na walang katotohanan ang balita at kathang-isip lang na inimbento ng kanyang mga kalaban para siya siraan. Nang maitanong natin ang pakay ng paninira laban sa kanya, mahinahong sagot ni Lim: “Wala siguro silang maipakita …
Read More »True-to-life story: ‘Ang Probinsiyano’ version ng Vietnam
SA bansa na lang natin talaga hindi naipatutupad ang kawastohan ng batas laban sa mga ilegal na nagpapayaman at kanilang mga protektor. Pero sa Vietnam, dalawang dating heneral ng pulis ang nahatulan kamakailan sa pinaigting na kampanya ng kanilang pamahalaan laban sa katiwalian. Siyam hanggang sampung taon na pagkabilanggo ang ipinataw na parusa sa pinakamataas na opisyal ng pambansang pulisya ng …
Read More »“Mga Cayetano ‘wag iboto!” — Brillantes (Sobrang garapal)
IKINAMPANYA ni dating Commission on Elections (Comelec) chair Sixto Brillantes na huwag iboto sa susunod na halalan ang “super dynasty” ng pamilya Cayetano sa lungsod ng Taguig. Sa kanyang pahayag na napalathala sa isang social media blog na may petsang Nov. 27, ang sabi ni Brillantes: “The people of Taguig, in casting their votes on election day, should always bear in …
Read More »