INIHAHANDA ni Sen. Francis Pangilinan ang kanyang ihahain na petition sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa Anti-Terrorism Law, partikular ang probisyon nito hinggil sa warrantless arrest. Una rito, naghain ng petition sa Korte Suprema ang isang grupo sa pangunguna ni Ateneo at De La Salle law professor at lecturer Howard Calleja para kuwestiyonin ang constitutionality ng RA 11479, o ang …
Read More »DOH maglalabas ng mas maaga at maayos na resulta ng COVID-19 cases
NAGPALIWANAG si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire tungkol sa record-breaking na kaso ng COVID-19 cases na naitala sa Filipinas nitong 3 Hulyo. Sa inilabas na datos ng DOH, nadagdagan ng 1,531 katao ang nahawa ng COVID-19 sa bansa dahilan upang pumalo sa 40,336 ang kabuuang bilang ng coronavirus cases. Ayon sa kalihim, dahil daw ito sa pagbabago …
Read More »Benepisyo ng Centenarians ibigay nang mabilis – Go
UMAPELA si Senator Christopher “Bong” Go sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang concerned agencies na pabilisin ang pagbibigay ng benepisyo sa mga centenarian base sa nakasaad sa batas. Ito ay pagsasaprayoridad sa kapakanan ng matatanda lalo ngayong mayroong kinakaharap na health crisis bunsod ng pandemyang COVID-19. Sinabi ni Go, hindi na dapat pahirapan …
Read More »BIR nais imbestigahan sa pagbubuwis sa online sellers
NAGHAIN ng resolusyon si Senator Risa Hontiveros para maimbestigahan ng Senado ang mga ginagawang hakbang ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para mabuwisan ang online sellers. Sa inihain niyang Resolution No. 453, nais ni Hontiveros na maimbestigahan ang Revenue Memorandum Circular 60-2020 ng BIR na nag-uutos sa online sellers na magparehistro sa kawanihan at magbayad ng kinauukulang buwis. …
Read More »14-day lockdown sa Senado pinag-aaralan
PINAG-AARALAN na ang pagpapatupad ng 14-araw na lockdown sa Senado. Ito ay makaraang may maitalang bagong kaso ng COVID-19 sa mga empleyado nito. Ayon kay Senator Panfilo Lacson, hindi niya tiyak ang bilang pero dalawang hanggang apat aniya ang bagong kaso. Kahapon, araw ng Lunes, 22 Hunyo, ay nagsagawa na ng disinfection sa Senado. Sa isang …
Read More »Go nagpaalala sa mamamayan na ‘wag kampante
PINAALALAHANAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang sambayanan na huwag magpakampante hanggang wala pang bakuna laban sa COVID-19. Sinabi ni Go, hindi pa ligtas ang sambayanan sa pandemic habang patuloy ang gobyerno sa pagsisikap para maibigay ang mga serbisyong para sa bayan. Ayon kay Go, bilang mambabatas ay hindi niya lilimitahan ang sarili niya sa kanyang gawain sa lehislatura sa …
Read More »PH Internet makupad kulelat sa Asya
BINATIKOS ni Senador Imee Marcos ang hindi pagbibigay ng prayoridad ng pamahalaan para maisayos ang mabagal na internet connection sa bansa ngayong nahaharap ang buong mundo sa sinasabing “new normal” bunsod ng pandemyang COVID-19. Dahil dito, nanawagan si Marcos, chair ng Senate committee on economic affairs, sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na mag-level up dahil ito ang …
Read More »OFW na nakulong sa Bahrain labis na nagpasalamat (Iniligtas sa bitay, pamilya tinulungan)
LABIS ang pasasalamat ng isang overseas Filipino worker na nakulong ng apat na taon sa Bahrain kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher “Bong” Go. Ito ay matapos makalaya at makauwi sa bansa ang OFW na kinilalang si Roderick Aguinaldo. Sinabi ni Aguinaldo, hindi siya magsasawang magpasalamat kay Pangulong Duterte lalo kay Senator Go dahil kung ano ang ipinangako …
Read More »P20-B OWWA trust fund itutok sa OFWs (Ngayong panahon ng pandemya)
PINAALALAHANAN ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ibigay ang kaukulang tulong sa overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa pandemyang COVID-19 at gamitin nang tama ang P20 bilyong trust fund ng ahensiya para sa mga migranteng Pinoy. “Panahon na para ang OWWA ay tumulong nang todo sa OFWs. …
Read More »Digital technology sa DepEd isinusulong
HABANG naghahanda ang sektor ng edukasyon sa tinaguriang ‘new normal’ isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang mas malawakang paggamit ng Department of Education (DepEd) ng digital technology upang gawing mas mabisa at mabilis ang mga serbisyo at sistema ng kagawaran. Layon na mapabilis ng makabagong teknolohiya ang mga proseso tulad ng enrolment, payment services, pagsusumite ng mga grado, at …
Read More »Ayuda sa creative artists isinusulong
ITINUTULAK ni Senadora Imee Marcos ang panawagang bigyang ayuda ang mga alagad ng sining, at producers sa creative work na may malaking maiaambag sa muling paglago ng ekonomiya ng bansa. “Dapat tingnan ng ating economic managers ang creative work bilang isang epektibo at kumikitang industriya, hindi lang basta pang-agaw atensiyon o pang-entertainment,” ani Marcos. Mahalagang suportahan ng gobyerno …
Read More »Martial Law ‘di na kailangan — SP Sotto (Kapag may Anti-Terror Law na)
SA KABILA ng pagtutol at kritisismo ng publiko, sinigurado ni Senate President Vicente Sotto III na hindi na kakailanganin pang magdeklara ng martial law sa bansa oras na maisabatas ang kontrobersiyal na anti-terrorism bill. Marami ang nagpahayag ng pagtutol sa pagpasa ng Kongreso sa naturang panukala sa takot na maging target ang mga indibiduwal na magpapahayag ng kanilang saloobin laban …
Read More »Pangakong ayuda ng Pangulo sa healthcare workers na biktima ng COVID-19 ‘binuro’ ng red tape (DOH, DBM, DOLE tinukoy ni Go)
DESMAYADO si Senate committee on health chairman Senator Christopher “Bong” Go sa mabagal na paglalabas ng concerned government agencies ng benepisyo na para sa mga frontliners partikular ang mga nagbuwis ng buhay sa paglaban sa pandemyang coronavirus (COVID-19). Sa kanyang talumpati sa Senado, sinabi ni Go, nagtiwala siya sa kakayahan ng mga nasa government agency pero tulad ng nasabi niya …
Read More »Puna ni Hontiveros: COVID-19 test results mas mabilis sa Chinese workers kaysa OFWs
NAGTATAKA si Senadora Riza Hontiveros dahil halos Apat na araw lang ay nakukuha agad ng Chinese workers sa Fontana ang kanilang COVID-19 test results. Pinuna ito ni Hontiveros kaugnay ng kaso ng maraming overseas Filipino workers (OFWs) na mahigit isang buwang naka-quarantine at hindi pa nakauuwi sa kanilang pamilya dahil sa nakabinbing COVID-19 test results. Binigyang diin …
Read More »“Bayanihan Act” pinalawig hanggang Setyembre 2020 (Zubiri inihain sa Senado)
NAGHAIN si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ng panukalang batas na palawigin ang bisa ng Bayanihan to Heal as One Act hanggang 30 Setyembre 2020. Sa ilalim ng naturang batas ay binibigyan ng dagdag na kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte para matugunan ang problema sa pandemyang coronavirus (COVID-19). Nakatakdang mapaso sa Hunyo ang naturang batas. Sa panukala …
Read More »Proteksiyong legal sa health workers panukala ni Marcos
NANAWAGAN si Senador Imee Marcos na bigyan ng malinaw na legal na proteksiyon ang mga health care workers na maaring maakusahan ng medical malpractice sa kabila ng ginagawa nilang pagbubuwis ng buhay para makapagserbisyo sa mamamayan na tinamaan ng COVID-19. Nangangamba si Marcos na posibleng dumami ang bilang ng mga kahaharaping legal at personal na banta sa buhay ng …
Read More »VIP Bill kontra virus isinulong ni Sen. Lacson
SIYENSIYA at teknolohiya ang tamang gabay para malutas ang mga problemang dulot ng pandemya gaya ng COVID-19, kaya isinulong ni Senador Panfilo Lacson ang pagtatag ng isang institusyong tutuklas sa mga solusyon para sa sakit na ito. Sa ilalim ng Senate Bill 1543, layon ni Lacson na itatag ang Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP). …
Read More »PRC hotline sa mabilis na COVID-19 test results
MAYROON nang hotline service ang Philippine Red Cross (PRC) para mas mabilis na ma-access ng mga naghihintay ng kanilang COVID-19 test results. Ayon kay PRC chairman at Senator Richard Gordon, ang mga naisailalim na sa test ay puwedeng tumawag sa numero 1158. Ibibigay ang pangalan at hahanapin ito sa database ng Red Cross. Ito ay para matiyak …
Read More »HCQ drug trial ipinatigil ng WHO
SUSUNOD ang Filipinas sa inilabas na guidelines ng World Health Organization (WHO) hinggil sa pagbibigay ng hydroxychloroquine sa mga pasyente bilang gamot sa COVID-19. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ititigil ng bawat ospital sa bansa ang pag-administer ng naturang anti-malarial drug sa kanilang mga pasyente alinsunod sa utos ng WHO. Nagbunsod ang temporary pause ng drug …
Read More »50% bawas sa renta tulong sa maliliit na negosyante
KALAHATI o 50 porsiyento ang dapat ibigay na diskuwento sa mga espasyo na inuupahan ng maliliit na negosyo. Sinabi ito ni Sen. Aquilino Pimentel III bilang pag-agapay sa pagbagon ng ekonomiya ng bansa. Ayon kay Pimentel, malaki ang nawala at nalugi sa maliliit na negosyo at aniya, ang isang paraan para sila ay makabangon ay pagpapagaan sa ilang …
Read More »Insurance coverage isinusulong ni De Lima
NAGHAIN ng panibagong bill si Sen. Leila de Lima para mabigyan ng additional insurance coverage at hazard pay ang mga mamamahayag, lalo sa ganitong panahon ng pandemya. Batay sa Senate Bill No. 1523, magkakaroon ng karagdagang tulong ang isang journalist kung napinsala, sumailalim sa hospitalization, at disability habang ginagampanan ang tungkulin. Bukod na proteksiyon ang ipagkakaloob sa kanila …
Read More »Bill pabor sa corporate income tax ipasa — Imee
HINIMOK ni Senadora Imee Marcos ang Kamara at Senado na ipasa ang bukod na panukalang batas na magpapababa sa corporate income tax nang hanggang 5% para makatulong sa mga negosyo, maiwasan ang tanggalan ng mga empleyado, at makahikayat ng mas maraming foreign investment sa kabila ng pandemyang COVID-19. Sinabi ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, mahalagang …
Read More »Go kampanteng promdis sa BP hindi babalik sa Metro Manila
KOMPIYANSA si Senador Christopher “Bong” Go na hindi babalik sa Metro Manila ang mga pamilyang tumugon sa Balik-Probinsiya (BP) program ng pamahalaan na naglalayong maibsan ang matinding siksikan ng populasyon sa Kamaynilaan sa gitna ng pandemyang coronavirus (COVID-19). Sinabi ni Go, marami sa mga pumasok programa ay nagsabing naunsiyami sila sa mga naranasan nila sa gitna ng enhanced community quarantine …
Read More »Ulyanin na ba si Lolo Sonny? — Sen. Imee (Kinasahan si Dominguez)
IPINAGTANGGOL ni Senadora Imee Marcos ang programang Masagana 99 nang batikusin ni Finance Secretary Carlos “Sonny” Dominguez III sa virtual Senate hearing kamakalawa, sabay tanong kung nag-uulyanin ang isa sa Finance managers ng administrasyong Duterte. Ayon kay Marcos, naging self-sufficient ang Filipinas sa rice production patunay ang export na umaabot sa 89,000 metriko toneladang bigas noong 1977 hanggang 1978 sa …
Read More »Covid-19 test libre sa dukha; May bayad sa kumikita (Sa Philippine Red Cross)
KAILANGANG isailalim sa pagsusuri ang 13 porsiyento ng populasyon sa Metro Manila upang matiyak kung gaano kalawak ang nahawaan ng coronavirus (COVID-19) sa kasalukuyang pandemya. Ayon kay Senador Richard Gordon, ang nasabing porsiyento ay katumbas ng 1.6 milyong katao sa Kamaynilaan. Paliwanag ni Gordon, payo ito ng World Health Organization (WHO) dahil ang Metro Manila ang itinuturing na epicenter ng …
Read More »