Wednesday , July 24 2024

Club cum putahan sa QC, kontrolado ng Kwadro de Jack (Anyare Gen. Richard “KA BANONG” Albano?)

APAT na personalidad ang may kabuuang kontrol sa mga ‘putahan’ at bold show sa lungsod ni Mayor Bistek Bautista.

Ang mga ito ay sina alias FERRY M., TED SAPITULA,BIG DADDY BUTCH at isang editor ng Tabloid na si BOY R-SON na siyang contact ng mga club at sauna bath operators para sa malayang operasyon ng tiangge ng laman (flesh trade).

Parang PAGCOR na rin ang KWADRO DE JACK, sa kanila kasi kumukuha ng ‘PRANGKISA’ ang mga club at sauna bath operators sa kanilang kababuyang negosyo. Pati kaya taxes o buwis ay naniningil na rin ang grupo? Para rin palang BIR … hehehe …

A clear case of protection racket!

Umiiyak na po ang miyembro ng pulisya ng Kyusi sa panghihimasok at pangha-harass ng apat na binansagangKWADRO DE JACK.

Kahit itanong pa kay BONG BUGAW ng BALAI LUNA CLUB!

Ayon sa source, mistulang mafia umano ang estilo ngKWADRO DE JACK dahil sa kanila umano kumukuha ng ‘blessings’ sa kanilang ilegal na operasyon ang mga sauna bath at night club operators.

Sa grupo rin po ipinagkakaloob ang linggohang ‘payola’ para sa mga pulis.

Pati na umano ang para kay General Richard Albano, ang director ng Quezon City Police District ay mula rin umano kina FERRY M. TED SAPITULA, BIG DADDY BUTCH at BOY R-SON nanggagaling.

Nagtataka tayo rito kay Gen. Richard ‘KA BANONG’Albano, ngayon lamang tila nabahag ang kanyang buntot sa mga ganitong nilalang na pasimuno ng kaputahan sa kanyang siyudad.

Malayong-malayo ang ‘KA BANONG’ na kilala natin noong kapanahunan pa niya sa Bulacan.

Kahit pa nga gobernador o sinong Herodes na alkalde ang kanyang makabangga sa paglilinis n’ya noon sa lalawigan ng Bulacan laban sa prostitusyon ay kanyang sinasagasaan.

Naaalala pa natin kung paano ‘winalis’ ni KA BANONG ang kahabaan ng Mcarthur Highway na sakop ng mga siyudad ng Meycauayan at mga bayan ng Bocaue, Marilao hanggang Guiguinto na kinaroroonan ng mga pamosong club at cabaret.

Nawala na nga bang talaga ang tikas at kamandag ng KA BANONG na hinahangaan natin?

Mga uhuging ilegalista at mga enterprising mediamen na lang ba ang katapat n’ya ngayon?

Anyare sa iyo Gen. “Ka Banong” Albano?

Bakit mo hinahayaang mayurakan ang iyong pangalan ng mga kakaning-itik na tulad nina FERRY BALAKUBAK atBIG DADDY BUTCH na tatay umano ng isang mataas na opisyal ng QC city hall?

Bakit ang mga katulad nina BOY R-SON at TED SAPITULA ay kaya kang soplahin?

Demoralisado na po ang mga opisyal mo diyan sa QCPD.

Kaya naman kahit pa gustuhin ng mga pulis ng QCPD na salakayin ang mga establisyementong IDOL, BARTOLINAat TAKUZA sa Cubao area, CLASSMATE, KREMLIN atIMPERIAL SAUNA Bath sa Quezon Avenue ay hindi ito magawa.

Ganoon din ang kaso ng GEORGETOWN sa Mindanao Avenue, PARADISE sa Quirino Highway at SUPERSTARsa Commonwealth Avenue.

Inutil din ang tanggapan ni KA BANONG sa talamak na ‘high class’ prostitution sa BALAI LUNA CLUB sa Sir William Apartelle Timog na umano’y pinoproteksyonan ng isang alyas General Ulo gamit pa ang pangalan ni E.S. Paquito “Jojo” Ochoa.

Minor na GROs at receptionists po dear readers ang pawang ibinubugaw sa club na ito.

Anong nangyayari Mayor Bistek Bautista sa siyudad mo?

May balak ka pa bang manatiling alkalde ng Kyusi, o first term-last term mo na ‘yan?

Galaw-galaw din pag may time. ‘Wag ‘yang puro tulog sa pansitan!

1602 NI BOLOK

MAS LUMAWAK NA!

Si Tony Santos o “Bolok” na kilalang gambling lord mula Marikina City na nag-o-operate hanggang Camanava, Pasig City at Rizal province na may naipundar na malalaking bahay sa Marikina at sa Brgy. San Antonio, Pasig City.

Ilan sa mga sinasabing lider ng mga kabo ay ang mga nagngangalang Mayo “May” dela Rosa na residente ng Dr. Sixto Antonio Ave., Brgy. Rosario, Pasig City; Sina Gigi Kaingat, Roland Mercado na parehong mga kabo at isangGary Villanueva ang bumabalwarte sa Caingat compound, Dr. Sixto Antonio Ave., Brgy. Rosario; operator ng Lotteng sa Pasig City ang mag-asawang Cris at Rose.

May kasunod … ABANGAN!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air “Monday – Friday 2:00 – 3:00 pm. mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About Rex Cayanong

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

Sonny Angara DepEd

Panawagan kay Angara
SUWELDO NG MGA GURO ITAAS, ‘KORUPSIYON’ SA DepEd DAPAT TUGUNAN — TINIO

NANAWAGAN si dating ACT Teachers Rep. Antonio “Tonchi” Luansing Tinio kay bagong-upong Department of Education …

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

NAGSANIB-PUWERSA ang kompanyang Far East Holdings Inc. (FEHI) at ang Department of Human Settlement and …

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

NAMAHAGI si First Lady Louise “Liza” Marcos, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) ng …

Cecille Bravo PWDW Filmfest Peoples Legacy Awards

PWDW Filmfest People’s Legacy Awards 2024 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang inaugural PWDW Film Fest People’s Legacy Awards 2024 na ginanap sa  QCX …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *