Thursday , June 4 2026
Derek Ramsay Ellen Adarna

Derek pumalag sa bintang na pera ang habol kay Ellen

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NIRESBAKAN ni Derek Ramsay ang mga netizen na nag-aakusa sa kanya na kesyo pera lang ang rason kung bakit niya pinakasalan si Ellen Adarna.

Sobra kaming naloka sa isyung ito dahil bukod sa nakaiinis itong mabasa ay sadyang walang katotohanan at hindi kailanman ‘yun naging totoo.

Kung pera rin lang ang pag-uusapan, naku, with all due respect sa yaman ni Ellen at pamilya niya, havey na havey at ultra rich po ang papa Derek at pamilya nito noh.

In fact, hindi nga kailangan ni papa D ang showbiz na rito rin siya nagkamal ng yaman dahil sa husay at kaguwapuhan niya. Pero nang dahil sa passion at pagmamahal, mereseng nag-start siya bilang support eh ginawa niya.

Sobrang afford ni papa D ang mabuhay ng marangya but he chose to work. At nito ngang nag-decide siyang mag-focus sa family life at mga negosyo nila (take note, mga negosyo ha, here and abroad), nag-sabbatical na nga siya sa showbiz.

Mainit ang name ni papa D ngayon sa socmed sanhi ng pagbibigay opinyon niya sa nangyari kina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo at sa kaibigan nila ni Ellen.

May mga pumabor at may mga namintas nga sa naging reaksiyon ni papa D hanggang sa siya na mismo ang inatake ng netizen.

Hoy, mga buang…mag-research nga kayong mabuti.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …