Monday , January 6 2025

hataw tabloid

UNA president Rep. Toby Tiangco nagbitiw sa partido

NAGBITIW na sa pwesto ang mismong presidente ng United Nationalist Alliance (UNA) na si Navotas Rep. Tobias “Toby” Tiangco. Sinabi ni Tiangco, kamakalawa pa niya ginawa ang pagbibitiw ngunit hindi ito agad tinanggap ni dating vice president Jejomar Binay. Kaya si dating Makati mayor Junjun Binay na lang ang kanyang naging instrumento upang ipaliwanag sa dating pangalawang pangulo ang rason …

Read More »

Low pressure sa West PH Sea magiging bagyo

INALERTO ng Pagasa ang publiko sa posibilidad na maging bagong bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa West Philippine Sea. Ayon sa weather bureau, maaaring lumakas ang naturang namumuong sama ng panahon dahil nasa loob ng intertropical convergence zone (ITCZ). Huling namataan ang LPA sa layong 350 km sa kanluran hilagang kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.Kung ganap na …

Read More »

2 itinumba sa Naga ng Bicol vigilante

NAGA CITY – Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng dalawang tao sa magkahiwalay na lugar sa Lungsod ng Naga, pinaniniwalaang salvage victims ng grupong Bicol Vigilante. Unang natagpuan ang bangkay ng biktimang si Mike Reyes sa bahagi ng Brgy. Pacol na nakagapos ang kamay at may packaging tape. Si Reyes ay may tama ng bala ng baril sa …

Read More »

Pagpirma ni Duterte sa FOI EO welcome sa NUJP

WELCOME sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order on Freedom of Information. Ayon sa grupo, ang mabilis na pagtupad ni Duterte sa kanyang pangako sa panahon ng kanyang pangangampanya ay hindi lamang mahalaga sa media kundi sa lahat ng mga naniniwalang ang “transparency and accountability” ay kailangan sa mabuting …

Read More »

Mapayapang rally pangako ng leftist sa SONA ni Digong

MISMONG si Pangulong Rodrigo Duterte sinasabing ang nagbigay permiso sa mga ‘leftist’ na magkaroon nang rally sa labas ng House of Representatives ngayong araw kasabay ng kanyang unang State of the Nation Address. Ayon kay Renato Reyes Jr., secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), kompara sa mga nakaraang pangulo ng bansa, “very open”si Duterte dahil sa pagpahintulot sa kanila …

Read More »

CGMA magpapagamot sa ibang bansa

INIHAHANDA na ng kampo ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga kinakailangan para makapagpagamot siya sa ibang bansa. Ayon kay Atty. Raul Lambino, tagapagsalita ni Arroyo, mas mapadadali ang pagbiyahe ng dating pangulo dahil hindi na ngayon kailangan ang ano mang ‘clearance’ mula sa hukuman. Ngunit nakadepende pa aniya ito sa magiging resulta ng preliminary test na isinagawa sa Pampanga …

Read More »

Tambak na droga, gadgets narekober sa Bilibid raid

TAMBAK na droga, appliances at deadly weapons muli ang narekober sa panibagong ‘Oplan Galugad’ ng Special Action Force (SAF) sa New Bilibid Prisons (NBP) kamakalawa. Ito ang ikalawang pagsalakay ng SAF mula nang italaga silang kapalit ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) noong unang bahagi ng Hulyo. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, dose-dosenang cellphone, television, electric fan, …

Read More »

Coed nag-selfie sa jeepney nadale

jeepney

ZAMBOANGA CITY – Sugatan ang isang 18-anyos dalagita nang mahulog mula sa sinasakyang pampasaherong jeepney habang nasa kalagitnaan ng kanyang pagse-selfie sa highway ng Brgy. Upper Calarian sa Zamboanga City kamakalawa. Kinilala ni Senior Inspector Hingming Ladjaali, hepe ng Zamboanga City police station 8, ang biktimang si Dorothy Tubal, nag-aaral sa isang kilalang pribadong unibersidad sa lungsod. Ayon sa opisyal, …

Read More »

3 patay, 3 timbog sa anti-drug ops sa Rizal

dead gun police

TATLO ang patay habang tatlo ang naaresto sa isinagawang anti-drug operations ng mga pulis nsa Cainta, Rizal nitong Linggo. Kinilala ni Supt. Marlon Gnilo, hepe ng Cainta Police Station, ang isa sa tatlong napatay na si Navy reservist Jojo Parado, residente ng Sitio Bagong Silang, Brgy. San Juan. Ayon kay Supt. Gnilo, patungo ang mga pulis na armado ng search …

Read More »

Grand Lotto jackpot papalo na sa P250-M

POSIBLENG pumalo na  sa P250 milyon sa susunod na draw ang jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto. Ito’y dahil wala pa ring nakasungkit ng pot money para sa nasabing lottery game nitong weekend. Lumabas ang number combination na 37-34-19-08-26-25, may may nakalaang P245,012,452.00 bilang premyo. Samantala, sa 6/42 Lotto ay wala ring nakapag-uwi ng jackpot prize. Lumitaw ang number combination …

Read More »

Panibagong rollback ipatutupad

oil gas price

TINIYAK ng oil industry sources ang panibagong rollback sa halaga ng mga produktong petrolyo. Maglalaro sa 35 hanggang 45 sentimos kada litro ang inaasahang pagbaba sa halaga ng diesel. Habang nasa 20 hanggang 30 ang magiging price reduction sa kerosene o gaas. Habang 10 sentimos lamang ang maaaring ibaba sa presyo ng gasolina. Ang rollback ay resulta nang paggalaw ng …

Read More »

Army major isasalang sa court martial (Tiklo sa anti-drug ops)

shabu drug arrest

INIIMBESTIGAHAN ng pamunan ng Philippine Army ang isa sa kanilang opisyal kaugnay sa pagkakasangkot sa illegal drug trade makaraan mahuli kasama ang kanyang asawa sa loob mismo ng kanilang bahay nang salakayin ng mga operatiba ng PNP at PDEA kamakalawa sa Cagayan de Oro City. Kinilala ang naarestong opisyal na si Maj. Suharto Tambidan Macabuat, 40, at miyembro ng Philippine …

Read More »

LPA namataan sa silangan ng Aurora – Pagasa

MAGDUDULOT ng ulan sa lalawigan ng Aurora at mga karatig na lugar ang namataang low pressure area (LPA). Huli itong natukoy sa layong 320 km silangan ng Baler, Aurora. Ayon sa Pagasa, bagama’t malabo na itong maging bagyo, maaari pa rin nitong palakasin ang hanging habagat na maghahatid ng ulan sa kanlurang parte ng Luzon at Visayas. Babala ng weather …

Read More »

1 patay, 2 sugatan sa truck vs trike sa La Union

road traffic accident

LA UNION – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang pasahero habang dalawa ang sugatan sa banggaan ng truck at tricycle sa national highway ng Brgy. Tubod, Sto. Tomas, La Union kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Winifredo Garcia, habang ang mga sugatan ay sina Julius Peralta, 23, at Edison Peralta, 25, ng Brgy. Fernando sa naturang bayan. Base …

Read More »

Drug users sa PH, 1.8-M na — DDB

UMABOT na sa 1.8 milyon ang drug users ngayon sa bansa. Base sa datus ng Dangerous Drug Board (DDB), ang bilang ay nagpapatunay na talagang malubha na ang problema ng droga sa bansa. Ayon kay DDB vice chairman Rommel Garcia, ang nasabing bilang ay hindi lamang kinabibilangan ng drug dependents o tinatawag na addicts kundi gayondin ng mga nagsasagawa ng …

Read More »

Drug lords nasa labas ng PH — Duterte (Kaya napapatay small time lang)

TODO paliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte lung bakit pawang “maliliit na isda” o small-time ang mga napapatay sa maigting na operasyon laban sa ilegal na droga. Ginawa ni Duterte ang pahayag nang marami ang nagtatanong kung nasaan na raw ang “big-time drug lords” at bakit mga mahihirap na pusher lamang ang naitutumba. Sinabi ni Duterte, hindi basta-basta kayang abutin ang …

Read More »

Palasyo OK sa probe vs De Lima sa NBP drugs

SINUSUPORTAHAN ng Malacañang ang panukalang imbestigahan ng Kongreso si Sen. Leila de Lima na dating justice secretary at may hurisdiksyon sa Bureau of Corrections (BuCor). Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, sa ilalim ng panunungkulan ni De Lima bilang justice secretary, dumami ang mga sangkot sa ilegal na droga at mga nagluluto ng shabu sa loob ng New …

Read More »

Laglag-bala magwawakas na — MIAA

TIYAK mawawala na ang problema sa laglag-bala sa mga paliparan kapag nasa kontrol na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang Office for Transportation Security (OTS) Screeners. Sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal, ang nasabing kautusan ay mula rin kay Pangulong Rodrigo Duterte para matapos na ang nasabing problema. Dagdag niya, ang nasabing hakbang ay para matigil na ang …

Read More »

Arestadong ex-mayor, army major, Mindanao drug lords?

shabu drug arrest

CAGAYAN DE ROO CITY – Arestado ang mag-asawa na kinabibilangan ng dating town mayor at aktibong army official sa inilunsad na court search warrant sa Brgy. Kauswagan, Cagayan de Oro City kamakalawa. Kinompirma ni PDEA agent Ben Calibre ang pag-aresto sa suspek na si dating Maguing Mayor Johayra Bagumbung Macabuat alyas Marimar na tinaguriang bigtime drug lord sa Mindanao. Arestado …

Read More »

Mister pinatay, misis niluray ng 3 armado

crime scene yellow tape

TACLOBAN CITY – Patay ang isang mister makaraan barilin ng tatlong lalaki at pagkaraan ay halinhinang ginahasa ang kanyang misis sa  Sitio Cag-Anibong, Brgy. Bagacay sa Palapag, Northern Samar kamakalawa. Kinilala ang biktimang pinatay na si Edito Lucindo, 31, residente ng nasabing lugar. Ayon kay Senior Insp. Joseph Aquino Quelitano, hepe ng Palapag Municipal Police Station, tumatawid ang mag-asawa sa …

Read More »

Sanggol, bata patay sa meningo sa Davao City

dead baby

DAVAO CITY – Pinaalahanan ng Department of Health (DoH-11) ang mamamayan makaraan dalawang bata ang namatay dahil sa meningococcemia sa Southern Philipines Medical Center (SPMC). Base sa record galing sa Infection Prevention ang Control Unit ng SPMC, taga-Davao City ang 5-buwan gulang sanggol habang galing sa Brgy. Tres De Mayo, Digos City ang 8-anyos bata. Napag-alaman, hindi umabot ng 24 …

Read More »

Paris Deal hadlang sa PH industrialization — Duterte

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, sisimulan na ang industriyalisasyon ng Filipinas para mapaunlad ang ekonomiya. Sinabi ni Pangulong Duterte, bahagi ito ng kanyang pangako sa taongbayan bukod sa pagbabalik ng kaayusan sa mga lansangan at pagkamit ng kapayapaan. Kaya naninindigan si Pangulong Duterte sa kanyang posisyon laban sa nilagdaang Paris Climate Agreement na nagsusulong ng pagpapababa sa carbon emission. Ayon …

Read More »

Comelec patuloy sa paghikayat ng SK registrants

PATULOY pa rin ang paghikayat ng Commission on Election sa mga kabataan at bagong registrants para sa Sangguniang Kabataan at Barangay Election na huwag sayangin ang pagkakataon na magparehistro. Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, sa isang linggong pagsisimula ng registration ng SK at barangay election registration ay hindi pa naabot ang kanilang expectation. Sa ginawang pagbisita sa iba’t ibang …

Read More »

Bagong faction sa BIFF nabuo

KORONADAL CITY – May bagong paksiyon na galing sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sinasabing nabuo makaraan tumalikod sa mga kasamahan. Napag-alaman, ang BIFF ay paksiyon din galing sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nabuo kasunod nang pagkamatay ng MILF founding chair na si Hashim Salamat. Ayon sa ulat, ang bagong spokesman ng grupo ay si Abu Amir, …

Read More »

Monitoring sa baybayin ng Samar pinag-ibayo (Kasunod ng 2 namatay sa red tide)

red tide

TACLOBAN CITY – Nakataas ngayon ang mahigpit na monitoring ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa baybayin ng probinsya ng Samar kasunod nang naitalang dalawang namatay dahil sa red tide sa nasabing lugar. Magugunitang iniulat ng BFAR-8, binawian ng buhay ang 5-anyos at 11-anyos bata makaraan kumain ng shellfish na kontaminado ng red tide toxins. Nanawagan ang BFAR …

Read More »