Tuesday , January 6 2026

Jun Nardo

Aiko, ayaw magpaka-kampante; astig na PPE, inirampa

ASTIG ang suot na PPE ni Aiko Melendez para pumunta sa isang meeting sa labas ng bahay nitong nakaraang araw!   Ayaw maging kampante ni Aiko sa virus kaya takip na ang buong katawan eh, may face shield pa siya!   Gawa ng kaibigang si Edwin Tan ang suot na PPE na puwedeng mag-order ng maramihan.   Samantala, kabilang si Aiko sa magaganap na …

Read More »

Porn site sa laptop screen ni Joseph Morong, agaw pansin

NAKAW-EKSENA ang Kapuso broadcast journalist na si Joseph Morong sa Twitter bago umere ang public announcement ni President Digong Duterte last Monday night, June 15.   Sa tweet pic na ipinost ni Joseph habang waiting sa pahayag ng Pangulo, napukaw ang pansin ng netizens sa screen ng laptop niya na tila nanonood sa isang gayporn site, huh!   Eh dahil sa insidente, trending sa Twitter ang name ni …

Read More »

Ai Ai pinalagan, pagta-tax sa mga online seller

PINALAGAN ni Ai Ai de las Alas ang naglabasang reports na bubuwisan ang dumaming on-line sellers nitong panahon ng pandemic. Ang pagbebenta ng ube-cheese pandesal at ibang tinapay ang pinagkakaabalahan ni Ai Ai nitong quarantine dahil nawalan din siya ng trabaho at natigil ang kita ng kanyang resto business. Bahagi ng banat ng Comedy Queen sa Instagram account, ”Para po sa aming maliliit na …

Read More »

Luane Dy, padede mom

CERTIFIED Padede Mom na ang Unang Hirit host na si Luane Dy sa first born niyang si Jose Cristiano.   Ipinasilip ni Luane ang breasfeeding sa anak nila ni Carlo Gonzales na may caption na, “First 40 days #xpiotos #gonzgang.”   Dagdag niya, “Buong buhay kong pagmamahal sa yo’y ipadarama. Masusuklian lamang sa aki’y tunay mong halaga. Ikaw ang buhay ng aking buhay sinta Tunay, mahal na mahal kita.” …

Read More »

JK, sinakyan ang pagpatay sa kanya sa social media

BIKTIMA ng fake news ang singer ng hit song na Buwan, si Juan Karlos Labajo! “Pinatay” siya ng kanyang haters pero alive and kicking pa siya!   Sinakyan na lang ni JK ang pekeng balita sa isang meme na ipinost niya sa Instagram account na may nakasaad na, “In loving memory of Juan “Karlos” Labajo.”   Pagtatanggi ni JK sa caption, “With all the speculations and rumors going …

Read More »

Pokwang, tengga pa rin; Budget, sa paggawa ng movie, lumolobo

TENGGA pa rin si Pokwang at hindi pa makapag-resume ng shooting ng movie niya sa Regal Entertainment, ang Mommy Issues.   Ito sana ang offering ng Regal noong nakaraang Mother’s Day eh dahil sa lockdown, pansamantalang itinigil ito.   Ngayon nasa general community quarantine na ang Metro Manila, puwede nang mag-resume ang tapings, shootings, at live shows sa TV gaya ng Eat Bulaga last Monday na …

Read More »

Tito Sen, binuweltahan ni Angel

INILABAS ni Angel Locsin ang screen shot ng tweet ng netizen na may user name na I’m a brilliant idea (@boykape sa sariling Twitter account. Nakasaad sa tweet ng netizen, ”She’s been a proNPA since day 1.” Ang napansin ni Angel, ni-like ito ng isang Tito Sotto. Kaya buwelta ng aktres, ”Hi Sen @sotto_tito, saw that you liked this tweet. “I will never support terrorists, nor will ever support …

Read More »

Kapuso PR girl, pinasok na rin ang YT channel

VERY millennial ang Kapuso PR Girl dahil pinasok na rin nito ang You Tube channel. Sa channel na ito, mayroong exclusive updates sa Kapuso stars at personalities kaya naman subscribed na! Samantala, ang GMA News TV ay may 100K subscribers na sa YT Channel kaya tatanggap ito ng Silver Play Button Award. Palibhasa, bihira ang TV ads ngayon sa TV kaya ang You Tube ang isa …

Read More »

Ate Vi, binatikos sa pagpabor sa Anti-Terrorism Bill 

INILABAS ni Luis Manzano sa kanyang Twitter ang pahayag ng inang si Congresswoman Vilma Santos-Recto tungkol sa ipinasa ng Kongreso na isa siya sa miyembro. Nakasaad sa screen shot ng inilakip ni Luis ang statement ng ina. “I am not the principal author of House Bill 6875.   “I am in favor of it WITH RESERVATIONS. I have concern about the country’s national security policy.    …

Read More »

Goma, kinastigo ni Castelo

KINASTIGO ng veteran singer at dating Quezon City councilor Anthony Castelo ang ginawang pag-ayaw ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na tanggapin ang nagbabalik na OFWs sa kanilang bayan.   “I believe it was a poor judgment on the part of Mayor Richard Gomez of Ormoc City to refuse entry of FWs returning to their hometown from abroad recenty,” saad ni Anthony.   Sinang-ayunan ni …

Read More »

Coco, binuweltahan ni Calida

BINUWELTAHAN ni Solicitor General Jose Calida si Coco Martin sa nakaraang hearing ng Kongreso kaugnay ng ABS-CBN franchise renewal.   Eh tila nabusalan na ang bibig ni Coco kaya naman pumirmis na lang siya sa bagong pahayag ng SolGen.   Sa mga kongresista namang nagpahayag ng kanilang panig, hinangaan ang mga sinabi nina Congresswomen Vilma Santos-Recto at Loren Legarda.   Mahaba-haba pang usapin ang tungkol sa prangkisa ng network na kailangang …

Read More »

Angel, mas tinutukan ang pagtulong kaysa magpakasal 

DIBDIBAN ang kagustuhan ni Angel Locsin na maisakatuparan sa bansa ang mass testing para sa Covid-19.   Kamakailan ay naimbitahan siya bilang kinatawan ng grupong Shop and Share sa Tropical Disease Foundation para sa inagurasyon ng bagong Covid testing Lab na funded ng Ayala Group.   “We are here to observe and learn more on how we can help the government and medical community in Covid testing. …

Read More »

PANDE LEE MIN HO, sagot ni Ai Ai sa mga kuyog na basher

KINUYOG si Ai Ai de las Alas ng fans ng K-drama actor na si Lee Min Ho. Fan din si Ai Ai ng Korean actor pero hindi niya nagustuhan ang series nitong The King.   Bahagi ng post ni Ai sa Instagram, “Sorry idol kita magaling ka pa rin actor pero yung flow ng story waley talaga.”   Kaliwa’t kanang banat ng fans ni Lee ang …

Read More »

Allan K. imposibleng maghirap, magbenta man ng bahay at lupa

GINAWANG big issue ang pagbenta ni Allan K ng kanyang bahay at lupa sa isang village sa Quezon City. Naghihirap na raw siya, huh! Of course, lahat tayo ay apektado ng Covid-19, mayaman man o mahirap. Hindi exempted diyan si Allan K. Eh bilang nakakakilala sa kanya, laki sa hirap si Allan. Naging masuwerte nang mapasok sa showbiz at naging negosyante. Nang …

Read More »

Debut ni Kyline, plantsado na

NAPURNADA na ang mga plano ni Kyline Alcantara para sa debut niya sa September 3 dahil sa Covid-19. Inaayos na ni Kyline ang venue, design sa dekorasyon, at sa debut cake niya. “May listahan na rin ako ng gusto kong imbitahan. Sana huwag abutin ng September ang pandemic. “Hindi man matuloy, at least we’re all safe. Mas importante pa rin ang health …

Read More »

Mother Lily, inip na; Gustong hiramin ang pakpak ni Darna (Angel)

GUSTO nang magpaka-Angel Locsin bilang Darna ni Mother Lily Monteverde!   Mahigit na rin kasing ilang buwang nakakulong sa bahay si Mother dahil sa quarantine. Eh, senior r citizen na rin siya kaya bawal siyang lumabas.   Text ni Mother sa amin, “Sana gusto ko na hiramin iyong pakpak ni Darna kay Angel Locsin. Tulungan mo ako hiramin ang pakpak!”   Eh dahil tuliro na rin, …

Read More »

PMPPA at Interguild Alliance, nagkasundo — kaligtasan at kabutihan ang uunahin

KAPIT-BISIG ang Philippine Motion Pictures Producers Association at Interguild Alliance sa film industry para sa isang press conference kahapon. Eh dahil mababago na rin ang regulasyon pagdating sa shootings ng pelikula dahil sa Covid-19, nagkasundo sila sa isang agreement para sa ikabubuti ng industriya, ang safety at well-being ng lahat ng indibidwal sa industry. Present sa zoom conference sina Orly Ilacad, Pangulo ng PMPPA; Joey Reyes, Perci Intalan, …

Read More »

