NANANAWAGAN ang grupo ng mga kabataan na Novo Ecijano Laban sa Dinastiya (NoELD) na panahon na upang wakasan ang mahigit 20 taon pamamayani ng pamilya Vargas sa Aliaga, Nueva Ecija na nasa watchlist ngayon ng Philippine National Police. Dapat nagwakas na ang 22 taon paghahari ng mga Vargas sa bayan ng Aliaga matapos ideklara ng korte na natalo sa halalan …
Read More »100 agents kailangan ng PDEA
NANGANGAILANGAN ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng 100 bagong ahente para mapalakas ang kampanya ng pamahalaan laban sa narkotiko. Sinabi ni PDEA Undersecretary Director General Arturo Cacdac Jr., ang qualified drug enforcement officers (DEOs) ay magkakaroon ng entry level position ng Intelligence Officer 1, at Salary Grade 11. Ang mga interesadong aplikante ay dapat na 21 hanggang 35-anyos, Bachelor’s …
Read More »Jail Break: J.O. patay pulis sugatan 3 nakapuga (Sa Balayan, Batangas)
PATAY ang isang jail officer sa Balayan, Batangas makaraang barilin ng pumugang mga preso kahapon ng madaling araw. Batay sa inisyal na imbestigasyon, pumuga ang inmates na sina Marvin Peraldo, Jessy Pega at Hajji Mendoza sa pamamagitan ng paglagare sa kanilang selda gamit ang string ng gitara. Inagaw nila ang baril ni Senior Jail officer Leonardo De Castro at binaril …
Read More »96-anyos lola patay sa sunog sa Taguig
PATAY ang isang 96-anyos lola nang ma-trap sa loob ng habang nasusunog ang kanyang bahay sa Taguig City. Namatay noon din ang biktimang si Manuela Buquel, ng Apag St., Brgy. Ususan ng naturang siyudad. Ayon kay Fire Officer 1 Lady Arcega, ng Taguig City Bureau of Fire Protection, dakong 10:45 a.m. nang mangyari ang sunog sa bahay ng biktima. Sinasabing …
Read More »Ahensiyang mala-FEMA likhain — Romualdez (Kailangan na)
Batid ang banta ng kalamidad na nakaumang sa bansa, nananwagan kamakailan si 2016 senatorial candidate Martin Romualdez sa paglikha ng ahensyang katumbas ng Federal Emergency Management Agency (FEMA) ng Estados Unidos kasabay ng pahayag na “kailangan na nating seryosohin ang pagpapatatag ng kasalukuyang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang lalo pang mapalawak ang kahandaan at sistema ng …
Read More »Modern tech, active commune vs kalamidad — Romualdez
MULING iginiit ni Leyte congressman at 2016 senatorial bet na si Martin Romualdez kahapon ang agarang pangangailangan ng pinakabagong sistema sa pagmamapa, simulasyon, at information and communication technology bilang kasangkapan sa pagpapaibayo ng kahandaan ng bansa laban sa mga kalamidad na dala ng kalikasan gaya ng pagbaha, bagyo at lindol. “Kritikal ang mga kagamitang ito sa ating kahandaan sa pagtugon …
Read More »PNoy ‘nagtago sa saya’ ni Purisima — Enrile (Sa Mamasapano ops)
DERETSAHANG tinukoy ni Senate Minority Leader Juan Ponce si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na siyang dapat managot sa sumablay na Oplan Exodus na ikinamatay ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (PNP-SAF) noong Enero 25, 2015. Ginawa ni Enrile ang mga pahayag sa kanyang statement bago ang pagtatanong sa resource persons sa muling pagbubukas ng imbestigasyon sa Mamasapano incident. …
Read More »Tax exempt kay Pia OK sa House Committee
LUSOT na sa House ways and means committee ang panukalang batas na nagbibigay ng tax exemption sa kinita at premyo ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach sa sinalihang beauty pageant. Nabatid na naaprubahan ito, ilang minuto bago ang pagdalaw ng Cagayan de Oro beauty queen sa Batasan Pambansa sa Quezon City. Naging ‘unanimous’ ang boto ng mga miyembro ng …
Read More »GrabBike ipinatitigil ng LTFRB
IPINATITIGIL ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operation ng “GrabBike,” isang motorcycle service sa Metro Manila. Sa inilabas na kalatas ng LTFRB, ang operasyon ng nasabing Bike operation ay ipahihinto hanggang magpalabas ang Department of Transportation and Communications (DoTC) ng guidelines. Ang GrabBike ay isang service mula sa MyTaxi.ph. Inilinaw ni LTFRB chairman Atty. Winston Ginez, trabaho …
Read More »Ex-vice mayor tiklo sa droga
ARESTADO ang isang dating vice mayor sa bayan ng Famy sa lalawigan ng Laguna makaraang isilbi ang search warrant sa kanyang farm sa Brgy. Salang Bato, bayan ng Famy, sa nabanggit na lalawigan. Kinilala ni Laguna PNP provincial director, Senior Supt. Ronnie Montejo ang suspek na si Amadeo Punio alyas Deo, dating vice mayor ng Famy. Nakuha sa kanyang pag-iingat …
