Friday , December 5 2025

Henry Vargas

GAP inilunsad ang motto ng pandaigdigang junior gym meet: ‘Leap High, Flip Strong!’

Cynthia Carrion GAP Gymnastics

BILANG pagdidiin sa masigla at makulay na dinamismo ng Olympic sport, pinili ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) ang temang “Leap High, Flip Strong!” bilang opisyal na slogan ng 3rdI Artistic Gymnastics Junior World Championships na gaganapin sa Manila Marriott Hotel Grand Ballroom sa Lungsod ng Pasay sa susunod na buwan. “Ang ‘Leap High, Flip Strong!’ ay higit pa …

Read More »

Batang gymnasts tampok sa STY International Championships

Batang gymnast STY International Championships

MATUTUNGHAYANG muli ang gilas at galing ng mga batang gymnasts – homegrown at foreign club athletes – sa paglagra ng ika-10 season ng STY (Sonny Ty) International Gymnastics Championships sa Oktubre 17-19 sa Alonte Sports Center sa Binan, Laguna. Ayon kay STY Gymnastics Center founder at head organizer coach Normita “Boots’ Ty mahigit 800 gymnasts mula sa anim na bansa …

Read More »

PSC-UP nagtutulungan para mapabilis ang pagkumpleto ng Davao City-UP Mindanao Sports Complex

PSC UP Mindanao Davao City-UP Mindanao Sports Complex

NAKIPAGTAMBALAN ang Philippine Sports Commission (PSC) at ang University of the Philippines (UP) upang muling itulak pasulong ang pagtatapos ng 30,000-seater na Davao City-UP Mindanao Sports Complex, matapos ang mga taong pagkaantala simula pa noong 2018. Layunin din ng kasunduan na tiyakin ang patuloy na pangangalaga at pag-unlad ng pasilidad. Sinuri ni PSC Chairman Pato Gregorio ang pasilidad na inaasahang …

Read More »

100 Araw ng Pagsusulong ng Makabuluhang Pamumuno at Pagbubukas ng mga Oportunidad para sa #HappyAtletangPinoy

Pato Gregorio PSC

Isang daang araw na ang lumipas, at ang Philippine Sports Commission (PSC), sa pamumuno ni Chairman Pató Gregorio, ay patuloy na nagkakamit ng kapuri-puring pag-unlad tungo sa isang makabago at progresibong larangan ng pampalakasan para sa bansa.  Sa pamamagitan ng tatlong pangunahing layunin — ang pagpapabuti ng kapakanan ng mga atleta, ang pagtatatag ng mga rehiyonal na sentrong pangsanay, at …

Read More »

Lady Blazers Winalis ang Pool D, Tinalo ang Ateneo sa Apat na Sets sa SSL

Shahanna Lleses CSB Lady Blazers SSL

MANILA — Muling ipinamalas ng College of Saint Benilde (CSB) Lady Blazers ang kanilang lakas at disiplina matapos talunin ang Ateneo de Manila University sa apat na sets, 18-25, 25-13, 25-23, 33-31, upang walisin ang Pool D sa nagpapatuloy na 2025 Shakey’s Super League (SSL) Pre-Season Unity Cup nitong Huwebes sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Maynila. Matapos mabigo sa …

Read More »

Indigenous Peoples Games – Mindanao Leg gaganapin sa Oktubre 11-12 sa Agusan del Norte

Indigenous Peoples Games - Mindanao Leg

GAGANAPIN sa Buenavista Central Elementary School sa Agusan del Norte ang Mindanao leg ng 2025 Indigenous Peoples (IP) Games sa Oktubre 11-12, 2025, na lalahukan ng halos 300 atleta mula sa 11 lungsod at bayan: Nasipit, Las Nieves, Buenavista, Cabadbaran City, Carmen, Jabonga, Tubay, Santiago, Kitcharao, Remedios T. Romualdez (RTR), at Butuan City. Tampok sa palaro na inorganisa ng Philippine …

Read More »

PSC at Elite Link, inilunsad ang Digital Platform para Suportahan ang mga Atletang Pilipino, Simula sa Batang Pinoy

PSC Elite Link

INILUNSAD ng Philippine Sports Commission (PSC), katuwang ang Elite Link, Inc., ang Elite Link—isang makabagong mobile platform website nitong Lunes sa The Forums Solaire Resort Entertainment City sa Paranaque City. Layuning pag-ugnayin ang mga atletang Pilipino sa mga coach, brand, club, at scout sa buong mundo. Higit pa ito sa isang database. Ang Elite Link ay isang makabagong digital ecosystem …

Read More »

Sa ika-50 anibersaryo ng Thrilla in Manila
SMART ARANETA COLISEUM MULING NASA SPOTLIGHT

Pacman Veana Fores Thrilla in Manila

ISANG knockout tribute ang inilunsad ng Big Dome at Araneta City upang parangalan ang makasaysayang laban na ginanap dito kalahating siglo na ang nakararaan na naglagay sa Filipinas sa mapa ng sports sa buong mundo. Limampung taon matapos ang isa sa pinakatanyag na laban sa kasaysayan ng boksing, muling nabigyang-pansin ang Smart Araneta Coliseum (kilala rin bilang The Big Dome). …