Sharon, pinuri ang kagandahan ni Gabbi

GANDANG-GANDA si Sharon Cuneta sa Kapuso artist na si Gabbi Garcia.   Sa isang Instagram photo shoot na ipinost ni Gabbi sa kanyang Instagram na napaliligiran siya ng electric fans, sabi ni Shawie, sa tingin niya, isa si Gabbi sa may pinakamagandang mukha sa industriya.   “I think you are one of the most beautiful,” saad ni Shawie.   Kinilig si Gabbi sa natanggap niyang papuri mula sa …

Read More »

Maine, sobrang na-miss ng fans; EB, ‘di pa tiyak ang pagla-live

TINUTUKAN ng netizens ang Lockdown Kuwentuhan ni Maine Mendoza sa Facebook page ng Triple A na kanyang management team last Saturday. Kaswal na kaswal ang pakikipagchikahan ni Meng kay Tristan Cheng ng Triple A. Eh, ang daming fans nga ang gustong magpa-shout kay Maine dahil na-miss nila ang kanilang idolo. Miss na miss na siya sa Eat Bulaga. Pero saad ni Maine, wala pang katiyakan kung magla-live na ang noontime show …

Read More »

Dong & Marian, tulong sa anti-Covid-19 campaign ng DOH at FDCP

TAMPOK si Dingdong Dantes sa anti-Covid-19 campaign ng Department of Health (DOH) at Film Development Council of the Philippines (FDCP). Personal na kinontak si Dong ni Liza Dino ng FDCP at ang director ng infomercial na si Pepe Diokno. “Para talaga ito sa telebisyon. ‘Yung ano ang mga dapat gawin para malimitahan ‘yung risks of having Covid-19. “’Yung mga simpleng bagay na ganoon na siguro rati pero tini-take natin …

Read More »

Sharon, may paglilinaw — Hindi namin inaaway si Pangulong Digong 

BINIGYANG-LINAW ni Sharon Cuneta na silang taga-ABS-CBN ay hindi nakikipaglaban kay President Digong Duterte sa isang Instagram post. “Mga kaibigan at Kapamilya, Gusto lang po naming linawin na we at ABS-CBN are not fighting the President. “We are fighting to withdraw the Cease and Desist order issued by the NTC. Galing din po sa Boss namin ‘yan. “Para lang po malinaw. Salamat po,” caption ni Shawie. Bukod sa …

Read More »

Angel, napahanga sa pagda-Darna ni Zia

NAGPAKAIN ng almusal si Marian Rivera sa mga kalapit barangay kahapon bilang handog niya sa Mother’s Day. Eh sa umiiral na enhanced community quarantine, magkatuwang sila ng asawang si Dingdong Dantes sa pagpapakain ng mga healthworker at frontliners. Bukod sa pagtulong, nangunguna pa rin ang pagiging ina ni Yan sa dalawang anak. Sa Instagram niya, nagpasiklab ang anak niyang si Zia nang bihisan niya ang panganay bilang Darna at Dyesebel. “May …

Read More »

GMA Network iginiit , nakapag-renew na sila ng kontrata bago pa man mag-expire

BINIGYANG-LINAW muli ng GMA Network na na-renew na nito ang franchise bago pa man ito mag-expire. Eh sa pagsasara ng ABS CBN dahil sa hindi na-renew ang franchise, idinadawit ang Kapuso Network tungkol sa franchise nito. Twenty two days bago mag-expire ang GMA original franchise, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong April 21, 2017 ang Republic Act No.10925 para ma-renew for another 25 years ang franchise ng Republic Broadcasting …

Read More »

Kris Bernal,  focus muna sa cosmetics business

NAPURNADA ang pagpunta ng Kapuso artist na si Kris Bernal sa Africa ngayong May para roon mag-celebrate ng kaarawan. Siyempre, ang Covid-19 ang rason ng pagkansela ni Kris ng birthday trip. Dahil sa sitwasyon, ang pag-pack ng kanyang cosmetics ang aatupagin niya ngayon. “Since it’s going to be a quarantine style birth month, I will be hosting random giveaways, discounts, flash sales and maybe …

Read More »

Kalye-Serye, ibabalik na ng Eat Bulaga 

NAG-FLEX na ng teaser ang Eat Bulaga  sa pagbabalik ng phenomenal Kalye-Serye sa programa. Ang Kalye-Serye ang nagbago ng landscape ng panoorin sa noontime TV na matagal din ang itinakbo. Rito nagsimula ang phenomenal Al-Dub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza bilang Yaya Dub na unknown pa sa showbiz. Siyempre, magbubunyi na naman ang Al-Dub Nation dahil sasariwain nila ang lambingan sa ere ng kanilang mga idolo. Hindi man nauwi …

Read More »