NAGKAROON man ng problema na hindi nasunod ang unang napag-usapan na manggagaling ang papremyo mula sa isang konsehal ng QC para sa mga nagwagi sa isinagawang dance-cosplay contest kaugnay ng Celebrities Atbp. Laban sa Climate Change, agad nagawan ng paraan ni Dr Michael Aragon, founder ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI). Tila nagkaroon ng miscommunication ang opisina ng konsehal ng …
Read More »
Sa Batangas
LALAKI NAG-AMOK MAG-UTOL NA TANOD PATAY SA SAKSAK
PATAY ang dalawang barangay tanod na pinaniniwalaang magkapatid nang umawat sa isang lalaking naghahamok ngunit sila’y pinagsasaksak hanggang malubhang nasugatan sa Brgy. Bilogo, lungsod ng Batangas, nitong Linggo ng gabi, 11 Disyembre. Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktimang sina Ruben Torino, 52 anyos, at Robinson Torino, 50 anyos. Ayon sa ulat, sinubukang awatin ng mga biktima ang nagwawalang suspek …
Read More »Andrea ire-remake ang Dyesebel
MATUNOG ang tsikang si Andrea Brillantes ang napili para magbida sa bagong version ng fantasy-drama series na Dyesebel. Ito rin ang usap-usapan sa social media kasabay ng ibinalita ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update YouTube channel. Ayon sa chika, sisimulan na ang shooting ng Dyesebel sa 2023 na ipapalit ng ABS-CBN sa Mars Ravelo’s Darnana pinagbibidahan nina Jane de Leon, Janella Salvador, at Joshua Garcia. Ang Dyesebel ay likha …
Read More »Dolly de Leon wagi ng Best Supporting Performance sa Los Angeles Filmfest
ISA na namang tagumpay ang inihatid ni Dolly De Leon matapos magwagi bilang Best Supporting Performance para sa pelikulang Triangle of Sadness sa naganap na Los Angeles Film Critics Association Awards sa Amerika. Ipinost ang pagwawagi ni Dolly ng nasabing award-giving body. Caption nila sa tweet, “Best Supporting Performer, Winners: Dolly de Leon, TRIANGLE OF SADNESS and Ke Huy Quan, EVERYTHING EVERYWHERE ALL AT ONCE.” Kinilala …
Read More »2 wanted persons huli sa navotas
NALAMBAT ang dalawang wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operation kaugnay ng SAFE NCRPO sa Navotas City. Ayon kay Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging, dakong 2:20 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Navotas police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Luis Rufo, Jr., ng manhunt operation sa M. Naval St., Brgy. …
Read More »
Sa Tanay, Rizal
JEEP TINANGAY NG FLASHFLOOD 8 PASAHERO NALUNOD, PATAY
WALONG pasahero ang iniulat na nalunod at namatay nang tangayin ng baha ang kanilang jeep na sinasakyan na nagtangkang tumawid sa ilog nitong Sabado ng gabi, 10 Disyembre, sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal. Ayon sa spot report mula sa PRO4-A PNP, tinatawid ng isang jeep na minamaneho ng isang Pio Domeyeg, Jr., ang mababaw na bahagi ng ilog …
Read More »
Ilog tinawid habang lasing
LALAKI TODAS, KASAMA HINAHANAP
PATAY ang isang lalaki habang nawawala ang kanyang kasama at asawa nang tangayin at malunod sa ilog sa bayan ng Mangaldan, lalawigan ng Pangasinan, nitong Sabado, 10 Disyembre. Kinilala ng Pangasinan PPO ang mga biktimang si Romnick Macam, 29 anyos; at Rodrigo Bautista, 48 anyos, patuloy na nawawala, parehong mga residente sa Brgy. Macayug, sa naturang bayan. Ayon sa nakasaksing …
Read More »8 buwan nakulong sa Iloilo aktibista nakalaya sa piyansa
MATAPOS ang walong buwang detensiyon, nakalaya ang isang beteranong aktibista sa isla ng Panay mula sa isang piitan sa bayan ng Pototan, lalawigan ng Iloilo. Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan-Panay, pinalaya si Elmer Forro, secretary general, noong Miyerkoles, 7 Disyembre, sa Iloilo District Jail, sa nabanggit na bayan. Nilagdaan ni Judge Redentor Esperanza mula sa isang korte sa bayan ng …
Read More »
Inutil na DOTr secretary
TAAS-PASAHE SA BARKO, IDINAING
NANAWAGAN ng tulong ang mga pasahero ng barko sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na bigyan ng pansin ang sobrang pagtaas ng pasahe na ipinatupad ng mga kompanya ng barko sa bansa. Ito ang hinaing ng mga pasahero na dumaraan sa Batangas Port lalo ang mga patungong lalawigan ng Oriental Mindoro ngayong panahon ng kapaskuhan. Napag-alaman na mayroong mga …
Read More »COPA, PFFI sanib-puwersa
SINELYOHAN ng Philippine Finswimming Federation, Inc. (PFFI) at Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) nitong Sabado ang matibay na tambalan sa pagsisikap na makabuo ng isang kompetitibong koponan na isasabak sa Southeast Asian Games sa Cambodia sa susunod na taon. Nilagdaan ni COPA president at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang joint partnership Memorandum of Agreement (MOA) at ni …
Read More »
Para sa nasirang kagubatan
EAST MANILA EAGLES CLUB MAY SUPORTA SA DENR
DUMALO si Eagles National President Nelson Sarappudin at nagpahayag ng suporta ang East Manila Eagles Club sa pagbuhay ng mga kagubatan na patuloy na nasisira dahil sa ilegal na pamumutol ng mga puno at ilegal na pagmimina. Ayon kay Reginald Michael Libatique, charter club president ng East Manila Eagles Club NCR 1, maglalatag sila ng mga proyekto sa darating na …
Read More »White Christmas sa Snow World Manila
SINASABI ngang ang pinakamabiling plaka ng isang Christmas song ay ang awiting White Christmas ni Bing Crosby, na nakapagbenta na ng milyong kopya at hanggang ngayon ay nabibili pa. Naisalin na rin iyon sa iba’t ibang salita sa buong mundo, kasi nga pangarap ng halos lahat ang “white Christmas” na nakikita nila sa cards, Christmas wrappers at iba pang may kinalaman sa Pasko. …
Read More »
Sa Isabela
2 KAWANI NG DA PATAY SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN
HINDI nakaligtas sa kamatayan ang dalawang empleyado ng Department of Agriculture – Cordillera nang banggain ang kanilang sasakyan ng isang kotse na minamaneho ng ‘nakainom’ na driver sa bayan ng Ramon, lalawigan ng Isabela, nitong Huwebes, 8 Disyembre. Kinilala ng pulisya, ang mga biktimang sina Karen Briones at Addison Kyle La-ao, kapwa mga residente sa Itogon, Benguet. Lumitaw sa imbestigasyon, …
Read More »SLP, COPA magkaisa para sa kaunlaran ng sports
NAGKAKAISA ang mga lider ng Swim League Philippines (SLP) at Congress in Philippine Aquatics, Inc. (COPA) — dalawa sa pinakamalaki at organisadong swimming association sa bansa — na napapanahon nang kumilos at magkaisa ang buong swimming community upang makamtan ang tunay na pagbabago at kaunlaran sa sports. Iginiit ni COPA Board member at collegiate coach Chito Rivera, makatutulong sa pagbuo …
Read More »
Sa 2022 World Weightlifting Championships
3 GINTONG MEDALYA HINAKOT NI HIDILYN
HINAKOT ni Weightlifting champ Hidilyn Diaz ang tatlong Gintong Medalya sa katatapos na World Weightlifting Championship. Ito ay matapos masungkit ang gintong medalya sa women’s 55-kilogram division World Weightlifting Championship na ginanap sa Bogota, Colombia. Tinalo ni Diaz si Rosalba Morales ng Colombia at Ana Gabriela Lopez ng Mexico matapos mabuhat ang kabuuang 207 kilogram dahilan para makuha ang tatlong …
Read More »
B2B na pagtatapos ng Suntok Sa Buwan at Kantawanan sa Sing Galing abangan
EMIL MALBORBOR WAGI ITINANGHAL NA ULTIMATE BIDA-O-KID STAR
HINDI dapat palampasin ang back-to-back na pagtatapos ng sinusubaybayang movie serye na Suntok Sa Buwanat ang Kantastic Finale ng Sing Galing sa TV5 ngayong linggo. Matapos ang pang-intergalactic na pa-SING-laban ng mga Kantasti-Kids sa Sing Galing Kids: The Kantastic Kiddie Finale noong Sabado, December 3, itinanghal bilang kauna-unahang Ultimate Bida-O-Kid Star ang Magnetic Kid ng Lucban, Quezon na si Emil Malaborbor. Tuloy pa rin ang pa-SING-laban dahil kompleto …
Read More »
Sa Cagayan
154 ESTUDYANTE, GURO MAY SINTOMAS NG COVID-19 F2F CLASSES SUSPENDIDO
PANSAMANTALANG ipinassuspende ni Mayor Samuel Siddayao ng bayan ng Gattaran, sa lalawigan ng Cagayan, ang in-person classes sa isang mataas na paaralan matapos magtala ng 154 estudyante at mga gurong mayroong sintomas ng COVID-19. Nitong Lunes, 5 Disyembre, naglabas si Siddayao ng executive order na nagsasabing inirekomenda ng rural health unit at ng municipal health office na pansamantalang kanselahin ang …
Read More »Kuweba sa Kalinga gumuho minero natabunan, patay
HINDI nakaligtasang isang 35-anyos minero nang matabunan sa kinaroroonang kuweba sa Sitio Magadgad, Brgy. Galdang, bayan ng Pasil, lalawigan ng Kalinga nitong Linggo, 4 Disyembre. Kinilala ng Pasil MPS ang biktimang si Milnar Wa-il Bag-ayan, 35 anyos, binata, at residente sa nabanggit na barangay. Ayon sa pulisya, pumasok ang minero sa “minahan ng bayan” dakong 3:00 pm noong Sabado, 3 …
Read More »Nahulog na tsinelas sinagip, 11-anyos totoy nalunod
BINAWIAN ng buhay ang isang bata sa bayan ng San Rafael, sa lalawigan ng Bulacan, nang malunod sa irigasyon habang nagtatangkang kunin ang nahulog niyang tsinelas nitong Sabado, 3 Disyembre. Kinilala ang biktimang si Anthony Basquiña, 11 anyos, isang Grade 5 student. Ayon sa lola ni Anthony na si Juanita Bagay, nagpunta sa naturang irigasyon ang kaniyang apo noong Sabado …
Read More »
Sa Cebu City
P12-M ARI-ARIAN NAABO SA 2 SUNOG
TINATAYANG higit sa P12-milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa dalawang magkahiwalay na sunog sa lungsod ng Cebu nitong Linggo, 4 Disyembre. Naganap ang unang sunog pasado 1:00 am sa Brgy. Mambaling, hindi bababa sa 150 bahay ang naabo. Umabot ng higit dalawang oras bago tuluyang naapula ng mga pamatay sunog ang apoy. Ayon kay Fire Officer 3 Emerson Arceo, …
Read More »
Karinderya pinaulanan ng bala
2 PATAY, 2 SUGATAN
AGAD namatay ang dalawang lalaki habang sugatan ang dalawang iba pa nang paulanan sila ng bala ng apat na hindi kilalang mga suspek sa isang karinderya sa National Highway, sa Brgy. Sto. Niño, sa bayan ng Tunga, lalawigan ng Leyte, nitong Linggo, 4 Disyembre. Kinilala ang mga napaslang na biktimang sina Benjamin Balais at Ace Sonorio, kapwa mga residente sa …
Read More »
Sa Cagayan
MAG-ANAK, KAPITBAHAY PATAY 8 SUGATAN SA 3 SASAKYANG NAGBANGGAAN
BINAWIAN ng buhay ang tatlong magkakaanak at kanilang kapitbahay habang sugatan ang walong iba pa, sa banggaang sangkot ang dalawang tricycle at isang sports utility vehicle sa National Highway, bayan ng Gonzaga, lalawigan ng Cagayan, nitong Sabado ng gabi, 3 Disyembre. Kinilala ng PRO2 PNP ang mga biktimang sina Donato at Marineth Barsatan ng Brgy. Malumibit Sur, Flora, ang kanilang …
Read More »TOPS officers nanumpa kay PSC Chairman Eala
MAHALAGANG mapanatili ang koordinasyon at pagkakaisa sa pagitan ng mga mamamahayag at ng Philippine Sports Commission (PSC) sa hangaring mapalawig ang mga programa ng pamahalaan at maisulong ang kaunlaran sa grassroots at elite level ng atletang Pinoy. Iginiit ni PSC Chairman Noli Eala na kinikilala ng ahensiya ang papel ng sports writing community bilang tagapagtaguyod at pagbibigay ng kahalagahan sa …
Read More »“My Ninong, My Ninang” Christmas Promo ng PalawanPay
MABUTING balita mga suki! Mas pinagaan at mas pinabilis ng Palawan Pawnshop Group ang transaksiyon sa inilunsad na PalawanPay, ang e-wallet app na magagamit ngayong sandamakmak ang mga gawain sa Holiday Season. Ang PalawanPay ay magagamit sa pagpapadala ng pera sa mga kaanak, magbayad ng inyong mga bills, magpadala ng budget mula sa iba pang available na e-wallets at banko …
Read More »BDO at SM Supermalls, may pamaskong handog para sa mga OFW
Nagbabalik ang Pamaskong Handog events ng SM Supermalls at BDO upang maghatid ng saya at natatanging pagdiriwang ng Kapaskuhan para sa mga nagbalikbayang Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya ngayong Disyembre. Naglalakihang pa-premyo, entertainment, at bonding moments kasama ang mga special guests ang dapat abangan sa 2022 Pamaskong Handog na may temang “Kita-kits na muli sa SM”. Idaraos ito …
Read More »