Sunday , December 22 2024

Ariel Dim Borlongan

LP, nawalan ng boto sa Poe disqualification; Bongbong Marcos, magsa-sub kay Miriam?

NAKALULUNGKOT isipin na sa bansang may populasyong mahigit 100 milyon, tatlo katao lamang na miyembro ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang magpapasya sa kandidatura ni Sen. Grace Poe para sa halalang pampanguluhan sa 2016. Kapaskuhan na rin lamang, lihis na lihis ito sa ginawa ng tatlong haring mago na tumanaw sa isang tala para makita ang magiging lider …

Read More »

Lewd shows sa ‘Gapo sobrang lantaran; kandidatura ni Tolentino lalong lumalakas

Matindi ang panawagan ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen Sarmiento na pakilusin ang pulisya laban sa lewd shows, prostitusyon at talamak na bentahan ng ilegal na droga sa Olongapo City. Sabi nga ni 4K Olongapo chapter Chairman Dennis Yape, lantaran ang mga menor de edad na malaswang nagsasayaw …

Read More »

No. 1 sa aking listahan si Rafael “Raffy” Alunan III

SA MGA kandidatong senador ngayon, nangu-nguna sa aking listahan ang lider namin sa West Philippine Sea Coalition na si dating Department of Interior and Local Government secretary Rafael “Raffy” Alunan III. Kabilang ako sa mga nagsabi sa kanya na may karapatan siyang tumakbo sa nalalapit na halalan dahil dalisay ang layunin niya para sa sambayanang Filipino. Narito ang kanyang opisyal …

Read More »

Grupong kontra sa pagmimina mag-aalsa na sa Zambales

MASYADO nang manhid sina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje Jr., Mines and Geosciences Bureau (MGB) Director Leo Jasareno,  Governor Hermogenes Ebdane at iba pang lokal na opisyal ng Zambales sa kalagayan ng mga mamamayan sa bayan ng Sta. Cruz na labis nagdusa sa pagbayo ng bagyong “Lando” kamakailan. Ngunit sa halip na ipatigil ang pagmimina …

Read More »

Taga-Gapo, ‘kinoryente’ ni Paulino sa utang sa PSALM

PATULOY si  Mayor Rolen Paulino sa panlilinlang sa mga mamamayan ng Olongapo City kaugnay ng pagkakautang sa koryente ng lungsod na umaabot sa bilyon-bilyong piso. Pinalabas ni Paulino na nailigtas niya ang Olongapo na putulan ng koryente ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) sa pagbabayad ng 30 milyon noong 2013 sa kabuuang utang na P4 bilyon ng …

Read More »

Laway lang ang puhunan ng AlphaNetworld

NADAGDAGAN na naman ang mga nagreklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Fraud Division laban sa opisyales ng AlphaNetworld Corporation na ginagamit ang social media na Facebook para makakolekta ng pera kahit walang ibinebentang produkto. Wala namang tigil si NBI-AFD chief Atty. Dante Jacinto sa paalala lalo sa mga estilong ‘biglang yaman’ ng mga kompanyang sangkot sa pyramiding scam tulad …

Read More »

Alagad ni Taning tagasuporta ng LP?

NAKAPAGTATAKA ang Liberal Party (LP) kung bakit patuloy na naniniwala kay Caloocan City Rep. Edgar Erice na bukod sa balasubas, may uga-ling traydor pa sa mismong mga kapartido. Marami nang katarantaduhang ginawa si Erice lalo sa mga lumad na inagawan niya ng lupa sa Agusan del Norte para makapagmina. Ang masama, binalasubas niya ang aabot sa P1 bil-yon pati ang kinontrata …

Read More »

Atenista, utak ng AlphaNetworld pyramiding scam?

Lintik din ang raket ng Atenistang si  Juluis Allan G. Nolasco, presidente at chief executive officer ng AlphaNetworld Corporation. Laway lamang ang puhunan niya at daan-daang katao na ang nagoyo sa pagbebenta ng pioneering share sa kanyang kompanya na wala namang produkto. Inireklamo si Nolasco ng pyramiding scam ng isa sa kanyang mga nabiktima na si Emmanuel Estrella pero hindi …

Read More »

Isyung ginamit ng ‘Gapo mayor para manalo ibinasura ng Ombudsman

PARANG sampal sa magkabilang pisngi ang ina-bot nina Olongapo City Mayor Rolen Paulino at City Administrator Mamerto Malabute matapos ibasura kamakailan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang isyung gamit na gamit nila sa halalan noong 2013 para sirain ang reputasyon ng da-ting alkalde ng lungsod na si James “Bong” Gordon Jr., ukol sa pagbebenta at pagsasapribado ng Public Utilities Department o …

Read More »

Lina, ngising-aso lamang sa kanyang kapalpakan

MASYADONG katawa-tawa ang hitsura ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Alberto Lina na ngising-aso sa harap ng mediamen sabay diing hindi siya magbibitiw sa mga ipinatupad na palpak na polisiya sa kawanihan. Kahit umatras kasi si Pangulong Aquino sa random checking ng balikbayan boxes na ipinadadala ng overseas Filipino workers (OFWs), desidido si Lina na buwisan nang malaki ang balikbayan …

Read More »

E ano kung mapakla pa si Senator Grace Poe?

MARAMING ipokrito sa Liberal Party (LP) lalo ang mga patraydor kung bumanat kay Sen. Grace Poe partikular ang tunay na “dilawan” na si Caloocan City Rep. Edgar Erice. Kung panahon ngayon ng mga Hapones, masasabing makapili si Erice dahil tinatraydor niya pati ang mga kapartido sa Caloocan para sa pansariling kapakinabangan. Hindi na dapat magtaka si Department of Interior and …

Read More »

Hirit sa anti-dynasty law, ‘palipad-hangin’ lang ni PNoy?

MATINDI ang panawagan ng mga Bulakenyo para maipatupad sa buong Filipinas ang batas kontra dinastiya o ang paghahari ng iisang angkan sa larangan ng politika. Isang magandang halimbawa ng dinastiya ang kasuwapangan ni Vice President Jejomar Binay na kung ilang dekada nang naghari sa Makati City, gusto pang tularan si dating diktador Ferdinand Marcos na president for life sa panukalang …

Read More »

Roxas tiyak na ang rematch kay Binay

TIYAK nang idedeklara ni Pangulong Aquino si Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas bilang kandidatong presidente ng Liberal Party (LP). Kung sino ang kanyang makakatambal, malamang sabay ding ihayag ng Malakanyang. Ibig sabihin, magre-rematch sina Roxas at Vice President Jejomar Binay sa nalalapit na halalan. Maraming nagsasabi na mahihirapang makaresbak si Roxas kay Binay ngunit buo ang …

Read More »

Ipakita natin sa mga lider ng China na hindi tayo takot sa kanilang pambabraso

NAPAKALAKI ng problema ng liderato ng China dahil mayroon nang maliliit na pag-aalsa sa karatig nating dambuhalang bansa. Ipagmalaki man ng liderato sa Beijing na kaya nilang lumikha ng tsunami sa isang sabay-sabay na ihian lamang ng populasyon nila para lumubog ang arkipelago natin, ikinukubli lamang ng ganitong kahambugan ang namumuong mga rebolusyon sa iba’t ibang bahagi ng China. Ang totoo, …

Read More »

Pamilya ng police asset, tinangkang imasaker sa Zambales

“SORRY!” “Pasensiya na!” at “Nagpapasalamat ako walang namatay sa inyo.” Iyan ang mga kataga ni Inspector Noel Sitjar na nagpakilalang si Insp. Jonathan Bardaje ng San Antonio Police Station sa Zambales sa miyembro ng Barangay Police Special Force na si Benjie Palong Dida-Agon ng Brgy. Mangan Vaca, Subic sa nasabing lalawigan. Sinabi ito ni Sitjar matapos pangunahan niya ang pagpapaulan …

Read More »

Isang kuwento laban sa pagmimina sa Zambales

  NGAYONG tag-ulan, laging nangangamba ang mamamayan ng Sta Cruz, Zambales sa pangambang bumulusok sa kanilang mga tahanan ang lupa at troso mula sa kabundukang pinagmiminahan ng nickel. Bibigyang-puwang ng ABOT-SIPAT ang kuwento ni Concerned Citizens of Sta. Cruz pre-sident Dr. Benito Molina hinggil sa pagbabago ng kanilang kapaligiran sanhi ng perhuwisyong pagmimina. Narito ang isinulat ni Dr. Molino na …

Read More »

Pekeng land owner, sinampahan ng syndicated estafa

NANGGALAITI ang humigit kumulang sa 300 katao na kumuha ng hulugang lote sa land owner, real estate deve-loper at real estate broker na may operasyon sa Brgy. Guyong, Sta. Maria. Napaniwala sila nang bentahan ng mga lote sa mababang halaga at hulugan pa kaya agad sinunggaban ang pagkakataong magkarooon ng kapirasong lupa sa nasabing bayan sa Bulacan. Sa salaysay ng …

Read More »

Bakit walang aksiyong legal ang BOC vs Momarco?

