NAGA CITY – Patay ang isang lola makaraan mabundol ng isang pampasaherong bus sa Pagbilao, Quezon kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Milanda Tiñana, 69-anyos. Napag-alaman, tumatawid ang biktima sa kalsada sa Maharlika Highway sa Brgy. Binahaan sa nasabing lugar nang mabundol ng isang pampasaherong bus na minamaneho ni Marlon Danao, 34-anyos. Agad isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead …
Read More »Alerto ibinaba na ng AFP sa blue alert
TATLONG araw makaraan ang halalan, ibinaba na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang alert level mula sa red alert patungo sa blue alert. Ayon kay acting AFP chief of Staff Lt. Gen. Glorioso Miranda, ang pagbaba ng kanilang alert level ay dahil unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon makaraan ang halalan nitong Lunes. Paglilinaw ni Miranda, …
Read More »Rebelde todas, 1 sugatan sa sagupaan sa Agusan Sur
BUTUAN CITY – Kinikilala pa ang bangkay ng isang rebelde na narekober makaraan ang pakikisagupa sa militar sa Purok 9, Tiniwisan, Brgy. San Jose, sa bayan ng Prosperidad, sa lalawigan ng Agusan del Sur kamakalawa. Ayon kay Capt. Jasper Gacayan, public information officer ng 401st Brigade Philippine Army, nakasagupa ng 3rd Special Forces na kasama sa Law Enforcement Operation, ang …
Read More »Political prisoners hiniling palayain (CPP todo-suporta kay Digong)
NAGPAHAYAG ng suporta ang Communist Party of the Philippines (CPP) kahapon sa incoming administration ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Sa Facebook post, sinabi ni National Democratic From chief political consultant Jose Maria Sison, si Duterte ay mula sa kilusan, at hinikayat siyang palayain ang lahat ng political prisoners, pabilisin ang peace negotiations at tugunan ang ugat ng civil war. …
Read More »Recount sigaw ng Lim supporters
VIRAL ang resulta ng bilangan ng boto sa Maynila na ipinalabas ng Commission on Elections (Comelec) dakong 7:00 p.m. nitong Mayo 9 at lumikha ng panawagan para sa agarang ‘recount’ at ‘people power’ sa lungsod. Nagtungo kahapon ang libong supporters ni dating Mayor Alfredo S. Lim sa tower building na kanyang tinitirhan, dala ang reklamo ukol sa malaking diperensiya ng …
Read More »Nationwide curfew, liquor ban ni Duterte nilinaw
INILINAW ng tagapagsalita ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang ilang detalye tungkol sa pinaplanong nationwide curfew at liquor ban ng susunod na administrasyon. Ipinaliwanag ni Peter Laviña kung bakit iniisip ni Duterte na ipatupad ang curfew at liquor ban sa buong bansa, na ipinatutupad niya ngayon sa Davao city. “The curfew is principally for minors, unescorted minors, past 10 …
Read More »Apelang recount ni Bongbong ipaubaya sa Kongreso
IGINIIT ng Commission on Elections (Comelec) na ipaubaya na lamang sa canvassing ng Kongreso ang reklamo ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos kaugnay sa sinasabing ‘discrepancy’ sa bilangan ng resulta ng halalan. Magugunitang kahapon, umapela si Marcos na ihinto muna ang bilangan sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) dahil baka magdulot ito nang pagdududa kapag magkaiba ang resulta ng …
Read More »DPWH puspusan sa ‘Oplan Baklas’
ABALA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagbabaklas ng campaign posters na iniwan ng mga kandidato sa mga pampublikong estruktura. Sa pagtaya ng Oplan Baklas team, aabutin sila ng isang linggo bago tuluyang matapos sa paglilinis sa Merto Manila. Sa ngayon, katuwang nila ang MMDA ngunit mas mapapadadali raw ang kanilang aktibidad kung may dagdag na tulong …
Read More »Ex-Comelec chief Abalos absuwelto sa kasong graft
ABSUWELTO sa kasong graft sa Sandiganbayan si dating Commission on Elections chairman Benjamin Abalos. Ito ay may kaugnayan sa kinasasangkutan niyang kontrobersiyal na $329-milyon ZTE-National Broadband Network (NBN) deal noong 2007. Matatandaan, sinampahan ng kasong graft si Abalos makaraan ang sinasabing paggamit ng kanyang posisyon sa gobyerno upang matuloy ang maanomalyang NBN-ZTE deal kapalit ang malaking halaga ng komisyon.
Read More »Parliamentary System panukala ni Duterte (Konstitusyon gusto i-overhaul)
BINABALANGKAS na ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang mga balak kung siya na ang nakaupo bilang pangulo. Nangunguna ngayon si Duterte batay sa partial, unofficial result sa presidential race. Sinabi ng tagapagsa-lita ni Duterte na si Peter Lavina, balak ng alkalde na i-overhaul ang Konstitusyon at ipanukala ang paglipat sa parliamentary system. Ngunit sinabi ni Lavina, kailangan itong …
Read More »Orange Team ni Mayor Oca landslide sa Caloocan
MATAGUMPAY na nairaos ang proklamasyon ng mga kandidatong naihalal ng mga residente ng Caloocan upang muling makapaglingkod ng panibagong termino sa kanilang nasasakupan. Hindi mahulugang karayom ang nagnais makasaksi sa isinagawang proklamasyon sa mga kandidato mula sa alkalde, bise-alkalde, kongresista at mga konsehal mula sa dalawang distrito ng lungsod. Nagtilian ang supporters, mga opisyal at media sabay ugong ng palakpakan …
Read More »Election-related violent incidents (ERVIs) umakyat na sa 25-AFP
PUMALO na sa 25 ang election-related violent incidents (ERVIs) ang naitala ng Armed For-ces of the Philippines (AFP). Inilahad ni AFP public affairs office chief Col. Noel Detoyato ang nasabing impormasyon. Kabilang sa naitalang ERVIs ang insidente nang pag-ambush sa dalawang miyembro ng 9th Infantry Division na sugatan sa insidente habang tumutupad sa kanilang election duty sa Matnog, Sorsogon. Inihayag …
Read More »Move-on, healing na — Digong (Panawagan sa presidentiables)
INIHAYAG ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, hindi niya maipaliwanag ang kanyang pakiramdam makaraan makalamang nang ilang milyon laban sa mga katunggali sa presidential race. Sinabi ni Duterte, naniniwala siyang ‘destiny’ o kaloob ng Diyos ang kanyang napipintong panalo sa eleksiyon. Ayon kay Duterte, kung mananalo nga siya, ipinangangako niyang magtatrabaho siya para mapagsilbihan ang mga kababayan. Ipinarating na rin …
Read More »Sen. Poe, Roxas nag-concede na
NAG-CONCEDE na sa presidential race sina Sen. Grace Poe at Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa kanilang pagkatalo sa katatapos na halalan. Sa press conference kahapon ng madaling-araw, sinabi ng senadora, ginawa niya ang lahat na makakaya, lumaban nang malinis at patas kaya wala siyang pinagsisihan kahit na nabigo. Binati ni Poe si Duterte at nangako ng pakikiisa para …
Read More »Digong tumangis sa puntod ng magulang (Humingi ng tulong para sa bayan)
DAVAO CITY – Ilang oras makaraan ang partial, unofficial election results na nagpapakita na na-ngunguna pa rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagka-pangulo, binisita ng alkalde ang puntod ng kanyang mga magulang sa Wireless Cemetery sa lungsod. Dakong 3 a.m. kahapon, nagtungo ang alkalde sa puntod ng inang si Soledad at napahagulgol habang hinihingi ang tulong para sa …
Read More »Winners sa Metro Manila iprinoklama ng Comelec
KATULAD sa national elections, naging mainit din ang labanan sa local polls sa Metro Manila, ang mga kandidato mula sa political families at mga alyansa ay naging pukpukan din ang sagupaan. Sa Makati City, muling nakuha ng pamilya ni Vice President Jejomar Binay ang lungsod sa panalo ni Congresswoman Abby Binay at proklamasyon kahapon bilang bagong mayor. Ang nakababatang Binay …
Read More »Digong Bongbong nanguna (Sa Comelec unofficial, partial result, Lim, Malapitan umarangkada kontra sa kalaban)
NANGUNGUNA si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 presidential elections, base sa partial and unofficial results mula sa transparency server ng Commission on Elections. Sa inisyal na canvassing, nakakuha si Duterte ng 9,039,620 boto. Habang si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nangunguna sa vice presidential race na nakuha ng 7,223,906 boto, kasunod si Camarines Sur Representative Leni Robredo, …
Read More »Reporter, cameraman bugbog-sarado sa mayoralty supporter (Sa Zambo Sibugay)
ZAMBOANGA CITY – Bugbog-sarado ang isang reporter ng local television station na nakabase sa Pagadian City at ang kanyang cameraman makaraan kuyugin ng supporters ng isang mayoralty aspirant. Kinilala ang reporter na si Jay Apales habang ang kanyang cameraman ay si Clint John Ceniza, nagtatrabaho sa local station na TV-One sa Pagadian City. Ayon sa ulat mula sa Pagadian City, …
Read More »2 political supporter ng LP patay sa ambush
CAGAYAN DE ORO CITY- Patay ang dalawang political supporters ng isang mayoralty candidate ng Liberal Party sa Brgy. Kapingan, Marawi City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang isa sa mga biktimang na si Al Hapis Usman, supporter ni Majul Gandamra, tumakbo bilang alkalde sa nasabing lungsod. Inihayag ni Lanao del Sur provincial director, Sr. Supt. Rustom Duran, boluntaryong sumama ang …
Read More »400-K ang naitala sa overseas voting
UMABOT sa mahigit 400,000 ang bumoto sa overseas absentee voting (OAV). Ito ang iniulat ni Comelec Comm. Rowena Guanzon, batay sa kanilang monitoring. Nabatid na hindi pa umabot sa kalahati ng kabuuang registered OAV voters na nasa 1.38 milyon. Kabilang sa mga bansang may malaking bilang ng mga lumahok sa overseas voting, ang Singapore, Hong Kong, Estados Unidos at ilang …
Read More »7 patay sa barilan sa Rosario, Cavite
HINDI inaalis ng mga awtoridad na may kinalaman sa halalan ang shooting incident sa Rosario, Cavite na ikinamatay ng pito katao kamakalawa. Ayon sa hepe ng Rosario PNP na si Supt. Rommel Javier, bukod sa mga namatay ay isa rin ang sugatan sa nasabing insidente. Isinusulat ang balitang ito ay tinutugis pa ng mga awtoridad ang mga suspek at may mga …
Read More »Sarangani inmates nagtangkang mag-boycott
GENERAL SANTOS CITY- Napigilan ang tangkang boycott ng mga preso sa Sarangani Provincial Jail sa Baluntay, Alabel Sarangani province. Ayon kay Provincial Jail Warden Manuel Sales Jr., ilang inmates ang nagtampo at umalma dahil hindi maaaring bumoto sa local positions. Karamihan sa kanila ay nais sanang bumoto sa mga kandidato na tumulong sa kanila. Sinabi ni Sales, sumusunod lamang sila …
Read More »Rider todas sa riding in tandem
PATAY ang isang motorcycle rider makaraan barilin ng isa sa dalawang hindi nakikilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo habang ang biktima ay sakay rin ng kanyang motorsiklo sa Malabon City kamakalawa ng hapon. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Ryan Mata, 29, residente ng 802 BGISIS Mansion, N. S. Amoranto, Quezon City. Habang patuloy ang imbestigasyon ng mga …
Read More »Relax Lang – PNP Chief (Kandidato, supporters sinabihan)
UMAPELA si PNP chief Director General Ricardo Marquez sa lahat ng mga kandidato at sa kani-kanilang supporters na maging mahinahon, kalmado at respetohin ang ‘rule of law.’ Huwag din daw gumawa ng mga aksiyon na hindi magdudulot nang maganda. Ito ang panawagan ni Marquez kasunod sa mga report na ilang supporters ng mga kandidato ay nagiging agresibo at marahas. Tiniyak …
Read More »‘Wag iboto mamamatay tao – Simbahan
HINIMOK ng Simbahang Katoliko ang taumbayan na maging maingat sa pagpili ng kanilang ihahalal na Pangulo ngayong araw sa kanilang pagtungo sa mga presinto upang bumoto. Ayon kay Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng makapangyarihang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), hinihiling niya na huwag ihalal ng mga tapat na Katoliko ang kandidato na aminadong isang mamamatay tao. “Kahit ano …
Read More »