Sunday , December 22 2024

Gerry Baldo

PNP hiniling ng Kamara na maghain ng subpoena sa CT Leoncio, DPWH engineers (P10-B infra projects bubusisiin)

HININGI ng House committee on rules ang tulong ng Philippine National Police (PNP) para padalahan ng sub­poena ang contractor na CT Leoncio Con­struc­tion at iba pang Department of Public Works and Highways (DPWH) officials sa Bicol region na kaila­ngan magpa­liwanag tungkol sa flood control scam at iba pang ‘maanomalyang’ mga proyekto sa Sorsogon. Ayon kay House Secretary General Dante Roberto …

Read More »

Angkas gawing legal — solons

Angkas

DALAWANG mamba­batas ang humihirit na gawing legal ang opera­s-yon ng “Angkas” mata­pos maglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order sa operasyon nito. Ayon kay Rep. Wins­ton Castelo, ang chair­man ng Congressional Committee on Metro Manila Development, sana’y mapagtanto ng Korte Suprema ang kahalagahan ng “Ang­kas” sa milyones na com­muters na tumatangkilik dito. “We hope that the Supreme Court will …

Read More »

Diokno, DPWH ‘buena mano’ sa Kamara sa Enero (Sa 2019 budget at kuwestiyonableng alokasyon)

Diokno, DPWH ‘buena mano’ sa Kamara sa Enero (Sa 2019 budget at kuwestiyonableng alokasyon) RJ inireklamo sa ‘ads jingle’ (Inihain ng advocacy group sa Palasyo)

NAGPASYA ang Ka­ma­ra na imbestigahan ang maanolamyang budget at kuwes­tiyo­nableng alokasyon ng Department of Budget and Management (DBM) sa Naga City sa 3 Enero 2019. Ayon kay Majority Leader Rolando Anda­ya, ang kanyang komite, ang committee on rules, ang magpapatawag sa mga opisyal ng Depart­ment of Public Works and Highways (DPWH), at mga opisyal ng local government units sa  Bicol. …

Read More »

Bicolandia’s solons pumalag kay Andaya

PUMALAG sina Catan­duanes Rep. Cesar Sar­miento at Sorsogon (2nd district) Rep. Deogracias Ramos kay House Majority Leader Rolando Andaya na nagsabing sobra-sobra ang budget ng kanilang mga distrito. Ayon kay Sarmiento at Ramos, walang ano­malya sa budget nila dahil ito ay nakalaan sa mga proyektong kaila­ngan ng kanilang mga bayan. Anila, nagkaroon ng masamang implikasyon sa kanila ang umano’y budget …

Read More »

Aprub sa Kongreso… Martial Law parang ‘unli’ sa Mindanao

APRUB na kahapon sa Kongreso ang pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao sa gitna ng pagtutol ng opo­sisyon sa panukala ng adminis­trasyon.  Sa joint session ng Kongreso kahapon, ina­probahan ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang martial law sa Mindanao sa panibagong isang taon. Umabot sa 12 sena­dor ang bumoto pabor sa panukala habang lima ang umayaw. Ang …

Read More »

Prankisa ng 3rd player sa telco pasado sa Kamara

internet wifi

Inaprobahan na ng  House committee on legislative franchise ang prankisa ng kontrobersiyal na Mindanao Islamic Telephone Company Inc., (Mislatel) kahapon kasabay ang pagpayag na ilipat ang controlling shares nito sa tatlong business partners na may pag-aari sa kompanya. Nauna nang inihain ni Quirino Rep. Dakila Cua ang Concurrent House Resolution (CHR) No.23 na ilipat ang controlling shates ng Mislatel sa …

Read More »

Cha-cha aprub na

SA gitna nang agam-agam na nag­ba­balak ang mga halal na opisyal na palawigin ang kanilang mga termino, ipinasa kahapon ang panukalang pagbalasa sa Saligang Batas. Ang makikinabang dito ay mga kongre­sista at mga lokal na opisyal. Tatlo lamang ang nag-abstain sa botohan na nagresulta sa 224 apir­matibo at 22 kontrang boto sa Resolution of Both Houses No.15. Pina­nga­ngam­bahan na hindi …

Read More »

Anomalya sa budget inilantad ni Andaya (Sa Kamara)

ISINIWALAT ni Majority Leader Rolando Andaya ang isang malaking ano­malya sa budget na bil­yones ang napupunta sa mga proyektong hindi naman kailangan ng distrito. Partikular na binang­git ni Andaya ang 2nd district ng Sorsogon at ang nag-iisang distrito ng Catanduanes na naka­kuha ng sobrang P2 bilyon na flood control project. Ayon kay Andaya, ganito ang nangyayari kapag minamadali ang proseso …

