Pagbibihis-lalaki ni Marian, ‘di raw tanggap

ni Alex Brosas

021115 Marian Rivera

BALITANG-BALITA na mayroong tomboyseryeng pagbibidahan si Marian Something.

Kalat na kalat na sa GMA-7 na tomboy ang role ng dyowa ni Dingdong Something sa bago niyang teleserye.

At para siguro ma-test ang publiko kung tanggap nila si Marianita bilang lesbian ay umapir ito sa isang episode ng noontime show ng Siete na bihis-lalaki, tomboy na tomboy. Hindi nga namin nakilala ang laos na primetime queen ng Siete sa picture na aming nakita.

Pero ngayon pa lang ay ang dami nang namba-bash kay Marian Something. Nagkakaisa sila sa pagsasabing hindi magki-click ang teleserye niya kung gaganap siyang tomboy.

Unang-una, palaos na siya, kundi man tuluyan ng Laotian Deep. Pangalawa, hindi na kapani-paniwala ang role niya dahil may asawa na siya ngayon.

“Ndi yan maghihit, for sure.”

“#CERTIFIED #FLOP to PANIGURADO”

“Hindi yan maghihit lalo na ngaung may asawa na xa.”

“The return of # Queen of Flop is coming back!!!”

‘Yan ang reactions ng mga tao sa chismis na tomboy si Marian sa next soap niya.

Any comment, Marianita?