Sunday , December 22 2024

Gawa hindi ngawa — Chiz (Marcos panagutin sa martial law)

“Higit sa salita, aksyon ang mas mahalaga.”

Ito ang iginiit ng  independent vice presidential candidate na si Sen. Chiz Escudero nitong Lunes kasabay ng pahayag na mas mahalaga ang aksiyong nagpapanagot sa pagmamalabis ng mga Marcos noong Martial Law imbes paulit-ulit na magsalita laban dito.

Sa isang panayam, tinanong si Escudero kung nahihirapan siyang magsalita laban sa pang-aabuso ng mga Marcos dahil ang kanyang ama ay nagsilbi bilang Kalihim ng Pagsasaka.

Sagot ni Escudero, “Hindi naman lahat nadadaaan lang sa salita. Kapag may nagawa ka na, siguro dapat ‘yung nagawa mo ang tatayo bilang konkretong pahayag.”

“Ako ang pangunahing author at sponsor ng batas na nagsasabing dapat magbayad ng kompensasyon sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Mahigit 25 taon nakabinbin sa Kongreso ang panukalang ito. Noong naging chairman ako ng Committee on Justice, doon lamang naipasa ‘yun, miyembro pa ng Senado si Senator Marcos.”

Ang tinutukoy ni Escudero ay pagsasabatas ng Republic Act 10368 na mas kilala bilang “Human Rights Victims Reparation and Recognition Act” na kumikilala sa “pagkabayani at sakripisyo ng lahat ng Filipino na biktima ng summary execution, torture, enforced disappearrance at iba pang garapalang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos” at nagbibigay ng “pagbabayad-pinsala sa mga biktima at kanilang mga pamilya para sa mga namatay, napinsala, nagdusa at napagkaitan ng rehimeng Marcos.”

Si Escudero rin ang may-akda ng dalawa pang batas para tiyaking hindi na muling maulit pa ang pagmamalabis ng Martial Law: ang RA 9745 o ang Anti-Torture Act na naisabatas noong 2009; at ang RA 10353 o ang Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act na nilagdaan bilang batas noong 2012.

Sa nasabing panayam, sinabi ni Escudero na dapat humingi ng kapatawaran si Sen. Marcos, na tumatakbo rin bise presidente, para sa mga kalupitang pinairal noong panahon ng martial law.

Aniya, dapat din ibalik ng mga Marcos ang kanilang “ill-gotten wealth” na nakuha nila sa kasagsagan ng diktadurang Marcos.

Sinalungat ng Bicolanong senador ang madalas sabihin ni Sen. Marcos na kalimutan na ang nakaraan at “iiwan na” ang mga pangyayari noong Martial Law.

“Kailangan pagpulutan natin palagi ng aral ang kasaysayan para hindi natin pilit na inuulit ang mga pagkakamali ng nakaraan. ‘Yun ang paniniwala ko.”

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *