Sunday , December 22 2024

Hataw News Team

CHR Rescue Team hinarang ng Manalo Siblings (Misteryo ng tiwalag na mag-utol sa INC compound)

NALITO at nadesmaya ang mga imbestigador ng Commission on Human Rights (CHR) nang muling pagbawalang pumasok sa compound ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Quezon City ng mismong mga humingi ng saklolo sa kanila – ang dating mga kasapi ng INC na sina Angel Manalo at Lottie Manalo-Hemedez. Hindi naitago ng pinuno ng CHR-NCR team na si Special Investigator Jun …

Read More »

SOCE ng LP pinalawig ng COMELEC

PINALAWIG ng Commission on Elections (Comelec) hanggang Hunyo 30 ang pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga kandidatong tumakbo sa nakaraang halalan. Sa botong 4-3, pinagbigyan ng Comelec en banc ang hirit ng Liberal Party na ma-extend ang deadline nang pagsusumite ng SOCE. Sa kabila ito ng rekomendasyon ni Campaign Finance Office commissioner-in-charge Christian Robert Lim, na …

Read More »

Importers ng semento sinisiraan ng cartel

KINONDENA ng consumers group na BIGWAS si Cement Manufacturers Association of the Philippines (CeMAP) president Ernesto Ordoñez sa paratang na nagsasagawa ng technical smuggling ang mga negosyanteng umaangkat ng produktong semento. Ayon kay BIGWAS secretary general Nancy de la Peña, pinaratangan ni Ordoñez na 75 porsiyento ng 161,000 metriko toneladang semento na inangkat mula sa Vietnam at China ang ipinuslit …

Read More »

SONA 2016 preparations puspusan na

PUSPUSAN na ang Task Force SONA 2016 SA paghahanda ng magiging kauna-unahang ulat sa bayan ni President elect Rodrigo Duterte. Pinulong sa Kamara ang magiging bahagi ng SONA preparation, kasama ang media organizations, technical staff, security personnel at iba pang bahagi ng programa. Una rito, nagpasabi na ang kampo ni Duterte na nais nilang simple lang ang magiging paghahanda sa …

Read More »

Purisima, Napeñas idiniin ng Ombudsman sa Mamasapano case

IDINIIN ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan sina dating PNP Chief Alan Purisima at dating PNP-SAF Chief Getulio Napeñas sa mga kasong graft at usurpation of authority. Una rito, iniapela ng dating police officials ang kanilang mga kaso ngunit ibinasura ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales dahil sa kakulangan ng merito. Ayon kay Morales, ‘guilty’ rin ang dalawa sa mga kasong …

Read More »

Suspek na sangkot sa Bilibid narcotics ring arestado

CEBU CITY – Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 7 ang isang 26-anyos suspek sa drug buy-bust operation sa Brgy. Caretta, Cebu City nitong Miyerkoles ng gabi. Nakompiska ng mga tauhan ng PDEA ang 1.2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.68 milyon mula sa suspek na si Jovannie Llego. Ayon kay Leia Albiar, spokesperson …

Read More »

2 estudyanteng dinukot sa Lanao Norte laya na

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakalaya na ang dalawa sa anim mag-aaral na dinukot ng grupo ng mga kalalakihan sa probinsya ng Lanao del Norte. Ito ay nang makaramdam ang mga suspek ng pressure ng anti-kidnapping task force kaya napilitang palayain ang natitirang mga biktima na sina Cid Rick Jamias at Berzon Rey Paeste. Inihayag ni Iligan City Police Office …

Read More »

P85-M ng Laoag LGU missing (Tesorera tumakas, sumibat sa Hawaii)

LAOAG CITY – Kinompirma ni Mayor Chevylle Fariñas ng lungsod ng Laoag, ang pagkatuklas sa mahigit P85 milyong nawawalang pera ng city government. Ayon kay Fariñas, agad siyang nagpalabas ng memorandum kay City Treasurer Elena Asuncion upang magpaliwanag hinggil sa nawawalang pondo. Ani Fariñas, ang sinasabing anomalya ay natuklasan mismo ng city accountant at lumalabas na nagsimula pa ito noong …

Read More »

