Tuesday , July 29 2025

Alvin Feliciano

Revilla, Enrile at Jinggoy

TIYAK tapos na ang termino ni PNoy ay hindi pa natatapos ang pagdinig sa kaso nina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr. Ito ang ating tinitiyak dahil matatagalan ang trial ng kanilang mga kaso dahil sa dami nito at dahil sa dami ng pwedeng isampang motion ng magkabilang panig. Hindi basta-basta ang naturang mga kaso dahil …

Read More »

Bati na sina Erap at Binay

SANA ay magtuloy-tuloy nang muli ang magandang samahan nina Manila Mayor Erap Estrada at Vice President Jojo Binay. Ito ang dapat mangyari dahil ito lamang ang paraan para mapagwagian nila ang darating na 2016 election na ang pambato ng Liberal Party na si Mar Roxas ang kanilang mabigat na makakalaban. Mabuti na lamang at nag-isip ang dalawang lider ng oposisyon …

Read More »

Ibang klase si Purisima

Mangingibang bakod na raw si Finance Sec. Cezar Purisima dahil ba palubog na ang barko ni PNoy? Ito ang pag-aanalisa ng mga political observer ng bansa dahil malinaw sa pagkatao ni Purisima, na isa siyang taong nang-iiwan sa ere. Malinaw sa ginawa niya kay dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pang-iiwan kasama pa ang ibang miyemro ng tinaguriang Hyatt 10 kaya’t …

Read More »

Ombudsman tulog sa kaso ni San Pedro

DALAWANG taon na ang nakalilipas ay wala pa rin matibay na resulta ang kasong graft na isinampa laban kay dating Muntinlupa Mayor Aldrin San Pedro. Ito ang nakalulungkot na katotohanan sa itinatakbo ng multi-million graft cases ni San Pedro gayong malinaw naman na sapat ang ebidensi-yang isinumite ng kanyang dating tauhan, na nakonsiyensya dahil sa talamak na katiwalian sa administrasyon …

Read More »

Laging sablay ang DepEd

TAMA ang mga mambabatas na mukhang hindi kayang patakbuhi nang maayos ni Sec. Armin Luistro ang Department of Education. Ito ang kasi ang taon-taon na lumalabas kapag dumarating ang pasukan ng ating mga mag-aaral lalo’t higit sa mga pampublikong paaralan maging ito man ay elementarya o high school. Hindi kaaya-aya ang paliwanag ng DepEd lalo’t higit sa usapin ng kakulangan …

Read More »

Buburahin ba ni PNoy ang Estrada?

Mukhang uubusin ng administrasyon ni PNoy ang pamilya Estrada? Sinimulan nila ang pagdidikdik kay Senador Jinggoy Estrada at kamakailan lamang ay pinatalsik ng Comelec si Laguna Gov. ER Ejercito. Bukod pa rito may naka-pending rin na disqualifiaction case si Manila Mayor Erap Estrada sa Korte Suprema kaya’t marami ang nagtatanong kung may plano ba ang administras-yon na burahin na ang …

Read More »

Edukasyon prioridad sa Muntinlupa

Swerte ang mga kabataang taga-Muntinlupa dahil naging prioridad ng kasalukuyang administrasyon ang edukasyon. Sa hindi nakaaalam, magmula sa elemen-tarya hanggang kolehiyo ay mayroong scholarship program ang rehimeng Fresnedi kaya naman talagang may katiyakang may magandang kinabukasan ang mga kabataan sa naturang siyudad. May kasabihan nga tayo na ang kabataan ang pag-asa ng bayan kaya naman dito natin nakikita sa lungsod …

Read More »

Good governance ni Win Gatchalian

KAKAIBA ang naging diskarte nitong si Valenzuela City Cong. Win Gatchalian noong ito ay alkalde pa lamang. Grabe kasi ang ginawa nitong pagsusumikap para maiangat ang Valenzuela sa pedestal na kinalalagyan nito sa ngayon lalo na sa usaping ng maayos na pamamahala sa lokal na pamahalaan. Sangkatutak na pagkilala ang tinanggap ng Valenzuela City mula sa pamahalaang nasyonal at iba’t …

Read More »

‘Di makapag-antay si Hagedorn?

MUKHANG atat na atat na si dating Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn na makabalik muli sa city hall? Hindi pa man kasi natatapos ang termino ng tumalo sa kanyang asawang si Elena na si incumbent Mayor Lucilo Bayron ay gusto na niyang paalisin sa pwesto. Sa hindi nakaakaalam, si Bayron ay bilas ni Edward Hagedorn dahil ang kanilang mga asawa …

Read More »

Matatag pa ba ang LP?

MARAMI ang nagtatanong kung ang Liberal Party (LP) ni PNoy ang magiging hari bago sumapit ang 2016 election. Balitang-balita kasi sa Kamara na sangkatutak na kongresman na kaanib ngayon ng LP rin ni Mar Roxas ang lilipat ng partido at nag-aantay lamang ng magandang tiyempo. Perfect timing ang gusto ng mga kongresista at dito raw tiyak mabibigla ang liderato ng …

Read More »

Iba na ang Munti kay Fresnedi

MALAKI na talaga ang ipinagbago ng Muntinlupa sa pamamahala ni Mayor Jimmy Fresnedi dahil sa pagiging tutok sa trabaho nito bilang chief exe-cutive ng siyudad. Ang pagbabago ay kapansin-pansin dahil kitang-kita ang mga proyektong isinagawa nito magmula sa pagawaing bayan hanggang sa pag-hahanda sa kalamidad. Maging ang pagpapaigting ng kakayahan ng mga empleyado ng city hall ay pinagtuunan din ng …

Read More »

Patayan sa Caloocan ng barangay officials, unli

NAGTATAKA ang mga barangay officials sa Caloocan City kung bakit hindi kayang mapigilan ng lokal na pulisya at ng pamunuan ni Mayor Oca Malapitan ang ginagawang pagpatay sa kanilang mga kabaro na nagsisilbi sa mga residente sa kani-kanilang lugar. Base sa record ng pulisya, simula lamang noong Enero ng kasalukuyang taon ay umabot na sa limang barangay officials ang napapatay …

Read More »

Muntinlupa aangat kay Fresnedi

MULING nabuhay ang sigla ng Lungsod ng Muntinlupa sa pamumuno ni Mayor Jaime Fresnedi. Kakaiba kasi ang estilo ng pamamahala ni Fresnedi lalo na sa usapin ng tahasang pagbibigay ng serbisyo sa tao. Hands on leadership ang style ni Fresnedi kaya’t ang lahat ng kaliit-liitang detalye ng kanyang mga isinasakatuparang proyekto ay talaga namang nasa ayos at kapaki-pakinabang sa mamamayan …

Read More »

Kawawang empleyado ng Caloocan

Nakaaawa pala ang job order employees ng Caloocan City government. Napag-alaman kasi natin na inaabot ng da-lawa hanggang tatlong buwan bago sila pasahurin ng lokal na pamahalaan na pinamamahalaan ngayon ni Mayor Oca Malapitan. Lahat na raw ng pagtitis ay kanilang ina-abot at maging ang kanilang hiya ay kanila na rin kinakain dahil ito lamang daw ang makasasagip sa kanilang …

Read More »

Total makeover kay Roxas

DAPAT nang baguhin ang imahe ni DILG Sec. Mar Roxas sa publiko kung gusto talaga ng Liberal Party na siya ang pumalit kay PNoy sa Malakanyang. Ito kasi ang isa sa pinakakailangan sa imahe ni Roxas na sa hindi malamang kadahilanan ay nanatiling negatibo ang dating sa publiko sa kabila na hindi nadawit sa kahit ano mang isyu ng kurakutan …

Read More »

Erap pinaiikot ng Malakanyang?

BINOBOLA lamang ng mga tactician ng Malakanyang at Liberal Party si Manila Mayor Joseph Estrada. Ito ang nakikita ng madla sa ginagawang pagpayag ng Malakanyang para makakilos nang husto ang matandang Estrada upang makondisyon ang utak nito at kanyang supporters na malakas pa rin siya sa publiko. Pero dapat pakatandaan at pakaisiping mabuti ni Erap na ang mga boss ng …

Read More »