Saturday , January 28 2023

FB live get-together nina Cayetano at aliados viral

PARA sa Filipino, ang pagtawa ay natural na kakambal ng paghihirap.
Kaya naman hindi kataka-taka nang magkaroon ng get-together si dating House Speaker Alan Peter Cayetano at kaniyang kabiyak ng buhay na si Taguig 2nd District Representative Ma. Laarni Cayetano kasama ang kanilang mga kaalyadong Kongresista, libo-libong Filipino ang nakisaya sa kanilang Facebook livestream.
 
Bihira ang pagkakataong tulad nito na maka-bonding ng mag-asawa sina Bulacan 1st District Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, Anakalusugan Rep. Mike Defensor, Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu, at Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez.
Sa 20-minutong livestream, nakita ang ibang side ng mga kongresista, nagbibiruan habang masayang iniaanunsyo ang mga pinakabagong 175 benepisaryo ng Sampung Libong Pag-Asa program — tig-25 mula sa District of Taguig-Pateros, Taguig 2nd District, Quezon City, Bulacan, Laguna, Batangas, at Camarines Sur.
 
Sa kalagitnaan ng livestream ay nasa 4,000 ang manonood. Sa ngayon umabot na sa 2.1 million ang total views nito at 258K naman ang comments.
 
Sa huling bilang, nasa kalahating milyon na ang nakapanood ng video, at nasa 100,000 ang comments mula sa mga nagnanais mapiling benepisaryo ng P10,000 ayuda.
 
A-uno ng Pebrero 2021 nang ihain ni Cayetano at kaniyang mga kaalyado ang 10K Ayuda Bill. Ikinonsidera ito sa Bayanihan 3 ngunit ang probisyong naglalayong magbigay ng P10,000 ayuda bawat pamilya ay hindi isinama.
 
Ang naaprobahang bersiyon ng House ay maglalaan ng P200 bilyon para sa dalawang beses na P1,000 ayuda lamang bawat indibidwal.
 
Samantala, ang bersiyon ng panukala ng Bayanihan 3 sa Senado ay nakabinbin pa rin sa committee level.
 
“One hundred ten million (110 million) Filipinos po tayo, 10 million sa ibang bansa, so tulungan po tayo,” pahayag ni Cayetano habang hinihikayat ang mga nanonood na magbayanihan upang malampasan ang pandemya.
 
Nagbabala rin siya tungkol sa mga ‘scammer’ na umiikot umano para magpapirma at humihingi ng pera. Aniya, walang kailangang bayaran para makasali sa programa.
 
Umabot na umano sa 2,346 ang naging benepisaryo ng Sampung Libong Pag-Asa program simula nang una itong isagawa ng grupo, na lubos na naapektohan ang hanapbuhay dahil sa kasalukuyang krisis.

About hataw tabloid

Check Also

Marian Rivera Dingdong Dantes Rhea Tan Beautederm 2

DONGYAN binulabog ang Angeles; Beautéderm Corporate Headquarters pinasinayaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGKA-TRAPIK-TRAPIK ang kahabaan ng Angeles City nang bumulaga sa pasinaya …

Marian Rivera Dingdong Dantes Rhea Tan Beautederm

DongYan at Ms. Rhea Tan, pinangunahan ang unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY ang ginanap na unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters. Pinangunahan ng Beautederm President at CEO …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Tamang pagkain, body exercises pinagmumulan ng ‘chi’ sa ating katawan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Matagal na …

JC Santos BeauteHaus Beautederm Rhea Tan

JC Santos lalong naging guwaping, hiyang sa BeauteHaus ng Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPANSIN namin na mas naging guwaping si J CSantos sa …

AweSM Cebu Seaside

SM Seaside, your stage for extraordinary experiences

SM Seaside City Cebu transformed  itself into a colorful and festive destination for this year’s …

Leave a Reply