HINIKAYAT ng Malacañang ang mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na magsumbong kay Social Welfare Sec. Dinky Soliman kung ginagamit ang programa sa politika. Una rito, napaulat na ginagamit ng administration party ang mga beneficiary ng 4Ps para marami ang dumalo sa campaign sortie ni presidential candidate Mar Roxas at runningmate niyang si Congw. Leni Robredo. Sinasabing ilan …
Read More »NFA may nakatago naman palang 36,000 MT ng bigas (Kidapawan farmers, ginutom talaga ng Malacañang!)
LABIS ang pagkadesmaya ni Makabayan senatorial candidate Rep. Neri Colmenares sa National Food Authority (NFA) na nagkakaproblema kung paano at kailan ipagbibili ang natitira nitong 2014 rice stocks samantala nagugutom naman ang ating mga kababayang magsasaka sa Kidapawan City, North Cotabato at iba pang lalawigan. “Dapat inatasan ng Malacañang ang NFA na ipamahagi na lamang ang mga bigas. Napakarami palang …
Read More »Kagawad ng barangay pinatay dahil sa kalabaw (Sa Quezon province)
NAGA CITY – Patay ang isang barangay councilor makaraan barilin ng kapwa magsasaka dahil lamang sa kalabaw sa Polilio, Quezon kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Ernie Azul, 38, incumbent barangay councilor. Ayon kay Insp. Jun Balilo ng PNP-Polilio, nakapasok sa lupain ng suspek na si Hizel Azores, 47, ang kalabaw ng biktima kung kaya minabuti niyang dalhin ito sa barangay hall …
Read More »4 Malaysians dinukot sa Tawi-tawi — AFP
KINOMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na apat na Malaysians ang binihag ng mga rebeldeng grupo sa Tawi-Tawi kamakalawa ng gabi. Ayon kay Maj. Filemon Tan, tagapagsalita ng Western Mindanao Command, dinukot ang crew members ng tugboat sa Pondo Sibugal, bayan ng Sitangkai, Tawi-Tawi province bandang 6:30 p.m. “Accordingly, the four victims all Malaysian nationals and crew of …
Read More »Kaso laban kay Napoles pinahina ni de Lima (Leila incompetent)
UMANI ng batikos ngayong Huwebes ang dating kalihim ng Department of Justice (DOJ) at kandidatong senador na si Leila de Lima dahil sa tahasang pagpapahina ng kasong plunder laban kay Janet Lim Napoles at dalawang mambabatas, kung kaya pinagbigyan ng Sandiganbayan ang kanilang petis-yon sa pansamantalang paglaya. Sa rali na isinagawa sa tapat ng DOJ, binatikos ng Sanlakas ang pangunahing …
Read More »Power supply sa Luzon nasa red alert status
INIAKYAT sa red alert ang status ng power supply sa Luzon Grid nitong Biyernes ng hapon. Dahil dito, ilang lugar sa bansa ang nakaranas ng black out. Damay rin sa mababang reserba ng koryente ang Visayas at Mindanao na dating binibigyan nang sobrang supply mula sa Luzon. Ayon sa Meralco, isinailalim sa emergency shutdown ang Kalayaan units 3 at 4, …
Read More »Chiz huling alas (Sa pagkakaisa ng bansa)
SA harap ng bangayan at palitan ng maaanghang na salita ng mga kandidato bilang bise presidente sa kaisa-isang vice presidential debate noong Linggo, tanging ang independent vice presidential bet na si Sen. Chiz Escudero ang lumalabas na lider na nasa posisyon upang pagkaisahin ang bansa. Ito ang lumilitaw sa mga pinakahuhuling survey na nagpapakitang 94 porsiyento ng mga botante ang …
Read More »Duterte bagong ‘Pol Pot’ ng ASEAN
LABIS ang takot ng maraming Filipino sa ulat na kandidato ng National Democratic Front (NDF) si Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte lalo’t nangako siya na magpapatupad ng ‘kamay na bakal’ kaya posibleng siya ang maging ikalawang “Pol Pot” ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ayon kay Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) secretary general Rodel Pineda, sa naging …
Read More »Goons ni Recom kalaboso
KULONG ang inabot ng dalawang tauhan ng kumakandidatong mayor ng Caloocan City na si Cong. Recom Echiverri matapos silang manggulpi ng may bitbit na poster ni Mayor Oscar Malapitan sa panulukan ng D. Aquino St. at 9th Ave. Nakakulong ngayon sa Caloocan City PNP headquarters sina Frederico Perez y Roy, 44-anyos; at Reynaldo Paras y Ortega, 63-anyos matapos nilang gulpihin …
Read More »Duterte suportado ng Macau Triad?
IBINUNYAG ng isang taga-Davao City na suportado ng mga Chinese drug lord ang kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte kaya biglang itong nagkapondo habang papalapit ng halalan. Ayon kay Steve Borbon, tubong Batangas pero nakabase ngayon sa Davao City, kalat na kalat sa intelligence community na tumanggap si Duterte ng $150 milyon sa Macau Chinese Triad sa pamamagitan …
Read More »Chiz panalo sa VP debate (Sa SWS mobile survey)
MAS pinili ng independent vice presidential candidate na si Sen. Chiz Escudero ang humiwalay sa bangayan ng mga kalahok sa una at natatanging debate ng mga kandidato sa vice presidential debate sa ilalim ng pangangasiwa ng Commission on Elections (Comelec) sa University of Santo Tomas noong Linggo at siya ang lumabas na panalo na isa sa tatlong botante ang pumili …
Read More »Vice Mayor ng Jones, Isabela todas sa NPA (Bumili ng boto, nagdala ng armas)
CAUAYAN CITY Isabela – Tuluyan nang pinatay ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) si Vice Mayor Ronaldo Lucas makaraan harangin ang kanyang convoy sa Dicamay 2, Jones, Isabela kamakalawa. Kinompirma mismo ni Chief Insp. Noel Pattalitan, hepe ng Jones Police Station, ang pagkamatay ni Lucas. Aniya, sakay si Lucas ng kanyang 4×4 truck at may convoy na dalawang …
Read More »Dalagita minolestiya ng kelot na nakilala sa Facebook
MINOLESTIYA ang isang 14-anyos dalagita ng isang lalaking nakilala niya sa Facebook. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakipagkita ang biktima sa 19-anyos lalaki sa mall sa Arayat, Pampanga. Pinainom ng lalaki ang dalagita ng juice at bigla na lang siyang nahilo. Nawalan ng malay ang biktima at nang siya ay magising, wala na siyang damit. Arestado ang suspek na isang …
Read More »2,000 ballots kailangan i-reprint — Comelec
AMINADO si Comelec printing committee head, Atty. Genevieve Guevarra, may 2,000 balota silang isinasailalim sa reprinting dahil sa ilang problema. Nabatid na una nang nakapaglimbag ng mga balota, ngunit hindi ito tinatanggap ng makina. Agad nilang sinuri ang mga ito at natuklasan ang ilang depekto sa papel, kulay ng ink at iba pa. Walang nakikitang problema rito ang poll body …
Read More »2 pinugutan, 4 pinalaya ng Maute group
DALAWA sa anim katao na dinukot ng Maute group sa Lanao del Sur ang pinugutan makaraan paghinalaan bilang mga ahente ng militar. Habang ang apat ay pinakawalan, ayon sa mga awtoridad. Ang mga biktima ay dinukot dakong hapon noong Abril 4 mula sa worksite sa Butig. Ayon sa isa sa mga biktima, sila ay nakagapos at nakapiring sa loob ng …
Read More »Kampo Balagtas nag-alab
DUMAGSA ang mga panauhin sa Pagdiriwang ng Araw ni Balagtas simula noong Biyernes, 1 Abril 2016 sa Orion Bataan. Lumahok sa okasyon ang mga estudyanteng manunulat mula sa iba’t ibang paaralang pansekundarya. Ito ay pagdiriwang ng ika-228 anibersaryo ng kaarawan ng bayaning makata na si Francisco “Balagtas” Baltazar, ang pagdiriwang ay may temang “Si Balagtas at ang Manlilikhang Filipino.” Pinangunahan …
Read More »Personalities sa $81-M money laundering sinisilip ng BIR
PATULOY na sinisilip ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang lahat ng mga personalidad na sangkot sa $81 milyon money laundering. Sinabi ni BIR commissioner Kim Jacinto-Henares, maging mga negosyanteng Intsik ay kanilang titiyakin na nagbabayad ng tax dahil kumikita sila sa bansa. Dagdag niya, magsasagawa sila ng surveillance para matiyak na nagbabayad nang sapat na buwis ang mga sangkot. …
Read More »Bawal na palayaw ni Mar-Leni sa balota parusahan (Palayaw ba ang Daang Matuwid?)
NASASADLAK ngayon sa posibleng kaso ng paglabag sa batas ng halalan si Mar Roxas at Leni Robredo ng Liberal Party dahil sa paggamit ng katagang “Daang Matuwid” sa kanilang pangalan sa opisyal na balota para sa 2016 elections. Ayon kay dating Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Gregorio Larrazabal, maraming botante umano ang nagtatanong kung bakit ginamit ni Roxas at Robredo …
Read More »Agarang benepisyo sa kababaihan, senior citizens — Lim
NAKATITIYAK na ng agarang benepisyo ang senior citizens at kababaihan ng lungsod ng Maynila sa oras na nakaupo muli sa City Hall ang nagbabalik na alkalde ng lungsod na si Alfredo S. Lim. Sa kanyang araw-araw na pangangampanya sa mga bahay-bahay sa iba’t ibang panig ng lungsod, paulit-ulit ang reklamong tinatanggap ni Lim mula sa mga senior citizens na hindi …
Read More »Alonte, vice mayor swak sa kasong Plunder sa Ombudsman
SINAMPAHAN kahapon ng kasong Plunder at administratibo sa Office of the Ombudsman sina incumbent Biñan (Laguna) Mayor Marlyn ‘Len’ Alonte-Naguiat at Vice Mayor Walfredo Reyes Dimaguila Jr., hinggil sa umano’y maanomalyang pagbili ng lupa noong 2009 na P77-milyon ang nawala sa kabang bayan at napunta lamang sa mga ‘corrupt’ na lokal na opisyal. Sa kanyang complaint-affidavit, hiniling ng negosyanteng si …
Read More »Gun ban violators 3,000 na
UMABOT sa mahigit 3,000 ang bilang ng mga lumalabag sa ipinatutupad na gun ban ng Comelec. Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng PNP, nasa 3,211 ang mga naaresto, 24 dito ay mga miyembro ng pu-lisya. Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor, sa nasabing bilang, 3,091 sibilyan ang naaresto; 15 ang mga sundalo; isang miyembro ng BFP; 22 …
Read More »State of calamity idineklara sa Cebu dahil sa El Niño
CEBU CITY – Isinailalim sa state of calamity ang probinsiya ng Cebu kamakalawa sa regular session ng sangguniang panlalawigan. Sa ‘unanimous voting’ ay inilabas ang resolusyon para matugunan ang tumitinding problemang dulot ng El Niño phenomenon. Naging basehan ng kapitolyo ang isinagawang imbestigasyon ng Cebu Provincial Agriculture’s Office at ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga apektadong …
Read More »$81-M ‘di na-freeze walang court order (Ayon sa RCBC)
HINDI agad nakagalaw ang Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) na i-freeze ang mga account na sangkot $81 milyon mula sa Bank of Bangladesh. Ito ang paliwanag ni RCBC Legal and Regulatory Group head Atty. Macel Estavillo sa ikalimang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee. Sa pagtatanong ni Senate Blue Ribbon Committee Chair TG Guingona, sinabi niyang dapat ay agad pinigil …
Read More »Bagatsing pa rin ang mayor ko — Ali Atienza
“SI Congressman Amado Bagatsing pa rin ang mayor ko!” Ito ang matapang na pahayag ni Manila Vice-Mayor aspirant, 5th district Councilor Ali Atienza, sa isa sa political sorties na ginanap ng tambalang Bagatsing-Atienza. Paliwanag ni Atienza, siya ay kabilang sa partido ng United Nationalist Alliance (UNA), ngunit nangako siyang si Cong. Bagatsing pa rin ang dala at ikinakampanya niya bilang …
Read More »Benguet mayor, 18 taon kulong (Sa malversation of public funds)
HINATULAN ng Sandiganbayan ng 10 hanggang 18 taon pagkakakulong si dating Bakun, Benguet mayor Bartolome Sacla Sr. dahil sa kasong malversation of public funds. Nag-ugat ang usapin sa pag-isyu ni Sacla ng tseke na nagkakahalaga ng P5,000,000 nang walang kaukulang supporting documents. Hinatulan din ng kahalintulad na parusa ang municipal treasurer na si Manuel Bagayao dahil sa pakikipagsabwatan sa alkalde. …
Read More »