Friday , November 22 2024

Cynthia Martin

PDP-Laban bukas na sa term sharing sa house speakership

INAMIN ni PDP-Laban President Senador Aqui­lino “Koko” Pimentel III, bukas ang kanilang par­tido para sa usaping term sharing sa ‘pinag-aaga­wang’ house speakership. Ito aniya ang nakiki­tang solusyon ni Pimentel upang maayos na ang isyu ng bangayan sa po­sisyon sa house leader­ship sa Camara de los Representantes. Bilang majority party iginiit ni Pimentel, dapat ang kandidato ng PDP-Laban na si Rep. …

Read More »

Sen. Koko ibabasura si Pulong (Kung may kapartidong tatakbong House Speaker)

IGINIIT ng Pangulo ng PDP Laban na si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na hindi miyembro ng kanilang partido si Presidential Son, congressman Paolo “Pulong” Duterte na napapabalitang tatakbo sa House Speakership ngayong 18th congress. Ayon kay Pimentel, sakaling may miyembro ng PDP Laban na mag-aspire na maging house speaker at kalipikado, mas sususportahan nila ang kanilang kapartido sa PDP …

Read More »

DFA staff na ‘umayos’ sa diplomatic passport ni ex-Sec. del Rosario tiyak na ‘sabit’ — Sotto

NANINIWALA si Senate Pre­sident Vicente Tito Sotto III na may sasabit na tauhan ng Department of Foreign Affairs sa revalidation ng diplomatic pass­port ni dating secretary Albert Del Rosario. Ipinaliwanag ni Sotto na malinaw sa Republic Act 8239 o Philippine Passport Act na ta­nging dating Pangulo at Panga­lawang Pangulo lamang ang maaaring i-revalidate ang diplo­matic passport at wala ng iba …

Read More »

PhilSA aprub

PASADO sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na layong buuin ang Philip­pine Space Agency (PhilSA). Ipinanukala ni Sen. Benigno “Bam” Aquino IV, ang Senate Bill No. 1983 o ang “Act Esta­blishing the Philippine Space Development and Utilization Policy and Creating the Philippine Space Agency.” Ayon kay Aquino, ang paglulunsad sa isang space program ay maka­pagbibigay sa …

Read More »

Flexible time sa trabaho aprobado sa Senado

INAPROBAHAN ng Senado ang panukalang batas na layong gawing “flexible” ang araw at oras ng trabaho ng mga manggagawang Filipino. Sa botong 17-0, ina­probahan ang bill na inihain ni Sen. Joel Villa­nueva. Isa ito sa mga panukalang batas na tinalakay ng Senado sa unang araw ng sesyon nitong Lunes matapos ang eleksiyong 13 Mayo. Sa ilalim ng bill, puwe­de huwag …

Read More »

Kiko nagbitiw sa LP (Drilon nalungkot, Pangilinan pinuri ng Palasyo)

kiko pangilinan

NAGBITIW na si Senador Francis Kiko Pangilinan sa puwesto bilang pangu­lo ng Partido Liberal sa kanyang isinumiteng liham kay LP Chair­person, Vice President Leni Robredo. Nakasaad sa liham ni Pangilinan, nagbitiw siya bilang pangulo ng LP matapos ang pagkatalo ng lahat ng kandidato ng Otso Diretso. Bilang siya ang tumatayong cam­paign manager, ay tina­tanggap ang lahat ng full responsibility sa …

Read More »

PNoy, Binay idinawit din sa droga noong 2014 at 2015

INAMIN ni Senate Pre­sident Vicente Tito Sotto III na idinawit noong taon 2014 at 2015 sina dating Pangulong Benigno Noy­noy Aquino III at dating Vice President Jejomar Binay sa illegal drugs ng taong kahalintulad ng nagbubulgar ngayon. Sinabi ni Sotto, na­pag-alaman sa kanyang staff na may lumapit sa kanyang tanggapan noon na idinadawit ang dating pangulo at pangalawang pangulo sa …

Read More »

Batas laban sa ‘kanser’ pirmado na

MAY laban na ang mga kababayan natin kontra sakit na kanser. Ito ang sinabi ngayon ng reeleksyonistang si Senador Sonny Angara, matapos maisabatas ang National Integrated Cancer Control Act (RA 11215), nang lagdaan at pagtibayin ito ni Pangu­long Duterte nitong 14 Pebrero 2019. Nilalayon ng batas na mapapaba ang halaga ng gamutan at medisina na kailangan ng cancer patients upang …

Read More »

Departamento ng OFWs pinamamadali ni Koko

IPINAAPURA ni Senador Aquilino Koko Pimentel III ang pagtatatag ng isang ahen­siya na tututok sa kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs). Tinutukoy ng senador ang paglikha ng Department of OFWs. Ayon kay Pimentel hindi maikakaila ng gobyerno na sa  11 Pinoy isa rito ay nagta­trabaho sa ibayong dagat para mabigyan nang maayos na buhay ang kanilang mga pamilya. Aniya, dapat …

Read More »

Kabataan sagipin

IMBES parusahan at ikulong ang mga kaba­taan mas nararapat na sagipin sila ng pama­halaan. Ito ang pahayag ni Senadora Grace Poe sa isinusulong na pagbaba ng criminal liability sa edad 9 anyos. Naniniwala ang sena­do­ra na ang pagbaba sa edad 9 anyos ng criminal liability ay hindi tamang sagot para mabawasan ang pagkakasangkot ng mga kabataan sa krimen. Ipinunto ni …

Read More »

Juvenile Justice Act sablay

IGINIIT ni Senate Presi­dent Vicente Tito Sotto III na hindi ang imple­men­tasyon ang sablay sa ipinatutupad na Juvenile Justice Welfare Act kundi ang batas mismo. Ito ang naging sagot ni Sotto sa pagdinig sa senado na kakulangan sa pondo kung bakit suma­blay ang implementasyon ng naturang batas. Lumabas sa pagdinig na kaya pinakakawalan ang ilang kabataan na sangkot sa heinous …

Read More »

Juvenile Justice Act palpak sa kawalan ng pondo

LUMALABAS sa pagdi­nig ng Senate Justice Committee on Justice and Human Rights  na pina­mumunuan ni Senador Richard Gordon na hindi naipatupad nang maayos ang Juvenile Justice Welfare Act dahil sa kakulangan ng pondo para maipatupad nang maayos. Sa pagdinig sa sena­do, inamin ni Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC) Executive Director Atty. Tricia Oco na may kakulangan sila sa bahay …

Read More »

Sindikatong gumagamit sa mga bata patawan ng parusang mabigat

NANANAWAGAN si Senador Joel Villanueva sa pamahalaan at mga mambabatas na bigatan ang parusa sa mga guma­gamit sa mga kabataan para gumawa ng isang krimen. Ito ang isa sa nakiki­tang solusyon ni Villa­nueva sa dumaraming bilang ng mga kabataan na nasasangkot sa krimen. Ayon sa  Senador, imbes ibaba ang criminal liability sa 9 anyos tulad nang naipasa ng house mas …

Read More »

Puwedeng litisin parusa ipataw sa tamang edad — Sen. Ping

ping lacson

DAPAT litisin ang mga batang nahuhuling sang­kot sa kriminalidad pero ipatupad ang hatol kapag napatunayan sa sanda­ling sumapit na sa was­tong gulang ang mga batang suspek. Bahagi ito ng pangu­nahing tugon ni Senador Panfilo Lacson ukol sa panukalang nagbababa sa siyam mula 15 anyos ang “age of criminal liability.” “I support lowering the age of criminal liability to a certain …

Read More »

Bill pag-aralan mabuti — Binay (Sa ‘batang bilango’)

TUTOL si Senadora Nancy Binay na ibaba ang edad ng kabataan na nasasangkot sa krimen. Ayon kay Binay may ibang paraan upang mai­ligtas ang ilang kabataan. Mahigpit ang pagtu­tol ni Binay na ibaba ang edad ng kabataan mula 15 anyos sa 9 anyos para samaoahan ng kasong kriminal. “As a mother of 9-year old twins, alam ko sa ganitong edad …

Read More »

Pagbuwag sa Road Board plantsado na

road closed

NAGKASUNDO ang Senado at Kamara sa isyu ng isinusulong na pagbuwag sa Road Board. Nakipagpulong sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kay House Majority Leader Rolando Andaya, Jr.,  para sa mga hakbangin ukol sa paglusaw sa Road Board. Ayon kay Zubiri, napagkasunduan na simple lang ang gagawing amyenda sa plano. Aniya, ang …

Read More »

Road board ‘bubuwagin’

INATASAN ni Senate President Vicente Tito Sotto III  si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na makipagpulong kay House Majority Leader Rolando Andaya, Jr. Ito ay para iparating ang stand ng senado na ini-adopt na nila ang panukala ng house na bu­wagin na ang road board. Sinabi ni Sotto na ‘yun ang napagkasunduan nila sa isinagawang all senators caucus  ukol …

Read More »

Kongreso may ‘say’ sa road users’ tax

INILINAW ni Senador Panfilo Lacson na kaila­ngan pa rin dumaan sa dalawang kapulungan ng kongreso ang plano ng Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang pondo sa road users’ tax para sa infrastructure at flood control projects sa lalawigan ng Bicol na hinagupit ng bagyong Usman. Ayon kay Lacson, tulad ng proseso, dapat itong idaan sa Senado at Kamara para aprobahan …

Read More »

Dagdag buwis sa gasolina, negative vibes sa 2019

NAG-AALALA si Sen. Bam Aquino na mali ang simula ng pamahalaan sa 2019 sa pagpayag nitong dagdagan ang buwis sa produktong petrolyo sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, sa pagsasabing bibigat pa ang pasanin ng taongbayan sa mataas na presyo ng bilihin. “Ang pinakamainam na New Year’s resolution para sa bayan ay bawasan ang pahirap …

Read More »

Giit ni Sotto: ‘Marijuana’ bilang gamot legal sa PH

IGINIIT ni Senate President Vicente Tito Sotto III na legal ang marijuana kung gagamitin bilang isang gamot sa taong maysakit. Ito ang naging reaksi­yon ng senador ukol sa plano ng ilang mamba­batas na nais magsagawa ng imbestigasyon kung dapat bang gawing legal ang marijuana for medi­cal use. Ipinunto ni Sotto ang Republic Act 9165 o Com­prehensive Dangerous Drugs Act of …

Read More »

Walang pork sa P3.75-T 2019 budget — Diokno

IGINIIT ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benja­min Diokno na walang pork sa amiyenda ng House of Representatives sa P3.75 trilyong national budget sa 2019. Ipinaliwanag ni Diok­no na “prerogative” ng Kamara na amiyendahan ang kanilang isinumiteng 2019 National Expendi­tures Program (NEP). Magugunitang pinaratangan ni Senador Panfilo Lacson ang Kamara nang pagsingit ng pork barrel sa budget na …

Read More »

Socmed accounts ‘pakikialaman’ — Lacson (Sa bagong terrorism bill)

BINIGYANG-DIIN ni Senator Ping Lacson na may panukala na isama sa tinatalakay na Anti-Terrorism Bills sa Senado, ang pagbabantay sa social media accounts. Ayon kay Lacson, posible ang panukala kung igigiit ng gobyerno ang ‘police power.’ Ngunit sinabi ni Lacson, kailangan ng ibayong pag-iingat dahil maaaring magkaroon ng paglabag sa “freedom of speech” o “freedom of expression.” Aniya, terorismo ang …

Read More »

BI, DOLE ginisa sa Senado (Chinese illegal workers dagsa)

GINISA ng ilang sena­dor ang Bureau of Immigration (BI) at ang Department of Labor and Employment ( DOLE) sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Labor, sa pangunguna ni Senador Joel Villanueva, ukol sa pagdagsa ng Chinese illegal workers sa bansa. Ayon sa pagdinig, base sa pag-amin ni DOLE Usec. Ciriaco Lagunzad, umabot sa 150,652 Chinese ang nag-apply sa kanila …

Read More »