Monday , December 23 2024

jsy publishing

Empleyado ng coal fired power plant utas sa 500 kgs crane hook

ILOILO CITY – Tiniyak ng Panay Energy Development Corporation (PEDC) ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa pamilya ng kanilang trabahador na namatay makaraan mabagsakan ng hook ng crane. Ang insidente ay nangyari sa site ng coal fired power plant sa Ingore, Lapaz kamakalawa. Ang biktima ay kinilalang si Bernabe Molito, 56, tubong Limay, Bataan. Tinatayang nasa 500-700 kilograms ang bumagsak …

Read More »

Endorsement ni PNoy kay Mar kasado na

KASADO na ang pag-eendorso ni Pangulong Noynoy Aquino para sa mamanukin niya para sa eleksyon sa 2016.  Tulad ng sinabi ng Pangulo, sa katapusan ng Hulyo niya ibubunyag ang napipisil niyang kasunod sa pampanguluhan. Kinompirma naman ni Kalookan Representative Egay Erice na sa kanyang palagay ay ieendorso na ni PNoy si DILG Secretary Mar Roxas bago matapos ang linggong ito.  …

Read More »

Flood Catchment sa UST idinepensa

IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang plano ng gobyernong maglagay ng catchment area sa University of Sto. Tomas (UST) dahil mas dapat manaig ang kaligtasan ng publiko sa isyu ng pagbaha kaysa pangamba ng unibersidad na masira ang kanilang open field na idineklarang historical landmark. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang balak ng pamahalaan na magtayo ng catchment area sa UST …

Read More »

Probe sa kidnapping sa INC tuloy — PNP

TINIYAK ni PNP chief, Director General Ricardo Marquez na ipagpapatuloy ng PNP-CIDG ang imbestigasyon kaugnay sa sinasabing pagdukot sa ilang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo kahit mailap s Nananatiling bukas ang CIDG sa pagtanggap ng reklamo kaugnay nang hindi mamatay- matay na impormasyon ng sinasabing pagdukot sa ilang miyembro ng INC. Ayon kay Marquez, hanggang ngayon, walang naghaharap ng …

Read More »

Salutatorian Krisel Mallari maaari nang magkolehiyo

MAKAPAPASOK na sa kolehiyo si Krisel Mallari, ang salutatorian sa kumalat na kontrobersyal na video na pinigil ng mga opisyal ng kanyang paaralan sa kanyang pagtatalumpati sa graduation ceremony.  Ito’y matapos utusan ng Court of Appeal (CA) ang Santo Niño Parochial School (SNPS) na bigyan si Mallari ng certificate of good moral character.  Matatandaan, pinigil ang talumpati ni Mallari sa …

Read More »

Pagdilao new NCRPO chief

KINOMPORMA ni PNP chief , Director General Ricardo Marquez na si outgoing Quezon City Police District (QCPD) chief Joel Pagdilao ang napili bilang bagong commander ng National Capital Region Polcie Office (NCRPO) na binakante nang magretiro si Police Director Carmelo Valmoria. Ngunit wala pang sinabing kapalit ni Pagdilao bilang hepe ng Quezon City police. Pansamantala munang itatalaga bilang OIC chief ng …

Read More »

Suspek sa pagpatay, pagsunog sa bebot sa Zambales, nasa US na

 OLONGAPO CITY– Isa sa dalawang suspek sa pagpatay at pagsunog sa 23-anyos babae sa lungsod na ito, ang pinaniniwalaang nakaalis na patungong Amerika, isang araw makaraan ang ginawang krimen. Ang Fil-Am na si Jonathan Dewayne Ciocon Viane, 29, may-asawa, at residente ng San Isidro, Subic, Zambales, ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Karie Ces “Aika” Mojica, natagpuang wala nang buhay …

Read More »

Higit 100 estudyante naospital sa pampurga

MAHIGIT 100 estudyante ang isinugod sa ospital makaraan painomin ng gamot na pampurga o deworming tablets ng Department of Health (DOH) sa bayan ng Piñan, Zamboanga del Norte kahapon ng umaga. Sinabi ni Piñan Mayor Jose I. Belleno, walang na-confine na estudyante mula sa Piñan Elementary School dahil pinauwi silang lahat. Ayon sa ulat, nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka …

Read More »

MRT bus project tinutulan

TINUTULAN ng grupong National Center for Commuter Safety and Protection (NCCSP) ang MRT Bus project na inilunsad nang hindi lubhang napag-aralan.  Layon ng naturang proyekto na maibsan ang mahahabang pila sa tren ng MRT.  Mula Lunes hanggang Biyernes, simula 6 a.m. hanggang 9 a.m. ang biyahe ng mga MRT bus na may apat na ruta: North Avenue hanggang Ayala; North …

Read More »

Shabu bistado sa ari ng dalaw (Sa Pasay City jail)

NABUKO ng mga tauhan ng city jail ang itinagong plastic sachet ng shabu sa ari ng 46-anyos babaeng dadalaw sana sa kanyang kinakasama at sa bayaw na nakakulong sa Pasay City. kamakalawa ng hapon. Ang inarestong babae ay kinilala ni Pasay City Warden Supt. Baby Noel P. Montalvo, na si Jennifer Belda ng Sucat, Parañaque City.          Base sa imbestigasyon ni …

Read More »

Driver tinodas sa carwash

PATAY ang isang driver makaraan pagbabarilin ng dalawa sa tatlong hindi nakilalang suspek habang naghihintay na ma-carwash ang minamanehong truck sa Malabon City kahapon ng umaga. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Juanito Mabini, 56, driver ng Ludy Cruz Chicken Dealer, at residente ng Flovi Homes 6, Brgy. Tonsuya ng lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre …

Read More »

PNoy inupakan si Binay sa SONA

MAANGHANG ang naging buwelta ni Pangulong Noynoy Aquino sa tumiwalag sa gabinete na si Bise Presidente Jejomar Binay sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA).  Maliban sa pagbati sa simula ng talumpati ay hindi nakasama sa mga pinasalamatang miyembro ng gabinete si Binay. Napuruhan pa ni PNoy si Binay lalo na nang itulak ng Pangulo ang pagpasa ng Anti-Dynasty …

Read More »

Palasyo dumepensa

IDINEPENSA ng Malacañang ang pagiging mahaba ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr., desisyon ng Pangulo na gawing komprehensibo ang laman ng kanyang huling SONA. Layon din aniyang maipaunawa sa taumbayan ang mga ipinatupad na reporma ng Aquino administration sa nakalipas na limang taon. …

Read More »

SONA kapos sa totoo — Bayan Muna

HINDI makatotohanan ang mga mga inilahad ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang ikaanim at huling State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes. Iginiit ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, hindi pwedeng mga nagawa lamang ng administrasyon ang ibida sa SONA bagkus, ay dapat din banggitin ang realidad. “Ang tunay na state kasi, hindi ‘yung iiwasan mo ‘yong …

Read More »

Mike Arroyo rumesbak sa banat vs GMA

BUMUWELTA si dating first gentleman Mike Arroyo sa muling pag-upak ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang misis na si dating presidente at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo. Ayon kay Arroyo, walang nagawa si Aquino kaya pinagdidiskitahan ang dating pangulo sa State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes. Giit niya, hindi wasto ang mga pahayag ni Aquino na …

Read More »

Makabayan Bloc kakasuhan sa SONA protest

NAKAAMBANG sampahan ng ethics case ang Makabayan bloc na nagprotesta sa loob ng plenaryo makaraan ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III nitong Lunes. Napag-alaman, kinondena ni Quezon City Rep. Winston Castelo ang aksiyon ng grupo ng mga kongresista na nagtaas pa ng mga placard kontra kay PNoy. “We will confer with House …

Read More »

Chris Brown ipina-subpoena sa estafa case

NAGPALABAS na ng subpoena ang Department of Justice (DOJ) para sa American RnB superstar na si Chris Brown, apat na araw pa lamang ang nakararaan mula nang payagang makaalis sa Filipinas. Ito ay kaugnay sa $1 milyon (P44 milyon) estafa complaint na isinampa ng isang religious sector laban sa 26-year-old Grammy nominated singer at sa kanyang concert promoter. Sa subpoena …

Read More »