BLIND item lamang ang isinulat kong “May kom-panyang nagbebenta ng toxic food sa samba-yanan?” pero kongkreto ang naging aksiyon ng binansagan kong X-Firm na kumukuha ng animal health at nutrition products sa isang import company na may Certificate of Feed Product Certification (CPR) mula sa Bureau of Animal Industry (BAI) na aangkat ng Auron food ingredients mula sa Abelgel Ltd. …

Read More »

Pamangkin ng Cabinet member, na-gang rape nga ba sa Bulacan?

MAY narinig akong tsismis na hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung bakit hindi pumuputok sa mediamen sa Bulacan. Nagtanong nga sa akin ang kaibigan kong taga-NBI na si alyas “Kamote” kung bakit hindi pa lumalabas sa mga diyaryo ang paggahasa ng apat na lalaki sa pamangkin ng isang miyembro ng Gabinete ni P-Noy. Sabi ni Kamote, noong Hunyo …

Read More »

Balagtas, lalampasan ng Pandi sa kaunlaran?

HINDI ko minemenos ang mga lider sa aking bayan sa Bulacan, ang dating Bigaa na Balagtas ngayon. Pero sa nakikita ko, ‘nabalaho’ ang pag-unlad ng Balagtas hindi lamang dahil napakaliit nito kung ikukumpara sa mga karatig bayan tulad ng Pandi, Guiguinto at Bocaue. Kung iisiping isa ang Encomienda Caruya (ang orihinal na pangalan ng Bigaa na nasa kasaysayan din bilang …

Read More »

Taga-Quezon, may huwad na kinatawan sa Kongreso?

SIMPLENG uri ng pandaraya ang pagpapatakbo sa kapangalan, kaapelyido o ka-alyas ng isang malakas na kandidato para madehado sa halalan. Madali itong malutas sa mano-manong eleksiyon dahil kapag idineklara ng Commission on Elections (Comelec) na “nuisance” ang isang kandidato ay kaagad ibibigay ang boto sa pinuntiryang dayain. Sa automated election, napatunayan sa nakaraang halalan na mabibilang pa rin ang boto …

Read More »

Duling ang BIR sa mga ‘biglang yaman’ sa Intercity

KAKATWA kung bakit ngayon lamang sinalakay ng mga awtoridad ang mga bodega ng mga produktong butil sa Bulacan. Sa papogi nina DILG Secretary Mar Roxas at NFA Administrator Arthur Juan, naipasara ang mga bodega ng ilang tiwaling negosyante sa Marilao at Malolos City. Matagal nang kalakaran sa Bulacan, lalo sa Intercity Industrial Estate na nasa hanggahan ng mga bayan ng …

Read More »

170,000 toneladang nickel ore stockpile, palulusutin sa Zambales?

GARAPALAN na ang ginagawa ng mga kompanya sa pagmimina at pamahalaang lokal ng Sta. Cruz, Zambales para lamang mahakot mula sa nasabing bayan ang itinatayang 170,000 toneladang nickel ore stockpile ng mga kompanyang Benguet Nickel Minerals Inc. (BNMI) at Eramen Minerals Inc (EMI) na sinuspinde kamakailan ng Environmental Management Bureau sa Region 3 (EMB3) ang hauling operations. Ayon sa Concerned …

Read More »

Opisyal ng PNP dapat tutukan ng BIR at AMLC

MASYADONG mababaw ang katwiran ng Philippine National Police (PNP) sa kontrobersiya kaugnay sa “White House” na tirahan ni Director General Alan Purisima sa loob ng Camp Crame. Parang pinalalabas ni PNP spokesman Chief Supt. Theodore Sindac na donasyon ang P25 milyon na ginastos para ipa-ayos ang White House. At sa dami ba naman ng ituturong nagdonasyon kuno para sa renobas-yon, …

Read More »

DENR, dapat managot sa taga-Zambales

NAGTAGUMPAY ang Concerned Citizens of Sta. Cruz, Zambales (CCOS) sa halos tatlong taon nang kampanya para mapansin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kanilang reklamo sa mga kompanyang nagmimina sa mga bayan ng Sta. Cruz at Candelaria sa Zambales. Sinuspinde na kasi ni Region 3 Environmental Management Bureau (EMB) Director Normelyn Claudio ang hauling operations ng Benguet …

Read More »