Sunday , December 22 2024

Gerry Baldo

Malaking sindikato pinangangambahan
Kamara bumuo ng 4 komite laban sa POGO, droga, EJKs

congress kamara

BINUO sa Kamara de Representantes ang apat na komite upang tsugiin ang mga sindikatong kumikilos sa likod ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at ang koneksiyon nito sa drug trafficking at extrajudicial killings. Ang apat na komite, tinawag na “QuadComm” ay biubuo ng House Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts. Kasama …

Read More »

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Tacloban dinagsa ng mga kongresista

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Tacloban

DINAGSA ng halos 250 kongresista mula sa mayorya at at minorya ang unang anibersaryo ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na ginawa sa Tacloban, Leyte, ang lugar na winasak ng bagyong Yolanda ilang taon na nakararaan. “Puwede nang mag-session sa rami ng kongresistang sumama,” ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Ani Romualdez, P1.26 bilyon ang ilalabas ng BPSF para sa …

Read More »

Imbestigasyon ng Kamara sa EJKs magagamit ng ICC — Solon

073124 Hataw Frontpage

ni Gerry Baldo KUNG ano man ang makalap ng  House Committee on Human Rights sa imbestigasyon nito sa extrajudicial killings noong nakaraang administrasyon ay maaaring gamitin ng  International Criminal Court (ICC) sa mga kasong isinampa laban kay dating Pangulo Rodrigo  Duterte at iba pang opisyal ng kanyang administrasyon. Ayon kay Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez, chairman ng House committee …

Read More »

Para sa ekonomiya, kalusugan, edukasyon, at impraestruktura
BAGONG BATAS ITUTULAK NI PBBM SA SONA

072224 Hataw Frontpage

UMAASA si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na hihirit ang Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ng mga panjbagong batas sa lehislatura na may kaugnayan sa ekonomiya, kalusugan, edukasyon, at impraestruktura sa kanyang pangatlong State of the Nation Address (SONA) ngayong araw. Kasama sa mga inaasahan ni Romualdez na tatalakayin ng Pangulo ang pagkakaisa ng bansa para na progreso at ang pagpapaabot …

Read More »

Sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga
POGO ‘TORTURE DEN’ VIDEO FOOTAGES INILABAS SA PAGDINIG NG KAMARA

071824 Hataw Frontpage

HABANG mainit ang galit ng mga mamamayan sa mga natuklasang ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), inilabas ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pagdinig ng Kamara de Representantes ang mga video footages ng karumaldumal na torture sa mga empleyado nito. Sa pagdinig ng House committee on public order and safety at ng committee on games and amusement, ipinakita …

Read More »

 ‘CONVICTION’ SA CHILD ABUSE KINONDENA
‘Power of Red taggers’ inginuso

France Castro Satur Ocampo

KINONDENA ng mga makabayang kongresista at mga militanteng grupo ang ipinataw na hatol ng Tagum City Regional Trial Court sa mga miyembro ng Makabayan bloc kaugnay ng pagsagip sa mga batang Lumad na sinabing ginigipit ng mga sundalo. Ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, ang hatol sa kanila at sa tinaguriang “Talaingod 18” ay resulta ng “power of …

Read More »

Sa gitna ng krisis sa ekonomiya at kahirapan  
‘P32-B STADIUM’ SA CLARK KINONDENA

071524 Hataw Frontpage

KINONDENA ng isang militanteng partylist ang iminungkahi ng administrasyong Marcos na magtayo ng isang dambuhalang stadium sa Clark International Airport. Ayon sa Gabriela Women’s Party ang planong estruktura ay malaking pagkakamali sa gitna ng krisis sa ekonomiya at kahirapan sa bansa. “How many public hospitals, schools, or housing projects could be built with P32 billion? It’s like the government is …

Read More »

PH Coast Guard dapat manghuli ng Chinese trespassers — Solon

Chinese Coast Guard Kamara

KINONDENA ng isang kongresista ang China sa pagpapatupad ng ilegal na batas sa West Philippine  Sea (WPS) nang salakayin ng mga Chinese ang barko ng Philippine Coast Guard. Ayon kay Rep. Rufus Rodriguez (CDO, 2nd District) ilegal ang ginawa ng Coast Guard ng China at walang basehan ang kanilang regulasyon na nagbibigay ng pahintulot sa kanilang Coast Guard na hulihin …

Read More »

Pabahay ni Bongbong  
SWIMMING POOL, CLUBHOUSE KASAMA SA SOCIALIZED PACKAGE

060524 Hataw Frontpage

HINDI lamang bahay ang kasama sa socialized housing projects ng administrasyong Marcos kundi mayroon din itong amenities gaya ng swimming pool at club house, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. “Masaya ako dahil hindi lang pala tirahan ng pamilyang Filipino ang itinayo natin dito. May basketball court, swimming pool, clubhouse at iba pang amenities na dati’y makikita lang sa …

Read More »

Mayor, mangingisda ng Masinloc, nagpapasaklolo sa Presidente at sa Speaker

Mayor, mangingisda ng Masinloc, nagpapasaklolo sa Presidente at sa Speaker

HUMINGI ng tulong si Masinloc Mayor Arsenia “Senyang” Lim at ang mga mangingisda sa Zambales para makakuha ng malalaking bangka na maaaring pumalaot sa ibang lugar bukod sa Bajo de Masinloc kung saan ginigipit sila ng Chinese Coast Guard at militia.                Ayon kay Mayor Lim, naging mapanganib para sa mga mangingisda ang pumunta sa Bajo de Masinloc o ang …

Read More »

Banta ng China na Pinoy hulihin sa WPS kinondena

051824 Hataw Frontpage

ni Gerry Baldo MARIING kinondena ng grupong makabayan ang banta ng komunistang Tsina na hulihin ang mga Pinoy at iba pang lahi sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, ilegal ang binabalak ng Tsina at wala itong karapatang ipatupad ang ganitong regulasyon sa mga pinagtatalunang lugar sa karagatan ng …

Read More »

64-anyos batas sa pagpapaanak nais palakasin ng Kamara

Baby Hands

NAKATUON ngayon ang Kamara de Representantes sa pagpapalakas ng 64-anyos batas na sumasaklaw sa propesyon ng mga komadrona. Ayon kay Rep. Salvador Pleyto ng Bulacan, napapanahon nang baguhin ang batas upang makahabol sa bagong teknolohiya at pandaigdigang kalakaran sa pagpapaanak. Nais ni Pleyto na ibasura ang dalawang lumang batas upang magkaroon ng bago at tugma sa panahong kasalukuyan. Isinumite ni …

Read More »

Sa Ayungin shoal
‘SECRET AGREEMENT’ LABAG SA KONSTI — MANILA SOLON

LABAG sa Saligang Batas ang sinabing kasunduan ng China at ng Filipinas tungkol sa pamamahala ng Ayungin Shoal. Sakaling totoo man, ito ay labag sa Saligang Batas, ayon sa mga mambabatas.                “Kung meron pong ‘secret agreement’ or anong klaseng agreement iyan, assuming for the sake of argument na totoo po ito… ito po ay illegal at unconstitutional,” ani Manila …

Read More »

Imbestigasyon sa mga Chinese sa mga base ng AFP-US
NATIONAL SECURITY, ‘DI  MARITES LALONG  ‘DI RACISM – SOLON

PHil pinas China

IDINEPENSA ng isang mataas ng opisyal ng Kamara de Representantes ang tangkang pag-iimbestiga ng lehislatura sa naiulat na pagdami ng mga Chinese nationals na naka-enrol sa mga paaralang malapit sa base militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Estados Unidos. Ayon kay Surigao del Norte 2nd District Rep. Ace Barbers walang kahit anong bahid ng ‘racism’ ang …

Read More »

Kamara vs dambuhalang online store
‘UNFAIR LABOR PRACTICES’ NG SHOPEE BUSISIIN — SOLON        

Shopee Trucks

NAGLUNSAD ng imbestigasyon ang Kamara de Representantes laban sa reklamong pagsasamantala ng Shopee sa kanilang delivery drivers. Ayon kay Party-List Rep. Lex Colada ng Asosasyon Sang Mangunguma Nga Bisaya-Owa Mangunguma (AAMBIS-Owa), napapanahon nang imbestigahan ang Shopee sa malalang unfair labor practices ng dambuhalang online store na nakabase sa Singapore. Nanawagan si Colada sa mga kapwa kongresista na silipin ang pananabotahe …

Read More »

Japan makatutulong sa pagbabalik ng Bicol express – solon

train rail riles

NANINIWALA ang isang kongresista na malaki ang maitutulong ng bansang Hapon sa Rhiyong Bikolandia kung popondohan nito ang pagkumpuni ng nawalang  Bicol Express Railway Line.                Ayon kay Bicol Saro partylist Rep. Brian Raymund S. Yamsuan, mainam na tingnan ito ng Department of Transportation  (DOTr) upang maibalik ang serbisyo ng tren sa Bikolandia.                Ani Yamsuan, patuloy ang pagtulong ng …

Read More »

DA hinimok para sa pagbaba ng diabetes
PALAY NA MAY ULTRA-LOW GLYCEMIC INDEX ITANIM, PRODUKSIYON PARAMIHIN — PARTYLIST SOLON

Rice Farmer Bigas palay

HINIMOK ng isang kongresista ang Kagawaran ng Agrikultura (DA) na tulungan ang bansa sa pagpapababa ng malawakang kaso ng diabetes sa pamamagitan ng pagtatanim ng palay na mababa ang nilalamang asukal at mataas ang protina. Ayon kay AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee maaaring makipagtulungan ang DA sa International Rice Research Institute (IRRI) upang maipamahagi, sa lalong madaling panahon, ang …

Read More »

Batas para senior citizens makapagtrabaho, abot kamay na — Solon

Helping Hand senior citizen

INIHAYAG ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo noong Martes na ang House Bill na naglalayong magbigay ng trabaho sa senior citizens ay naaprobahan na sa committee level ng Kamara. Sa isang pahayag, sinabi ni Tulfo, isa sa mga pangunahing may-akda ng “Employment Opportunities for Senior Citizen and Private Entities Incentives Act” na inaprobahan ang nasabing panukalang batas sa House …

Read More »

Vape company ipinasasara ng Kamara

Vape Smoke

NANAWAGAN ang Kamara de Representantes sa Securities and Exchange Commission (SEC),  sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na buwagin ang negosyo ng Flava, isang kompanya ng vape, sinabing patuloy na lumalabag sa batas. Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means, sandamakmak ang paglabag ng Flava …

Read More »

Suarez binuweltahan akusasyon ni ex-Speaker Alvarez sa planong amyenda sa Saligang Batas

David Jay-jay Suarez Pantaleon Alvarez

HINDI nagpatumpik-tumpik ang bagong talagang Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez ng Quezon province at agad bumuwelta sa, umano’y, mga walang basehang akusasyon ni dating Speaker Pantaleon Alvarez na nais lang pagwatak-watakin ang Kamara de Representantes. Kasabay nito binigyang diin din ni Suares ang kahalagahan ng isang konstruktibong dayalogo sa Kongreso at sinabing ang mga alegasyon ni Alvarez ay layon lang …

Read More »

DA kinuwestiyon sa kawalan ng alokasyon ng pondo para sa rabies vaccine

Vaccine

KINUWESTIYON ni Deputy Majority Leader at Iloilo First District Rep. Janette Garin ang Department of Agriculture (DA) dahil sa kawalan ng alokasyong pondo para sa rabies vaccine. “Nakapagtataka this preventable disease has actually slowed down the past years, pero ngayon tumaas (siya) and supposedly the Department of Agriculture would have been spending rabies vaccine for our dogs, lalo na ‘yung …

Read More »

P1.105-B isinusulong na  budget ng MARINA sa darating na 2024

Marina money pesos

“Dapatsigurado, tayo kung may napanagot sa trahedyang ito, dahil kung hindi ay parang minamaliit natin ang buhay ng mga namatay. Mahigit 30 katao itong pinag-uusapan natin, dapat ay maging responsable tayo sa ating responsibiidad at mandato,” ayon kay Hataman. “At kailangang may managot. Kaya natin tinatanong kung may nakasuhan na,” aniya. Ikinalungkot ni Hataman ang pag-aprub ng budget ng Kagawaran …

Read More »

NatGas kapalit ng coal bilang energy source, pasado na sa Kamara

Nuclear Energy Electricity

PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang paggamit ng natural gas bilang kapalit ng coal sa paggawa ng koryente. Ang House Bill (HB) 8456 o ang Philippine Downstream Natural Gas Industry Development Act, pangunahing akda ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay magtatayo ng Philippine Downstream Natural Gas Industry (PDNGI) para sa mas malawakang paggamit …

Read More »

Kongresista nanawagan ng tulong ‘NAWAWASAK’ NA BENGUET INILANTAD NG BAGYONG EGAY  

Benguet Landslide flood

ni Gerry Baldo NANAWAGAN si Benguet Rep. Eric Yap sa pamahalaang Marcos na tulungan ang probinsiya ng Benguet at mga karatig lalawigan dahil sa grabeng pinsalang naramdaman sa pagdating ng bagyong Egay. Ayon kay Yap, kailangan ang agarang tulong dahil sa malawakang pinsala sa buong lalawigan ng Benguet na inilantad ng bagyong Egay. “Unofficial reports of casualties and missing individuals …

Read More »