Saturday , December 28 2024

hataw tabloid

Pastor nanaga ng amok

VIGAN CITY – Hindi napigilan ng isang pastor sa Sinait, Ilocos Sur, ang galit sa lalaking naghamon sa kanya ng away kaya’t kanyang pinagta-taga. Kinilala ang pastor na si Marlon Yuri, 38, ng Evangelist Church of Christ, ng Brgy. Kati-punan sa nasabing bayan. Ang amok ay kinilalang si Joseph Pangala, 32, ng Brgy. Namnama sa pareho ring bayan. Ayon sa …

Read More »

‘Praning’ na ba si ER Ejercito?

PARANG praning o nabubuhong na yata ang napatalsik na gobernador ng Laguna na si ER Ejercito nang sabihing malaki na raw ang atraso ng mga Aquino sa kanilang pamilya. Iisiping nagmula sa angkan ng mga Maharlika at dugong-bughaw si ER kung makapagsalita, ano po?! Itinuturing pala ni ER na atraso ng angkan ni PNoy sa kanilang lahi ang desisyon ng Korte Suprema na …

Read More »

1 bagyo pahahabol sa 2014 (Ayon sa PAGASA)

HINDI pa dapat maging kampante ang publiko ukol sa mga dumarating na sama ng panahon kahit patapos na ang taon 2014. Ayon sa Pagasa, maaaring may dumating na isa pang bagyo sa susunod na mga araw. Inaasahang mabubuo ito sa silangang bahagi ng Filipinas ngunit hindi pa masabi ng weather bureau kung anong lugar ang tatamaan nito. Sinabi ni Pagasa …

Read More »

Trending-trendy sina Immigration Officers (IO) Aldwin Pascua & Sidney Roy Dimandal (Take Note: BI Spokesperson Atty. Elaine Tan)

ISA ito sa mga positibong bagay sa social media. Nagkakaroon ng kalayaan ang mga naaagrabyadong mamamayan para ipahayag ang kanilang damdamin. Kumbaga, sa social media man lamang ay mailabas nila ang kanilang galit at sama ng loob para mabawasan naman ang stress na kanilang nararamdaman. Tayo man po ay nagulat nang mabasa natin ang damdamin ng maraming mamamayan at naging …

Read More »

M-16, baseball bat ginamit ng 2 sekyu sa pag-awat (Agency iimbestigahan)

PINAGPAPALIWANAG ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agency (SOSIA) ang Jarton Security Agency, makaraan kumalat sa social media ang footage ng dalawang security guard ng isang mall sa Taguig City na gumamit ng M-16 rifle at baseball bat sa pag-awat nila sa ilang nag-aaway na customer sa isang fastfood chain. Ayon kay PNP-SOSIA director, Chief Supt. Noel Constantino, …

Read More »

Principal utas sa boga at saksak

KORONADAL CITY – Masusing iniimbestiga-han ng mga awtoridad ang pagpatay sa isang principal na sinaksak at binaril sa Maligaya Columbio, Sultan Kuda-rat, kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Mutalib Salvo, officer-in-charge principal ng Sinapulan Elementary School. Ayon kay Senior Insp. Teng Bakal, chief of Police ng Columbio Sultan Kudarat, pauwi mula sa paaralan ang biktima nang harangin ng hindi nakilalang mga suspek …

Read More »

Sa mabagal na ulat Palasyo nagpaliwanag

MABUSISI ang prosesong sinusunod ng pamahalaan sa pagdetermina ng bilang mga namatay sanhi ng bagyo kaya mabagal ang paglalabas ng ulat. Ito ang sagot ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa puna na mas mababa ang bilang ng casualty sa kalamidad na inilalabas ng pamahalaan kompara sa ibang mga grupo. “We have a system of verification that doesn’t only involve …

Read More »

Nasa tamang daan si Roxas

Kakaibang diskarte ang pinaiiral ngayon ni Mar Roxas ang pinuno ng DILG. Tahimik pero busog sa aksyon at pagtulong ang ginagawa ngayon ng asawa ni Korina Sanchez maging ito man ay sa panahon ng kalamidad o sa pagpapatakbo ng kanyang departamento. Kitang-kita rin kung gaano ka-supportive rito si PNoy dahil ipinauubaya na niyang halos lahat ng pagmamando kay Roxas, na …

Read More »

Binatilyo nagbaril sa sentido (Magulang ng GF tutol)

NAGBARIL sa sentido ang isang binatilyo kahapon sa Makati City makaraan magdamdam nang mabatid na tutol sa kanilang pagmamahalan ang mga magulang ng kanyang kasintahan. Namatay noon din ang biktimang si Russel Lopez, ng J.B. Roxas St., Brgy. Olympia ng nasabing lungsod, sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .38 baril sa sentido. Base sa ulat ng Makati City …

Read More »

10-anyos Totoy nilamon ng ilog

ATIMONAN, Quezon – Hindi pa rin natatagpuan ang 10-anyos batang lalaki na pinaniniwalang nalunod sa ilog sa kasagsagan ng bagyo sa Brgy. Caridad ng bayang ito kamakalawa. Sa ipinadalang report ng Atimonan PNP sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City, sa tanggapan ni Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, Quezon PNP Provincial Director, kinilala ang biktimang si Aries Espilenburgo Mercadejas, residente …

Read More »

Trike driver tigbak sa resbak

PATAY ang  isang tricycle driver makaraan saksakin ng kalugar na sinita niya sa pagmumura kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Marco Polo Priel, 30, ng Block 3, Pama Sawata, C3 Road Brgy. 28, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod, sanhi ng maraming tama ng saksak sa katawan. Habang agad naaresto …

Read More »

PNoy nagkasakit

HINDI nakadalo si Pangulong Benigno “Noy-noy” Aquino III sa 1st National Competion Conference sa Pasay City kahapon. Sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima, biglaan ang desisyon ni Pangulong Aquino dahil sa nawalan ng boses at barado ang ilong. Ayon kay De Lima, okay pa ang pakiramdam ni Pangulong Aquino kamakalawa ng gabi ngunit nag-iba kahapon pagkagising. Una rito, nakansela …

Read More »

Tumawid sa spillway kelot nalunod (Sa Batangas)

PATAY na nang matagpuan ang isang lalaki makaraan tangkaing tawirin ang spillway sa Batangas City kamakalawa. Sa ulat ng Batangas police, ang natagpuang bang-kay sa Brgy. Simlong ay kinilalang isang Eduardo Mercado Bonquin, residente sa Brgy. Pinamucan. Nabatid sa ulat, tatawid ng spillway si Bonquin, Lunes ng gabi, sakay ng motorsiklo at may isa pang angkas nang tangayin sila nang …

Read More »

Obrero kritikal sa saksak ni kompadre

KRITIKAL ang kalagayan ng isang obrero makaraan saksakin ng nag-amok na kompare habang nag-iinoman sa binyagan kamakalawa ng gabi sa Ma-labon City. Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Stephen Justo, 35, ng 167 M. H. Del Pilar St., Brgy. Tinejeros ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang tama ng saksak sa likod. Habang pinaghahanap ang suspek na si Jonito Rondina, nasa …

Read More »

Bulok ba ang pagkatao ni Brgy. Chairwoman?

NAPAKATAAS ng pagrespeto natin sa isang barangay chairwoman ng Maynila. Nasa pedestal pa nga ang paghangang ipinupukol natin para sa kanya. Pero noon po‘yun! Nagbago ang lahat nang lumutang na ang tunay na kulay nichairwoman. Ang akala kasi natin noon ay tunay ang kanyang ipinakikitang ugali sa lahat. Ang akala natin noo’y dalisay ang kanyang pagmamalasakit sa kapwa at sa …

Read More »

Xian, may ibang babaeng kaakap, KimXi loveteam, sira na?!

MARAMI ang tila naimbiyerna kay Xian Lim nang lumabas ang photo niya na may ibang kasamang babae at hindi si Kim Chiu. Tila nakainom si Xian at ang unnamed girl na medyo chubby. Lait ang inabot ng girl dahil hindi naman siya kagandahan based on the pictures which came out sa isang popular website. Ang comment ng marami, lagot daw si …

Read More »

Tacloban airport winasak ni Ruby (Tent City iwinasiwas)

WINASAK ng Bagyong Ruby ang bagong gawang Tacloban City Airport. Magugunitang unang winasak ng bagyong Yolanda ang naturang paliparan noong nakaraang taon, at sa paghagupit ngayon ni Ruby, inilipad ang bubong ng arrival at pre-departure area ng airport. Bumagsak din ang kisame at roll-up door, at pinasok ng baha ang pre-departure area. Sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines …

Read More »

P498-M pinsala ni Ruby sa agri

TINATAYANG umabot na sa P498 million ang pinsala ng bagyong Ruby sa agrikultura. Ayon sa Department of Agriculture, inisyal pa lamang ito na pagtaya at madadagdagan pa. Galing pa lamang ang data sa Region 5 at 8. Napinsala ang mga tanim na palay at mais doon Sa fisheries, nasa P112 million ang pinsala sa Region 5 at 8.

Read More »

Sana laging ganito… nagkakaisa ang lahat

BAGYONG Ruby, lahat ay kanyang pinangamba lalo na’t bansag dito ng US base sa kanilang pagbasa ay isa itong Super Typhoon pero higit na mas malakas ang dumaang bagyong Yolanda noong nakaraang taon. Hindi biro ang sinalanta ng Yolanda kaya, halos buong mundo ang kumilos sa pagtulong sa mga nasalanta nating mga kababayan sa Samar, Leyte at karatig pang lalawigan. …

Read More »

Arjo, nakausap at pinayuhan ni Hugh Jackman

NEW York City, USA —Sold out ang The River show ng Australian Hollywood aktor na si Hugh Jackman kasama sina Laura Donnelly and Cush Jumbo na idinirehe ni Ian Rickson na ginanap sa Circle in the Square, 50th Street West of Broadway, New York, NY noong Biyernes ng gabi kahit na malakas ang ulan sa lungsod. Sobrang paborito pala ng …

Read More »

Huwag naman sanang sobrang expectation — John at Jake (Sa pagkatalo sa Best Actor category)

HINDI sinasadyang nakita namin si John Estrada sa bakuran ng ABS-CBN 2. Agad naming kinuha ang kanyang reaksiyon na na-disappoint at umasa si Jake Cuenca sa nasabing award. Tinalo niya kasi si Jake. Napangiti si John at sabay sabi, “Unang-una, huwag naman sanang sobrang expectation. Bigyan mo ng fifty-fifty chance ‘yun,” deklara niya. Agree rin si John sa katwiran na …

Read More »

Terror na Brgy. Kagawad sa Brgy. 287 Divisoria

SANDAMAKMAK na reklamo ang nakara-ting sa atin mula sa maralitang vendors at sidecar boys sa Divisoria. Ang tinutukoy nilang mala-berdugong Kagawad ay isang alias BING LUIS ng Brgy. 287 Z-27. May masamang bisyo raw kasi si Kagawad Bing, sinisira at winawasak ang kariton pati paninda ng mga pobreng vendor kapag nagpapagpag ang tropa niya sa nasabing lugar. Hinaing a ng …

Read More »

Binay contributors naman ang inasinta

ANG mag-asawang kaanak ng negosyanteng inaakusahang ‘dummy’ umano ni Vice President Jejomar Binay na si Antonio Tiu ang sinilip at inasinta ngayon ng gobyerno. Sinampahan ng Bureau of Internal Revenue ng magkahiwalay na kaso ng tax evasion sa Department of Justice ang kapatid at hipag ni Antonio na sina James at Ann Loraine Tiu, dahil sa pagkabigo umanong magbayad ng …

Read More »

206 flights kanselado

UMAABOT sa 206 ang mga nakanselang flight kahapon dahil sa bagyong si Ruby. Ayon sa ulat ng Manila International Airport Authority (MIAA), 96 sa mga ito ay domestic flights na paalis, 98 ang parating, habang 10 patungo sa ibang bansa, at 11 parating, ang hindi na rin pinayagang makalipad. Kabilang sa mga naapektuhang lokal na byahe ay patungo at galing …

Read More »