Read More »

Handang-handa na para sa PSC-Batang Pinoy National Championships na gaganapin sa GenSan

PSC Batang Pinoy

KASADO na ang lahat para sa Batang Pinoy National Championships na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC), na isasagawa sa General Santos City mula 25-30 Oktubre 2025. Tinatayang 19,700 atleta mula sa 191 yunit ng lokal na pamahalaan (LGUs) ang inaasahang makikilahok sa 27 disiplina ng palakasan: aquatics-swimming, archery, arnis, athletics, badminton, basketball (3×3), boxing, chess, cycling, dancesport, futsal, gymnastics, …

Read More »

UAAP referee pay gap, binatikos: Bayad sa men’s games mas mataas kaysa women’s

Pia Cayetano Womens Basketball referee

ANG naiulat na agwat sa bayad ng mga referee sa UAAP men’s (₱3,000/kada laro) at women’s (₱2,000/kada laro) na basketball ay isang uri ng diskriminasyon at hindi katanggap-tanggap.Nilalabag ng gawaing ito ang Magna Carta of Women (RA 9710), isang batasative action sa kanilang estratehiya at dapat gamitin ang gender equality bilang balangkas sa pagpapatupad ng kan na ako ang pangunahing …

Read More »

Cayetano: ‘10/10’ hosting patunay kaya ng Pilipinas sa world-class events

Alan Peter Cayetano FIBV

PINURI ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang matagumpay na “10 out of 10” hosting ng Pilipinas sa 2025 FIVB Men’s World Championship, na itinuring niyang patunay ng mainit na pagtanggap at world-class na hospitality ng mga Pilipino.Nakuha ng bansa ang mataas na marka mula kay FIVB President Fabio Azevedo sa pagtatapos ng torneo nitong Septemer 28.“What makes us …

Read More »

Reig at Salazar, Kampeon sa Sprint Elite ng National Aquathlon Championships

Reig Salazar Sprint Elite National Aquathlon Championships

NAMAYAGPAG sina Irienold Reig Jr. at Katrina Salazar sa sprint elite category ng National Aquathlon Championships na ginanap nitong Linggo sa Amoranto Sports Complex sa Quezon City.Si Reig, na nagtapos sa ikalawang puwesto sa 500-metrong bahagi ng paglangoy, ay humataw sa 2.5-kilometrong takbuhan upang makamit ang kampeonato sa men’s division sa oras na 17 minuto at 11 segundo.Pumangalawa si Juan …

Read More »

Vita Italia! Sunod-sunod na kampeonato sa mundo para sa Italy matapos talunin ang Bulgaria sa makasaysayang pagho-host ng Maynila.

Italy FIBV

VIVA! Napanatili ng Italy ang kanilang titulo sa FIVB Men’s Volleyball World Championship matapos ang matinding panalo laban sa Bulgaria sa Final (FIVB MWCH 2025 LOC) Muling nasungkit ng Italy ang kampeonato sa FIVB Volleyball Men’s World Championship sa ikalawang sunod na pagkakataon, matapos nilang pataubin ang Bulgaria sa iskor na 25-21, 25-17, 17-25, 25-10 sa harap ng mahigit 16,000 …

Read More »

Mula sa grassroots tungo sa ginto. Mula sa ginto tungo sa kadakilaan

Pato Gregorio PSC FIBV

KAMI sa Philippine Sports Commission ay buong pusong ipinagmamalaki ang aming Chairman na si Patrick “Pato” Gregorio, na humarap sa mga opisyal ng FIVB at Volleyball World, sa limang pangulo ng continental confederations, at sa 24 na kasaping bansa ng FIVB Board of Administration upang isulong ang isang pitong-taóng estratehikong plano para sa pag-unlad ng volleyball sa Pilipinas, sa pakikipagtulungan …

Read More »

Czechia, Pasok sa FIVB Final Four

Czechia, Pasok sa FIVB Final Four

TINANGGAL ng Czechia ang maagang kabiguan at giniba ang Iran sa iskor na 22-25, 27-25, 25-20, 25-21 nitong Huwebes upang makapasok sa semifinals ng 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship na ginaganap sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.Nagpatuloy ang makasaysayang kampanya ng mga Czech, na ngayon ay abot-kamay na ang kanilang kauna-unahang pagpasok sa semifinals mula noong …

Read More »

PSC Chief Gregorio, Pormal na Inilunsad ang International Series Manila Leg

PSC Patrick Gregorio Jordan Lam Pat Janssen Rahul Singh Migs Almeda

NAGBIGAY ng courtesy visit sina International Series Head Rahul Singh at Tournament Director Pat Janssen kay Chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) Patrick “Pato” Gregorio bilang paghahanda para sa Manila leg ng prestihiyosong International Series, na nakatakdang ganapin sa Oktubre 23-26, 2025 sa Sta. Elena Golf and Country Club.Pangungunahan ni top-ranked Filipino golf star Miguel Tabuena ang mga pambato ng …

Read More »

Sa tagumpay sa Asia Pacific Padel Cup (APPC)
Padel Pilipinas pinarangalan ng Senado

Asia Pacific Padel Cup

KINILALA at pinuri ng Senado ang Padel Pilipinas matapos ang makasaysayang tagumpay nito sa 2025 Asia Pacific Padel Cup (APPC) na ginanap sa Selangor, Malaysia.Walang talo ang pambansang koponan sa buong torneo, matapos talunin ang mga malalakas na koponan mula sa Malaysia, Hong Kong, Thailand, South Korea, Pakistan, Singapore, at India upang tanghaling kampeon sa rehiyon.Nagbigay ng omnibus sponsorship speech …

Read More »

Unang Top 8 finish mula 2010 World Championship
Bulgaria, pinatumba ang Portugal para sa quarterfinals

Bulgaria FIBV

IPINAGPATULOY ng Bulgaria ang kanilang malakas na kampanya, matapos talunin ang Portugal sa straight sets, 25-19, 25-23, 25-13, upang makapasok sa quarterfinals ng FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025 noong Lunes sa SM Mall of Asia Arena.Isang makasaysayang gabi ito para sa koponang mula Silangang Europa, dahil ito ang kanilang unang top 8 finish mula pa noong 2010 World Championship …

Read More »

NCAA Season 101, magsisimula na ngayong Oktubre 1

NCAA Season 101

ANG National Collegiate Athletic Association (NCAA), ang kauna-unahang collegiate athletic league sa bansa, ay papasok sa isang bagong yugto ng collegiate sports sa pamamagitan ng opisyal nitong tahanan at broadcast partner, ang GMA Network. Sa temang “Building Greatness”, opisyal na sisimulan ang NCAA Season 101 ngayong Oktubre 1 sa Araneta Coliseum, tampok ang mga mahahalagang pagbabago ngayong season.Ang bagong season …

Read More »

MPVA Season 2: Pasay Lady Voyagers, bagito pero wagi sa opening game

MPVA Pasay Lady Voyagers

SINIMULAN ng baguhang Pasay Lady Voyagers, na binubuo ng mga miyembro ng Philippine Air Force kasama ang beteranong setter na si Wendy Anne Semana, ang kanilang kampanya sa Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) Season 2 sa panalo matapos pataubin ang Negros ICC Blue Hawks. Itinakas ng Lady Voyagers ang panalo sa iskor na 25-23, 13-25, 25-18, 23-25, 15-8, sa tulong …

Read More »

Cayetano pinuri ang Alas Pilipinas sa pag-akyat sa ika-19 puwesto sa FIVB world championship

Cayetano Bryan Bagunas Alas Pilipinas FIBV

PINURI ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang men’s volleyball team ng Pilipinas, ang Alas Pilipinas, matapos itong umakyat sa ika-19 na puwesto sa nagpapatuloy na FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025. Sa 32 bansang naglalaban-laban, 21 koponan ang tinalunan ng Pilipinas. Dahil dito, umakyat ang world ranking ng bansa mula ika-88 patungong ika-77 – isang makasaysayang tagumpay para …

Read More »

FIVB Volleyball Men’s World Championship
Poland tinalo ang Canada para umusad sa quarterfinals

FIBV Poland Canada

UMARANGKADA ang Poland patungo sa susunod na round sa pagpapatuloy ng kanilang “redemption tour” Ipinakita ng World No. 1 Poland ang kanilang lakas matapos talunin ang Canada sa iskor na 25-18, 23-25, 25-20, 25-14, at umabante sa quarterfinals ng FIVB Volleyball Men’s World Championship nitong Sabado sa Mall of Asia Arena. Maliban sa pagkatalo sa ikalawang set, dinomina ng Poland …

Read More »

Alas Pilipinas, inukit ang pamana ng puso sa kabila ng pagkatalo

Alas Pilipinas FIBV

NAGTAPOS ang kwento ng Alas Pilipinas sa kauna-unahan nitong paglahok sa World Championship nitong Huwebes ng gabi — ngunit hindi ito nagtapos nang walang tapang at puso.Lumaban nang matindi ang World No. 16 Iran laban sa Pilipinas — at sa libo-libong tagahanga sa SM Mall of Asia Arena — sa isang labanang punô ng tensyon, salamat sa isang clutch challenge …

Read More »

Pinoy Henyo, mapapalaban sa Int’l Memory Championships

Philippine Mind Sports Association PMSA Anne Bernadette AB Bonita

HANDA at kumpiyansa ang Philippine Memory Team na magiging ispesyal ang kampanya sa kanilang pagsabak sa 7th Philippine International Memory Sports Championship sa Setyembre 20 (Sabado) sa La Salle Greenhills  sa Mandaluyong City. Ibinida ni Philippine Mind Sports Association (PMSA) president Anne Bernadette ‘AB’ Bonita na naglaan nang karagdagang oras sa pagsasanay ang mga Pinoy Henyo para mabigyan nang karangalan …

Read More »