Dagdag-tuition sa 170 private schools aprub sa DepEd

INAPROBAHAN ng Depart­ment of Education ang ap­plication ng 170 private schools sa National Capital Region para magtaas ng matrikula sa school year 2018-2019.

Ang Quezon City ang may pinakamaraming pribadong paaralan na magpapatupad ng tuition hike.

Ayon sa DepEd, mas mababa ang bilang ngayon ng mga paaralan sa NCR na mag­tataas ng matrikula kompara noong nakaraang school year.

Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones, dumaan sa tamang proseso ang pag-aproba sa tution hike.

Batay sa guidelines ng DepEd, dapat mapunta sa mga guro ang 70 porsiyento ng pagtaas ng matrikula.