Read More »

Pirma ni GMA peke (Sulat sa komite ng prankisa)

PINASINUNGALINGAN ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang uma­no’y sulat niya sa House Committee on Congressional Franchise na nag-uutos sa hepe ng komite na ayusin ang prankisa ng isang bagong kompanya ng koryente sa Iloilo at ang rekomendasyon sa isang aplikante sa  Bureau of Customs. “We would like to clarify that both letters are fake. The Speaker nor her Office has not …

Read More »

Cha-cha aprub ngayon — SGMA

INAASAHAN na aapro­bahan sa pinal at huling pagbasa ng Kamara ang Charter Change na mag-aamyenda sa 1987 Con­stitution ngayong araw. Ayon kay House Speaker Gloria Maca­pagal-Arroyo ang Reso­lu­tion of Both Houses (RBH) No. 15, o ang draft federal charter ay pinag­botohan taliwas sa mga paratang na ito’y ini-railroad. “Because it passed on second reading, three days after the copy is …

Read More »

Tulong ni SGMA hiniling sa paglaya ni Ka Satur et al

Satur Ocampo GMA Gloria Macapagal-Arroyo

NANAWAGAN sina Gabriela Rep. Arlene Brosas at Emmi de Jesus kay House Speaker Glo­ria Macapagal-Arroyo na gumawa ng paraan para sa agarang paglaya nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ACT Teachers Rep. France Castro. Sina Castro, Ocam­po at 72 pang iba ay hinuli ng mga pulis sa Talaingod, Davao del Norte. Sina Castro, Satur, at ang iba pang mga indibiduwal …

Read More »

ROTC revival hindi sagot, NSTP palakasin — Sen. Bam (Pagbabalik ng ROTC hungkag na kilos para sa pagkamakabayan)

ISUSULONG ni Senador Bam Aquino ang reporma at pagpapalakas sa National Service Training Program o NSTP imbes ibalik ang Reserved Officers Training Corps (ROTC) sa Grade 11 at Grade 12. Ayon kay Senador Bam, maganda ang layunin ng NSTP nang ipatupad ito sa ilalim ng Republic Act 9163 noong taong 2000 dahil inoobliga rin ng estado ang college students, babae …

Read More »

Braso ng piloto bali, solon, sec-gen sugatan (Helicopter bumagsak sa bangin)

ISANG mambabatas ang sugatan habang nabalian ng braso ang isang piloto at maraming iba pa ang nagalusan makaraan mag-crash landing sa bangin ang sinasakyang helicopter sa bayang ito, nitong Huwebes. Nagalusan si COOP-NATCCO party-list Rep. Anthony Bravo, ayon sa paunang ulat mula sa kaniyang chief of staff na si Rene Buendia. Nasugatan sa ulo at nabalian ng braso ang piloto …

Read More »

‘Palit-puri’ kinondena ng Tanggol Bayi

sexual harrassment hipo

INAKUSAHAN ng Tanggol Bayi,  aso­sa­syon ng mga babaeng tagapagtangol ng kara­patang pantao, ang Armed Forces of the Philippines at Philip­pine National Police sa walang humpay na pag­labag sa karapatan ng mga kababaihan sa gitna ng kampanya la­ban sa rebelyon. Ayon kay Geri Ce­rillo, Tanggol Bayi co­ordinator, sangkot ang mga sundalo at mga pulis sa mga kalupitan laban sa kababaihan. “The …

Read More »

Recall ng plakang 8 iniutos

INIUTOS ni House speaker Gloria Maca­pa­gal-Arroyo kahapon ang pagbabalik ng lahat ng plakang 8 na ibinigay sa mga miyembro ng Kama­ra matapos ang insidente ng road rage sa Pam­panga na kinasangkutan ng isang sasakyan na gumagamit ng plakang 8. Ayon kay Majority Leader Roland Andaya, Jr., nag- isyu ng memo­randum ang Secretary General ng Kamara sa lahat ng miyembro na …

Read More »

Kamara susunod sa hatol ng Sandiganbayan — solon

Imelda Marcos

TATALIMA ang Kamara sa pasya ng Sandi­gan­bayan patungkol sa hatol nito kay dating First Lady at ngayon ay Leyte Rep. Imelda Romualdez Mar­cos. Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya, rerespetohin ng Kamara ang desisyon ng Sandiganbayan. “While there are remedies available to all persons under our cri­minal justice system including but not limited to provisional remedies and appeal, the …

Read More »

Road rager na naka-“8” FJ Cruiser tugisin — Andaya (PNP, LTO dapat kumilos)

DAPAT kumilos ang Philippine National Police (PNP) at ang Land Transportation Office (LTO) para hanapin kung sino ang sangkot sa insidente ng road rage, imbuwelto ang isang FJ Cruiser na may plakang “8.” Ayon kay House majority leader Rolando Andaya III maraming mga kongresista ang nanawagan sa liderato ng Kamara na hanapin kung sino ang taong sangkot dito. “There are …

Read More »

Appointment ni Honasan sa DICT ikinatuwa ni Albano

IKINAGALAK ni Isabela Rep. Rodolfo Albano III ang desisyon ni Pangulong Duterte na i-appoint si Sen. Gregoria Honasan bilang Secretary of the Department of Information and Communications Technology (DICT). Si Albano, na nagsilbi bilang lider ng pangkat ng Kamara sa Commission on Appointments, nani­niwala na si Honasan ay kalipikado sa trabaho dahil sa kanyang military background. Ani Albano, bilang military …

Read More »

Aquino, DOH off’ls target sa Senate reinvestigation

dengue vaccine Dengvaxia money

Si dating Pangulong Benigno Aquino III at isang mataas ng opisyal ny Department of Health ang balak panagutin ng Kamara sa muling pag­bu­­­­bukas ng pagsisiyasat sa isyu ng Dengvaxia. Ayon sa pinuno ng House Committee on Good Government kulang ang isinumiteng com­mittee report ng naka­raang pamunuan ng komite kaya bubuksan niya itong muli. Ayon kay Rep. Xjay Romualdo, wala sa …

Read More »

Pinoys hilahod sa Train Law (Solons desmayado)

MALAPIT nang matapos ang 2018 pero patuloy pa rin ang paghihirap ng mga Pinoy, ayon sa opisisyon sa kabila ng pahayag ng Philippine Statistics Authority na ang inflation noong naka­raang Oktubre ay nana­tiling 6.7 porsiyento. Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, ha­bang minamaliit ng administrasyong Duterte ang datos mula sa PSA, ang katotohanan ay na­pa­­kataas ng presyo ng mga bilihin …

Read More »

Regional Engineering Brigades isulong — solon

IMINUNGKAHI ng isang kongresista sa Isabela na magkaroon ng engineering brigades ng Armed Forces of the Philippines sa bawat rehiyon ng bansa upang agarang makaresponde ang gobyerno sa mga sakuna. Ayon kay Isabela Rep. Rodito Albano ang mga engineer ng Armed Forces ang dapat ma­ngunang magres­ponde sa mga sakuna kagaya nitong nakaraang pa­nanalanta ng bagyong Rosita na nagdulot ng malaking …

Read More »

Customs sa AFP pakitang tao? — Solon

Rodrigo Duterte AFP Bureau of Customs BoC

PAKITANG TAO la­mang ang pagsailalim ng Bureau of Customs sa Armed Forces of the Philippines para masabi na makapangyarihan ang presidente. Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, para nang isinailalim ang bansa sa martial law. Aniya, ginagawang dahilan ang problema sa droga sa pagamit ng mar­tial law at iniiwas sa tunay na isyu na hina­yaang makalabas ang mga itinalaga ng …

Read More »

Hepe ng Dangerous Drugs panel sumuporta kay Mangaoang

HABANG pilit na wina­wasak ng ibang kongre­sista ang testimonya ni Deputy Customs col­lector, Atty. Lourdes Mangaoang, sinupor­tahan siya ng hepe ng House Committee on Dangerous Drugs sa kanyang suhestiyon na buksan ang lahat na kahinahinalang karga­mento kahit dumaan ito sa x-ray. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, tama na buksan at tingnang mabuti ang mga shipment kung …

Read More »

Ambush kay Andaya nabigo

Rolando Andaya Jr

NABIGO ang tangkang ambush kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., sa Capitol ng Camarines Sur nitong Martes ng hapon nang masupil ang nag- iisang gunman na sumingit sa mga taga­suporta ng kongresista pagkatapos maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para gobernador ng lalawigan. Ayon sa tagapagsalita ni Andaya na si Ruben Manahan III,  kinilala ang gunman na si …

Read More »

2019 budget ipapasa ngayong 2018

PAPASA sa Kamara ang panukalang budget ng bansa para sa 2019 bago magtapos ang 2018. Ayon kay Compostela Valley Rep. Maria Carmen Zamora, senior vice chairperson ng House committee on appro­priations, ang P3.757-trilyong national budget para sa 2019 ay maaaring pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang Disyembre. Nangangamba ang oposisyon na maulit ang 2018 budget kapag nabigo ang Kamara …

Read More »