Saturday , January 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup matapos ang 94-83 panalo laban sa Magnolia sa huling ikalawang laro ng eliminations na ginanap nitong Linggo ng gabi sa SMART Araneta Coliseum.

Nanguna si Jordan Heading (No. 15) ng TNT Tropang 5G na may 23 puntos, kabilang ang 3-of-4 mula sa four-point range.

Nagtala naman si Calvin Oftana  (No. 8) ng 17 puntos at siyam na rebounds. Si Rey Nambatac ay 2-of-4 mula sa four-point range para sa 11 puntos, kapareho ng naitala ni Kelly Williams, habang nagdagdag naman si Roger Pogoy ng 10 puntos para sa TNT.

Tinapos ng TNT ang kanilang eliminations campaign na may 8-3 rekord at lalaban sa No. 6 seed sa unang round ng playoffs sa Sabado, Disyembre 27 sa Smart Araneta Coliseum.

Samantala, nagtapos ang Magnolia Chicken Timplados Hotshots na may 6-5 rekord at papasok sa final eight na may twice-to-win disadvantage, matapos mabigo na makapasok sa top four.  Gumawa si L A Tenorio ang kanyang unang pagkakataon bilang playing-coach na may apat na puntos, dalawang rebound, at tatlong assist.

Nanguna si Zavier Lucero sa Hotshots na may 17 puntos at siyam na rebounds, nagdagdag si Mark Barroca ng 16 puntos at limang assists, habang nagtala naman si Ian Sangalang ng double-double na 12 puntos at 11 rebounds.

Photo caption:

UMASINTA si Jordan Heading ng TNT sa harap ni Rome Dela Rosa na nagrehistro ng 23 puntos kabilang 3-of-4 mula sa four-point range. (HENRY TALAN VARGAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Curlee Discaya

Hinanakit ni Curlee
Discaya, nagsisi sa kontrobersiyal na ‘name-names’
Sangkot na politicians nananatiling untouchables

MALAKI ang pagsisisi ng kontraktor na si Pacifico “Curlee” Discaya sa ginawang pagpapangalan sa mga …

PSC Pato Gregorio PHILTA John Rey Tiangco WTA

Lokal organizers handa na sa Philippine Women’s Open

“WTA 125 Manila. Handa na kami!” ITO ang tiniyak kahapon ng mga organizer kaugnay ng …

DOST Cagayan STI

DOST, Cagayan Province Strengthen Partnership for STI Development

The Department of Science and Technology (DOST), under the leadership of Secretary Renato U. Solidum …

Philippine Football Federation PFF

Philippine Football Federation nagtala ng makasaysayang 2025

Mula sa pagho-host ng kauna-unahang FIFA Women’s Futsal World Cup sa tulong ng matibay na …

SMB Mango Yuzu

San Miguel Brewery Inilunsad ang Mango Yuzu, Bagong Beer Flavor sa 2026

BILANG bahagi ng temang “New Year, New Beer,” inilunsad ng San Miguel Brewery Inc. (SMB) …