NAGPASYA ang mga senador na i-cite ng contempt si dating Customs commissioner Nicanor Faeldon ngunit sa pagkakataong ito ay ini-utos na ikulong siya sa Pasay City Jail. “The Senate unanimously declared that Mr. Faeldon, formerly of Customs, will remain charged with contempt, and he will now be remanded to the custody of the Pasay City Jail upon order of commitment …
Read More »Security of tenure bill aprobado sa Kamara (Kinontra ng Makabayan Bloc)
INAPRUBAHAN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso nitong Lunes sa ikatlong pagbasa ang panukalang magtatapos sa “end labor only contracting, o “endo.” Ang House Bill 6908 o Security of Tenure Bill, ay tumanggap ng suporta ng 199 congressmen, habang pitong solon ang nagbasura sa panukala. Ang lahat ng pitong no votes ay mula sa Makabayan bloc. Sinabi ni Gabriela Rep. Arlene …
Read More »Katok-pakiusap hindi katok-putok (Pangako ng Caloocan police)
TINIYAK ni Senior Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Caloocan police, walang mangyayaring “katok-putok” sa isasagawang operasyon ng kanilang “Tokhangers.” “Katok at pakiusap lang po tayo, walang puwersahan. Walang pahiyaan. Mahigpit ang guidelines natin,” aniya. “‘Yang katok-putok, wala na ngayon. Nagkaroon lang ng negative impact dati kasi may mga maling nagawa.” Matatandaan, mga pulis-Caloocan ang isinasangkot sa kaso ng pagpatay sa …
Read More »Win Wanderland 2018 tickets with Globe GoSURF (Register to any GoSURF promo and get a chance to win 2 tickets to Wanderland 2018!)
Will you be one of the lucky few to become Wanderers? Globe Telecom and Karpos Multimedia open 2018 with an awesome music and art extravaganza that’s guaranteed to get you hyped and ready to jam out with friends. On March 10, 2018, Wanderers are set to head on to the Filinvest City Event Grounds in Alabang for this year’s Wanderland …
Read More »‘Tokhangers’ ‘di maaaring umaresto ng drug users
HINDI maaaring arestohin ng mga pulis na lalahok sa bagong “Oplan Tokhang” o Toktok-Hangyo (katok at pakiusap), ang hinihinalang drug users sa halip ay hihikayatin silang magpa-rehab, ayon sa isang opisyal ng pulisya nitong Linggo. “Puwede naman pong mag-voluntary surrender o pumunta po sa estasyon para magpalista or mag-surrender, magpa-rehab voluntarily, pero hanggang doon lang po iyan,” pahayag ni NCRPO …
Read More »P11-M shabu kompiskado sa Aussie (Sa Cebu)
CEBU CITY – Inaresto ang isang babaeng Australian national makaraang makompiskahan ng P11 milyon halaga ng hinihinalang shabu, sa lungsod na ito nitong Sabado. Sa ulat, dumating sa Cebu mula sa Australia ang suspek na si Dorotea Moyes, 61, nitong Miyerkoles upang makipagkita sa dayuhang nobyo na nakilala niya sa internet, ayon sa pulisya. Ngunit hindi umano tumuloy sa Cebu …
Read More »Ex-parak tiklo sa P430-K shabu (Tangkang manuhol)
ARESTADO ang isang dating pulis makaraan makompiskahan ng 36 gramo ng shabu, P430, 000 ang street value, sa bayan ng Mabolo, Cebu City, nitong Sabado. Ayon sa suspek na si Antonio Tabug, pumunta siya sa estasyon dahil inutusan siya ng isang alyas Boltek na suhulan ang mga pulis ng P50,000 para pababain ang kaso ng isa pang suspek na ina-resto …
Read More »‘Passport on Wheels’ sa Caloocan
MAGHAHANDOG ng “Passport on Wheels” ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Caloocan sa 8 Pebrero. Sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at ng Lungsod ng Caloocan sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Oscar Malapitan, nagsimula nang tumanggap ng applications simula 25 Enero hanggang 2 Pebrero 2018. Ang mga aplikante ay maaaring kumuha ng application …
Read More »Magnitude 4.9 quake sa Surigao Sur
NIYANIG ang lalawigan ng Surigao del Sur ng magnitude 4.9 earthquake nitong Linggo, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Naganap ang pagyanig dakong 10:19 ng umaga. Ang epicenter nito ay nasa 20 kilometers southeast ng bayan ng Marihatag, ayon sa Phi-volcs. May lawak na 16 kilometro, ang pagyanig ay naramdaman sa Intensity 2 sa Bislig …
Read More »2,000 Albay residents dinapuan ng acute respiratory infection
HALOS 2,000 residente sa lalawigan ng Albay ang dinapuan ng respiratory infection (ARI) bunsod nang pagbuga ng abo ng nag-aalborotong Mayon Volcano, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa inilabas na ulat nitong Linggo, sinabi ng NDRRMC, mula sa bilang na 516 ay umakyat sa 1,972 ang bilang ng mga dinapuan ng nasabing sakit. …
Read More »‘Jaywalker’ ginahasa ng sekyu sa ospital (Nagtangkang magbigti)
NAGTANGKANG magbigti ang isang dalagitang lumabag sa pedestrian rule, makaraan gahasain ng isang guwardiya sa isang ospital sa Laguna. Kinilala ang suspek na si Gerald Yulas, inaresto ng mga operatiba ng Calamba Police nitong Sabado. Ayon sa ulat ng pulisya, nakita sa CCTV camera footage ang pagpasok ni Yulas at ng biktima sa ospital pasado 1:00 am nitong 23 Enero …
Read More »Globe tightens security process in Change SIM (CSIM) requests
As more Filipinos use their smartphones for transactions such as internet banking – linking their mobile number to most of their accounts, users are now more vulnerable to fraud or identity theft. In recent years, fraudulent SIM swap complaints have risen, with perpetrators getting smarter in circumventing the verification process. With the amount of customer data Globe Telecom has, it …
Read More »Globe magtatayo ng cell sites, wifi hotspots sa Shell stations
PALALAKASIN ng Globe Telecom ang network infrastructure sa pakikipag-partner sa Pilipinas Shell Petroleum Corporation. Sa ilalim ng kasunduan ng dalawang kompanya, palalawakin ng Globe ang network nito sa pamamagitan ng pagtatayo ng cell sites sa Shell gasoline stations. Maglalagay rin ang telco ng GoWiFi hotspots sa mga piling Shell stations. “This collaboration with Shell is breath of fresh air considering …
Read More »Bayanihan para sa mga apektado ng Mayon
LIBO-LIBO na naman ang nagsilikas at ngayon ay nasa evacuation center dahil sa pagsabog ng bulkang Mayon nitong Lunes. Nasa alert level 4 pa rin ang paligid ng Mayon, na ang ibig sabihin ay posibleng magkaroon pa nang mas matinding pagsabog. Dahil dito, mas lalong lumaki ang danger zone, mula sa dating anim na kilometro ay naging walo na ito, …
Read More »Dental surgeon sinuspende ng board of dentistry
ANIM na buwang suspensiyon ang ipinataw ng Board of Dentistry ng Professional Regulation Commission (PRC) sa isang oral surgeon and dental implantologist matapos mabatid na ‘incompetent’ sa kanyang propesyon matapos mapatunayan na ang kanyang sertipiko para sa kanyang specialization ay hindi kinikilala ng Board of Dentistry dahil sa dishonorable conduct. Sinuspende nang anim na buwan ng Board of Dentistry ang …
Read More »Morgan Stanley reinforce positive outlook on PH telco play, Globe stock earns ratings upgrade
A large foreign investment house posted its positive outlook for the Philippine telco sector and Globe Telecom in particular for 2018. Morgan Stanley released its research paper this month, entitled “ASEAN Telcos 2018 Outlook”, comparing Globe with other telco players in the ASEAN region with optimistic results. Morgan Stanley noted that “Globe has been winning market share from competition in …
Read More »Alert level 4 itinaas sa Mayon (Pasok sa Albay sinuspende, Cebu Pacific flights kanselado)
ITINAAS ang Alert Level 4 sa Mayon nitong Lunes ng hapon, kasunod ng magma eruptions. Sinabi ni Paul Alanis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismo-logy (PHIVOLCS), sa Alert Level 4, posibleng maganap ang hazardous explosion ng bulkan sa susunod na mga oras o araw. Ayon kay Alanis, ang inilabas na lava sa nakaraang mga pagsabog mula nitong Linggo ay …
Read More »PNU prexy, 3 opisyal sinibak ng Ombudsman (Sa US$25,000 magazine ad contract)
INIUTOS ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa serbisyo kay Philippine Normal University (PNU) president Ester Ogena at tatlo pang mga opisyal ng unibersidad bunsod ng mahigit $25,000 advertisement sa isang international magazine. Sa desisyong pinirmahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales noong 24 Oktubre 2017, ang pagsibak kay Ogena ay makaraan mapatunayan ng anti-graft body na siya ay guilty …
Read More »Probe vs frigate project isinulong ng senate opposition
NAGHAIN ang mga miyembro ng Senate minority bloc ng resolusyon, hinihiling ang imbestigasyon sa kontrobersiyal na pagbili ng dalawang Philippine Navy frigates, sa gitna ng mga ulat na “nakialam” ang close aide ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Bong Go, sa nasabing proyekto. Inihain ni Minority Leader Franklin Drilon, kasama sina Senators Francis “Kiko” Pangilinan, Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, …
Read More »Monopolyo ng Meralco basagin (Mataas na presyo ng koryente babagsak sa kompetisyon) — Solon
PARA sa tunay na interes ng sambayanang Filipino, binigyang-diin ni Anakpawis party-list Rep. Ariel ‘Ka Ayik’ Casilao na panahon na para bigyang pansin ng pamahalaan at agarang tuldukan ang paghahari ng Manila Electric Company (Meralco). Sa isang panayam, mariing kinastigo ni Casilao, na kasapi ng tinaguriang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang monopolyo sa power distribution industry ng …
Read More »2 jailguards, 2 pulis patay sa shootout sa Munti
PATAY ang dalawang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at dalawang pulis sa palitan ng putok sa Muntinlupa City, kahapon ng umaga. Binawian ng buhay bago idating sa Medical Center of Muntinlupa ang dalawang jailguard na sina JO1 Felino Salazar, 48, at JO2 Elmer Malindao, 33, nakatalaga sa Muntinlupa City Jail. Nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente …
Read More »GCash to raffle off 10 iPhone X for The SM Store shoppers
The SM Store shoppers nationwide are in for a treat as GCash mobile wallet is set to raffle off 10 iPhone X from February to April this year. To qualify, existing and new GCash App users just need to pay their The SM Store purchases using the GCash scan to pay feature which all The SM Stores in the country …
Read More »Panaginip mo, Interpret ko: Balon na may gripo may duwende rin
Muzta po Señor, Nagtext ako dahil sa panaginp ko, may nakita dw ako balon at nilapitan ko may gripo, nagtaka ako bakit may gripo, tapos ay nagulat ako, may duwende roon. Iyon na po, sana ay mabasa ko sa HATAW, ‘wag n’yo na llgay cp ko, I’m Yollie To Yollie, Kung sa iyong panaginip ay nakakita ng balon, ito ay nagre-represent …
Read More »Death penalty vs drug lords isusulong ni Pacman
INIHAYAG ni Senador Manny Pacquiao nitong Miyerkoles, na umaasa siyang susuportahan ng kanyang mga kasama sa Senado ang death penalty na tanging puntirya ay mga drug lord. “Mahihirapan talaga kami to get the majority but we’re going to explain again to my colleagues that pipiliin lang natin, kumbaga ang gusto namin dito is ‘yung drug lords,” pahayag ni Pacquiao. “Wala …
Read More »‘Love’ sa 1987 Constitution aalisin
TILA walang puwang sa mga mambabatas ang “love” sa organic law. Ito ay dahil sa panukala ng isang mambabatas sa Kamara na burahin ang salitang “love” sa 1987 Constitution sa gitna ng diskusyon hinggil sa pag-ami-yenda sa salitang batas, idiniing ang salita ay “has no place in a Constitution.” Ang panukala ay naglalayong amiyendahan ang preamble, ang opening statement ng …
Read More »