P3-T 2016 budget isinumite na ng Palasyo sa Kongreso

ISINUMITE na ng Palasyo sa Kongreso kahapon ang panukalang P3.002 trilyong pambansang budget para sa 2016. Ayon kay Budget Secretary Florencio Abad, ang 2016 national budget ay doble ng budget sa nakalipas na anim na taon, mula sa P1.541 trilyon noong 2010 ay magiging P3.002 trilyon sa susunod na taon. Ang 2016 national budget ay mas mataas ng 15.2% sa …

Read More »

Chiz nagbitiw sa 2 Senate committee

NAGBITIW sa puwesto si Sen. Chiz Escudero bilang chairman ng Senate Finance Committee at co-chairman ng Joint Congressional Oversight Committee on Public Expenditures dahil sa delicadeza. Inihain ni Escudero ang pagbibitiw kay Senate President Franklin Drilon at agad na magiging epektibo. Nais ni Escudero na hindi mabahiran ng politika ang nalalapit na pagtalakay ng panukalang General Appropirations Act o 2016 …

Read More »

FOI ibinasura sa SONA ni PNoy – ALAM

SINO ang makalilimot nang sabihin ni Pangulong Noynoy Aquino na ang Freedom of information (FOI) bill ay isa sa mga panukalang batas na kanyang prayoridad at titiyaking ipapasa sa ilalim ng  kanyang administrasyon. Umasa ang Alab ng mga Mamamahayag (ALAM) sa pangakong ito ni PNoy.  Ang pag-asang ito ay nakabatay sa paniniwala na sa sandaling  maisabatas ang FOI, ang publiko …

Read More »

Pagpapalaya sa 22 illegal workers ipinabubusisi

PALAISIPAN sa Bureau of Immigration (BI) kung saan napunta ang 22 foreign nationals na kasama sa nahuli sa raid sa Pasay City noong nakaraang linggo. Hulyo 21, sinalakay ng BI ang isang tanggapan at naaresto ang 169 banyaga, karamiha’y Chinese nationals, nagtatrabaho bilang call center agents at online gambling operators. Labing-apat ang nakapagpakita ng tamang visa at working permit kaya …

Read More »

15-anyos binatilyo nagbigti

HINDI matanggap ng mga kaanak ang pagkamatay ng 15-anyos binatilyo na natagpuang nakabigti kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Kinilala ang biktimang si Bon Bryan Trinidad, residente  ng Block 15, Lot 7, Landasca St., Brgy. 28 ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ni PO2 Edgar Manapat, dakong 3:30 a.m. nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng inuupahang bahay …

Read More »

Magdyowang estudyante kinasuhan ng infanticide (Sariling sanggol itinapon)

BACOLOD CITY – Nakatakdang sampahan ng kasong infanticide ang magkasintahan na nagtapon ng kanilang sanggol sa Negros Occidental. Napag-alaman mula kay Supt. Herman Garbosa, hepe ng Kabankalan City Police Station, kanilang hinuli ang magkasintahan na kapwa estudyante sa isang unibersidad. Aniya, ang lalaki ay 19-anyos residente ng Kabankalan City, at ang babae ay 20-anyos, residente ng Bantayan, Cebu, parehong third …

Read More »

Mag-asawa iginapos holdaper arestado

ARESTADO ang isang 27-anyos padyak driver makaraan igapos at holdapin ang mag-asawang negosyante sa Tondo, Maynila kahapon. Himas-rehas sa Manila Police District (MPD) Raxa Bago police station ang suspek na si Jardick Bardos, residente ng 17-C Andromeda St., Tondo, Maynila. Habang nakatakas ang kasama ng suspek na si Jay-Ar Pedire, ng Sto. Niño St., Tondo. Kinilala ang mga biktimang sina Ronald Simbling, …

Read More »

Mahigpit na seguridad ipinatupad sa Munti

MAGPAPATUPAD nang mahigpit seguridad sa lungsod ng Muntinlupa bunsod ng sunod-sunod na insidente ng pagdukot, pagnanakaw at pagpatay sa isang guro kamakalawa ng umaga. Kahapon, iniutos ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi sa hepe ng pulisya na si Sr. Supt. Allan Nobleza ang mahigpit na pagpapatupad ng seguridad kasunod ng naganap mga krimen. Inatasan niya si Nobleza na magsagawa ang …

Read More »