Thursday , June 4 2026

Erap pinaiikot ng Malakanyang?

BINOBOLA lamang ng mga tactician ng Malakanyang at Liberal Party si Manila Mayor Joseph Estrada.

Ito ang nakikita ng madla sa ginagawang pagpayag ng Malakanyang para makakilos nang husto ang matandang Estrada upang makondisyon ang utak nito at kanyang supporters na malakas pa rin siya sa publiko.

Pero dapat pakatandaan at pakaisiping mabuti ni Erap na ang mga boss ng LP na nasa Palasyo ang nagdidiin ngayon sa anak niyang si Jinggoy, na posibleng maging dahilan para bumalik sa hoyo ang panganay na anak ni Erap kay Loi.

Sa ating pagtatasa sa mga tactician ng Palasyo ay nakikita nilang si Erap ang makahahati so boto ni Binay pero tiyak kong may kakaibang iniisip naman dito ang mga Estrada dahil beterano rin sila sa politika.

Alam natin mabait si Erap pero tiyak na hininog na rin siya ng panahon at tiyak na nababasa rin niya ang gustong scenario ng LP ni Roxas.

Sa madaling salita, ginagamit din ni Estrada ang grupong Roxas para makaikot at mapaangat niyang muli ang sarili sa publiko dahil posibleng ito ang maging solusyon sa kanilang problema lalo na kay Jinggoy.

Siyempre kapag umangat si Erap ay posible siyang maging pangulo ng bansa at kasunod na noon ang pagka-abswelto ni Jinggoy sa PDAP scam.

Dalawang ibon sa iisang putok ang posibleng nakikita natin kay Erap sa ngayon at iyan ang dapat limiin din ng Malakanyang lalo na si Roxas.

Marami pang mangyayari sa politika sa bansa pero iisa lang ang tiyak dahil palagiang mananaig dito ang gulangan dahil isa ito sa aspetong kailangang-kailangang para makamit ang Malakanyang.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …