Thursday , December 18 2025

hataw tabloid

Big Chill, Hog’s Breath Llamado sa laban

KAPWA pinapaboran ang Big Chill at Hog’s Breath Cafe kontra mga naghihingalong kalaban sa  2013-14  PBA D-League Aspirants Cup mamayang hapon sa Blue Eagle Gym sa Quezon City. Makakaharap ng Big Chill ang Arellano University/Air 21 sa ganap na 2 pm. Makakasagupa naman ng Hog’s Breath Cafe ang Derulo Accelero sa ganap na 4 pm. Ang Hog’s Breath Cafe ang …

Read More »

Masarap talunin ang Rain or Shine — Romero

NATUWA ang team owner ng Globalport na si Mikee Romero nang tinalo ng kanyang koponan ang Rain or Shine, 90-88, noong Linggo sa PBA MyDSL Philippine Cup. Ito ang unang beses na nanalo ang Batang Pier kontra sa Elasto Painters mula noong sumali ang tropa ni Romero sa liga noong isang taon. Ilang beses na naglaban ang ROS at Globalport …

Read More »

Laban ni Rigondeaux nakaaantok

PAGKATAPOS ng mainit na palitan ng kamao nina James Kirkland at Golen Tapia sa Boardwalk Hall sa Atlantic City na gumising sa kuryusidad ng boxing fans, nakaramdaman naman ng antok ang mga manonood sa naging laban nina Guillermo Rigondeaux at Joseph Agbeko. Katulad ng ginawa ni Rigondeaux nang tinalo niya sa nakakainip na laban si Nonito Donaire noong nakaraang taon, …

Read More »

Barcelona hindi biro ang tinapos

Isang bagitong mananakbo na naman ang ating aabangan at panonoorin mula sa kuwadra ni Mayor Sandy Javier, iyan ay walang iba kundi ang kabayong si Barcelona na nagwagi sa kanyang maiden assignment nitong nagdaang Biyernes sa pista ng Sta. Ana Park. Sa halos buong distansiya ng laban ay nakapamigura lang ang sakay niyang hinete na si Jesse B. Guce at …

Read More »

Dipektibong starting gate dapat busisiin ng PHILRACOM

LIGTAS pa ba ang mga kabayong pangarera sa tatlong karerahan kung ang mga ito’y gumagamit ng mga dipektibong starting gate? Ito ang dapat busisiin  ng Philippine Racing Commissioner (Philracom) sa isinasagawang imbestigasyon sa  Manila Jockey Club Inc. (MJCI) kaugnay sa reklamong inihain ng kampo ni Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos matapos madisgrasyang matalisod ang super horse na si Hagdang …

Read More »

Assistant ni Dr. Benjamin Tayabas niraraket ang UDM?

NALULUNGKOT tayo sa ginagawang pandurugas umano ng isang opisyal d’yan sa Universidad De Manila (UDM). Dahil sa kanyang katakawan sa kwarta ay sinisira niya ang isang sistema at magandang programa sa edukasyon na ipinamana ni Manila Mayor Alfredo Lim sa mga Manileño lalo na sa mga kapos sa kakayahang pinansiyal  para papag-aralin sa kolehiyo ang kanilang mga anak. Sa UDM …

Read More »

QCPD Making a Difference… naintindahan kaya ito ng PS 9?

MAGPAPASKO na …katunayan ay 16 araw na lang. Pero ewan ko ba naman kung bakit mayroon pa rin tayong mga kababayan na imbes paghandaan nang marangal ang pagdiriwang sa kaarawan ng nagbuwis ng buhay para sa kasalanan ng sanlibutan, si Jesus Christ, hayun sinasamantala nila ang pagkaabala ng taumbayan. Tinutukoy natin mga nananamantala ay itong masasamang elemento – iba’t ibang …

Read More »

Nelson Mandela

NAWALAN ng magiting na mamamayan ang daigdig nang pumanaw noong Huwebes si Nelson Mandela sa edad na 95. Siya ay isang rebolusyunaryo at dating pangulo ng South Africa. Ang kanyang pagpanaw ay ipinagluksa ng buong daigdig dahil sa giting na kanyang ipinamalas sa paglilingkod sa kanyang bayan. Nabilanggo sa loob ng 27 taon, si Mandela ay isang abogado. Siya ay …

Read More »

PDEA agent at inmate nagbebenta ng shabu

Isang kababalaghan nanaman ang bumabalot ngayon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa pangunguna ni Director General Arturo Cacdac. Mantakin ba naman ninyo, mga kanayon, isang pulis na ahente ng PDEA at isang high-profile drug inmate ng ahensiya ang nahuli na nagbebenta ng shabu sa aming lalawigan sa Nueva Ecija! Opo sa Cabanatuan noong Disyembre 3 ng madaling araw …

Read More »

Likidong ginto

SA matinding init ng panahon at sa kawalan ng pag-asa sa gitna ng disyerto, magiging alipin sa presyo ng tubig ang isang biyahero. Sobrang pahirapan ang sitwasyon at handa ang sinoman na ipagpalit ang lahat niyang bagahe para sa isang inuming makapagliligtas ng buhay. Sa Metro Manila, nakagugulat ang presyo ng bottled water. Para na itong likidong ginto. Para sa …

Read More »

Qualified ba ang mga bagong opisyal sa BoC?

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagtanggal sa mga career customs official sa kanilang mga plantilla positions  by the Department of Finance. And assigning them  all at CPRO (CUSTOMS POLICY RESEACH OFFICE). Ang nakapagtataka sa nangyayaring ito ay wala man lang naitulong ang CIVIL SERVICE COMMISSION to protect itong mga opisyal sa Bureau of Customs na under sa kanilang …

Read More »

White and silver/gray with blue good feng shui sa Christmas

BAGAMA’T ang kombinasyon ng red and green ang traditional color combination para sa Christmas – ang green bilang wood feng shui element color at ang red kumakatawan naman sa feng shui energy of fire – mayroon pang ibang popular color combination para sa Christmas na kaiga-igaya. Ang kombinasyon ng white (o silver/gray) at blue ay nagiging popular na rin sa …

Read More »

Parole ni Leviste gustong bawiin ni PNoy

e IKINAGULAT ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang parole na ipinagkaloob ng Board of Parole and Pardons (BPP) kay dating Batangas Gov. Antonio Leviste. Sinabi ni Pangulong Aquino, bagama’t sinasabing nasunod ang proseso at nilalaman ng batas ngunit baka may mali sa pagpapatupad ng “spirit of the law.” Ayon sa Pangulong Aquino, paano masasabing nagpakita ng “good conduct” si …

Read More »

DENR surveyor live-in partner kalaboso (Lolo brutal na pinatay)

LA UNION – Nakapiit na sa San Fernando City Jail at patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mag-live-in partner na suspek sa brutal na pagpatay sa 61-anyos lolo sa loob ng bahay ng biktima sa Brgy. Tanqui, San Fernando City, La Union. Ang mga suspek ay sina Richard Cabigun, 22, surveyor ng DENR, residente ng Brgy. Pagudpud, San Fernando …

Read More »

P2 fare hike hirit ng transport groups

PLANONG maghain ng petisyon ngayong linggo ang ilang transport groups para hilingin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag-singil sa pasahe, sa gitna nang panibagong oil price hike. Ayon sa grupo, target nila ang karagdagang P2.00 sa kasalukuyang minimum fare na P8.00. Sinabi ni Efren de Luna, pangulo ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), ang panibagong …

Read More »

Manila seedling bank ipinasara (P57-M buwis ‘di nabayaran)

Ipinasara ng pamahalaan ng Quezon City ang Manila Seedling Bank Foundation, Incorporated (MSBFI),  nasa EDSA-Quezon Avenue, dahil sa pagkakautang sa buwis, Lunes ng umaga. Ayon sa report, dahil sa hindi pagbabayad ng real property tax mula 2001 hanggang 2011 na umaabot ng P57 milyon kaya ipinasara ng Quezon City Hall ang Manila Seedling Bank. Dakong 6:00 ng umaga nang ikandado …

Read More »

‘Sinasapian’ sa Agusan dumarami

BUTUAN CITY – Nagkasa ang mga magulang, mga guro at principal ng Datu Lipos Makapandong National High School gayondin ang local officials sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur, ng mga hakbang upang matapos na ang anila’y pagsapi ng  masasamang espirito sa mga estudyante na nagsimula nitong Biyernes, Disyembre 6. Ayon kay Luzminda Pagalong, principal ng paaralan, mula sa 11 …

Read More »

Romualdez pinagbibitiw ni Roxas

IBINULALAS ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang kanyang sama ng loob kaugnay sa aniya’y pagpapabitiw sa kanya sa tungkulin ni DILG Secretary Mar Roxas sa pananalasa ng super typhoon Yolanda, sa Congressional Oversight Committee Hearing sa Senado kahapon.     (JERRY SABINO) IBINUNYAG ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na tinangka ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary …

Read More »

Malampaya funds gagamitin vs power rate hike

INIUTOS ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kina Energy Sec. Jericho Petilla, Executive Sec. Jojo Ochoa, Finance Sec. Cesar Purisima, Justice Sec. Leila de Lima at Chief Presidential Legal Counsel Benjamin Caguioa na pag-aralan ang posibleng paggamit ng Malampaya funds para maibsan ang bigtime power rate hike. Ayon sa Pangulong Aquino, nais niyang matapos ang pag-aaral bago siya bibiyahe papuntang …

Read More »

Super Lotto jackpot lumobo sa P107-M

BIGO pa rin mapalunan ng mga mananaya sa Lotto ang jackpot prize ng 6/49 Super Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ayon sa PCSO, ang winning number combinations ay binubuo ng 10-36-44-35-19-39 na ang premyo ay nasa P107,698,860. Matatandaang nitong buwan ng Setyembre, isa ang maswerteng nanalo ng Super Lotto jackpot na ang premyo ay nasa mahigit P77.14 million. …

Read More »

Anak ng trader patay, 1 pa sugatan sa pamamaril

ZAMBOANGA CITY – Agad binawian ng buhay ang anak ng isang negosyante habang sugatan naman sa ligaw na bala ang isang babae sa insidente ng pamamaril sa Brgy. Tetuan sa Zamboanga City. Batay sa report ng Zamboanga City police office (ZCPO), tadtad ng tama ng bala ng M16 Rifle ang biktimang kinilala ng pulisya na si Al-Sabri Omar Jainuddin, 31, …

Read More »

P10-K bonus sa DoLE workers

INIANUNSYO ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang P10,000 bonus ng mga manggagawa sa Department of Labor and Employment (DoLE) Ginawa ito ng Pangulong Aquino sa 80th anniversary ng DoLE sa Quezon City. Sinabi ng Pangulong Aquino, bilang insentibo ito sa kasipagan at dedikasyon ng mga kawani ng DoLE sa paglikha ng mga trabaho. Ayon sa Pangulong Aquino, partikular na …

Read More »

6th Presidential Award, tinanggap ng SMI

NATANGGAP ng Sagittarius Mines, Inc. (SMI) ang ikaanim na Presidential Mineral Industry Environmental Award (PMIEA) – Exploration Category sa pagpapakita ng namumukod-tanging antas ng dedikasyon, inisyatiba at inobasyon upang mas mapahusay ang pamamahala sa kapaligiran, kaligtasan at kalusugan gayondin sa pagpapaunlad ng komunidad. Ayon kay SMI Executive Vice President Justin Hillier, buong pagpapakumbabang tinanggap nila ang pagkilala at ibinahagi ang …

Read More »

Padyak boy, patay sa tarak

PATAY ang  isang pedicab driver nang saksakin sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng hindi nakilalang suspek sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon. Kinilala ang biktima na si Ronald Vargas,  38, ng Unit 30 Bldg. 7, Temporary Housing, Tondo. Sa imbestigasyon ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 12:15 ng madaling araw natutulog ang biktima nang pasukin ng …

Read More »