Buntis, 9 pa sugatan sa demolisyon

UMABOT sa 10 katao ang sugatan, kabilang ang isang buntis, nang makipagbuno ang mga residente sa riot policemen na kasama ng demolition team na gigiba sa kanilang bahay sa Tandang Sora, Quezon City  nitong Huwebes ng umaga. Ayon sa ulat, ilang mga pulis at miyembro ng demolition team ang nasugatan makaran maghagis ng bato at bote ang mga residente. Napag-alaman, …

Read More »

Panelo legal counsel, Abella Spokesperson (Bagong appointment ni Duterte)

ITINALAGA na bilang chief presidential legal counsel si Atty. Salvador Panelo ni incoming President Rodrigo Duterte. Unang itinalaga ni Duterte bilang kanyang incoming press secretary at presidential spokesman si Panelo. Ngunit makaraan ang pagpupulong kamakalawa ng gabi sa PICC sa Pasay City ng ilang incoming cabinet members ng bagong administrasyon, nagbago ang puwesto ni Panelo. Ang mini-reshuffle ay kinompirma ni incoming …

Read More »

Security aide ng Masbate gov itinumba

NAGA CITY – Patay ang security aide ng gobernador ng Masbate makaraan barilin nang hindi nakilalang mga suspek sa bayan ng Uson, Masbate kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Roger Gelotin Sr., 44, security agent ng Office of the Governor ng nasabing lalawigan. Nangyari ang pamamaril sa bulubunduking parte ng Brgy. Libertad sa nasabing bayan, walong kilometro lamang ang layo mula …

Read More »

Gabinete ni Digong dating komisyoner sa peacekeepers

THE WHO ang isang magiging gabinete ni incoming President Rodrigo “Digong” Duterte na dati palang commissioner noong nanunugkulan pa siya? Ayon sa ating Hunyango, akala mo walang baho at santo santito si Sir na itago na lang natin sa pangalang “Hindi Eksakto” or in short HE, sapagkat hindi raw pala eksakto ang ipinasuweldo sa ilang sundalo. Kuwento sa atin, mistulang …

Read More »

Snatcher kritikal sa kuyog sa Kyusi

KRITIKAL ang kalagayan ng isang lalaking nanghablot ng cellphone makaraan kuyugin ng mga residente sa Batasan Hills, Quezon City, nitong Miyerkoles nang umaga. Kinilala ang suspek na si Alvin Fugun, 25, isinugod sa East Avenue Medical Center, nananatiling malu         bha ang kalagayan dahil sa malaking sugat sa ulo. Ayon sa biktimang si “Raine,” isang call center …

Read More »

15-anyos kaanak ni Digong utas sa saksak

PATAY ang isang 15-anyos binatilyo na sinasabing kamag-anak ni Incoming President Rodrigo Duterte sa Davao City. Sumuko sa mga awtoridad ang mga suspek sa takot nang mabatid na isang Duterte ang kanilang napatay. Kinilala ang biktima na si Daniel Duterte, residente sa Purok Interior Kilometer 5, Buhangin sa nabanggit na lungsod. Ayon sa tiyahin ng biktima, wala silang alam na …

Read More »

Death toll sa rabies domoble (Sa Bicol Region)

NAGA CITY – Domoble ang kaso ng pagkamatay sa rabies sa Bicol sa nakalipas na taon batay sa datos mula sa Department of Health (DOH). Napag-alaman, mula sa 14 kaso ng mga namatay dahil sa rabies noong taon 2014, tumaas ito sa 24 kaso noong taon 2015. Nangunguna rin ang lalawigan ng Camarines Sur sa may pinakamataas na kaso ng …

Read More »

2 dayuhan, 5 Pinoy bihag ng ASG sa Sulu — AFP

ZAMBOANGA CITY – Puspusan ang pagsusumikap ng militar para mabawi nang buhay sa lalong madaling panahon ang dalawa pang banyaga at limang Filipino na bihag pa rin ng bandidong Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu. Ayon kay Major Filemon Tan, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WestMinCom), ginagawa nila ang lahat para maisalba ang mga biktima at hindi mauwi muli sa …

Read More »

Serial rapist na UV express driver arestado

INARESTO ng mga awtoridad ang driver ng colorum na UV Express shuttle, suspek sa panggagahasa sa dalawang babae sa loob ng kanyang van sa Quezon City nitong nakaraang Linggo . Ang mga biktima, edad 22 at 27 anyos, ay sumakay sa van sa kanto ng Quezon Avenue at EDSA, Biyernes ng gabi. Nagdeklara ang driver at kanyang kasabwat ng holdap …

