Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco Martin at Julia Montes, nagkakaigihan na ba talaga?

00 Alam mo na NonieMATAGAL nang tsika ang pagli-link kina Coco Martin at Julia Montes. Pero, kabilang kami sa nagtataka kung bakit hindi nawawala ang balitang ito kahit 2014 pa natapos ang huli nilang teleserye, ang Ikaw Lamang sa ABS CBN.

On and off ang balita kina Coco at Julia, kaya marami ang nag-aabang kung nagkakaigihan na ba talaga ang dalawa. Aminado naman si Julia na kahit matagal nang nagtapos ang TV series nila ni Coco, may komunikasyon pa rin daw sila ng award-winning actor.

“Siguro siyempre alam ko rin kasi, dapat muna mag-focus and relax, take it slow and go with the flow, ganyan. Iyong commmunication namin hindi naman naputol. Iba lang ‘yung communication namin ngayon.

“May usapan naman kami. Nag-uusap naman kami. Siya na lang ang anohin ninyo sa mga tanong ninyo. Siya na lang tanungin ninyo. Hindi naman iyong babae ang dapat na sasagot. ‘Tsaka busy nga po ako,” saad ng dalaga.

Sinabi rin ni Julia kung bakit hindi siya nali-link sa ibang leading men niya.

“Focused kasi talaga ako sa work. Kasi iyong character ko rin talaga in real life, parang one of the boys. So, ayaw ko iyong magpo-promo para lang sa show or whatever. Parang nakaanuhan ko na yung magustuhan nyo iyong tandem namin sa work, hindi yung kapag off-cam ganoon.”

Ayon pa sa Kapamilya aktres, na iba raw kasi talaga ang friendship nila ni Coco.

“Siguro iba talaga iyong nag-start ang friendship namin, yung foundation talaga strong and until now I can say kung sino yung mapagkakatiwalaan ko and relaxed and komportable ako, siya talaga. Kasi talagang sa kanya ako relaxed and kilala ko kasi iyong buong Coco Martin or Rodel Naciancano na talagang hindi showbiz, lalaki, Filipinong lalaki.

“Lahat siguro ng blessing na work sa akin, kung saan ako nag-start ng mature role, siya na talaga nakasama ko kaya siya rin talaga yung isa sa tumulong sa akin na maging kung ano itong naibibigay ko ngayon.”

Nang paaminin pa ang star ng TV series na Doble Kara kung sila na ba ni Coco, ang matipid na sagot niya ay, “Lahat naman ng bagay hindi naman dapat minamadali. In time, in time.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …