Friday , January 9 2026

Bong Son

GANITO kahanda ang Manila Police District (MPD) SWAT sa kanilang responde gaya nang naganap kamakailan sa Hostellery, Plaza Ferguson, Ermita, Maynila na agad ikinadakip ng babaeng nagpaputok ng baril na kinilalang si Hema Bhalwart. (BONG SON)

Read More »

Checkpoint

LALONG pinaigting ng Manila Police District (MPD) at Philippine Army ang pagpapatupad ng checkpoint sa Maynila matapos makatanggap ng sunod-sunod na bomb threat sa mga eskuwelahan na malapit sa Malacañang. (BONG SON)

Read More »

MULING nagkainitan ang magkabilang grupo ang pro at anti-Marcos, habang hinihintay ang resulta ng oral arguments kung papayagan na ilibing sa Libingan ng mga Bayani, ang dati at yumaong Pangulong Ferdinand Marcos. ( BONG SON )

Read More »

Pull out coal now

NAGKILOS-PROTESTA ang mga residente ng Barangay 105 Happy Land, Tondo, Maynila sa harapan ng Manila City Hall upang manawagan na tuluyan nang palayasin ang tambakan ng nakakalasong coaldust stockpile sa warehouse ng Rock Energy Corporations sa kanilang lugar sa Tondo, Maynila. ( BONG SON )

Read More »

PINANGUNAHAN ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon ang inspeksiyon sa limang container van na naglalaman ng kontrabando mula sa China. Kasama niyang nag-ikot ang media consultant na si Mocha Uson. ( BONG SON )

PINANGUNAHAN ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon ang inspeksiyon sa limang container van na naglalaman ng kontrabando mula sa China. Kasama niyang  nag-ikot ang media consultant na si Mocha Uson. ( BONG SON )

Read More »

SABOG ang ulo at nasunog pa ang motor ng biktimang si Henry Venates nang makaladkad ng trailer truck 138008 na minamaneho ni Michail Bernardo Reyes, residente sa San Andres Bukid, Maynila, sa Plaza Dilao, malapit sa kanto ng Quirino Avenue sa Paco, Maynila kahapon ng umaga. ( BONG SON )

Read More »

NAGSAGAWA ng surprise drug test sa mga opisyal at tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) bilang bahagi ng kampanya laban sa droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. ( BONG SON )

Read More »

Sa labas ng Palasyo, makikita ang iba’t ibang Duterte souvenirs and items na ibinebenta sa bangketa. ( Bong Son )

Read More »

NAGSAGAWA ng lightning rally ang mga miyembro ng Kabataang Makabayan sa kahabaan ng Rizal Avenue, Maynila upang ipanawagan kay Incoming President Rodrigo Duterte ang pagpapatuloy ng peace talks sa CPP-NPA at labanan ang anila’y pagsabotahe ng imperyalistang US sa usapang pangkapayapaan sa bansa. ( BONG SON )

Read More »

NAGKILOS-PROTESTA ang militanteng grupong College Editors Guild of the Philippines (CEGP) sa harap ng Department of Justice (DoJ) sa Padre Faura, Ermita, Maynila upang manawagan sa bagong halal na Pangulong Rodrigo Duterte na palayain ang lahat ng mga bilanggong politikal na nakulong sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. ( BONG SON )

Read More »

DISBENTAHA sa  mga estudyante ang pagpapatupad ng K-12 ng Department of Education (DepEd), ayon kay Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na sinabi niya sa regular na Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Maynila. Kasama niya bilang panelist sa talakayan sina education assistant secretary Jessie Mateo at Preciosa Soliven ng Operation Brotherhood Montessori. ( BONG SON )

Read More »

NANINDIGAN si Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na hangga’t hindi nakapapanumpa si Incoming President Rodrigo “Digong” Duterte ay hindi maituturing na opisyal ang kanyang mga pahayag. Kaugnay nito, kaya pansamantalang idineklara ng Senador ang ‘ceasefire’ habang binabantayan ang mga susunod na hakbang ng mauupong Pangulo. Idineklara ito ni Trillanes nang dumalo sa nangungunang media forum na KAPIHAN sa Manila Bay …

Read More »

BIGAS HINDI BALA! Ito ang sigaw ng mga militante at kaanak ng mga magsasakang anila’y minasaker noong Abril 1, sa kanilang kilos-protesta sa harap ng Department of Justice (DoJ) upang ipanawagan ang pagpapalaya sa 71 magsasakang inaresto ng mga pulis sa Kidapawan, North Cotabato. ( BONG SON )

Read More »

SINAMPAHAN ng kasong kidnapping, murder at robbery ang tatlong pulis na sina Inspector Elgie Jacobe, PO1 Mark Jay Delos Santos at PO1 Edmon Gonzales at ang mga sibilyan na sina Do-mingo Balanquit at Empire Salas kaugnay sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Adora Lazatin na inilagay ang bangkay sa drum at ipinaanod sa Ilog Pasig. Ang mga suspek ay …

Read More »

UPANG maginhawaan sa tindi ng init ng panahon at makatipid imbes na mag-outing sa beach, naligo na lamang ang mga kabataan sa portable swimming pool sa Road 10, Tondo, Manila. ( BONG SON )

Read More »

MAHIGPIT pa ring ipinatutupad ng Manila Police District (MPD) ang police checkpoint sa Road 10, Tondo, Maynila bilang bahagi ng pagpapatupad ng Comelec gun ban. ( BONG SON )

Read More »

NAGKAMAY sina congressman Amado Bagatsing at nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo Lim sa ginanap na “Thrilla at UP Manila Round 2” pero desmayado ang nagtaguyod na The Good Neighbor’s Initiative (GNI) dahil hindi sila sinipot ni Erap Estrada nang walang ano mang abiso. ( BONG SON )

Read More »

NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang grupo ng health workers sa United Nation Avenue sa Maynila kasabay ng paggunita sa World Health Day kahapon. Mahigpit nilang tinututulan ang pagsasapri-bado ng mga pagamutan. ( BONG SON )

Read More »

NAKOMPISKA mula sa 83 kalalakihan ang P2.5 milyon halaga ng shabu, drug paraphernalia at mga baril sa isinagawang anti-drugs operation ng Manila Police District Station 3 sa loob ng Golden Mosque Compound sa Quiapo, Maynila. ( BONG SON )

Read More »

NAGMARTSA ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) kasama ang grupo ng Kabataang Makabayan bilang pagdiriwang ng ika-47 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan (NPA) sa Mendiola Bridge sa San Miguel, Maynila kahapon. ( BONG SON )

Read More »

IGINUHIT NG TADHANA. Tila iniaadya ng pagkakataon, nagkita at nagyakap ang ‘nagtuturingang mag-utol’ na sina senators Bongbong Marcos at Grace Poe sa gilid ng  gusali ng PhilPost sa Plaza Lawton, matapos magsalita ng lalaking senador sa proclamation rally ni Erap. Ang ‘mag-utol’ ay kapwa inendoso ni Estrada bilang tumatakbong presidente at bise-presidente para sa   May 9 elections. ( BONG SON …

Read More »

INAAYOS ng mga tauhan ng Meralco ang bumagsak na transformer makaraan sumabit sa isang container van at tinakbuhan ng hindi nakilalang driver sa Carlos Palanca St., Quiapo, Maynila.  ( BONG SON )

Read More »

IPINAABOT ni Dr. Benjamin Mendillo Jr., Puno ng Sangay ng Salin ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pasasalamat sa HATAW Diyaryo ng Bayan sa pagtataguyod at paggamit ng wikang Filipino sa tamang paraan sa Kapihang Wika na ginanap sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) kahapon. Naniniwala ang KWF na makatutulong ang pahayagan sa kanilang isinusulong na …

Read More »

NAGMARTSA patungo sa U.S. Embassy ang mga raliyista bilang paggunita sa ika-117 anibersaryo ng Philippine-American War, at iginiit ang abolisyon sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). ( BONG SON )

Read More »