KUNG itutulad lang ang kalagayan ng Canada garbage na nakatenga almost eight months sa MICP Customs sa isang buntis, due na ito sa panganganak kumbaga sa isang magiging nanay.
Kailangan kalampagin nang husto ni Commissioner Sevilla ang MICP Collector na sabihin kung ano talaga ang dahilan ng inaction sa basura mula sa Canada na dumating sa bansa noon pang Oktubre 2013, panahon pa ni dating Commissioner Ruffy Biazon.
May nasagap tayong balita na ang original recommendation ng MICP Environmental Protection Unit na nakadiskubre ng mga basura sa 60 container vans ay iisyuhan na ng WSD (warrant of seizure and detention). Hindi lang basta seizure order na umano ay gustong mangyari ng MICP law division.
Umano ay WSD ang recommendation ng MICP-EPU sa pamumuno nina dating hepe Maj. Enad at Capt. Paul Gitona. Ang kanilang recommendation had steemed from their findings thtat the shipment did not have an eviromental certificate from DENR. Hindi lang may tumatagas na parang toxic materials sa mga basura.
Kung ito pala ang recommendation from the very start, bakit nag-dilly-dally ang law division sa MICP. Balita kamakailan, gusto pa rin palabasin na may tagas na toxic substances at iyong main isyu na walang envrionemtnal clearance ertificate hindi napag-uusapan.
S’yempre, hindi papaya sina Maj. Enad at Capt. Gitona na baliktarin ang kanilang recommendation na isyuhan ng WSD dahil walang permit mula sa DENR. Ito ngayon ang dapat tutukan ni MICP Collector. Hindi basta-basta isyu ito dahil kalusugan ng tao ang nakasalalay dito. Baka maunahan kayo ng Kongreso na magbubukas, maging premature baby ang anak nito.
Nabanggit na natin na ang nasa likod nito ay isang syndicate sa pamumuno ng isang mayor na Tsinoy sa Bicol. Balitang sabit sa smuggling tulad ng Peking duck noon. At ngayon naman, basura king?
Ang balita pa natin P120,000 ang contract bawat container van sa nasabing mayor. Ang nakuhang ‘facilitator’ ay anak ng isang notorious player sa Customs. Ang pangalan ng player ay John Paul T.
Walang pondo ang bureau para sa magastos na pagbabalik ng basura sa Canada. Wala rin pondo ang Bureau para sa fumigation nito. Bakit daw kaya pinipilit na toxic material basta at hindi i-adopt ang EPU recommendation na walang DENR. Nariyan naman sina Capt. Gitona at Maj. Enad na willing na magbigay ng kanilang statement.
Sino sa Bureau ang nakinabang sa kickback na P120, 000 kada container van? Hindi lang naman ngayon nangyari ito. Mayroon mga precedent na sa customs.
Arnold Atadero