Tuesday , July 23 2024

‘Di makapag-antay si Hagedorn?

MUKHANG atat na atat na si dating Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn na makabalik muli sa city hall?

Hindi pa man kasi natatapos ang termino ng tumalo sa kanyang asawang si Elena na si incumbent Mayor Lucilo Bayron ay gusto na niyang paalisin sa pwesto.

Sa hindi nakaakaalam, si Bayron ay bilas ni Edward Hagedorn dahil ang kanilang mga asawa ay magkapatid.

Matindi ang nangyaring gapangan ng mga ka-grupo ni Hegedorn para maging matagumpay ang kanilang recall petition dahil halos doble sa pangangailangang pirma ang kanilang nakalap para matuloy at mailuklok nilang muli ang dating mayor na natalong senador nitong nakalipas na election.

Mula sa kailangan sanang 19,000 na lagda ng mga rehistradong botante ay nakakalap ang mga pro recall groups ng mahigit sa 40,000 pirma.

Ganito katindi ang labanan sa Puerto Princesa dahil bukod sa magkadugo ang magkalaban ay talaga namang hindi na maantay ang talagang halalan.

Maging ang supporters daw ng magkabilang grupo ay nagkakainitan na rin kaya’t dapat maging laging handa ang pulisya sa anomang mangyayari.

Binubutas ng pro recall groups na tumamlay raw ang negosyo ng turismo sa siyudad ngunit kung pagbabasehan ang tala ng national government ay patuloy itong umuunlad.

Maging ang mga pagawaing bayan ay patuloy at mas marami kaya’t labis ang pagtataka ng mga tahimik na mamamayan ng lungsod sa itinutulak na recall election.

Maging ang scholarship program sa panahon ni Bayron ay talaga namang kakaiba dahil mula elementarya ay talagang pinag-ukulan nito ng pansin.

Kakaiba ang Puerto Princesa pero dapat sana ay maging mapag-antay ang mga lider-politiko rito dahil dapat nilang tanggapin na ang lahat ay may hangganan.

Alvin Feliciano

About Alvin Feliciano

Check Also

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

NAGSANIB-PUWERSA ang kompanyang Far East Holdings Inc. (FEHI) at ang Department of Human Settlement and …

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

NAMAHAGI si First Lady Louise “Liza” Marcos, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) ng …

Cecille Bravo PWDW Filmfest Peoples Legacy Awards

PWDW Filmfest People’s Legacy Awards 2024 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang inaugural PWDW Film Fest People’s Legacy Awards 2024 na ginanap sa  QCX …

Gary Valenciano Inspired

Gary Valenciano pinakaba ang netizens sa black & white poster

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang matawa ni Gary Valenciano sa naging reaksiyon ng netizens sa black and …

GMA Gala PBB Gen 11

PBB at GMA Gala nagtapatan, sino ang nag-trending?

I-FLEXni Jun Nardo KATAPAT sa  streaming ng GMA Gala ay ang pagbubukas muli ng Bahay ni Kuya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *