HINDI nakaranas ng birthday party si Pilo Hilbay noong kabataan niya. Sabi ng kaniyang inang si Nanay Lydia, malimit siyang pasaringan ng kanilang mga kapitbahay sa Tondo na Ilokano umano kasi sila kaya hindi niya maipaghanda si anak. Hindi nila alam na wala lang talaga silang sapat na salapi para sa luhong ito. Malimit paluin ng kaniyang ina si Samira …
Read More »500 Corrupted SD cards, papalitan ng Comelec
TATLONG araw bago ang halalan sa 13 Mayo, iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na hindi bababa sa 500 Secure Digital (SD) cards ang corrupted. Gagamitin ang SD cards upang paglagyan ng encrypted image ng mga balotang ipinasok sa vote counting machines (VCMs) sa mismong araw ng halalan. Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang press briefing na sa …
Read More »Pribadong kontrata ng public markets kakanselahin ni Lim
KAKANSELAHIN ng nagbabalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim ang lahat ng kontratang nagsapribado sa mga pampublikong palengke ng lungsod upang maprotektahan sa mataas na bayarin ang stall owners, vendors at mga residenteng namimili ng kanilang kailangan sa araw-araw. Kaugnay nito, tiniyak din ni Lim na kanyang ibababa ang singil ng mga bayarin sa stall owners at vendors nang …
Read More »Water allocation sa Pampanga at Bulacan babawasan ng NWRB
IPATITIGIL simula 16 Mayo ang alokasyon ng irrigation water sa Pampanga at Bulacan mula sa Angat Dam dahil sa kritikal na pagbaba ng antas ng tubig na naipon sa nasabing dam simula noong nakaraang linggo, ayon sa National Water Resources Board (NWRB). Sisimulan ng NWRB ang pagbabawas ng alokasyon sa irigasyon sa nasabing mga lalawigan mula sa 3,450 milyong litro …
Read More »Nagtatapon ng wastewater sa Marikina River, huhulihin ng PRRC
Nagsasagawa ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ng masusing imbestigasyon sa sinasabing ilegal na pagtapon ng wastewater sa Marikina River. Ikinasa ang operasyon nang mai-tag ang mga opisyal ng PRRC sa Facebook viral video na ipinaskil ni Abdusalla Monakil, isang concerned netizen, na makikitang nagdidiskarga ng kemikal na isang ebidensiya ng liquid waste pollution sa Marikina River. Dahil pangunahing tributaryo …
Read More »Suporta kay Coco Martin, APPL umapaw… Ang Probinsyano partylist ‘panalo’ sa Bohol, Cebu
DAHIL sa sobrang gigil sa kanilang iniidolong action superstar na si Coco Martin ay hindi na napigilan ang mga tao nang dumugin habang nasa isang rally sa lalawigan ng Bohol upang ikampanya ang #54 Ang Probinsyano Partylist. Nagkaroon ng maliit na galos ang kanang pisngi ni Coco matapos akyatin at pilit siyang hawakan ng mga naghihiyawang fans habang sumasayaw at …
Read More »JV sumuko na
MISTULANG sumuko na sa laban sa 13 May0 2019 midterm elections si reelectionist Senator JV Ejercito matapos niyang iasa sa milagro ang kandidatura sa pagka-senador. Sa twitter post kahapon ni JV, isang makahulugang kataga ang kanyang binitiwan na nagdulot ng alinlangan sa kanyang mga tagasuporta. “I would need a miracle to win a seat back,” bahagi ng post sa Twitter …
Read More »Kawani ng kapitolyo, idiniin si Jonvic sa vote-buying sa Cavite
ISANG kasalukuyang empleyado ng Kapitolyo ng lalawigan ng Cavite ang lumutang upang sabihin na magmula Oktubre 2018 ay sinimulan na ng kampo ng tumatakbong gobernador ng Cavite na si Jonvic Remulla ang vote-buying gamit ang kaban ng bayan sa pamamagitan ng isang programang tinatawag na “Lingap sa Kalikasan.” Sa isang press conference, sinabi ng ‘whistleblower’ na siya mismo ay may …
Read More »ACT-CIS party-list ng Tulfo Bros una sa SWS survey
NANGUNGUNA na ang ACT-CIS party-list ng Tulfo brothers ayon sa pinaka-latest survey ng Social Weather Station (SWS). Sa survey na isinagawa noong 28 Abril hanggang 3 Mayo ng SWS, number one na ang ACT-CIS party-list sa 134 iba pang party-list. Ayon sa Final Pre-election survey ng naturang survey group, pinili ng mas maraming respondents ang ACT-CIS kaysa ibang party-list. Ang …
Read More »Sabi ng COA: Sandoval Foundation maraming violations
BATAY sa pagsusuri ng Commission on Audit (COA) noong 2012, kaliwa’t kanang paglabag sa mga reglamento ang naitala ng Pamamalakaya Foundation, Inc., na inendoso ni Malabon Rep. Ricky Sandoval para tumanggap ng P20-milyong halaga ng cash-for-work project ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Seryosong paglabag din na mismong asawa ni Ricky na si Vice Mayor Jeannie Sandoval ang …
Read More »Yvette Ocampo, patok sa endoso ng Iglesia Ni Cristo
OPISYAL nang inendoso ng Iglesia Ni Cristo si Yvette Ocampo, kandidato sa pagka-kongresista sa ika-6 na distrito ng Maynila, kasama ng kanyang kapatid na si Chikee Ocampo na tumatakbo naman sa pagka-konsehal sa nasabing distrito. Si Yvette ay bunsong anak ni dating congressman Pablo Ocampo ng Maynila at kapatid ng kasalukuyang kongresista na si Sandy Ocampo na magtatapos sa kanyang …
Read More »Katoliko, Muslim todo-suporta kay Bingbong (All-out support sa pagka-mayor)
HALOS hindi magkamayaw na naglabasan mula sa iba’t ibang distrito ng Quezon City ang mga Katolikong nagnanais na ipakita ang kanilang buong suporta para kay mayoralty candidate Vincent “Bingbong” Crisologo mula sa kanyang paglilibot sa kampanya. Naglalabasan ang supporters ni Crisologo bitbit ang iba’t ibang banners at placards na sumisigaw na panahon na ng tunay na pagbabago at wakasan na …
Read More »Belmonte inendoso ng INC (Top pa rin sa survey)
PORMAL nang inendoso ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa pagka-alkalde ng Quezon City si vice mayor Joy Belmonte kasabay ng pamamayagpag sa iba’t ibang survey. Nagpahayag ng pasasalamat si Belmonte sa pamunuan ng INC sa pag-endoso sa kanyang kandidatura. “I was informed on Monday that INC will support me and majority of the candidates in my slate. This is very, …
Read More »Roxas may binalasubas?
NABUNYAG sa memorandum ng Department of Interior and Local Government (DILG) na baon sa utang si Liberal Party president Manuel “Mar” Roxas sa ilang campaign service providers ngunit tumangging bayaran ang milyon-milyong pisong pagkakautang sa kanila sa serbisyong ipinagkaloob sa presidential elections noong 2016. Sa memorandum na may pamagat na “Manuel Araneta Roxas II—2016 Elections Undeclared Campaign Expenditures” nitong …
Read More »Plunder inihain vs Alvarez
SINAMPAHAN ni Jefrey Cabigon si dating Speaker Pantaleon Alvarez ng 1st District ng Davao del Norte, ng kasong plunder mula sa mga ilegal na transaksiyon, kickbacks at kita na sinabi niyang personal na nasaksihan sa dalawang taong pagiging close-in security ng mambabatas. Sa complaint-affidavit na natanggap ng Ombudsman-Mindanao nitong 6 Mayo 2019, sinabi ni Cabigon na siya ay nautusan at …
Read More »Vote-buying sa Albay talamak
DESMAYADO ang ilang residente ng District 3 sa Albay kasunod ng balitang isang malawakang vote-buying ang kasalukuyang ginagawa ng kampo ni Fernando Cabredo, kandidatong congressman. Ang vote buying ay posibleng maparusahan ng pagkabilanggo ng isa hanggang anim na taon. Isang barangay chairman ng nasabing distrito, ang nagsabing namahagi ang kampo ni Cabredo ng P500 bawat botante upang makakuha ng suporta …
Read More »Cotabato mayoralty bet, pinopondohan ng ISIS?
MATINDI ang hangarin ng isang mayoralty bet ng Cotabato City na manalo sa eleksiyon ngayong darating na 13 Mayo dahil nagmumula na umano sa international terrorist group na Islamic State of Iraq & Syria (ISIS) ang campaign funds matiyak lang ang panalo sa eleksiyon. Itinuro ang kandidato na isang congresswoman Bai Sandra Sema, ina umano ng kompirmadong ISIS na si …
Read More »Barangay funds mula sa Real Property Tax (RPT) ‘di na kailangan dumaan sa Konseho
TINIYAK ng nagbabalik na alkalde ng Maynila Alfredo Lim na bibigyan niya nang lubos na kalayaan o ‘full autonomy’ ang mga barangay chairman sa lungsod sa oras na siya ay maging mayor na ulit ng lungsod. Ayon kay Lim, kandidato para mayor ng ruling party PDP-Laban na pinamumunuan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipatutupad niya ang isang uri ng sistema na …
Read More »Lahat ng senior citizen magkakapensiyon — Grace Poe
KAPAG muling mahalal sa Senado, isusulong ni Senador Grace Poe ang panukalang batas upang mabigyan ng pensiyon ang lahat ng mahihirap na nakatatanda o senior citizens sa bansa. Ipinangako ito ni Poe sa mga residente ng Bayambang, Pangasinan nang mangampanya kamakalawa, 7 Mayo, kasama ang aktor na si Coco Martin ng ‘Ang Probinsyano.’ “Ngayon, sa mga senior citizen naman, ipinapaalala …
Read More »Mar Roxas ‘bumulusok’ sa survey
PATULOY ang pagbagsak ng rating ni Otso Diretso Senatorial bet Mar Roxas batay sa inilabas na resulta ng iba’t ibang survey para sa magic 12 ng May 2019 senatorial election. Hindi nakuhang umangat sa rating o makapasok man lang sa Magic 12 ni Roxas batay sa mga survey ng Pulse Asia at Social Weather Station. Sa pinakahuling survey ng Pulse, …
Read More »Paglagda sa Energy Efficiency Act… Aprub sa MKP
MALIGAYANG tinanggap ng Murang Kuryente Party-list (MKP) nitong Miyerkoles ang paglagda sa Republic Act No. 11285 o ang Energy Efficiency and Conservation Act, na naglalayong mapalawig ang paggamit ng renewable energy upang matiyak ang katatagan ng power supply sa bansa. Sa batas na nilagdaan noong 12 Abril 2019 at inilabas nitong Martes, may mandato ang Department of Energy (DOE) upang …
Read More »Sa Meralco sweetheart deals… ERC officials binalaan ng Bayan Muna
NAGBABALA ang Bayan Muna laban kay Chairman Agnes Devanadera ng Energy Regulatory Commission na ihahabla sakaling hindi ipawalang-bisa ang sweetheart deals ng Meralco at sister companies nito. Ayon kay dating kongresista at ngayon ay kandidato para senador na si Neri Colmenares at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, nakatangap sila ng impormasyon na hahayaan ng ERC ang sweetheart deals ng Meralco sa …
Read More »Brigada Eskwela ng Balucuc HS, sisimulan na
TULOY-TULOY ang Brigada Eskwela sa Balucuc High School na magsisimula sa May 20 hanggang Mayo 25, 2019. Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan, ang tema ng brigada. Nakatutuwa dahil maraming guro ng eskuwelahan sa pangunguna ng Principal na si Sheryl C.Dela Pena, Resource and Mobilization Coordinator Rosemarie C.Sarmiento, at BE Coordinator Renzi Jae S. Dela Cruz ang nakikipagkaisa kasama ang mga estudyante ng paaralan sa magandang layuning ito. …
Read More »Bingbong pag-asa ng taga-QC (Desmayado sa palpak na serbisyo)
LAGPAK na serbisyong medikal, mapanlinlang na pabahay ng city government, at kawalan ng sariling unibersidad sa Quezon City. Ilan ito sa napakaraming dahilan kung bakit tumindig bilang mayoralty candidate si Cong. Vincent Bingbong Crisologo ng PDP-Laban kasabay ng napakalakas na suporta ng mamamayan upang ipagtanggol ang mahihirap na residente ng QC kontra sa katunggaling bise alkalde na si Joy Belmonte. …
Read More »‘Oligarchs’ sa ‘Sweetheart deals’ kasuhan — Bayan Muna
NAIS panagutin ng grupong Bayan Muna ang mga oligarka na nasa likod ng ‘sweetheart deals’ at dapat umanong kasuhan ang government officials na hinayaang mangyari ito. Ipinahayag ito ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa desisyon ng Korte Suprema na ipinabasura ang kontrobersiyal na kasunduan. “We should not allow the greed of these energy oligarchs to continue. Those government officials …
Read More »