Friday , January 10 2025

Ed de Leon

Angel, tutulong na lang kaysa pumasok sa politika

TAMA si Angel Locsin. Kung may mga ganyang kalamidad, tumulong na lang siya maganda pa ang image niya. Tutal doon na siya nakilala eh, dati kasi siyang volunteer ng Red Cross at hanggang ngayon naman yata ginagawa niya iyon. Bagama’t may mga proyekto siyang ginagawa on her own. Kung tatakbo pa siya sa kahit na anong elective position, magkakaroon pa ng …

Read More »

Talent at family values, nagustuhan ni Pilita kay Rayver

BOTO si Pilita Corrales sa manliligaw ng kanyang apong si Janine Gutierrez na si Rayver Cruz. Ang unang binanggit ni Pilita ay ang nagustuhan niyang talent ni Rayver, na sinasabi niyang mahusay kumanta at samayaw. Pero ang mas binigyan niya ng diin ay iyong katotohanang ang pamilya ni Rayver ay close sa isa’t isa, at nakikita niya na magkakasama silang magsimba kung araw ng Linggo. …

Read More »

Indie film director, namaalam na sa edad 42

NAGULAT na naman kami noong isang araw nang bigla na lang lumabas na namatay na pala ang indie director na si GA Villafuerte. Siya ay director at producer din ng ilang LGBT films noong araw. Ayon sa balita, pneumonia ang ikinamatay ni direk na 42 years old lamang.   Iyang pneumonia ay isang sakit na pinalalala ng Covid-19. Kaya nga sinasabi nilang …

Read More »

James Reid, inaalat

BAKIT nga ba parang sunod-sunod na malas ang dumating kay James Reid? Nagtayo siya ng sariling management company, na wala namang mai-manage dahil lockdown nga. Nagtayo siya ng sariling music company na wala ring magawang recording dahil sa lockdown. Wala ring concerts. Wala rin kahit na out of town shows. Wala rin siyang serye dahil tigil ang produksiyon, lalo namang wala …

Read More »

Derek Ramsay, binanatan ng ‘matatalinong’ netizens

BINANATAN naman nang husto ng mga netizens si Derek Ramsay dahil sa ginawa niyang pagkampi sa mga pulis sa kanyang statement na lumabas sa kanyang social media account. May kinalaman iyon sa isang foreigner na ngayon nga ay kinasuhan ng pulisya matapos ang isang pagtatalo sa Dasmarinas Village sa Makati. Ang contention ng mga netizen na bumabanat kay Derek, iyon daw ay …

Read More »

Paghuhubad ng ilang artista, nakakapagpasikat nga ba

blind item

EWAN kung naniniwala nga ba ang ilang stars na mas mapapansin sila at sisikat dahil sa kanilang ginagawang paghuhubad sa social media. Maaaring sa ngayon ay napag-uusapan pa sila, pero ano nga ba ang kahahatungan nila pagkatapos ng quarantine?   Iyang mga ganyan, hindi pa sumisikat lulubog na. HATAWAN ni Ed de Leon  

Read More »

A mask is a must ng Kapamilya stars, napakagandang paalaala sa netizens

KAYA nga sinasabi naming talagang napapanahon iyong madalas nating makitang paalala sa telebisyon na ginawa ng mga Kapamilya stars na nagsasabing “a mask is a must.” Si Coco Martin pa mismo ang nangunguna riyan sa kampanyang iyan, kasama ang iba pang stars ng Ang Probinsiyano. Siyempre malakas ang impluwensiya niyan, isipin ninyo iyong apat na taon na silang top rater.    Sumunod na rin naman ang iba …

Read More »

Aktor/producer nangungutang, walang wala nang pera

blind item

KAWAWA si male star. Dati naman sikat siya, ngayon panay daw ang text sa kanyang mga kaibigan at nangungutang dahil wala na raw siyang pera. Eh kung ganyan sino pa ang maniniwala na kaya rin niyang maging producer kagaya ng ipinagyayabang niya noong araw. Sino pa ang maniniwala na makatutulong siya sa kapwa niya artista na ma-build up at makakuha ng trabaho, …

Read More »

Pinoy serye, kulang sa creativity (Kaya natatalo ng Koreanovela)

MARAMI silang sinisisi kung bakit tinatalo ng mga Korea novela ang mga teleseryeng Pinoy. Ang unang sinasabi nila ay ang problema sa  budget. Sinisisi rin nila ang kaisipang kolonyal ng mga Pinoy. Mayroon pang hanggang ngayon sinisisi ang censorship. Ano ba talaga?   Talagang malaki ang budget ng mga Koreanovela, kasi ang market naman nila ay buong mundo. Hindi kagaya …

Read More »

Mayor Richard, napanatiling Covid-19 free ang Ormoc

ISA lang ang sikreto ani Mayor Richard Gomez sa pagpapanatiling walang kaso ng Covid-19 sa Ormoc dahil maaga silang nag-lockdown. Noong tumindi na ang banta ng Covid-19, nagdeklara agad siya ng lockdown sa buong lunsod, at hindi na nila pinayagang may pumasok pang ibang mga tao sa lunsod nila. Wala na rin silang pinayagang lumabas.   Lahat daw ng limang entry points …

Read More »

Dating contestant ng noontime show, nakikiusap na pautangin siya

blind mystery man

PINAGKUKUWENTUHAN nila ang isang kasali raw sa isang grupo ng mga seksing lalaki na sumali sa isang contest ng isang noontime show. Itong dating contestant sa noontime show, nagtatawag sa mga kakilala niya na palagay niya ay “may interest sa kanya.”   Sinasabing sa ngayon ay wala nga silang raket, at nakikiusap na “pautangin” muna siya. Sinasabi pa niya kung saang money transfer …

Read More »

Paolo Contis, tinawag na bastos si Trillanes

NAPIKON na nga siguro si Paolo Contis sa puro negatibong nababasa kung minsan sa social media, kaya nang makita niya ang post ni Antonio Trillanes, nag-comment naman siya ng, “isa pa itong bastos, wala namang silbi.” Siyempre nag-react din iyong dating senador.   Hindi sa kinakampihan namin si Paolo, o kahit na sino. Pero kung ikaw ay nag-post sa social media, ang iyong opinion ay …

Read More »

Angelika, bugbog na sa Covid-19, problema pa ang ‘tiktik’ na gumagala raw sa Malabon

SA panahong ito, isa sa pinakabugbog na frontliner ay iyong chairman ng barangay. Biglang lumaki ang kanilang role, lumawak ang responsibilidad, at dahil diyan kadalasan sila pa ang nasisisi kung may pagkukulang na hindi naman nila kasalanan. Iyong mga barangay chairman ngayon, sila pa ang napagbibintangang nangungipit kung kakaunti ang relief goods, samantalang ang ibinibigay nila ay inaagaw lang nila …

Read More »

Aktor, may bagong sex video na kumakalat

blind mystery man

NAGULAT kami nang may magpakita sa amin ng isang sex video ng isang sikat na male star. Mukhang bago nga ang video dahil hindi naman ganoon ang mukha niya noong araw. Siyempre mas may hitsura siya ngayon.   Ang kuwento, dahil nga raw sa lockdown, wala siyang raket, walang pera. Nagkataong may nag-alok ng ganoon, natukso at pumayag.   Ang hindi …

Read More »

Agot, ikinompara kay Palito (Magkamukha raw)

SA totoo lang, hanggang ngayon natatawa pa rin kami roon sa post na ipinagkukompara si Agot Isidro at si Palito. Sa personal naman hindi eh. Maganda naman si Agot, pero hindi namin sinasabing pangit si Palito ha. May sariling charm si Palito kaya siya sumikat ng ganoon.   Nagkataon lang na nagkapareho ang kuha ng picture, at nagpaputol kasi ng buhok si Agot. …

Read More »

Pagtulong ng isang ahensiya ng gobyerno, may hinihinging kapalit

blind item

ANG lakas ng tawa namin nang ang isang kasamahan naming “nakatanggap ng tulong” mula sa isang ahensiya ng gobyerno ay nakatanggap naman ng notice na gamitin ang propaganda material ng nasabing ahensiya. Natunugan na namin iyan sa simula pa lang Tita Maricris, kaya nga hindi kami naging interesado eh, kasi hinihingi nila talaga na umayon ka sa kanilang mga pagkilos kung …

Read More »

Bea may paalala, tutukan din ang mental health ng mga Pinoy

TAMA ang sinasabi ni Bea Alonzo. Hindi lang dapat iyang Covid-19 ang ating tinututukan kundi pati ang mental health ng mga tao na walang dudang maaaring maapektuhan ng prolonged quarantine. May narinig na tayong nag-suicide. May narinig na rin tayong kuwento ng isang naburyong dahil nagutom, pinatay sa taga ang kapitan ng barangay na ninong pa man din niya.   Sa …

Read More »

Nancy ng Momoland, tinuligsa ang pag-iingat ng mga Pinoy laban sa Covid-19

NATATAWA kaming naiinis sa narinig naming sinabi niyong dayuhang Koreana na si Nancy McDonie na dumayo sa Pilipinas para gumawa ng isang serye kasama si James Reid. Alam naman nating ginawa niya iyon dahil malabo na ang career niya sa Korea. Bumagsak naman ang popularidad niyang Momoland matapos silang layasan ng dalawang mas sikat na members nila na sina Taeha at Yeonwoo. Iyong huli ngang concert nila na …

Read More »

Aktor, wala nang pumapatol kahit bagsak presyo na

blind mystery man

KAWAWA naman si male star. Wala na siyang trabaho talaga sa ngayon. Wala rin siyang aasahang trabaho hanggang hindi tapos ang ECQ. Baka nga pagkatapos ng ECQ hindi na rin siya sikat. Iyong syota niya na dating nagsusustento sa kanya, wala na ring trabaho, at walang matatakbuhan kasi sumama rin sa kanya sa kalokohan niya.   Ngayon ang ikinabubuhay na lang …

Read More »

EDDYS Choice ng SPEEd, ‘wag kanselahin, i-postpone na lang

NAGDESISYON ang SPEEd, ang samahan ng mga lehitimong entertainment editors ng mga lehitimong diyaryo sa bansa na huwag ituloy ang kanilang sana ay ikaapat na EDDYS Choice, ang awards na kanilang ibinibigay sa mga mahuhusay na pelikula at mahuhusay na manggagawa sa pelikula. Iyong effort at gastos para mairaos iyon, itutulong na lang nila sa mga naghihirap dahil sa ECQ.   Nakahihinayang, …

Read More »

Bea, ‘di lang nagbigay, ipinagluto pa ang mga frontliner

MARAMI sa ating mga artista ang masasabi ngang hindi man nila katungkulan ay gumagawa ng sariling paraan para makatulong sa kanilang kapwa sa panahong ito ng ECQ. Natawag ang aming pansin ng ginawa ni Bea Alonzo. Maaaring dahil may kakayahan naman siyang bumili na lang, at gayahin niya ang ibang mga artista na bumili ng bigas, sardinas, o kung ano mang …

Read More »