NAGSAMPA ng kasong graft sa Office of the Ombudsman ang operator ng Manila North Harbor laban kay Philippine Ports Authority (PPA) Officer-in-Charge and Assistant General Manager for Operations Raul Santos dahil sa pagharang sa kanilang operasyon bilang isang international port. Sa kanilang reklamo, sinabi ng Manila North Harbour Port, Inc. (MNHPI) na si Santos ay may pananagutan sa ilalim ng …
Read More »Anti-poverty initiatives ng INC pasok sa Duterte admin
INIUTOS ni Executive Minister Eduardo V. Manalo nitong Linggo sa kabuuan ng simbahang Iglesia Ni Cristo (INC) na paigtingin ang mga anti-poverty initiatives at gawaing socio-civic, ilang araw matapos ang panunumpa ni Pangulong Rodrigo R. Duterte, na nanawagan sa iba’t ibang sektor ng lipunan na magtulungan sa pagsusulong ng interes ng bansa. Ani INC General Auditor Glicerio B. Santos, Jr., …
Read More »44 homicide cases inihain vs PNoy, Purisima, Napeñas
INIHAIN na ang kasong homicide sa Ombudsman ng mga kaanak ng mga namatay na 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (PNP), laban kina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima at dating SAF Chief Getulio Napeñas. Sinamahan mismo ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) chairman Dante Jimenez sa Ombudsman, para magsampa ng …
Read More »100% PNP revamp ipatutupad — Gen. Bato
TINIYAK ni incoming PNP chief Ronald Dela Rosa, 100 porsiyento nang buong puwersa ng pulisya ang maaapektohan sa nakatakdang balasahan ngayong araw, Hulyo 1, 2016. Sinabi ni Dela Rosa, mula sa Kampo Crame hanggang sa lahat ng probinsiya at siyudad sa buong bansa ang apektado ng balasahan. Kinompirma rin ni Dela Rosa, binigyan siya ng kalayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte …
Read More »Pagkakaisa panawagan ni Robredo
NANAWAGAN si Vice President Leni Robredo ng pagkakaisa at sama-sama aniyang pagtupad sa hangarin para sa isang maunlad na Filipinas, sa kanyang mensahe makaraan ang panunumpa bilang bagong ikalawang pangulo ng bansa. Sa kanyang 10 minutong vice president’s message, sinabi ni Robredo, isang mahalagang yugto ito sa kanyang buhay. Hiling niya, katulad noong sumabak siya sa halalan, sana ay samahan …
Read More »Sunga patay sa pista (Dumayo sa Pampanga)
PAMPANGA – Isa ang patay habang dalawa ang sugatan sa insidente nang pananaksak sa kasagsagan ng pista ni Apung Iru sa Apalit kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Jomer Sunga, bisita sa pistahan. Idineklara siyang dead on arrival sa pagamutan. Habang sugatan sa insidente sina Gabino Cortez, lolo ng asawa ng suspek na si Rollan Pacia, 28-anyos, at kapitbahay na …
Read More »15 estudyante sinaniban ng bad spirits
UMABOT sa 15 estudyante ang sinasabing sinaniban ng masamang espiritu sa Iloilo City kamakalawa. Nawalan ng malay at hindi mapigil sa pagwawala ang mga mag-aaral sa Grade 8, 9 at 10 sa Cambitu National High School. Nagkaroon nang bahagyang sugat ang isa sa kanila nang magkagulo sa loob ng paaralan. Binigyan ang mga estudyante ng paunang lunas sa Oton Municipal …
Read More »‘Mangkukulam’ itinumba sa Ilocos Sur
ILOCOS SUR – Patay ang isang babaeng sinasabing isang mangkukulam makaraan barilin sa Catalina, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ang 60-anyos biktima na si Saturnina Raping. Siya ay binaril sa kanyang bahay sa Brgy. Tamurong, Sta. Catalina ng hindi nakilalang lalaki. Ayon sa ulat, ang suspek na nakasuot ng brown jacket ay nilapitan ang biktimang abala sa kusina at biglang binaril. …
Read More »PNoy kasado na sa pag-alis sa Palasyo
NAKAHANDA na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na isalin ang kapangyarihan kay incoming President Rodrigo Duterte. Katunayan, wala nang public engagement si Pangulong Aquino kahapon at magiging abala na sa paghahanda para sa kanyang departure activities. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, pinakahuling aktibidad bilang pangulo ni Aquino ay pagtanggap at pakikipagpulong saglit kay Duterte sa Malacañang bago bumaba …
Read More »Impeachment vs Duterte Malabo — House Leader
BINALEWALA ni House Speaker Feliciano Belmonte ang posibilidad ng impeachment laban kay President-elect Rodrigo Duterte sa oras na maupo na sa puwesto. Sinabi ni Belmonte, malabo ang impeachment kay Duterte kaya hindi ito dapat pagkaabalahang alalahanin ng bagong halal na pangulo. Ayon sa outgoing speaker, ang ano mang isyu ng impeachment laban kay Duterte ay walang basehan. Isa aniya siya …
Read More »Sagabal sa sidewalk ipinagigiba ng QC gov’t
IPINAG-UTOS ng Quezon City Building Official ang pagwasak sa board up (bakod) sa sidewalk ng EDSA, Cubao malapit sa kanto ng Aurora Blvd., matapos kumitid at sumikip ang sidewalk dahilan para wala nang madaanan ang mga pedestrian sa naturang lugar. Ito’y matapos atasan ni Engr. Isagani Verzosa Jr., hepe ng QC Department of Building Official si Atty. Freddie Lilagan, hepe …
Read More »2 patay, 5 kritikal sa van vs tricycle
PATAY ang dalawa katao habang lima ang kritikal sa salpukan ng pampasaherong van at tricycle sa Polomolok, South Cotabato nitong Martes. Batay sa imbestigasyon ng traffic police, parehong papunta sa direksiyon ng bayan ng Tupi ang dalawang sasakyan nang magbangaan sa Purok Lusanes, Brgy. Sulit dakong 1:30 p.m. Sinasabing mabilis ang takbo ng van nang mag-overtake sa tricycle. Biglang lumiko …
Read More »Truck napaatras ng 5-anyos anak, ama napisak
PATAY ang isang lalaki nang maipit sa likod ng isang truck na aksidenteng napaatras ng kanyang 5-anyos anak sa Bacolod City kamakalawa. Ayon sa pulisya, nagbababa ng mga ide-deliver na prutas ang ama at nakalagay sa primera ang kambyo ng sasakyan habang nasa loob ng truck ang kanyang anak. Ngunit sa paglalaro ng bata, naapakan niya ang clutch ng sasakyan, …
Read More »P2-M shabu kompiskado sa 4 suspek sa Lucena
NAGA CITY – Mahigit sa P2 milyong halaga ng shabu ang nakompiska ng mga awtoridad mula sa apat suspek sa isinagawang one-time big time operation sa lungsod ng Lucena. Kinilala ang mga suspek na sina Arthuro Alcala, 37; Zhamaikoe Batua, 26; Nasif Batua, 25, at Paulo Macadator. Ayon kay Senior Supt. Eugenio Paguirigan, provincial director ng Quezon-Police Provincial Office (PPO), aabot …
Read More »Duterte naliitan sa suweldo ng presidente
DAVAO CITY – Kung si President-elect Rodrigo Duterte ang tatanungin, sa mga nangangarap na maging pangulo ng bansa, isa lang aniya ang kanyang magiging payo sa kanila. Kung talagang may “passion” ang isang tao na manilbihan sa bansa, ito na lang daw ang magiging “driving force” na ipagpatuloy ang pangarap na maging pangulo. Iginiit ng incoming president, napakaliit ng sahod …
Read More »24/7 military ops vs ASG ipatutupad
TINIYAK ni incoming Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Ricardo Visaya, kanyang sisiguraduhin na 24 oras sa isang linggo ang ilulunsad na operasyon laban sa bandidong Abu Sayyaf. Ayon kay Visaya, kanya itong ipatutupad sa sandaling maupo na siya sa puwesto bilang pinuno ng sandatahang lakas ng Filipinas. Gayonman, sinabi ni Visaya, ayaw niyang magbigay …
Read More »Gen. Bato kinontra si Sarmiento (Sa 35 mayor-drug lords)
KINONTRA ni incoming PNP chief, Chief Supt. Ronald dela Rosa si outgoing DILG Sec. Senen Sarmiento kaugnay sa pahayag ng kalihim na walang ebidensya laban sa 35 mayor sa buong bansa na sinasabi ni incoming President Rodrigo Duterte, na sangkot sa illegal drugs operations. Iginiit ni Dela Rosa, baka si Senen lamang ang hindi nakaaalam dahil alam na alam na …
Read More »P3.5-T 2017 budget ipinanukala ng Duterte admin
KABUUANG P3.35 trilyon hanggang P3.5 trilyon ang ipanunukalang 2017 national budget ng Duterte administration. Sinabi ni incoming Budget Sec. Benjamin Diokno, sinisimulan na nilang balangkasin ang hihilinging budget sa Kongreso para maisumite agad ito pagkatapos ng unang State of the Nation Address (SONA) ni President-elect Rodrigo Duterte. Ayon kay Diokno, kailangan nila ang nabanggit na budget para masimulan agad ang …
Read More »Task Force sa 7 Indonesians na kinidnap binuo
KASUNOD nang pagdukot ng Abu Sayyaf sa pitong Indonesian national, bumuo ng bagong “Joint Task Force Tawi-tawi” ang mga awtoridad para guwardiyahan ang katubigan patungong Indonesia at Malaysia. Sinabi ni Major Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command (Wesmincom), mahigpit na nilang tinututukan ang seguridad sa lugar bago pa man ang pinakahuling pagbihag. Gayonman, aminado si Tan na may …
Read More »Parish priest ng Loboc nagbigti
CEBU CITY – Nagdadalamhati ang parishioners ng St. Peter the Apostle Parish Church ng Loboc, Bohol makaraan magpatiwakal ang kanilang parish priest na si Rev. Fr. Marcelino Biliran, 56, gamit ang electrical wire extension. Ayon kay SPO1 Glenn Alvin Gam ng Loboc Police Station, malapit sa tao si Father Mar. Tahimik daw at masigasig sa kanyang panunungkulan sa simbahan. Kuwento ni …
Read More »Manila Water, lumahok sa Sumakah Festival
Lumahok ang Manila Water, ang silangang konsesyonaryo ng tubig at alkantarilya sa kakatapos lamang na Sumakah (Suman, Mangga, Kasoy and Hamaka) Festival na ginanap sa lunsod ng Antipolo na itinampok ang delicacies o sikat na pagkain ng siyudad. Nagkaroon ng isang parada na sinimulan mula Sumulong Park hanggang Ynares Center. Binigyang-buhay ni Kuya Pat, ang mascot ng Manila Water ang …
Read More »Mekaniko tigok sa pagbangga sa kotse
BINAWIAN ng buhay ang isang 53-anyos mekaniko nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang rumaragasang kotse sa kalsadang madalas mangyari ang aksidente na hinihinalang may “spirit of death” sa Makati City kahapon. Nalagutan ng hininga sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Edwin Datu, may asawa, mekaniko sa Camano Auto Repair Shop, ng 2300 Tramo St., Brgy. 64, Zone 8, …
Read More »Shabu lab sa Mindanao unang target ng DILG
KORONADAL CITY – Hindi na ikinagulat ni incoming DILG Secretary Mike Sueno ang dami ng drug surenderees sa Region 12 dahil nasa ikatlong puwesto aniya ang rehiyon pagdating sa dami ng mga personalidad na may kaugnayan sa ilegal na droga. Sunod aniya ito sa Region IV-A na ang number one naman ay Metro Manila. Ayon kay Sueno, mayroon malalaking shabu …
Read More »Holdaper utas sa pulis (Nasukol kaya nang-hostage)
PATAY ang isang 41-anyos lalaki nang manlaban sa bagitong pulis makaraan holdapin ang isang empleyada at nagawa pang mang-hostage ng isang pasahero sa jeep upang hindi maaresto sa Muntinlupa City kamakalawa ng umaga. Agad binawian ng buhay dahil sa isang tama ng bala sa dibdib ang suspek na kinilalang si Edelberto G. Patricio, walang hanapbuhay, alyas Buboy, at nakatira sa …
Read More »Chinese trader arestado sa tinderang minolestiya
ZAMBOANGA CITY- Arestado ang isang negosyanteng Chinese national makaraan molestiyahin ang 17-anyos niyang tindera sa bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte. Kinilala ng Sindangan municipal police station ang suspek na si Yanhuang Zhang Xie alyas Jumong, 23, residente ng Fujien, Xiamen, China, at pansamantalang nakatira sa inuupahan nilang bahay sa Brgy. Disud sa nasabing bayan. Mismong ang tiyahin ng dalagitang …
Read More »