Monday , November 18 2024

hataw tabloid

Isang makabayang ugnayang panlabas ang kailangan (1)

PATULOY na yumayabong ang ekonomiya at lumalakas ang puwersang militar ng Tsina. Hindi na siya ang “Sick man of Asia” na pinagsamantalahan ng bansang Hapon at iba’t ibang mga kanluraning bansa noong huli hanggang kalahating bahagi ng 1800 at 1900. Gayon man sa kabila ng kanyang mga rebolusyunaryong ugat na namukadkad noong 1949 sa pagkakatayo ni Chairman Mao Zedong ng …

Read More »

Purisima ‘untouchable’  ba talaga?

HINDI ba talaga puwedeng galawin ang dating Philippine National Police (PNP) chief na si Director-General Alan Purisima? Ang mensahe ng Malacañang kay Senator Bongbong Marcos ay “Leave Purisima alone” dahil nagbitiw na sa puwesto. Marami ang hindi sang-ayon dito dahil hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkasawi ng 44 Special Action Force (SAF) commandos na minasaker ng puwersa ng …

Read More »

Breadwinner ng pamilya napagod nagbigti

ILOILO CITY – Ang hindi makayanang hirap bilang breadwinner sa pamilya ang pinaniniwalaang dahilan ng pag-suicide ng isang lalaki sa Oton, Iloilo kamakalawa. Ang biktimang si Jorie Solima, 23, ng JC Zulueta, Poblacion, Oton, Iloilo ay natagpuang nakabigti sa kanyang silid gamit ang nylon. Ayon sa ina, walang ibang problema ang kanyang anak maliban lamang sa hirap na dinadanas dahil …

Read More »

Mag-ina todas sa bagsik ng kidlat

LA UNION – Sabay na namatay ang mag-ina makaraan tamaan ng kidlat sa Bauang ng nasabing lalawigan kamakalawa. Sa salaysay ni Manuel Bancoyo ng Brgy. Urayong ng nasabing bayan, kasalukuyan silang naghahanda ng hapunan sa kanilang kusina dakong 5 p.m. nang bumuhos ang malakas na ulan kasabay nang malalakas na kulog at kidlat. Tumama ang kidlat sa punongkahoy sa tabi …

Read More »

Uber, GrabCar operations ipinahihinto ng Kamara

IPINASUSUSPINDE ng Technical Working Group (TWG) ng House Committee on Transportation ang operasyon ng mga transportation network company (TNC) tulad ng Uber at GrabCar hangga’t hindi tumatalima sa regulasyon at requirements ng pamahalaan. Kabilang na rito ang pagkuha nila ng prangkisa at pagpapa-accredit sa kanilang transport company. Pinuna ng TWG ang Department Order (DO) 2015-11 ng Department of Transportation and …

Read More »

Higit piso dagdag sa presyo ng gasolina

HIGIT P1 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina ngayong Martes, Hunyo 16. Epektibo 12:01 a.m. ang P1.05 taas-presyo sa kada litro ng gasolina habang may P0.15 umento sa kada litro ng diesel at kerosene sa Shell at Seaoil. Sa parehong oras, P0.90 ang tapyas-presyo sa kada litro ng gasolina habang P0.20 ang sa kada litro ng diesel ng kompanyang …

Read More »

Pondong MERS-CoV na ‘di nagamit ‘di pwede ilipat

IBINASURA ng Malacañang ang panukala ni Sen. Ralph Recto na gamitin na lamang sa serbisyong pangkalusugan ang mga pondo na hindi nagamit ng gobyerno nitong mga nakalipas na panahon. Sinasabing magandang pagkakataon ito na magamit ng pamahalaan ang mga hindi nagalaw na pondo, sa harap ng nararanasang pananalasa ngayon ng Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-Cov) na ilang mga …

Read More »

Cancer patients isama sa PhilHealth

SANHI ng hirap na kalagayan ng mga pasyente ng kanser sa bansa, kailangan umanong isama sila bilang benepisaryo ng PhilHealth, ayon kay Cancer Coalition convenor Dr. Dario Lapada Jr. Sa Tapatan sa Aristocrat media forum, ipinaliwaang ni Lapada na sa kasalukuyang kondisyon ng mga may sakit na kanser imposible na para sa kanila na magkaroon ng access sa mahahalagang medical …

Read More »

Pension funds ng retired cops naibulsa na?

HINIHINALA ng Philippine National Police Retirees Association, Inc. (PRAI) na naibulsa na ng iba ang pondong inilaan sana para sa pensyon ng mga retiradong pulis. Sinabi ni retired Police Chief Supt. Allyn Evasco Jr., vice president for Mindanap ng PRAI, kulang pa ng 19 buwan pension differential ang nakukuha nila. “Ang natanggap namin ay 17 months only so sa sinasabi …

Read More »

PNoy tinabla si VP

PATAPOS na ang summer ngunit lalong umiinit ang usapan ng politika sa darating na 2016. Ilang araw lamang ang nakalilipas ay sinabi ni Vice President Jejomar Binay na umaasa siyang susuportahan kahit palihim ni Pangulong Noynoy Aquino. Naging mabilis naman ang tugon ni PNoy dito: “Hinahanap ba niya ang suporta ko? 2010, sa ibang grupo siya tumakbo, 2013, nanguna siya …

Read More »

Hindi kami pwede – Ping (Sa tambalang Lacson-Duterte sa 2016)

MARIING inihayag ni dating Senator Panfilo Lacson na hindi sila puwedeng magtambal ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 elections dahil pareho silang nalilinya sa iisang aspeto lang, ang peace and order. “Una baka umusok kaming dalawa… Pangalawa, e parang isa lang ang dimension, ang core competence namin, parang nalilinya sa iisang aspeto lamang – ito ay sa larangan …

Read More »

Mison inasunto na naman (Bagong kaso sa Ombudsman)

KASUNOD ng kahilingan ng ilang opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) sa kanyang pagbibitiw sa puwesto, sanhi ng sinasabing mga iregularidad sa kanyang tanggapan, nahaharap na naman si Immigration commissioner Siegfred Mison sa isa pang criminal complaint sa Ombudsman na isinampa ni BI intelligence chief Atty. Faizal Hussin nitong Hunyo 11 (2015). Sa kanyang reklamo, nagbigay ng impormasyon …

Read More »

Ilang pamilya ng Kentex fire victims umareglo sa P.1-M

KINOMPIRMA ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, tatlo hanggang apat sa mga pamilya ng 72 namatay sa sunog, ang tinanggap ang alok ng Kentex Manufacturing Corp. na makipag-areglo na lamang sa halagang P100,000. Kapalit ito nang hindi na paghahabla. Hindi aniya taga-Valenzuela ang mga nakipag-areglo at pagod na sa paghahabol sa kaso. Habang ang ibang pamilya ay tuloy pa rin …

Read More »

Si Ridon at ang paintings ni Imelda

NASAAN na ang sinasabing imbestigasyong gagawin ni Kabataan party-list Rep. Terry Ridon sa mga paintings na bahagi ng ill-gotten wealth ng pamilya Marcos? Halos walong buwan na ang nakararaan simula nang sabihin ni Ridon na magsasagawa siya ng imbestigasyon, pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayaring House inquiry. Totoo bang nasuhulan si Ridon nang malaking halaga ng salapi kaya …

Read More »

CCTV sa brgy makikita sa cellphone

BILANG tugon sa iba’t ibang uri ng krimen sa lungsod ng Maynila, may bagong application na maaaring gamitin upang ma-monitor ang nangyayari sa mga barangay kahit nasa malayong lugar. Sa rami ng gumagamit ng cellphones, maaari nang makita ang mga kaganapan sa mga barangay na nakukuhaan ng Closed Circuit Television, kaya maaaring ma-monitor ng barangay officials ang kanilang nasasakupan kahit …

Read More »

Eroplano bumagsak sa Sultan Kudarat

KORONADAL CITY – Papunta na sa bulubunduking bahagi ng Esperanza, Sultan Kudarat, ang rescue team upang alamin ang karagdagang detalye kaugnay sa napaulat na isang pribadong eroplano ang bumagsak pasado 11 a.m. kahapon. Ayon Capt. Mark C. Soria ng Bravo Company ng 33rd IB, Philippine Army, nakarinig sila nang malakas na pagsabog dakong 11 a.m. kahapon kaya nakipag-ugnayan sila  sa  …

Read More »

65-anyos top-ranking NPA leader arestado sa Bohol

  ARESTADO sa pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang isang top ranking NPA leader sa inilunsad na operasyon kamakalawa ng umaga sa lalawigan ng Bohol. Kinilala ni AFP Public Affairs Office (PAO) chief, Lt. Col. Harold Cabunoc, ang naarestong mataas na lider ng NPA na si Exuspero Lloren, 65-anyos. Si Lloren ay naaresto batay sa warrant of arrest …

Read More »

Grand Lotto jackpot lolobo  sa P250-M

TINATAYANG aabot sa P248 milyon hanggang P250 milyon ang jackpot ng Grand Lotto 6/55 sa bola ngayong Lunes. Ipinaliwanag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general mana-ger Jose Fernando Rojas II, mahigit dalawang buwan nang hindi napapanalunan ang jackpot. Nitong Sabado lang ng gabi, walang nakasungkit sa mahigit P235 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 sa winning combination na 44-21-34-17-54-50.

Read More »

Girian vs China idinaan ng PH sa social media

DINALA ng administrasyong Aquino sa social media ang pakikipaggirian sa China kaugnay sa mga teritoryo sa West Philippine Sea. Hinimok kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang publiko na panoorin at i-share ang video na pinamagatang “Kalayaan: Karapatan  sa  Karagatan”  upang lubos na maunawaan ang usapin hinggil sa West Philippine Sea. Maaari aniyang matunghayan ito sa Facebook page ni …

Read More »

Patuloy na pagsasanay — Trillanes

BILANG pagkilala sa pangangailangan sa patuloy na pagsasanay ng ang ating mga propesyonal, lalo na sa papalapit na ASEAN Integration, inisponsor ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang Senate Bill No. 2581, o ang Continuing Professional Development (CPD) Act. “Maraming oportunidad ang maaaring makuha ng ating mga propesyonal dahil sa ASEAN integration, kailangan lang nating siguraduhin na may sapat …

Read More »

Talong talo si VP Binay sa social media

EVERY time na i-post ng TV networks sa kanilang website ang mga pahayag o mga lumalabas sa bibig ng mga Binay partikular kay Vice President Jojo tungkol sa politika, ilang doble ang bilang ng mga nagbibigay ng mga brutal na comments kaysa nagla-likes. Kaya kung sa social media magsagawa ng survey para sa presidentiables sa darating na halalan, kulelat si …

Read More »

Rizal PNP nanguna sa Oplan Lambat- Sibat ng DILG

MAKARAANG ipatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kanilang Oplan Lambat Sibat, isang all out war versus all forms of criminalities, lumutang ang probinsiya ng Rizal sa Calabarzon area sa mga nangungunang lalawigan na may pinakamaliit na krimeng naitala. Repleksyon ito ng magiting at mahusay na pamumuno ng kanilang Provincial Director na si Colonel Bernabe Balba …

Read More »

Aldrin San Pedro, ginawang negosyo ang pagpasok sa Gobierno Part-2

RESOLUTION OF OMBUDSMAN SUMABAT vs. BARLIS OMB-C-C-12-0199-E Before this Office is a Complaint filed on May 08,2012’by Abe L. Sumabat (complainant) for violation of Section 3(a),(e), and (g) of RA No. 3019;RA No.9184’ and Article 217 of the Revised Penal Code (Malversation of Public Funds) against the following respondent: Nelia A. Barlis (Barlis) Former City Treasurer of Muntinlupa (SG 26) …

Read More »

P4.5 M sa 3 cell phones na ipinuslit sa selda ng NBI

AKALAIN ninyong ang bawat isa sa tatlong cell phones na ipinuslit umano sa loob ng pansamantalang selda sa National Bureau of  Investigation (NBI) ng mga “high-profile” na presong galing sa New Bilibid Prison (NBP) ay nagkakahalaga ng tumataginting na P1.5 milyon. Ang masaklap pa ay tatlong ahente raw ng NBI ang nagpuslit nito kaya ini-relieve sila sa puwesto ni Justice Sec. …

Read More »