Sunday , December 22 2024

Ed de Leon

Sharon, handang makipagtrabaho sa baguhan

GUSTO ni Sharon Cuneta na gumawa ng isang pelikulang love story. Pero sinasabi nga ng marami na kung ang ambisyon niyang gawin ay kagaya niyong mga love story na ginagawa noong araw at nagiging malalaking hits, baka hindi na bagay. Aminin naman natin mahigit 50 na ang edad ni Sharon ngayon. Iyong mga ganoong pelikula, siguro puwedeng gawin kung mga …

Read More »

Salitang Sangre, sa isang nobela at pelikula unang ginamit

MAY claim si direk Mark Reyes na sila ang unang gumamit ng salitang “sanggre” simula pa noong 2005. Wala naman siyang sinabing reklamo niya sa gumagamit ng salitang “sangre” sa title ng kanilang show. Sinabi lang niya na sila ang naunang gumamit niyon. Pag-aralan natin iyan. Ang ginamit nilang salita ay “sanggre” at binigyan nila iyon ng ibang kahulugan, dahil …

Read More »

Kasalang Vicki at Hayden, ‘di na nakabibigla

KALOKOHA  naman sigurong mabigla pa ang mga tao kung nagpakasal man sinaVicki Belo at Hayden Kho matapos ang matagal na panahon na rin naman ng kanilang pagsasama. Kung umabot na nga sila roon sa in vitro fertilization para magkaroon sila ng anak, bakit nga ba magtataka pa kayo kung magpakasal sila? Tama namang gawin nila iyon dahil may anak na …

Read More »

Liza, nagsasawa at naiinis na sa mga bastos sa social media

PATI si Liza Soberano, very vocal na ngayon na nagsasawa na siya at walang dudang naiinis din sa mga basher ng mga artista sa social media. Sinasabi nga niya, masyadong maraming bastos sa social media. Marami ring nakikialam sa mga personal nilang buhay sa social media. Noong araw, panay ang sabi nila na masyado silang pinakikialaman at sinisiraan ng press, …

Read More »

Diether, ‘di na pang-leading man

IBA na ang hitsura ni Diether Ocampo noong makita namin sa TV. Parang napakalaki ng itinanda ng kanyang hitsura. Mukhang roles na lang talaga ng mga tatay ang maaari niyang asahan. Tingnan ninyo ang ginagawa ng network nila, hindi ba ang pinupuhunan ay ang personalidad at magagandang katawan nina Jak Roberto, Ken Chan at iba pa nilang kasama? Hindi ba’t …

Read More »

Jovit, nakiusap: ‘wag siyang husgahan

NAKIKIUSAP na ang singer na si Jovit Baldivino, na sana naman bago maniwala ang mga tao sa mga paninira sa kanya ay mag-isip naman muna kung ano ang mabuting ginagawa niya. Iyan ay may kinalaman sa mga pagbubuyangyang na ginawa ng dati niyang girlfriend na si Shara Chavez. Ang akusasyon ni Shara, ang kinikita ni Jovit ay inuubos lamang sa …

Read More »

Young male star, bading din ang hanap

KAWAWA naman ang isang young male star. Nang unti-unti na rin siyang nakagagawa ng pangalan at nagpalit pa nga siya ng manager para mas mapaganda ang kanyang career, at saka naman parang tuksong hinahalukay ang kanyang nakaraan. May lumalabas na mga picture niya noong mas bata pa siya, may kulay pa ang kanyang buhok, at madalas pa siyang istambay sa …

Read More »

Nora Aunor bilang National Artist, ipu-push ng Noranian

UMAASA ang mga fan ni Nora Aunor na baka sa pagkakataong ito ay maging national artist na ang kanilang idolo. Chairman ngNCCA si Virgilio Almario na noon ay nagpakita naman ng simpatiya sa dating superstar. Tapos ang presidente ngayon ngCultural Center ay ang actor at director na si Nick Lizaso, na may panahong naging close rin naman kay Nora. Kaya …

Read More »

Away ng pamilya ni Pia sa social media, in bad taste na

Pia Wurtzbach

SINASABI ng kampo ni Pia Wurtzbach, na paninindigan nila na katotohanan lamang ang lumabas sa talambuhay na ipinalabas sva telebisyon. Pumalag ang ikalawang asawa ng tatay niyang si Uwe Wurtzbach at ang anak na lalaki niyon sa pagsasabing sinisira nila ang alaala ng kanyang ama. Sinasabi nga kasi sa drama na ang ama niya ay isang “babaero” at tapos ay …

Read More »

Concert ni Arianna Grande, ‘di na dapat ituloy

SA kabila ng mga kaguluhang nangyayari ngayon sa ating bansa, itutuloy pa rin ang concert ni Arianna Grande sa Pilipinas sa Agosto. Nakakatakot iyan, lalo na nga’t kung iispin na sa concert din ni Arianna sa Manchester, England sumakay ang isang terorista na nagpasabog ng isang bomba at pumatay sa 22 katao. Ewan nga ba kung bakit itutuloy pa iyan …

Read More »

Azenith, ‘di naitago ang hinanakit sa nangyaring gulo sa RWM

HINDI naitago ni Azenith Briones ang paghihimutok sa pagkamatay ng kanyang asawang si Eleuterio Reyes sa kaguluhang nangyari sa Resorts World. Nagpunta lang silang mag-asawa sa casino dahil may kailangan silang singilin. Habang si Azenith ay bumibili ng pagkain sa second floor, naiwan niya ang kanyang asawa na naghihintay naman sa sisingilin nila, nang maganap ang kaguluhan. Tumakbo rin si …

Read More »

Aiza, ang ahensiya niya ang dapat pagtuunan ng pansin at ‘di ‘yung kung kani-kanino

duterte aiza liza

PINAPANGARALAN ba ni Aiza Seguerra ang Pangulong Digong Duterte nang sabihin niyang ”hindi dapat ginagawang biro ang rape?” Tama naman siguro ang sinabi ni Aiza pero nasabi naman iyon ng presidente ng alam mong pabiro lang. In the first place hindi niya sinabing kukunsintihin niya. Ang sabi niya, may mangyari mang ganoon pananagutan niya, na natural panagutan niya bilang commander …

Read More »

Gerald, mahusay na actor pero hindi mayabang

SIMPLE lamang at tahimik si Gerald Anderson noong press conference ng Can We Still Be Friends. Wala kang makikitang yabang sa kanya. Pero kung iisipin, iyang si Gerald ay isa sa pinakamahusay pero under rated na actor sa ngayon. Nakumbinsi kami ni Gerald noong gawin niya iyong seryeng Budoy na gumanap siya sa role ng isang isip bata. Napakahusay ni …

Read More »

Imelda Papin, puputi ang buhok sa pagiging presidente ng KAPPT

MAY isang editor na nagtanong sa amin, ”talaga bang walang home for artists ang KAPPT na maaaring maalagaan ang mga matatanda nang artista na walang mapupuntahan?” Ha? Home for the artists? Iyong pambili nga lang ng gamot ng mga artistang may sakit at wala nang kabuhayan, ipinaghihingi pa nila eh. Wala namang pera iyang mga guild. Karamihan sa mga artista …

Read More »

Sharon, ikinalat sa social media na may full blown AIDS

EWAN kung hindi mo matatawag na kawalanghiyaan iyang kumalat sa mga social media blogs na umano, inamin ng megastar na si Sharon Cuneta na siya ay mayroong “full blown AIDS”. Kino-quote pa si Sharon na umamin umano na sa kanyang last check up, ang kanyang t-cell count ay nasa 95 na lamang. Ang normal na tao ay may t-cell count …

Read More »

Male sexy star, nagbebenta ng ‘used’ underwear

blind mystery man

IPINAKITA sa amin ng isa naming kakilala ang kanyang pakikipag-chat sa isang male sexy star. Sa kanilang chat, biniro niya ang male sexy star na gusto niyang bilhin ang “underwear” niyon. Magugulat ka dahil nang sumagot iyon, nagtanong pa kung “used underwear” ang gusto. Tapos may ipinadala pa siyang picture na naka-underwear lamang siya. At ipinakita naman ng aming source …

Read More »

Nadine, dapat ipagpasalamat ang pagpapa-picture ng fans

NATAWA kami sa ipinabasa sa aming social media post niyong si Nadine Lustre. Ang tinutukoy naman niyang sitwasyon ay iyong pakiusap ng isang show na walang pictures at walang video sa kanilang taping dahil baka mai-post sa social media at maunahan pa ang show na kalalabasan ng contest. Pero just the same, may mga kumuha pa rin ng video at …

Read More »

Sa pag-alis ni Sharon patungong US, Kiko, may mensahe

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

THIS week naman ay babalik na rin ang megastar na si Sharon Cuneta, na bumiyahe ngang mag-isa sa US para magpalipas muna ng sama ng loob. Inamin ni Sharon sa kanyang social media post mismo na nasaktan siya sa ilang mga pangyayari, at disappointed siya sa ibang mga bagay. Mabilis namang nagbigay ng statement ang kanyang kampo pagkatapos na hindi …

Read More »

Daniel, walang kasalanan kung wala sa tono at nagmukhang background ng mga Binibining Pilipinas candidates

USAP-USAPAN pa rin hanggang ngayon ang naging pagkanta ni Daniel Padilla sa Binibining Pilipinas. May nagsasabi kasing wala iyon sa ayos, pero mabilis naman ang fans ni Daniel na ipagtanggol siya. Iyong sinasabi nilang nagmukhang background lamang ang mga candidates noong kumanta si Daniel, palagay namin hindi niya kasalanan iyon. Sinabihan siyang kumanta, hindi naman siguro naidirehe ng tama kung …

Read More »

Aktor, huli sa pagpik-up kay male model

NAKITA ng mga tao, mukhang pinick-up lang ng isang male star ang isang male model sa isang foreign concert kamakailan. Hindi naman sila nanood eh, umalis din sila agad. Iyong model, sumakay sa SUV ng male star, at alam na ninyo. May record naman talaga ang male star na iyan ng pagiging isa ring “female”. (Ed de Leon)

Read More »

Gabby, tumatanggap ng project basta nag-eenjoy

Gabby Concepcion

NAPANOOD namin si Gabby Concepcion, na mukhang enjoy na enjoy nang maging guest sa comedy show ni Regine Velasquez. Halata mong enjoy si Gabby sa kanyang ginawa. Hindi naman kami naniniwalang milyon ang ibinayad kay Gabby sa guesting na iyon. Ang punto lang namin, tatanggap pala ng trabaho si Gabby kahit na simpleng comedy lang, at kahit na hindi ganoon …

Read More »