Read More »

Tserman, 1 pa tigok (Sasakyan sumalpok sa puno)

DAGUPAN CITY – Patay ang punong barangay ng Malibago, Echage, Isabela, at isa pa, nang sumalpok ang kanilang sasakyan sa isang puno sa Pangasinan, kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay ang mga biktimang sina punong barangay Aureliano Baracao at Kenneth Justin Mariano, kapwa residente sa Isabela, makaraan bumangga sa puno ng mangga ang kanilang sasakyan sa kurbadong bahagi ng Brgy. …

Read More »

P.2-M shabu nakompiska sa CamSur

NAGA CITY – Aabot sa P200,000 ang halaga ng ilegal na droga na nakompiska ng mga awtoridad sa hinihinalang dalawang tulak sa droga sa Pili, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Jelal de Matinda at Michael Tucalo. Ayon kay Chief Insp. Chito Oyardo, hepe ng PNP-Pili, nadakip ang mga suspek sa matagumpay na buy-bust operation sa nasabing …

Read More »

Drug lords hinamon ng duelo ni Gen. Bato (Patong sa ulo nina Digong, Gen. Bato itinaas sa P1-B)

HINAMON ng duwelo ni incoming PNP chief, Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang drug lords na naglaan daw ng P1 billion bounty para ipapatay silang dalawa ni President-elect Rodrigo Duterte. Ayon kay Dela Rosa, kapag siya ang nanalo sa naturang duwelo, dapat ibigay sa kanya ang P1 bilyon. Ngunit aniya, hindi niya ito ibubulsa dahil ngayon pa lang ay …

Read More »

Hahabulin kayo kahit saan man (Banta ni Trudeau vs ASG)

OTTAWA – Nagluluksa ang Canada sa pagpugot ng Abu Sayyaf sa Canadian hostage na si Robert Hall. Kasabay nang pagkodena sa karumal-dumal na krimen, iniutos ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang paglagay sa half-mast ng bandila ng Canada. Ayon kay Trudeau, nagkausap na sila ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na nagpaabot nang pakikiramay sa Canada sa pagkamatay ni …

Read More »

SAF itatalaga sa Bilibid vs drug lords

PANSAMANTALANG magtatalaga ng mga tauhan ang Special Action Force (SAF) sa New Bilibid Prisons (NBP) bilang kapalit ng jail guards sa layuning masugpo ang drug rings sa loob nito, pahayag ng incoming justice chief. Sinabi ni Incoming Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kahapon, nanatiling talamak ang iregulairdad katulad ng gun running at illegal drug trade sa loob ng NBP dahil …

Read More »

Pulong ng drug lords sa Bilibid itinanggi ni Olaguer

MARIING itinanggi ng isang mataas na opisyal ng New Bilibid Prisons (NBP) na may nagaganap na pagpupulong ang mga drug lord sa loob ng bilangguan para iplano ang asasinasyon kina incoming President Rodrigo Duterte at incoming Philippine National Police (PNP) chief, C/Supt. Ronald Dela Rosa. Sinabi ni Monsignor Bobby Olaguer, NBP spokesperson, sa kanyang text message noong Huwebes ng gabi, …

Read More »

Bus operators agrabyado sa Batangas City Grand Terminal

INIREKLAMO ng provincial bus operators ang hindi makatarungang singil ng Batangas City Grand Terminal sa ilalim ng City of Batangas and Batangas Ventures Properties and Management Corporation. Pangunahing inirereklamo ng provincial bus operators, ang anila’y singil na P95 bawat entry ng bus sa nasabing terminal. Ayon sa grupo ng mga operator, humiling sila ng audience sa Batangas City Council para …

Read More »

P.1-M ecstacy nasabat sa QC

UMAABOT sa P100,000 halaga ng party drug na “ecstacy” ang nakompiska ng pulisya sa buy-bust operation sa Quezon City, nitong Martes ng madaling-araw. Nakuha ang 65 tableta ng droga mula sa hinihinalang drug pusher na sina Lilia Ong, 65, at Neil Songco, 47-anyos. Hinihinalang gawain ng mga suspek ang magsuplay ng droga sa mga gimikan sa lungsod. Tinatawag na “twin …

Read More »