Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erap No Show sa Thrilla in Manila

ININDIYAN ni dating Pangulong Joseph Estrada ang itinakdang debate ng mga kandidato para alkalde sa UP-PGH Science Hall ng University of the Philippines sa Maynila, kahapon. 

Dumating ang nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo S. Lim, 15 minuto bago ang itinakdang rehistrasyon dakong 1 p.m. habang si Bagatsing ay dumating naman bago ang umpi-sa ng debate ng 2 p.m.

Nagpahayag nang pagkadesmaya ang mga organizer sa pag-isnab ni Estrada na sinasabing hindi nagkompirma o nagpahayag ng pagdalo o ‘di pagdalo at wala rin anilang kinatawan na kumontak upang ipaliwa-nag ang estado ng imbitasyon.

Habang nagkagulo ang media nang lapitan ni Lim si Bagatsing at kamayan sabay upo sa tabi nito.  Inimbitahan din ni Lim si Bagatsing na tumayo para magkamayan.

Sa nasabing okasyon ay binatikos ni Lim ang mga kasinungalingang ipinakakalat umano ni Estrada na bankrupt ang Maynila nang siya ay pumasok sa City Hall pagkaalis ni Lim.

Ipinakita ni Lim ang isang  certification na pirmado ni city treasurer Liberty Toledo na nagsa-sabing ang kabuuang pondo na iniwan ni Lim nang umalis siya sa City Hall ay mahigit P1.5 billion.  Aniya, si Toledo ay treasurer nang si Estrada na ang mayor at ang nasabing certification ay inilabas noong July 4, 2013 matapos ang termino ni Lim.

“Hawak ko ang records para pasubalian ang mga kasinungali-ngang ipinakakalat na iniwan kong bangkarote ang Maynila. May nagsisinungaling dito. Alam n’yo naman si-guro kung ano ang ka-patid ng sinungaling,” ani Lim.

Kinuwestyon din ni Lim kung saan kumuha ng pansuweldo ang City Hall para sa mahigit 12,000 empleyado nito mula Hulyo hanggang Disyembre 2013 kung totoong bankrupt ang City Hall nang matapos ang kanyang termino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …