HALOS 2,000 indibidwal ang lumikas nang sumiklab ang panibagong sagupaan ng militar at mga teroristang Maute sa Lanao de Sur, kahapon ng madaling-araw. Batay sa report mula sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Offi-ces (MDRRMO), sa bayan ng Piagapo, 416 pamilya o 1,828 katao ang lumikas, habang sa bayan ng Wao ay 57 pamilya o 200 indibidwal, dahil sa takot …
Read More »P137-M premyo sa 6/55 Lotto solong tinamaan
MAPALAD na nanalo ang isang mananaya ng mahi-git P137 milyong jackpot prize sa Lotto 6/55 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office nitong Sabado, 22 Abril. Sa website ng PCSO, nakasaad na mayroong isang nakatama sa winning combination ng 6/55 draw, na 34-42-08-15-23-20. May kabuuan itong premyo na halagang P137,209,344.00 Mula Enero ngayong taon, ito pa lamang ang ika-lawang pagkakataon na …
Read More »Atleta, mananayaw hinimatay sa Palarong Pambansa (Suplay ng pagkain para sa atleta sa palaro limitado?)
ANTIQUE — Ilang manlalaro at mananayaw ang nanghina at hinimatay dahil sa matinding init, sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2017 sa San Jose de Buenavista, Antique nitong Linggo. Hindi kinaya ng mga atleta mula sa iba’t ibang rehiyon ang init sa track and field oval ng Binira-yan Sports Complex, habang nakapuwesto sa gitna ng field sa pagpapatuloy ng programa. Wala …
Read More »Babala sa Kadamay: Agaw-pabahay tuldukan – PCUP
HINDI na dapat maulit ang sapilitang pag-okupa ng militanteng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa mga pabahay ng pamahalaan. Sinabi ni Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairman Terry Ridon kahapon, kailangan seryosohin ng mga maralitang lungsod ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte, na hindi niya hahayaan ulitin ng Kadamay ang ginawang agaw-pabahay sa Bulacan, at haharangan sila …
Read More »Rent-tangay ‘suspect’ itinumba
BINAWIAN ng buhay ang isa sa mga suspek sa “rent-tangay” o car rental scam, makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo sa labas ng kanyang bahay sa Sta. Rosa, Laguna, nitong Miyerkoles. Ayon sa ulat, dakong 3:00 pm nang pagbabarilin ang biktimang si Eleanor “Leah” Constantino Rosales. Sa CCTV footage, makikita si Rosales na bumaba mula sa isang SUV …
Read More »‘Tokhang’ vs press freedom hinataw (Sa Writ of Amparo); Sabwatan ng gov’t officials inilantad ng petitioners
HINILING kahapon ng pahayagang HATAW D’yaryo ng Bayan sa Korte Suprema, sa pamamagitan ng kanilang abogado na agad ipatigil ang ginagawang persekusyon, panggigigipit at pandarahas sa dalawang kolumnista at editor ng pahayagan na pinaniniwalaang bunsod ng sabwatan ng isang barangay chairman, opisyal ng pulis, chief prosecutor at dalawang hukom. Sa Writ of Amparo na inihain ni Atty. Berteni “Toto” Causing, …
Read More »26 patay, 21 sugatan sa Nueva Ecija (Bus nahulog sa bangin)
DAGUPAN CITY – Umakyat sa 26 katao ang patay, habang 21 ang sugatan sa nahulog na bus sa bangin, sa bahagi ng Capintalan, Caranglan, Nueva Ecija, nitong Martes ng umaga. Ayon kay Michael Calma, Chief Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Nueva Ecija, nasa 26 ang kompirmadong patay habang 21 ang sugatan. Sinabi ni Calma, ang mga namatay …
Read More »Time Magazine pinili si Digong
NAUNGUSAN ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kinagigiliwan na si Pope Francis at maging ang sikat na Facebook founder and CEO na si Mark Zuckerburg sa Time “Most Influential” poll. Tinalo rin niya maging ang hinahangaan at guwapong Canadian Prime Minister Justin Trudeau at ang pinakamayaman sa buong mundo na si Bill Gates. Nanguna si Digong sa poll ng Time …
Read More »4 Pinoy patay sa sumabog na gulong (Sa Abu Dhabi)
ABU DHABI – Apat Filipino ang namatay sa isang aksidente sa Abu Dhabi sa kalagitnaan ng Visita Iglesia. Kabilang sa namatay sina Veronica Dulay, Daniel Paulo Paraiso, Ian Elli, at Marvin Mendoza. Samantala, naka-confine sa isang pagamutan ang kapatid ni Paraiso na si Ana Paula, at kapatid ni Mendoza na si Mary Ann. Sa unang impormasyon, sumabog ang gulong ng …
Read More »Himok sa pulis magnilay sa Holy Week
Hinimok ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa, ang bawat miyembro ng pambansang pulisya, na magnilay-nilay ngayong Semana Santa. Ginawa ni Dela Rosa ang panawagan sa kanyang talumpati sa regular na flag raising ceremony sa Camp Crame. Pahayag ni Dela Rosa, bawat pulis ay dapat tanungin ang kanilang mga sarili na bahagi ng “reflection.” Sinabi ng heneral, dapat …
Read More »PNP at AFP may safe conduct pass para sa NPA (Ngayong Holy Week)
TUGUEGARAO CITY – Nagsimula nang magbigay ng safe conduct pass para sa lahat ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang Kalinga-Philippine National Police (PNP) at 50th Infantry Battalion. Ang safe conduct pass ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga NPA na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong Semana Santa, na magtatagal hanggang 16 Abril. Ang mabibigyan …
Read More »Aftershocks sa Batangas 3 buwan aabutin (5.4 magnitude quake yumanig sa N. Samar)
POSIBLENG tumagal ng hanggang tatlong buwan ang aftershocks sa Batangas. Sinabi ni Phivolcs seismologist Ishmael Narad, ito ay dahil sa magnitude 6.0 lindol nitong Sabado. Ayon kay Narad, bagama’t karamihan sa mga pagyanig ay hindi lubos nararamdaman, may ilan pang aftershocks na malakas hanggang magnitude 4.0. Samantala, inoobserbahan ng Phivolcs ang epekto ng lindol sa Bulkang Taal na malapit lamang …
Read More »Kalma lang, pero alerto
DAHIL halos maya’t maya ay niyayanig tayo ng lindol — kahapon lang ay nasa magnitude 5.6 na lindol ang naitala sa Northern Samar matapos ang serye ng lindol na tumama naman sa Batangas at mga karatig lalawigan at sa Metro Manila, Sabado at Martes noong isang linggo — kailangan maging doble ingat tayo. Sino ba naman ang hindi matatakot at …
Read More »Guro patay, 15 sugatan sa tumaob na dumptruck sa Quirino
CAUAYAN CITY – Patay ang isang guro habang 15 ang sugatan nang tumaob ang isang dumpstruck sa Brgy. Victoria Aglipay, Quirino, kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Janice Pumaling, 27, walang asawa, at residente sa Cordon, Isabela. Batay sa imbestigasyon ng Aglipay Police Station, ang mga biktimang sakay ng isang dump truck ay galing sa isang kasalan. Ayon sa pagsisiyasat, …
Read More »Higit pisong taas sa presyo ng petrolyo asahan
ASAHAN sa susunod na linggo ang malaking price hike sa produktong petrolyo. Ayon sa energy sour-ces, maglalaro sa P1 hanggang sa P1.10 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina. Habang P0.80 hanggang P0.90 ang posibleng dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene. Ang pagtaas ng presyo ng oil products ay bunsod nang pagsipa ng presyo …
Read More »4,000 inmates isasailalim sa libreng HIV test (Sa Cebu City Jail)
CEBU CITY – Nagpapasalamat si Cebu City Councilor Dave Tumulak sa City health at sa Department of Health (DoH) sa Cebu, dahil agad tumugon sa kanyang panawagan na tulungang linisin ang selda at gamutin ang inmates ng Cebu City Jail, upang maiwasan ang paglaganap ng mga sakit sa loob ng pasilidad, lalo ang kaso ng HIV sa mga preso. Ayon …
Read More »Suso ng joggers dinadakma, kelot timbog sa buy-bust (Sa Ormoc City)
INARESTO sa isang buy-bust operation ang isang lalaking matagal nang pinaghahanap ng mga pulis dahil sa mara-ming reklamo ng panghihipo sa mga babaeng nagda-jogging sa Veloso Avenue sa Ormoc City. Kinilala ni S/Insp. Joseph Joevil Young ng Drug Enforcement Unit ng Ormoc City Police, ang suspek na si Jezel Laurente, 27, isang karpintero, may-asawa, at residente sa Sitio Cantalib, District …
Read More »Linggo ng Palaspas ipinagdiwang ng Katoliko
NAGTUNGO sa mga simba-han sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga debotong Katoliko para ipagdiwang ang tradis-yonal na Palm Sunday, hudyat sa pagsisimula ng Semana Santa. Kanya-kanyang bitbit ang mga deboto ng kanilang mga palaspas na binendisyonan sa Palm Sunday masses. Ang nasabing religious tradition ay mula sa Biblical account na naganap ang “triumphant entry” ni Jesus sa Jerusalem …
Read More »Luzon nilindol nang 2 beses
DALAWANG lindol, kabilang ang may lakas na magnitude 5.9, ang yumanig sa Luzon, minuto lamang ang pagitan dakong hapon nitong Sabado. Ayon sa ulat ng Uni-ted States Geological Survey, ang unang lindol, may magnitude 5.7 at lalim na 40.4 kilometers, ay tumama dakong 3:08 p.m. sa east-northeast ng Brgy. Bagalangit Mabini, Batangas. Ang epicenter ng pa-ngalawang lindol (magnitude 5.9) ay …
Read More »Divorce bill, legal remedy sa irreconcilable marriage
IGINIIT ni Gabriela Partylist Rep. Emmi De Jesus, ang divorce bill ay isang legal remedy sa irreconcilable differences ng mga mag-asawa at upang maiwasan ang extra marital affairs ng isang babae o lalaki. Ayon kay De Jesus, hindi isang simpleng pagtatanggal ng bisa ng kontrata ang mangyayari sa diborsiyo, kundi ito ay pagpapawalang-bisa sa kasal na dumaan sa korte, at …
Read More »Pag-akyat sa Banahaw sa Holy Week bawal
NAGA CITY– Muling nagpaalala ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa publiko, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pag-akyat sa Mt. Banahaw sa Quezon Province sa darating na Semana Santa. Ayon kay Dr. Henry Buzar, head ng PDRRMO-Quezon, bawal pa rin ang pag-akyat ng mga deboto, maging ang mga turista na bibisita sa naturang bundok. Ayon kay …
Read More »Alternatibo sa 5-6 itinoka sa DTI
HINIHINTAY ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang implementing guidelines upang maipatupad ang programang Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso o P3, may layuning magpahiram nang sapat na pondo para sa pagnenegosyo ng maliliit na negosyante sa bansa. Ang programa ay kasunod ng direktiba ni Pang. Rodrigo Duterte, na masugpo ang pagpapautang ng Indian nationals o Bombay ng 5-6 …
Read More »Pangamba sa terorismo pinawi ng AFP (2 ISIS bombers matapos maaresto)
WALANG dapat ipangamba ang publiko sa seguridad kasunod nang pagkakaaresto sa dalawang Syrian bombers, sinasabing mga miyembro ng teroristang grupong ISIS. Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla, ginagawa ng militar at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan ang lahat para maiwasan ang ano mang terroristic activities sa bansa. Sinabi ni Padilla, ang pagkakaaresto sa dalawang banyaga ay patunay sa …
Read More »70-K pulis ide-deploy sa Semana Santa
IPINAKALAT ng Pambansang Pulisya ang halos nasa 70,000 pulis sa buong bansa, para magbigay seguridad sa publiko ngayong Holy week, at sa buong summer vacation. Sinabi ni Police Community Relations Group (PCRG) Public Information Officer Supt. Elmer Cereno, kasama sa ide-deploy ang mga pulis na naka-civilian clothes, na magpapatrolya sa malls, beaches, terminal at sa mga bus. Pahayag ni Cereno, …
Read More »Planong multimodal transport system ng PRRC-LLDA, suportado ni Koko
Nagpakita ng lubos na suporta si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel kay Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executice Director Jose Antonio E. Goitia nang personal na ipinadala kamakailan si Chief of Political Division Ronwald Munsayac para suportahan ang mga programa at proyekto ng komisyon. Iniharap ni Goitia ang mga bisyon at misyon niya sa PRRC sa tulong ni Architect Raymart …
Read More »