Sunday , December 22 2024

Ed de Leon

Indie films, ‘di kikita hangga’t tinitipid

Movies Cinema

NOONG simulan ni Mayor Antonio Villegas ang Manila Film Festival noong 1966, layunin niya ba maipakita na ang Filipino ay nakagagawa rin ng mahuhusay na pelikula, at patunayan ding ang mga pelikulang Filipino ay maaaring kumita ng kasing laki, o mas malaki pa sa mga pelikulang Ingles na siyang namamayani noon sa mga sinehan sa Lunsod ng Maynila. Iyon ang …

Read More »

Charice, wala ng bahay, wala pang career

NAG-SPLIT na pala si Charice Pempengco at ang kanyang live in “girlfriend” noon na si Alyssa Quijano. Wala naman kasi talagang mabubuhay sa “love” lang eh. Eh simula naman noong umamin si Charice na siya ay tibo, may “pakakasalang babae” at kung ano-ano pa, bumagsak ang kanyang career. Akala niya hindi man tanggap ang same sex sa Pilipinas, may career …

Read More »

Nora, wala na namang matirhan

NALUNGKOT naman kami noong isang gabi, nang may magkuwento sa amin na naghahanap na naman ng bagong matitirahan si Nora Aunor. Natapos na kasi ang kontrata niya sa townhouse na pag-aari ni Pauleen Luna, at kung hindi na nga niya makakayang bayaran, kailangan niyang iwan. Ang balita pa, nasa abroad si Nora dahil sumama yata sa isang Bible Exposition ng …

Read More »

Walwal boy, iba’t ibang babae ang kasama sa walwalan

MADALAS na namang makita si walwal boy sa mga watering hole sa Taguig. As usual walwal pa rin pero ang “unusual” hindi ang kanyang “public girlfriend” ang kanyang kasama sa walwalan kundi iba’t ibang girls. Sabi nga nila ”could be” hindi talaga nagwawala ang “public girlfriend”. Could also be, hindi naman niya talagang girlfriend iyon kundi kunwari lang para matahimik …

Read More »

Pagiging ‘born again’ ni male starlet, ‘di na pinaniniwalaan

MAY mga tsismis tungkol sa isang male starlet na nagsasabing siya ay aktibong “born again”. Marami ang hindi naniniwala sa kanya dahil alam nila ang kanyang ginagawang “sideline” pati na ang naging “relasyon nila ni direk” at hanggang ngayon nagkikita pa rin sila, lihim nga lang sa misis niya. Kawawa rin naman siya, wala kasing pinagkakakitaang regular eh, may mga …

Read More »

Hearing sa petition for annulment ni Sunshine, postponed na naman

MEDYO malungkot din naman si Sunshine Cruz dahil hindi na naman natuloy ang hearing ng kanyang petition for annulment matapos na hindi sumipot ang abogado ng kanyang “ex”. Postpone na naman iyon hanggang sa June. Sa parte kasi ni Sunshine, wala na siya halos hinihingi sa kanilang paghihiwalay ng kanyang”ex” dahil nasusuportahan naman niya ang kanyang sarili, ganoon din ang …

Read More »

Angel, pang-support na lang sa KathNiel

NABANGGIT na rin lang iyang KathNiel, nabalitaan namin na si Angel Locsin pala ay isinama sa kanilang ginagawang serye sa telebisyon. Dahil sila ang love team, at sila ang bida, maliwanag na lalabas na si Angel ay support lang sa nasabing serye. Ano ba naman iyan, ang tagal na naghintay ng tao sa pagbabalik ni Angel. Kailangan siyang operahan, tapos …

Read More »

Daniel, kahit pulot na kabibe ang iregalo, ikasisiya ni Kathryn

NAGKAKATAWANAN noong presscon ng Can’t Help Falling in Love nang aminin ni Daniel Padilla na ang totoo, wala pa siyang birthday gift para kay Kathryn Bernardo. Masasabi ngang late na ang kanyang birthday gift, pero alam naman kasi ni Kathryn kung gaano sila pareho ka-busy at talagang walang panahon na makabili ng isang gift si Daniel. Palagay namin, mas gugustuhin …

Read More »

Ginawa noon ng ECP, dapat gayahin ng film development

nora aunor

ANG dami nilang pinagsasabi sa film development. Bakit hindi nila gawin ang ginawa ng Experimental Cinema of the Philippines noong araw. Tumutulong sila para makahanap ng mamumuhunan para sa magagandang experimental movies, hindi kagaya ngayon na ang ginagawa lamang ay pilitin ang ilang sinehan na ilabas ang indie movies na barya ang puhunan. Iyong Himala ni Nora Aunor, experimental movie …

Read More »

Ate Vi, kumokonsulta muna bago magdesisyon

HINDI kami nagulat nang tumutol si Ate Vi (Cong. Vilma Santos-Recto) sa death penalty. Siyempre ang inaasahan ng marami ay boboto siya ng pabor dahil siya ay kabilang sa tinatawag na “majority bloc”, na sinabihan namang aalisan ng committee chairmanship kung boboto ng laban sa death penalty bill. Pero sinasabi ni Ate Vi, nakagawa siya ng konsultasyon sa kanyang mga …

Read More »

Maxene, graceful exit ang pag-aasawa

PINAG-UUSAPAN nila ngayon, engaged na pala si Maxene Magalona sa kanyang boyfriend. Ibig sabihin baka hindi magtatagal ay pakakasal na silang dalawa. May mga nagsasabing parang bata pa si Maxene para lumagay sa tahimik pero kung gusto ba niya iyon eh, ano nga ba ang pakialam ng kahit na sino. Isa pa, masasabi nga sigurong ang pag-aasawa ay isang graceful …

Read More »

Gown ni Michael Cinco, isinuot ni Mariah Carey

NATUWA naman kami noong isang araw, nang mabasa namin iyong isang internet post ni Mariah Carey na nagpapasalamat sa Filipino designer na si Michael Cinco para sa isinuot niyang gown. Nang hanapin namin, mayroon na rin pala siyang mga obra na ginamit nina JLo at Lady Gaga. Hindi namin alam kung may iba pa, pero ngayon lang kami nakarinig ng …

Read More »

Line produ, milyon na ang nakukuha sa producer

SABI nila, kung may kaaway ka, turuan mong mag-produce ng pelikula. Kasi kung hindi marunong ang producer dito, talagang maloloko ka. Ilang milyong piso na raw ang nakuha ng isang line producer doon sa producer ng isang indie film. Pero ang dami nilang tauhan na hindi nasusuwelduhan, at tinitipid pati na ang production design. Sabi-sabi, nagbunganga raw ang production designer …

Read More »

Mayor Lani to Sen. De Lima — Ipagdarasal ko siya

BILIB kami sa naging statement ni Mayor Lani Mercado nang matanong siya tungkol sa pagkakadampot kay Senador Leila de Lima dahil sa kasong may kinalaman sa mga “lagay sa droga.” Ang sinabi lang ni Lani, ”ipagdarasal ko siya.” Iyan ang tamang attitude. Dapat hindi nagtatanim ng galit. Si Senador  de Lima, noong panahong Secretary of Justice pa siya ang nagpakulong …

Read More »

Paredes die hard na dilawan, star wars, ‘di pa matitigil

PAKIALAM ko ba sa kapalpakan sa Oscars? Mas pinag-uusapan ng masa ang nangyayaring “star wars” dahil sa politika rito sa Pilipinas. Mabilis na nagsalita ang dalawang premyado at beteranang mga aktres na sina Vivian Velez at Elizabeth Oropesa sa sinasabi nilang pambu-bully ng retired singer na si Jim Paredes sa mga kabataang sumali sa rally sa EDSA sa kabila ng …

Read More »

Alden, naospital na naman

“STRIKE while the iron is hot,” iyan ang kasabihan sa wikang Ingles na madalas marinig sa showbiz. Kasi nga sa showbusiness, hindi mo talaga alam kung hanggang kailan tatagal ang popularidad ng isang artista. Kaya iyang mga artista, habang sikat pa sila at mataas ang bayad sa kanila, tanggap ng tanggap ng lahat ng trabaho. Pero kung minsan, nakakasama rin …

Read More »

Kris sa digital channel na lang may pag-asang magka-career

PERO sabi naman ng isa naming kausap, hindi namin masasabing ang paniniwala sa kasabihang ”strike while the iron is hot” ay mali. Isang magandang example, sabi niya ay si Kris Aquino. Mabilis na sumikat si Kris dahil naging presidente ang nanay niya. Nagpatuloy ang  career sa mga panahong ang mga namamayaning politiko ay mga kakampi nila. Noong matapos na ang …

Read More »

Showbiz gay, iniwan ang ka-meeting nang may makitang guwapo

INIWAN ng isang showbiz gay ang kanyang mga kausap sa isang restaurant at mabilis na sinundan ang isang dumaang pogi. Sabi nila, ”talagang napakahilig ng baklang iyan. Basta may nakitang pogi hindi mo mapipigilan. Pero kung magsalita, hindi raw siya bakla dahil may anak siya.” Wala naman talagang masama kung bakla siya eh. Ganoon siya eh, ano nga ba ang …

Read More »