Read More »Romualdez: Year-round disaster preparedness kailangan (Prepositioned evacuation centers sa buong bansa)
“ANG kahandaan sa sakuna ay usapin ng katatagan ng impraestruktura. Bago pa tumama ang sungit ng kalikasan at mga kalamidad, dapat ang mga tutugon ditong pasilidad ay nasa angkop nang puwesto at handang magbigay ng ano mang serbisyo – sa relief man o rescue, evacuation shelter man o maging medical emergency operations.” Ginawa ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang nasabing …
Read More »Katarungan para sa SAF 44
DAPAT iwaksi ng mga mambabatas ang politika sa reinvestigation ng Mamasapano incident. Pinakamabuti na magkaisa ang mga mambabatas sa paghahanap ng katarungan para sa 44 Special Action Force (SAF) commandos na napaslang sa malagim na trahedya. Sabi nga ni Senador Bongbong Marcos, hindi dapat maging partisan issue ang Mamasapano massacre tulad ng paratang ng ilang kampo. Ang ultimong layunin nito …
Read More »17 party-list groups tuluyang inilaglag ng SC
KINATIGAN ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Comelec na nagdi-disqualify sa 17 party-list groups na nais lumahok sa darating na halalan. Batay sa resolusyon ng Korte Suprema, walang naging pag-abuso sa kapangyarihan ang panig ng poll body nang ibasura ang certificate of candidacy ng ilang party-list organizations. Kabilang sa mga ibinasura ang CoC ng sumusunod na grupo: ABAKAP, AKAP, …
Read More »Puno nabuwal bahay nabagsakan 1 sugatan, 4 ligtas (Dahil sa eroplano?)
KALIBO, Aklan – Sugatan ang isang misis habang masuwerteng nakaligtas ang kanyang mister at tatlong anak makaraang madaganan ang kanilang bahay ng isang malaking puno ng Gemelina na nabuwal dahil sa umano’y pagdaan ng eroplano sa itaas ng kanilang bahay sa Brgy. Andagao, Kalibo, Aklan kamakalawa. Personal na dumulog sa Kalibo PNP station si Nelson Laurel, 37, residente ng naturang …
Read More »Mekaniko utas sa sex enhancer
PATAY ang isang 50-anyos mekaniko makaraang uminom ng sex enhancer pill sa Davao City. Sinasabing kasama ng biktima ang kanyang 50-anyos nobya nang mag-check in sa isang hotel, Linggo ng gabi. Base sa paunang imbestigasyon, bigla na lang nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang mekaniko. Ipinasyang matulog na lamang ng biktima ngunit hindi na nagising. Nakuha sa loob ng bag …
Read More »Biyuda ng drug pusher laglag sa shabu
CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasakote ng mga tauhan ng Masantol Police ang 43-anyos ginang sa inilatag na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Sto. Niño, sa bayan ng Masantol kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni Chief Inspector Julius A. Javier, hepe ng Masantol Police, sa tanggapan ni Senior Supt. Rodolfo Recomono Jr., Pampanga Provincial Police Director, nabatid na number 1 …
Read More »3-anyos dedbol nang mabaril ng 5-anyos utol
ZAMBOANGA CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng ‘children in conflict with the law center’ ng Department of Social Welfare and Development (SWD) ang 5-anyos paslit na aksidenteng nakapatay sa 3-anyos niyang kapatid sa loob ng kanilang bahay sa Purok Sunflower, Brgy. Longilog, sa bayan ng Titay, sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay. Batay sa impormasyon mula sa Police Regional Office …
Read More »Amyenda sa building code isulong — Romualdez (Nanawagan sa engineers, architects)
MARIING nanawagan kahapon si Leyte Rep. Martin Romualdez sa engineers at mga arkitekto na umambag sa pagpapatibay ng bansa laban sa sakuna at hinimok na pangunahan ang mga hakbang sa pagsusulong ng amyenda sa National Building Code of 1972. “Ayon sa United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNISDR) and the Centre on the Epidemiology of Disasters (CRED), tayo ang …
Read More »Miss Universe sasabak sa politika — Drilon
IBINUNYAG ni Senate President Franklin Drilon, handang sumabak sa larangan ng politika si 2015 Ms. Universe Pia Alonzo Wurtzback. Ang pagbubunyag ni Drilon ay makaraan nilang mag-usap ng beauty queen matapos gawaran ng parangal ng pagkilala ng Senado ang tagumpay at karangalang iniuwi sa bansang Filipinas nang manalo sa patimpalak ng kagandahan. Sinabi ni Drilon, ikinatwiran sa kanya ni Wurtzback …
Read More »Bongbong, Grace mag-utol?
MAY isang tao na nagbibiro, pahayag ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang marinig ang tungkol sa isang pahinang dokumento na sinasabing DNA test result na ipinadala sa Senate reporters nitong Lunes, sinasabing nagpapakita na siya at si Senator Grace Poe ay “related.” Ang dokumentong may petsang Nobyembre 12, 2015 at may letterhead na DNA Solutions Philippines ay naka-address kay …
Read More »Mayor Olivarez nanawagan sa taxpayers
NAGPALABAS ng anunsiyo ang Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa mga residente at mga negosyante ng lungsod na naging responsable at maagap sa pagbabayad ng kanilang mga buwis para sa ikauunlad ng ekonomiya ng lungsod. Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Edwin L. Olivarez naging isa ang lungsod sa umaangat na ekonomiya at pondo na ngayon ay pinakikinabangan ng …
Read More »Temperatura sa Tuguegarao bumagsak sa 18°C, Baguio 12°C
NAKARARANAS sa kasalukuyan nang napakalamig na panahon ang Lungsod ng Tuguegarao Ayon kay Benny Esparehas ng Pagasa, naitala ang 18 degrees Celsius na temperatura sa lungsod kahapon ng umaga bunsod nang kalakasan ng hanging amihan. Idinagdag niya na magtatagal ang malamig na panahon sa lungsod hanggang Huwebes. Ang Tuguegarao City ay isa sa may pinakamainit na klima sa buong bansa …
Read More »Chief investigator sa CamSur itinumba (Sa mismong kaarawan)
NAGA CITY – Matagal nang alitan ang itinuturong dahilan sa pagpaslang ng isang Cafgu sa isang pulis sa Brgy. Amokpok, Ragay, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si SPO2 Julieto Mondigo Jr., chief investigator ng PNP-Ragay. Ayon kay PO3 Roberto Dela Torre, papunta ang pulis sa himpilan upang imbitahan ang kanyang mga katrabaho sa kanyang birthday celebration nang harangin siya …
Read More »Disaster preparedness ipasok – Romualdez (Sa K-12 Curriculum)
“SA isang bansang palagiang nasa banta ng mga kalamidad gaya ng bagyo at lindol, kailangan natin ng mga mamamayang batid ang ikikilos sakaling tumama ang ano mang sakuna.” Ito ang pahayag ni Leyte Rep. Martin Romualdez ngayong Linggo kasabay ng panawagan sa sektor ng edukasyon na isama ang “Disaster Preparedness” sa mga asignaturang itinuturo sa K-12 curriculum upang matiyak ang …
Read More »Si Grace ang alternatibo ni PNoy
Walang tanging alternatibo si Pangulong Noynoy Aquino kundi ang palihim niyang suportahan si Sen. Grace Poe sa eleksiyong darating para tuluyan siyang masalba sa mga kasong kakaharapin at hindi makulong sa Veterans Memorial Medical Center o VMMC. Kailangang gawin ito ni PNoy dahil ang opisyal niyang kandidato na si Mar Roxas ay malamang na tuluyang matalo. Tanging si Poe lamang …
Read More »