Wednesday , September 28 2022

Duling ang BIR sa mga ‘biglang yaman’ sa Intercity

KAKATWA kung bakit ngayon lamang sinalakay ng mga awtoridad ang mga bodega ng mga produktong butil sa Bulacan. Sa papogi nina DILG Secretary Mar Roxas at NFA Administrator Arthur Juan, naipasara ang mga bodega ng ilang tiwaling negosyante sa Marilao at Malolos City.

Matagal nang kalakaran sa Bulacan, lalo sa Intercity Industrial Estate na nasa hanggahan ng mga bayan ng Bocaue at Balagtas, na pak-yawin ng mga tiwaling negosyante ang bode-bodegang bigas ng NFA. Lumalahok sila sa mga pa-bidding ng NFA na “per lot” o bulto-bulto na kapag nakopo nila ay ililipat lamang ng mga sako at ibebenta bilang commercial rice lalo sa Metro Manila.

Madaling mahuli ang mga negosyanteng ‘biglang yaman’ tulad ng isang alyas “Teddy” dahil kung bubusisiin lamang ni BIR Chief Kim Jacinto Henares ang mga pag-aari niyang rice mills at mga paupahang bahay na maaaring nakapangalan sa asawa, mga anak at kamag-anak ay tiyak na shoot siya sa balde.

Isa pang bigtime rice hoarder sa Intercity ang isang alyas “Bolok” na kapangalan ng tanyag na gambling lord mula sa Marikina City na si Tony Santos. May akreditasyon siya bilang lehitimong rice trader lalo noong panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo at kabilang siya sa limang taong gumagamit ng alyas na David Tan.

Kontrolado ng Intercity ang presyo ng bigas dahil maraming nagbibiyahe ng palay mula sa Northern Luzon ang doon nagbebenta ng produktong butil. Walang buwis na pumapasok sa gobyerno dahil ang transaksiyon ay nagaganap sa tabi-tabi lamang ng MacArthur Highway. Halimbawa, kapag nakabili ng 500 kaban ng palay si Teddy at nagiling ito sa kanyang rice mill, maibabagsak niya ito bilang mamahaling commercial rice at maibebenta sa mga palengke nang walang buwis kahit singkong duling. Suntok sa buwan kung idedeklara niya sa BIR ang transaksiyong ito.

Mas wastong ipasalakay lahat nina Roxas at Juan ang mga rice mill at bodega ng mga magbibigas hindi lamang sa buong Intercity kundi sa buong Bulacan. Maraming magbibigas sa Bulacan ang konektado sa Binondo Rice Cartel tulad ng negosyanteng sina alyas Teddy at alyas Bolok kaya dapat busisiin maging ang kanilang mga tagong yaman. Tiyak na may magbibigay ng mga impormasyon sa BIR lalo kung lalakihan ang reward o pabuya sa mga tipster.

O ‘di ba?

Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Piolo Pascual Rhea Tan Iñigo Pascual

Piolo masaya sa success ng anak na si Inigo

MATABILni John Fontanilla AFTER 2 years, muling humarap ang Ultimate Leading Man at award-winning Kapamilya actor na …

Gladys Reyes

Moments ni Gladys mas matagal pa sa Mara Clara

MA at PAni Rommel Placente ISA ang Moments hosted by Gladys Reyes Sommereux sa mga show ng NET25 ang talagang tinatangkilik …

Ynez Veneracion

Ynez ayaw na sa pagpapa-sexy

HARD TALKni Pilar Mateo BALIK-PELIKULA ang sexy star na si Ynez Veneracion. Sa pagkakataong ito, si …

Lala Sotto-Santiago

Chair Lala babalansehin pagsaklaw sa online streaming

HARD TALKni Pilar Mateo SUBSOB na sa trabaho niya ang bagong talagang (Movie and Television …

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Leave a Reply